Chereads / THE BILLIONAIRE'S PART-TIMER / Chapter 38 - Chapter 37

Chapter 38 - Chapter 37

LAMAN NG USAPAN nina Aling Lukring ang madrasta ni Zack nang maabutan niya ang mga ito sa kusina. Muntik pang sumigaw si Ann nang makita siya dahil akala nito ay siya si Mrs. Elizabeth Villa Acosta.

"Diyos ko!" Napahawak sa dibdib si Ann. "Akala ko ay ikaw na ang madrasta ni Sir Zack!"

"At ano naman ang tungkol sa madrasta niya?" pagkukunwari niyang tanong.

Sumilip pa ito sa likuran niya si Ann bago tumugon. "Kasi ganito iyon. Akala mo kasi kung sino ang umasta rito sa pamamahay ni Sir Zack. Aba! Panay ba naman ang utos sa amin, eh katatapos lang namin linisan. Kaya ikaw, Zairah, mag-ingat ka sa bruhang iyon!" Halatang gigil na gigil ito.

"Tama na iyan at baka marinig kayo." Bumaling si Aling Lukring sa kaniya. "Anong kailangan mo, Zairah?"

"Gusto ni Zack ng meryenda. Nasa study room siya at may ginagawa." Binuksan niya ang ref at tiningnan ang laman ng loob. "Anong mayroon dito?"

"Nag-bake lang ako ng cookies at may for sandwich naman diyan," wika ni Aling Lukring sa kaniya.

"Sige at gagawa na lang ako ng sandwich."

"Balita ko pupunta kayo ni Sir Zack sa Amerika, Zairah?" tanong ni Aling Lukring.

"Oo, Aling Lukring. Sasamahan ko lang siya para magpa-bone surgery."

"Wow! Ibig sabihin ay makakalakad na si Sir?" sabat ni Fe.

"Not sure pa, Fe. Titingnan pa ng mga doktor ang kalagayan niya."

"Alam mo, once nakalakad si Sir Zack, naku! Mas lalong kabahan na ako!"

"Bakit naman, Fe?" tanong ni Aling Lukring.

"Aling Lukring, kapag nakalakad si Sir Zack ay kakabahan na ako dahil matutuloy na ang date namin!"

"Ang agang kalokohan at imahinasyon na iyan, Fe. Hindi kayo bagay!"

"Bagay kami, hindi ba, Zairah?"

"Huh? Ah, oo naman!"

"See? May isa na akong boto kay Zairah."

"Tse! Huwag ka ng ambisyosa, dai! Ni dulo ng kuko mo ay hindi bagay kay Sir Zack!"

"Hoy! Tama na iyan at baka may makarinig sa inyo!" sita ni Aling Lukring.

Napapailing na lamang siya habang napapangiti dahil sa tinuran ng dalawang sina Fe at Ann na parang mga batang nagtatalo sa isang laruan. Ngunit napaisip siya kung paanong makalakad na nga nang tuluyan si Zack. Gusto niyang makita ang matikas na tindig nito habang ito ay nakatitig sa kaniya. He will be the most handsome I ever known. Ano ba itong iniisip ko? Heto na naman ako at nag-iilusyon.

Panay pa rin ang kwentuhan ng mga ito sa kusina habang siya ay tinapos na ang meryenda ni Zack saka siya umakyat sa taas. Pagkaalis niya ng kusina ay siya namang nakasalubong ang madrasta ng binata sa hallway ng second floor. Hindi niya alam kung ngingitian ba niya ang ginang.

Mestisahin ang ginang na may katamtamang katawan. Malakas ang dating nito dahil na siguro sa ayos nito at ang makakapal nitong make-up sa mukha. Tila isa itong kontrabida sa pelikula na humahadlang sa pag-iibigan sa pagitan ng anak at katulong nito. Curse that eyes, Mrs. Elizabeth Villa Acosta!

"It's you again, young lady." Nakatingin ito sa tray na bitbit niya. "Meryenda ni Zack?"

