Umakyat na si Zairah sa taas at inilagay niya sa vase ang bulaklak na binigay ni Raven. Pinalitan na niya ang lumang bulaklak na ibinigay din nito noong nakaraang araw. Ayaw man niyang bigyan ng malisya ang mga iyon ngunit hindi mawala sa isip niya.
Matapos niyang ayusin ito, tumunog ang message tone ng cell phone niya. Dinampot niya ito sa isang tabi at binasa ang mensahe. Naka-rehistro roon ang pangalan ng binatang si Raven at binasa ito.
I like you, Zairah. That's what I want to tell you earlier kaso tinamaan ako ng katorpehan.
Halos sabay ang pagkaba at bahagyang pagnginig ng kamay niya sa nabasa. Nagkatotoo nga ang hinala niya kung para saan nga ba ang mga bulaklak na iyon. Hindi mahirap mahalin si Raven lalo na at alam niyang desenteng lalaki ito at may pinag-aralan. Subalit sa sitwasyon niyang iyon, hindi niya alam kung paano ito tugunin. Noong una, may naramdaman siyang kaunti para dito, ngunit nang dumating sa buhay niya si Zack, mas lalong naging kumplikado ang buhay niya. Mas lalong naramdaman niya ang kakaiba rito kaya ganoong na lamang niya ini-alay ang lahat sa binata. Ngunit alam naman niyang hanggang doon lamang iyon. God, hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Who gave you that flowers?"
"Huh?!" Napalingon siya sa likuran niya at kitang-kita niya ang hindi mailarawang mukha ng binatang si Zack. "Uhm...k-kay Raven," kamuntik pa siyang mautal sa pagtugon dito.
"He's courting you?" direktang tanong nito.
"Ah... H-Hindi." Hindi pa siya handang sabihin ang laman ng text ni Raven sa kaniya kahit pa sinabi na nitong hindi siya dapat maglihim dito.
"Liar. I knew Raven very well ever since. Ngayon pa lang ay iwasan mo na siya. Kung kinakailangan kong hadlangan ang pagpunta niya rito, gagawin ko. Do you understand?" ma-autoridad nitong wika sa kaniya.
"P-Pero... Zack. Wala namang ginagawang masama si Raven." Hindi niya maintindihan ang ugaling ipinakita ni Zack sa kaniya.
"Kesyo wala siyang ginagawa o mayroon, stay out of his sight!" sigaw nito. "I don't want you to entertain him anymore or accepts whatever he wants to give to you! You're mine, Zairah. At walang kahit na sino ang makikinabang sa iyo kung hindi ako lang!" Lumapit ito sa vase at kinuha. "It should be like this!" Binasag ni Zack ang flower vase kasama ang bulaklak.
Nahintakutan at gulat na gulat si Zairah sa ginawa nito habang kitang-kita niya ang nagagalit na imahe ni Zack. Halos lumabas na rin ang litid nito sa leeg sa sobrang galit. Sabay na tumulo rin ang luha niya sa nangyari at hindi na nakakibo. Maya-maya pa ay naroon na si Aling Lukring sa loob ng kwarto.
"Anong nangyari?! Ay, Diyos ko!" Bakas sa mukha nito ang pagkagulat saka napatingin sa kanila. "Zairah, Zack! Ano na naman ito?!"
Sa sobrang takot niya, lumihis siya ng daan at tumakbo palabas ng kaniyang kwarto habang tanging dala-dala lang niya ang kaniyang cell phone.
"Zairah! Zairah!"
Habang pababa siya ng hagdanan ay naririnig pa niya ang sigaw ni Zack. Agad siyang nag-dial sa cell phone at tinawagan si Raven. Nang mga oras na iyon, wala siyang ibang naisip na maaari niyang hingan ng tulong kung 'di ang binata lang.
"Raven..."
"Zairah? What happened? Why are you crying?" nag-aalala ang tono ng boses nito.
"Raven... p-puntahan mo ako, please!" Panay ang pahid niya sa kaniyang mga luha.
"O-Okay. Just tell me where you are, and I'll be there!"
Nasa labas na siya ng San Lorenzo Village habang naghihintay sa isang sulok. Nanginginig pa rin siya habang panay pa rin ang iyak niya. Mabuti na lang at walang masyadong dumadaan doon dahil exclusive ang lugar na para lang talaga sa mga mayayaman.
Naghintay ng ilang minuto ang dalaga roon hanggang sa may humintong sasakyan sa tapat niya. It was Raven that rushed into her and helped her. Bakas sa mukha nito ang labis na pag-alala at niyaya siyang pumasok na sa loob ng kotse. Hindi na rin siya nakapagsalita pa at lalo lang siyang naiiyak.
DINALA siya ng binata sa bahay nito. Pinaupo muna siya sa may garden malapit sa pool habang inaabutan ng malamig na tubig. Hinintay muna ng binatang humupa ang emosyon niyang halos maglumpasay na siya sa kakaiyak kanina sa sasakyan.
"Are you feeling better?"
Napasinghot pa siya bago tumango.
"Kaya mo ng sabihin ang nangyari? Just tell me, I will listen."
Humugot muna siya nang malalim na hininga bago siya nagsalita. "Hindi ko maintindihan si Zack. He asked me if who's the one who gave me the flowers and I said it's from you. Tinanong niya ako kung nanliligaw ka ba raw at sinabi ko namang hindi. Sinabi ko lang na hindi dahil ayaw ko munang bigyan siya ng benefits of the doubts since may kasunduan kami at alam kong matalik mo siyang kaibigan.
"Nabasa ko na rin that time ang text mo. And then, bigla siyang nagalit. Sinabi niyang huwag na akong makipag-usap sa iyo kahit kailan. Kinuha niya ang flower vase na pinaglagyan ko ng bulaklak na ibinigay mo ngunit binasag niya ito sa harapan ko. I was then afraid and can't even took a glimpse to him. Sa sobrang takot ko ay tumakbo na ako palabas ng bahay at baka kung ano pa ang gawin niya sa akin."
"I see. Ngayon, nasaksihan mo na ang bahagi ng pagkatao ni Zack. He is just like a dragon when he's angry. Pero alam ko na ang dahilan kung bakit."
"Huh? Bakit? Wala naman akong ginawang masama sa kaniya para magkaganoon siya. Maayos naman kaming nag-usap kaninang umaga at inayos pa ang mga dadalhin niya sa opisina."
"Lalaki rin ako, Zairah. At alam ko ang nararamdaman ni Zack."
"Sabihin mo na, Raven. Napapagod na kasi akong mag-isip." Nagpapahid na lamang siya ng mga nangingilid niyang luha. Nakailang tissue na rin siya at malapit na maubos ang nasa tissue holder.
Bumuntong-hininga ito. "Alright. Sasabihin ko na."
Mataman lang siyang nakikinig dito.
"He's jealous!"
"Ha? Paano at bakit? Anong dapat niyang ipagselos?" Hindi niya maintindihan kung bakit nasambit iyon ni Raven. Hindi naman rason na magselos ito sa isang bouquet ng bulaklak gayong wala naman silang relasyon.