Chereads / THE BILLIONAIRE'S PART-TIMER / Chapter 33 - Chapter 32

Chapter 33 - Chapter 32

"Oo. Iyon kasi ang findings. Kaya kung ako sa'yo, kay Raven ka na lang. Hindi sa dini-discourage kita, Zai. Doon na tayo sa reality."

"Kung makapagsalita ka para kang may asawa na."

"Dating muna," tugon nito sabay ngiti.

"Grabe, sumakit ang sentido ko sa mga sinabi mo."

"Buti nga at nasabi ko sa'yo para aware ka na may ganoong nangyayari sa bahay at sa buhay ni Sir Zack. Pero naaawa ako kay sir sa kalagayan niya at tama lang talaga na nariyan ka para alalayan siya. Pero hindi siya pang-husband material dahil sa kalagayan niya. Sabagay, pwede naman ang artificial insemination ngayon."

"Hindi ko alam kung saan ka humugot ng mga sinasabi mo. Ang dami mong alam."

"Well, thanks sa libreng wifi sa bahay ng boss natin. Na-enhance ang hampaslupang katulad ko. Akin na rin itong mangga."

"Bahala ka. Kung gusto mo ay i-uwi mo lahat iyan."

"Ayaw mo kasing kainin at sayang naman."

Napailing na lang siya sa kadaldalan ni Ann. Mas malala pa ito sa bente-kwartong oras na balita at nasasagap lahat ng mga kwento. Ngunit sa isip-isip niya, sobrang nawendang siya. Hindi niya akalaing ganoon pa ang sinapit ni Zack. Pero baka naman mali ang findings ng doctor kay Zack. Bakit naman taliwas ang kwento ni Ann sa…ano nito?Ibang-iba si Zack when it comes to sex. He's a perfect man for me. Nagagawa naman naming ang…sexual intercourse na walang problema maliban lang sa paa niya. God!

MAG-IISANG LINGGO na siya sa ospital at ang araw ng sabado na iyon siya makakalabas. Mabuti na lang at naging maayos na ang kaniyang pakiramdam pati na ang mga laboratory tests niya. 

"Flowers for you," wika ni Raven sabay abot nito ng bulaklak sa kaniya. 

Napakunot-noo naman siya sa ini-abot nitong bulaklak. "Ah, hindi ko naman birthday."

 Mabuti na lang at nasa labas si Zack at ini-ayos nito ang bill sa hospital kasama si Aling Lukring. 

"Birthday lang ba ang binibigyan? Sorry if I didn't visit you here since the day you were here. I am so busy then."

"It's okay. Thank you na rin pala sa pag-donate ng dugo mo sa akin."

"Wala iyon. Siyangapala, sina Zack at Aling Lukring?" tanong nito. 

"Inaayos na lang ang hospital bill ko rito at nagpunta na rin sa orthopedic doctor niya."

"Oh, really?"                      

"Oo. Hindi pa ba nasabi ni Zack sa'yo na balak na niyang magpa-bone surgery sa States kasama ako?"

"No. He doesn't tell me about that and sounds interesting, huh. Paano mo nakumbinse ang isang iyon?"

"Hindi ko siya nakumbinse. Siya mismo ang nagsabi sa akin at nagulat na nga lang ako."

"I see. May reward ka pala sa akin niyan." Pinagsalikop nito ang mga braso sa dibdib. "Anong reward ang gusto mo?"

"Hayaan mo na, Raven. Reward na iyong nadugtungan niyo ni Zack ang buhay ko. Thank you, sa nangangagat na anghel na tulad mo," biro niya sabay napangiti rito.

Napangiti din si Raven. "You still remember that, huh."

"Of course!"

"You're here."

Natigil ang ngitian nila nang naroon na si Zack at Aling Lukring. Naramdaman na nanan niyang hindi maganda ang ihip ng hangin na nang makita ang mukha ni Zack at tila naaubutan ang biruan nila.

"I thought you had a meeting today, Raven."

