Napangiti si Raven. "You threw a question on me when I asked you the same."
"Sagutin mo na lang ang tanong ko."
Humugot muna nang malalim na hininga ang kaibigan saka ito sumeryoso. "I want to be true to myself, Zack. When I first saw her seated beside me on the bus, I was fond of her being innocent and seeing her as a normal woman. Nagbibilang siya noon ng barya pamasahe niya. I asked her if it's not enough, I would pay her fare. And she refused. So on, nakipagkuwentuhan kami sa isa't isa until I offered her a job. Hindi ko malaman sa sarili ko na napakasaya ko that time.
"Hanggang sa nasa poder mo na siya. I can't find any ways just to make her close to me. Mukhang nagkamali ako sa puntong hinayaan ko siyang makawala sa paningin ko. But when I saw her eyes with happiness whenever she's with you, I'm into pain. Pero iniisip ko na lang na mas magiging masaya siya sa iyo. But what did you do to her? You let her suffer. I know everything that was just happening to her in your hands. Bakit Zack? Bakit mo ginagawa sa kaniya ito? Hinayaan mo siyang magkasakit at⸻"
"I didn't let her be like this, Raven. I really don't know. I was supposed to be a good man because of her. Hindi ako naging pabaya sa kaniya."
"Alam ko. Pero kung mangyari ulit sa kaniya ito, babawiin ko si Zairah sa iyo."
"Dadaan ka muna sa hukay ko. Don't let our friendship end like this, Raven."
Napangiti si Raven. "May the best man win, Zack."
"She's mine," seryoso niyang sabi rito. "We have our deep relationship, and Zairah knows about that."
"I know. Hindi batayan dito kung gaano kalalim ang relasyon na sinasabi mo. Before, I never fought my feelings towards her, and she chose you rather than to choose me. I'll do everything just to win her heart, Zack."
"Bahala ka." Napaisip siya. Nakikita niya sa mga mata ng kaibigan niyang seryoso nga ito sa sinabi ngunit hindi rin naman siya papatalo. He will do everything not to make him close to the woman he wanted to be with for the rest of his life.
"Excuse me, Sir. Pinapasabi ni Doc Adrian na pwede niyo ng puntahan ang pasyente sa private room niya," wika ng nurse na biglang sulpot doon kung nasaan sila nag-uusap.
"Okay."
"Sir, sino po ang guardian ng pasyente?" tanong ng nurse.
"Ako!" korong wika nila ni Raven saka sila nagkatinginan.
"Ah...kasi m-may form na pipirmahan na nasa room ng patient. Please sign na lang ho," sambit ng naguguluhan na nurse.
"I will pay the hospital bill," he said.
"I am his boyfriend⸻"
Masama ang tingin na ipinukol niya sa kaibigan saka napakunot-noo sa sinabi nito sa nurse.
"Soon! I mean—I'm just kidding!" Ngumiti ito sa nurse saka kumilos ito patungo sa wheelchair niya. "I assumed."
Napailing siya.
"O-Okay, Sir."
"Let's go, and let's see her."
Itinulak na nito ang wheelchair palabas at upang puntahan si Zairah sa room nito. Ganoon naman sila lagi ni Raven kapag nag-uusap sa isang bagay na pareahas mahalaga sa kanila. Tulad noong nangyari sa kanila dalawang taon na ang nakararaan. Parehas din sila ng babaeng gusto ngunit mas pinili siya kaysa rito. Subalit iniwan din naman siya at ipinagpalit sa iba. Isa iyon sa pinakamasakat na nangyari sa buhay pag-ibig niya.
"Zack..." sambit ni Raven.
"Yes?"
"Ihulog na lang kaya kita para ma-solo ko na si Zairah. What do you think?"
"If you will do that, ihanda mo na ang mga bilyones mo at isama mo na rin ang iyong konsensiya. Hindi kita patatahimikin at mumultuhin kita."
Napalatak nang tawa si Raven. "Dude, I won't do that. Makipagpustahan ka na lang kaya sa akin?"
"Na.. Just zip your mouth."
Natawa na lang ito.
Bago pa man sila pumasok sa private room na kinaroroonan ng dalaga, kinausap silang muli ni Dr. Adrian. May mga ibang mahahalagang detalye lang itong sinabi sa kanila tungkol kay Zairah.
"She's out of danger right now. Nasalinan na rin siya ng dugo at kung hindi dahil sa inyo, baka mauwi sa leukemia ang sakit niya. But we have to monitor her condition, and I want to know if there's any history about the patient. Kung may sakit ba siya before or anong klaseng work niya?"
"Uhm, mag-iisang buwan pa lang si Zairah sa akin. And according to her medical certificate, she's fit to work. Hindi ko naman siya pinapagod ever since," tugon niya.
"Dati siyang part-timer sa isang sikat na club sa BGC bilang waitress. Sa umaga naman ay isa siyang cartoonist sa isang Toon Company. Baka doon siya nadali sa pagpupuyat," dugtong naman ni Raven.
"Uhm, I see. Well, we have to consider that thing to analyze her condition. By the way, did you inform her family?"
"Nope. Nasa province ang family niya. I'll be her guardian for the meantime."
"Okay, Zack. Sige at may iba pa akong patient na aasikasuhin."
"Thank you, Doc Adrian."
"You're welcome, Raven." Sabay tapik nito sa balikat ng binata at umalis na.
Pagkaalis ng doktor ay pumasok na sila sa loob ng private room. Kitang-kita roon ang dalagang mahimbing na natutulog. Hindi niya alam kung ano ang pakiramďam niya nang mga sandaling naging pabaya rin siya rito.
"Magpahinga ka muna, Zack. Ako na ang bahala kay Zairah."
"No. I will take care of her."
"Nagpapatawa ka ba? Sa kondisyon mong⸻"
Masama na naman ang tinging ipinukol niya rito. "I said I will take care of her."
"Okay. Uhm, I'm starving. Bibili na muna ako ng pagkain sa labas."
"Mabuti pa. Mamaya-maya ay nandito na rin si Aling Lukring."
"What do you want?"
"Bahala ka na."
"Okay." Tumayo na si Raven saka naglakad palabas.
Siya naman ay pinaandar ang wheelchair palapit sa dalaga at wala pa rin itong malay. Marahan niyang ginagap ang kamay nitong may suwero at hindi na ito mainit. Zairah... I'm sorry. I'm careless, and I didn't know. I hope you forgive me for what I have done to you. Please, stay with me!