ISANG BUWAN ang lumipas at tulad pa rin ng dati ay negative pa rin ang result ng pregnancy test ni Zairah. Kitang-kita niya sa mga mukha ni Zack na dismayado ito sa resulta dahil alam nitong siya ang may dahilan bagamat lumabas naman sa result ng laboratory na parehong healthy naman ang egg and sperm cells nila.
"We have an alternative method to use since you are both healthy. And I'm glad that you are healthy too, Zack. Isa lang ang nakikitang possibilities kung bakit hindi kayo nakakabuo. Your sperm may not be sufficiently motile. This means the sperm cannot move towards the egg effectively. So I suggest that let's try another method called artificial insemination or intrauterine insemination."
"What was that for?" Zack asked.
"Artificial insemination or AI is the deliberate introduction of sperm into a female's cervix or uterine cavity for the purpose of achieving a pregnancy through in vivo fertilization by means other than sexual intercourse or in vitro fertilization."
"And the successful rate?"
"It is about sixty percent to seventy percent have achieved pregnancy after six cycles."
Tumingin si Zack sa kaniya. "Is it okay for you?"
Mabilis naman siyang tumango. "Oo."
Muling bumaling ito kay Doc Imari. "Okay. Let's do that method."
Maraming ipinaliwanag ang doctor sa kanila at nakinig nalamang siya rito. Hindi rin madali ang susuungin niya lalo na at kailangan niyang magpalakas para sa artificial insemination. Gagawin nila iyon kapag oras na ng fertility niya saka nila gagawin ang treatment method.
LUMIPAS ang ilang linggo at naging successful naman ang artificial insemination sa kaniya kaya lang ay ilang araw na rin na hindi siya masyadong kinakausap ng binata. Hinayaan lamang niya iyon at baka stress lang ito sa mga nangyayari sa kanila. Pinapahirapan sila ng kanilang kapalaran na tugunin ang inaasama-asam ng binata ngunit nalulungkot din naman siya dahil kinakailangan lang nila iyon upang mapawalang-bisa ang kontrata nito sa dating asawa. Oo at inamin niya ritong mahal niya si Zack ngunit hindi pa rin nito sinasabing mahal din siya.
"Zack, ihahanda ko na ba ang pagkain mo?" tanong niya sa binata.
"Wala akong gana."
"Ha? H-Hindi ka pa kumakain simula kanina," pag-aalala niya.
Nakakunot ang noo nitong sumulyap sa kaniya. "Hindi ka ba talaga nakakaintindi? You heard me and I lost my appetite! That's it!"
Bahagya siyang napaatras dahil noon lamang siya muling nasigawan ng binata. Halos natigilan pa siya sa harapan nito ngunit marahan pa rin niyang tinanong ito. "Anong problema mo? M-May kasalanan ba ako?"
"I want to be alone," seryoso nitong wika.
"Akala mo hindi ko napapansin na hindi mo ako madalas kinakausap nitong mga nakaraang araw. I know you, Zack. Kung anuman ang problema mo⸻"
"And who are you to ask me that? I want to be alone, Zairah! I want you to be out of my life!" Sabay binasag nito ang mamahaling vase sa center table.
Nagreregodon ang kaba sa dibdib niya nang marinig mula kay Zack ang mga sinabi nito at tumatak sa isipan niyang nais nitong mawala siya sa buhay nito. Muli na naman siyang napaluha ngunit sa pagkakataong iyon ay tanging galit ang nananaig sa kaniya.
"Hindi ko alam kung ano ang problema mo, Zack. Gusto mong magbasag? Sige, basagin natin lahat ng mga nandito sa loob ng study room mo!" Kinuha niya ang mamahaling vase din saka niya ito hinampas sa sahig. "Ano?! Frustrated ka dahil hindi mo magawa ang gusto nating mangyari? Kahit hindi mo sabihin sa akin ang totoo, alam ko! Hindi ako manhid para hindi iyon maramaman!" Nagpupuyos na ang kaniyang damdamin.
"And do you think it is easy for me? Huh?! Dalawang taon na akong naghirap at sa tingin mo magiging okay pa ako? Lumpo na ako at hindi pa kita mabibigyan ng anak! Sa tingin mo magiging masaya pa ang buhay ko? I'm in the deepest miserable part of my life and this is the worst thing!"
"That;s why I am here, Zack! Mula noong pumasok ako bilang part-timer mo hanggang ngayon, isinantabi ko ang lahat para maibigay ko iyong magpapasaya sa'yo. Dahil alam kong kailangan mo ako. Kailangan mo ang serbisyo ko para matanggal iyang mga anxieties mo sa buhay. I am not enough?!" Nakikipagpalitan siya ng maanghang na salita rito kahit alam niyang hindi rin siya mananalo.
"Aahhh!" Muli na naman itong nagbasag. "All of you, you always want my wealth and not myself!"
Nasapo niya ang bibig habang umiiyak. Iniisip pala nitong pera lang ang habol niya. "Ganoon ba ang tingin mo sa akin, Zack? Gold digger? Kung alam ko lang na magkakaganito ka hindi ko na sana isinuko ang sarili ko sa'yo! Hindi ko na sana sinabing pumapayag akong magkanaanak sa'yo kahit alam kong dahilan lang iyon ng kahangalan mo noon! Na hindi na sana kita minahal ng ganito! Then you want me to be out of your life? Okay, fine! Pero bago ako umalis, once and for all, I want to know if you the same feeling for me?" Kahit masakit ay tatanggapin niya.
"Never." Mabilis nitong tugon sabay tumalikod ito.
Umaapaw ang sama ng loob niya at paghihinagpis nang mga sandaling iyon. Habang unti-unti rin siyang naglakad pabalik sa kaniyang kwarto. Labis ang ibinuhos niyang emosyon habang mabilis niyang kinuha ang mga gamit niya upang lisanin ang bahay nito. Wala na rin siyang dahilan pa upang manatili sa poder nito at tama na ang matatamis na sandaling pinagsaluhan nila. Masyado na siyang nasaktan at mababa na rin ang tingin niya sa sarili.
"Zairah! Anong nangyari?" tanong ni Aling Lukring nang puntahan siya nito sa kwarto.
"Aalis ka, Zai?" tanong naman ni Ann na naroon din.
Panay pa rin ang pag-iyak niya. "O-Oo! Ayoko na sa bahay na ito! Ayoko na makasama ang taong ayaw akong makasama!" Pabagsak niyang inilagay ang mga gamit sa maleta niya.
"Pag-usapan niyo muna ito, Zairah!" nag-aalalang wika ni Aling Lukring.
"Ay!" hiyaw ni Ann.
Muli nilang narinig ang pagbabasag ni Zack sa kabilang kwarto kaya napahiyaw si Ann.
"Ayoko na, ho. Hayaan niyo siyang magbasag!" Isinara na na niya ang maleta niya.
"Zairah…"
Ayaw na niyang magpapigil at dire-diretso na siyang umalis sa bahay ni Zack. Wala na siyang rason para manatili sa bahay nito kung hindi naman pala talaga siya nito kailangan. Ito na ang resulta sa mga katangahan ko sa'yo, Zack! Bakit ko ba minahal ang lalaking walang kakayahang makalakad at maraming frustration sa buhay?