"Yeah. I change my schedule this afternoon just to drop by here, and I want to see Zairah if she's okay."

"She's okay now. You can go."

"Alright." Bumaling ito sa kaniya. "I'll go ahead, Zairah. Magpahinga ka at sundin mo ang sinabi ng doctor."

Tumango siya. "Thanks, Raven."

"Let's go. Naghihintay na rin si Leo sa labas," yaya ni Raven sa kaniya. 

Kumilos na rin sila upang lumabas na sa hospital. Nahuli pa niyang nakatitig si Zack sa bulaklak niyang bitbit wari ay may nais sabihin ngunit nanatili na lang itong tahimik.

HABANG nasa biyahe sila, hindi na naiwasang itanong ni Zack ang tungkol sa bulaklak na hawak-hawak pa rin niya. 

"Does Raven give you that?"

"Yes."

"Why don't you tell him that you don't like him?"

"Raven knows that."

"Then, throw it."

Napasulyap siya rito. "What do you mean?"

"Itapon mo iyan."

"Ha? Sayang naman ito, Zack." Napatingin siya sa mga pulang rosas. "Ang gaganda pa naman nila." At hindi ko alam kung ano na naman ang pumapasok sa isipan mo. Nagsusungit ka na naman. Nagseselos ka ba? Gusto na niyang itanong sa binata iyon ngunit pinigilan lang niya ang kaniyang sarili. 

"Leo," tawag nito sa driver.

"Yes, Sir Zack?"

"Dumiretso ka ng Dangwa!"

"Anong gagawin natin sa Dangwa?" pagtataka niya. 

"Bibilhin ko ang buong Dangwa!" inis na humalukipkip ito.

"Ano?!" bulalas niya.

Narinig niyang nagtawanan sina Aling Lukring at Leo sa unahan. Hindi niya alam kung biro ba iyon ni Zack o talagang totohanin dahil ang dinadaanan din nila ay papunta na rin ng Maynila. 

"Itatapon ko na ito! Kuya Leo, maaari bang itabi mo muna ang sasakyan?" Nataranta na siya dahil mukhang hindi nga nagbibiro ang binata. 

"Leo, itabi mo." 

Mabilis namang itinabi ni Leo ang sasakyan ayon na rin sa utos ni Zack. Pagkahinto ng saksayan sa tabi ay kumilos siya upang buksan ito. Pambihira ka talaga, Zack! Ano na naman ba ang nakain mo? Saktong pagbaba niya ay magkasintahang naglalakad at kinapalan niya ang mukhang ibigay ito. 

"Excuse me, gusto niyo ba ng bulaklak? Sayang kasi kaya ibigay mo na lang sa girlfriend mo."

"Sigurado ka, Miss?" tanong ng lalaki. 

"Ang ganda ng mga bulaklak," anang nobya nito. 

"Sige at sa'yo na. Magmahalan sana kayo ng wagas!" Sabay ini-abot niya ang isang bouquet ng bulaklak sa babae.

"Salamat!" Tuwang-tuwa naman ang dalawang magkasintahan.

Tumalikod na siya agad sa dalawang magkasintahan at pagbalik naman niya sa loob ng sasakyan ay tila ramdam pa niyang natutuwa si Zack base na rin sa aura ng mukha nito. 

"That's right." 

Nanghihinayang siya sa bulaklak ngunit sa kabilang banda naman ay natuwa na rin siya dahil nakatulong siya sa magkasintahan. Buti sana kung papalitan niya ang bulaklak ko! Nakalabas lang ako ng hospital, ganyan ka na. Tumahimik na lang siya sa sulok at nakatanaw sa mga nadadaanan. Naguguluhan na rin siya sa takbo ng utak ng boss niya. Ayaw na lang kasing sabihin na nagseselos siya o kaya ayaw niyang may nanliligaw sa akin. Ikatutuwa ko pa sana. My god, Zairah! Huwag ka na sigurong umasa.