Antok na antok si Zairah habang binubuklat niya ang mga papeles sa ibabaw ng kaniyang table. Nasa opisina siya at isang linggo na siyang nagtatrabaho roon bilang architect assistant ni Architect Engr. Kaiser Arevalo sa kompanyang pinapasukan niya, ang AVIZA Land. Isang sikat na Land Coporation ng isang bilyonaryong hindi pa niya nakikilala.
"Are you okay, Zairah?"
Napaangat siya ng tingin nang maulinigan niya ang boses ng kaniyang boss na si Kaiser. May bitbit itong dalawang cup of coffee.
"Coffee." Inilapag nito ang kape sa mesa niya.
"I'm okay, Sir. Late na ako nakatulog kagabi dahil tinapos ko iyong estimate budget natin sa isang client."
"I'm sorry for that. I hope that coffee will make you well."
"Thank you, Sir."
"By the way, may gaganaping welcome back party ng may-ari ng AVIZA Land sa Raffles Makati nexth month. Lahat ng mga empleyado nito mula sa lower position hanggang sa mga investors ay invited."
"Okay, Sir."
Tumalikod na ang boss niya saka niya inatupag ang pinapagawa nito. Mabait ang boss niya at walang tulak-kabigin ito. His boss has perfect features and points added that it has no girlfriend at all. Pero hindi siya naghahangad dito kahit pa nalaman niya mula sa ibang architect assistant na madaming nagkakandarapa sa binata.
Naubos na niya ang kape ngunit inaantok pa rin siya. Nakailang beses na rin siyang maghikab sa kaniyang kinauupuan ngunit kailangan niyang manatiling gising. Matamlay ang pakiramdam niya at tila gusto niyang maduwal. Teka… What's this feeling? Am I… Biglang nag-regodon ang puso niya nang maalalang hindi pa rin siya nagkakaroon. Hindi pa rin niya sinubukan ang mag-pregnancy test. Kailangan ko ng bumili mamaya at para malaman ko ang resulta. Hay! Minsan talaga, hindi maiwasan ng isang tao ang katangahan niya pagdating sa pag-ibig. At isa na ako roon. Pero kung ibibigay man ng diyos sa akin ang batang ito, aalagaan ko siya tulad ng pag-aalaga ko sa tatay niyang may saltik! Hindi niya maiwasang sabihin iyon sa isipan niya. Itinuon na lamang niya ang sarili sa kaniyang trabaho.
HAPON na nang lumabas siya sa building ng AVIZA Land main office sa Pasay. Hindi siya sasabay sa shuttle dahil dadaan pa siya ng drugstore. Pagkatapos naman niyang mabili ang kailangan niya ay naghanap na siya ng taxi na patungong MRT Station. Panay ang silip niya sa mga nagdaraang sasakyan upang makakuha ng taxi. Sakto namang may dumaan saka siya pumara at sumakay.
PASADO alas otso na siya nakauwi at naroon na rin ang kaibigan niyang si Jhen na naghihintay na sa kaniya.
"Mabuti at dumating ka na, Zairah."
"Sorry. Sobrang traffic kasi. Kumain ka na?"
"Hindi pa dahil hinintay kita. Bumili na lang ako ng ulam dahil kakarating ko lang din."
"Sige at magbibihis lang ako."
Umakyat na siya sa second floor saka nagbihis. Pagkatapos ay dumiretso muna siya sa banyo at gusto na niyang subukan ang binili niyang PT. Habang binubuksan ito ay abot-abot na ang kaba sa kaniyang dibdib. Balisa na rin siya at hindi niya maintindihan ang kaniyang pakiramdam. Sinunod naman niya kung ano ang nakalagay sa procedure.
Tulad nang dati, pikit-mata siyang tinitingnan ang result habang tumatakbo ang urine sample niya sa test hanggang sa tumambad sa kaniya ang dalawang guhit na resulta. She was dumbfounded while her hands shivering and the test result drop from her gripped. She covered her mouth with the uncertain emotions that burst inside her. Nanlamig din siya at namumuo na ang pawis sa kaniyang noo. She can't believe what was the result and it is…positive!
"Zairah, halika na at kakain na tayo⸻" Natigilan ito.
Hindi niya isinara ang banyo sa kwarto at kitang-kita nito ang nalaglag na pregnanct test. Marahan pa nitong pinulot mula sa tiles saka napatitig sa result. Habang siya naman ay tila binuhusan ng malamig at hindi na nakagalaw.
"Zairah…successful ang insemination. You're…pregnant!" Nilapitan siya nito. "Are you okay? Namumutla ka na."
Her tears started to fall down from her eyes. "I…I don't think if I would be okay. Pero..masaya ako dahil...dahil nagbunga ang lahat. Sa kabilang banda nga lang ay hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito sa mga magulang ko." Nanginginig pa rin siya saka niya pinahiran ang kaniyang luha.
"Zairah, welcome kayo sa bahay ko ng magiging anak mo. Wala na rin naman na akong mga magulang at nag-asawa na rin naman ang mga kapatid ko. Mag-isa lang ako rito at asahan mong hinding-hindi kita pababayaan. Kung ano ang magiging desisyon mo lalo na sa ama ng batang iyan, susuportahan kita. Pero kung ako ang tatanungin mo? Huwag mo ng ipaalam tutal worthless ka naman sa paningin niya," pag-aalala nito.
"Palalakihin ko ang bata na mag-isa, Jhen. I won't tell Zack about this anymore."
"That's right! Siyangapala, kailangan mo na rin magpa-check up para mabigyan ka ng tamang vitamins ng doktor. Kailan mo ba balak at sasamahan kita?"
"Bukas?!"
Natawa si Jhen. "Hindi ka excited?"
Natawa na rin siya habang nagpapahid ng kaniyang luha. "Slight!"
"Halika nga rito!" Sabay niyakap siya nito.
Kumalas siya sa pagkakayakap dito. "Salamat at nariyan ka palagi."
"Kung ako naman siguro sa sitwasyon mo ay ganoon din naman ang gagawin mo."
"Oo naman. Magpapabuntis ka na rin?" biro niya.
"Well, sa tamang panahon. Pero wala pa akong boyfriend na magyayaya sa akin na gumawa ng baby kaya pass muna."
"Sira ka talaga!"
"Aba'y totoo naman! Paano ako mabubuntis kung walang akong…alam mo na iyon!"
"Zairah, tanong ko lang. Malaki ba iyong ano..ni…"
"Ewan ko sa'yo! Tara na sa baba at kumain na tayo! Kung ano-ano ang iniisip mo."
"Ito naman madamot! Susukatin ko sana kung kasya!"
"Ang green mo!"
"Hoy, bakit? Ginawa niyo naman iyan sa sarap, ah." Napaisip ito. "Ay, mali! Artificial insemination method pala si baby. Infairness, natikman niyo naman ang isa't isa at pogi naman ang isang iyon kahit crippled siya. Bonus na rin na isa siyang billionaire."
"Itikom mo nga iyang bibig mo! Ang dami mong alam!"
Humagikhik na lang ito saka sabay na silang bumaba. Sobrang nagpapasalamat siya dahil may kaibigan siyang handang umintindi sa mga naging karanasan niya sa buhay. Sa ngayon, kailangan niyang isipin ang bata sa sinapupunan niya. Kailangan niyang palakihin ito nang malusog at saka na lang niya ito ipapaalam sa kaniyang mga magulang kapag handa na siya.