Chereads / THE BILLIONAIRE'S PART-TIMER / Chapter 35 - Chapter 34

Chapter 35 - Chapter 34

KINAHAPUNAN, nasa swimming pool side sina Zairah at Zack upang tulungan ang binata sa mga papers nito sa opisina. Hindi muna ito papasok hanggang hindi pa siya totally recovered. Doon niya natuklasan na hindi lang pala real state ang hawak ni Zack kung 'di mayroon pa sa iba't ibang bansa. Nakatitig lang siya sa mga bawat pahina ng mga papeles nito na inaayos niya para pirmahan ng binata. 

"What's the matter?" tanong nito sa kaniya. 

"N-Nothing." Sabay tiniklop niya ang mga papel at inilagay sa folder. 

"I own a different real state business here and abroad," wika nito.

 Tila nabasa ng binata ang nasa isipan niya at kung para saan ang pagtitig niya. 

"Nakita ko nga."    

Maya-maya pa ay lumapit si Aling Lukring sa gawi nila. 

"Zack, may bisita ka."

"Sino?"

"It's me again!"

Napalingon sila sa boses ng babaeng nasa likuran na ni Aling Lukring at papalapit sa kanila. Si Aling Lukring naman ay tumalikod na rin habang siya ay nakatitig dito. Napakaganda ng babae na tila modelo sa isang sikat na brand sa ibang bansa. She's a woman wearing her sophisticated smile, dress in red, and a high-heeled red stiletto. She has long brown curly hair, a pointed nose, red lips, and a every man dreamed. Kung titingnang maigi, walang-wala ang ganda niya sa mestisahing dalaga o marahil ay nakaayos lang ito kumpara sa kaniyang simple lang manamit. 

"What are you doing here?" kunot-noong tanong ni Zack sa dalaga. 

"Well, I am here to claim my rights and live free as I always wanted, Zack Kraven Villa Acosta."

Villa Acosta? It's that Zack's surname? Bakit hindi ko agad napansin iyon? At pamilyar ang apilyedo niya. Nanatili lang siyang nakatitig sa dalaga. 

Sumulyap ito sa kaniya. "Oh, you have a new assistant. Tama pala ang sabi nilang may bagong hired ka na naman. Hulaan ko, mga isa o dalawang buwan ka lang tatagal sa bahay na ito. Anong trabaho mo kay Zack? I mean...sa ex-husband ko?"

"Shut up, Lara," pigil ni Zack dito.

Siya si Lara? Tila umurong ang dila niya sa narinig mula kay Zack at hindi inaalis ang tingin sa babae. Naramdaman din niyang isa itong palaban at mukhang mata-pobre. 

"Why? I am just telling the truth." Bumaling ito sa kaniya. "What's your job description? Taking care of my ex-husband? Oh, he is still my husband. Hindi pa pala pinipirmahan nitong asawa ko ang divorce papers namin."

"Get out of my house, Lara. Or else, kakaladkarin kita palabas ng pamamahay ko kahit babae ka," banta nito.

Natawa ito. "Oh, c'mon! You can't do that to me, Zack. Lumpo ka at ang isang lumpo ay mananatiling lumpo habang-buhay!"

Napatayo siya. "Miss!"

"Oh? May sasabihin ka?"

"Oo. Maaari naman kayong dumaan sa legal process kung kailangan mo na talaga ang divorce paper niyo pero wala kang karapatan na pagsalitaan ang asawa mo ng ganyan."

"And who are you to say that?" Bumaling ito kay Zack. "Hindi ko alam na may spokesperson ka na pala. Ano mo ito at ganito kalakas ang loob na harapin ako?" Bumaling ito sa kaniya. "Assistant ka lang! Don't talk to me that way and you don't know who I am!"

"Lara, stop it!" sigaw ni Zack sabay hampas nito sa mesa. 

Nagulat siya nang kitang-kita niya ang galit mula sa mukha ni Zack na kahit si Lara ay natahimik din. Halos lumabas na rin ang mga litid nito sa leeg at pansin niya ang kamao nitong nakakuyom.

"Okay. I'll be leaving today. Mukhang mali na naman ang timing ko sa araw na ito. I'll be back, Zack and this is for the last time. Kung hindi mo pipirmahan ang divorce papers na ito, I'll put a dot in your line to end this. Let's see," banta nito.

"Do what you want, and I am not afraid, Lara."

Nagtagisan pa ng tingin ang dalawa bago ito sumulyap sa kaniya at tumalikod na. 

Marahan siyang napaupo matapos lumisan si Lara sa bahay na iyon saka niya sinulyapan si Zack na ganoon pa rin ang ekspresyon sa mukha. Wala man siyang masyadong naiintindihan sa mga pangyayari ngunit ninais lamang niyang manahimik.

"Kung kailangan mong mag-isa, tawagin mo na lang⸻"

"Stay here, Zairah." Sabay napahilamos ito sa mukha. "I don't want to be alone."

"Okay."

"She's an aggressive woman and has always wanted a war between us," sambit ni Zack.

"Zack, if you don't mind, can you just...tell me about her? Pero kung ayaw mong pag-usapan siya, okay lang naman."

"No." Sabay sulyap nito sa kaniya. "You need to know about her."

"Okay. I will listen." This is the right time to tell me about her, Zack. Para magkaroon na rin ako ng peace of mind sa kakaisip tungkol sa estado niyong dalawa at kung saan ako lulugar.

"Kapag sinabi ko sa'yo ang totoo, hindi ka magbabago?"

"For what? Wala naman sigurong magbabago o kahit hindi mo sabihin sa akin. Sino ba naman ako para makialam sa buhay mo⸻"

"May karapatan kang makialam sa buhay ko, Zairah."

"Huh?" Hindi niya malaman kung ano ang magiging reaksiyon niya sa sinabi nito. Nagdiwang agad ang puso niya sa nasambit nitong may karapatan siyang makialam.

"You're part of my family here and the one who knows who really I am. Nagpapasalamat ako lagi dahil nariyan ka sa tabi ko at sa pag-aasikaso mo. Napakaswerte ng taong mamahalin mo and you deserve to love by someone else."

You deserve to love me, Zack. You are the luckiest man I ever loved. Ngunit may bahagi ng puso niya ang nasaktan dahil hindi katulad niya ang iniisip nito tungkol sa usaping mahalaga. Balewala lang talaga siya rito at hanggang doon lamang ang kanilang relasyon sa isa't isa.

"Thanks, Zack. And you deserve to love by someone else too. Okay. Uhm, maaari mo naman sabihin iyan para makaluwag-luwag man lang sa damdamin mo. Handa akong makinig." Nakahanda na rin akong masaktan o ano pa man. Ang hirap pa lang ganitong asang-asa ka na pero...wala pa rin pala. Nangingilid na ang luha niya sa mga mata. Huwag muna ngayon, luha. Diyan ka lang at iipunin na lang kita.