Tumango siya.

"Let me help you."

"Hindi na ho. Kaya ko na ang⸻"

"You don't trust me?"

Natigilan siya. Pinag-aralan niya kung ibibigay ba niya ang tray sa ginang. Ayaw ni Zack na ibang tao ang magdadala nito sa kaniya at magtataka iyon.

"Naghihintay ako, Zairah or Miss Zairah Iligan. Sa akin isinanla ang lupa niyo na binayaran ni Zack, right?"

Lihim siyang napalunok. Paano nalaman ng ginang na ito ang tungkol doon?

"I know your wondering kung bakit ko alam iyon. Well, I have my eyes here and there." Lumapit ito sa kaniya. "May I bring that food to my step-son?"

"Uhm, Mrs. Villa Acosta, h-hindi ho kasi⸻"

"Ibibigay mo iyan o itatapon ko iyan sa pagmumukha mo?!" singhal nito sa kaniya.

Tila nanginig ang mga tuhod ni Zairah sa ginawa ng ginang sa kaniya. Hindi siya sanay na sigaw-sigawan nito o kahit sino at baka kung ano lang din ang magawa niya ngunit sa pagkakataong iyon ay natameme siya. Hindi na nga siya sinigawan ni Zack at na-trauma na siya roon. Nanginginig ang kamay niyang ini-abot ito sa ginang.

"Good!" Sabay napataas ang kilay nito sa kaniya nang makuha nito ang tray saka tumalikod.

Dali-dali naman niyang dinukot sa bulsa ng kaniyang pantalon ang cell phone at nag-text kay Zack. Ipinapaalam niya ritong dala-dala ng madrasta nito ang meryenda na kinuha mula sa kaniya. Ipinaliwanag din niyang nagpupumilit ito kaya ibinigay na niya.

SAMANTALA, nasa harapan na ni Zack ang meryendang ibinigay ng kaniyang madrasta. Alam na rin niya iyon nang mag-text sa kaniya si Zairah.

"Hindi porkit pinayagan ko kayong tumira pansamantala rito, it means I accepted you. You don't have the right to serve me my meal without my permission! Alisin niyo iyan sa harapan ko," pagmamatigas niya.

"But Zack—I made this food for you!"

Sumigaw siya. "Liar! Get out of my room and bring that food with you!"

"Sabagay, basura naman talaga ang pagkain na ito na ginawa ng alalay mo!" Sabay kinuha nito ang tray at tumalikod sabay nag-walk out.

Siya naman ay napahilot sa sentido dahil alam niyang may binabalak na naman itong masama sa kaniya at alam niyang masama ang ugali nito na hindi nakikita ng kaniyang ama kahit pa sabihan niya ito. He doesn't want to shout at her but he can't control his temper knowing that the woman was on his premises.

Pagkalabas naman ng ginang ay siya naman pagpasok ng dalagang si Zairah na putlang-putla. Naalarma siya. Isa sa mga ayaw niya ang mataranta ito at ma-trauma.

"Zack..."

"What happened?" he asked.

Lumapit ito sa kaniya. "Are you okay?"

"I'm okay. Ikaw dapat ang tinanong ko niyan. Namumutla ka."

"A-Ayos lang ako. Sorry. Pinipilit niya kasi akong ibigay ang tray."

Hinawakan niya ang kamay nito. "Nanlalamig ka."

"Uhm, n-natakot ako bigla kanina."

"Hey, come closer. You need to relax. Hindi tayo makakabuo niyan kung ganyan ka."

"Zack!" Saway nito sa kaniya. "Iniisip mo pa iyon kaysa pagkain mo. Mag-order na lang tayo."

Hindi niya maiwasang mapangiti sa tinuran nito. "Just kiss me and my starving will filled enough with your warm kiss."

"Later Zack. Kumain ka muna!" Umalis ito sa tabi niya at nagtungo sa gawi ng telephone.

He smiled while staring at her glimpse. He wanted her to stay beside him every second and feel her warm caress even though they do that every day and night.