Nanlaki naman ang mga mata niya sa nabanggit nitong nagseselos si Zack kay Raven. Hindi siya makapaniwalang mangyayaring magkaroon ito ng ganoong emosyon gayong wala naman silang relasyon ni Raven. Ang tanging alam lang niya, gusto lang siya nito at wala ng iba pa.
"I was thinking of that earlier before when I bought the flowers and the chocolates. Alam kong iyan ang mararamdaman niya lalo na ngayong...may namamagitan sa inyo. Kahit hindi mo sa akin sasabihin, I know that thing. Walang babaeng hindi mahuhulog ang loob kay Zack. He has everything. Don't worry, hindi ako judgemental pagdating sa'yo." Tumingala ito sa kangitan. "For the second time around, pareho na naman kami ng babaeng gusto."
"Pareho ng babaeng gusto?"
"Yeah. He likes you, Zairah. He has that feelings for you and his burning glimpse whenever he lain his eyes on you. Hindi ko lang alam kung nakikita mo iyong ngunit bilang lalaking tulad ko, I feel that. I have the same feelings when I look into your eyes." Muli itong napasulyap sa kaniya.
Umiwas siya ng tingin sa binata. "H-Hindi ako ang tipo ng babaeng dapat niyong magustuhan. Zack has everything and all the things that happened between us, and it's all pleasure and lust. Ayoko man sabihin iyon pero that's true. Ayoko na rin isipin ang mga sinabing may burning feelings siya para sa akin. It's burning desire instead. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko tungkol sa babaeng pareho niyong gusto. How about that, Raven?"
"Ah, iyon ba. Hindi ba niya nasabi sa iyo?"
Umiling siya.
"It's about her ex-girlfriend, Lara. The woman who's the reason why is he like that before. I courted Lara before him, but Lara chooses him over me. So, hinayaan ko lang maging masaya ang kaibigan ko. And I met my girlfriend. Kaya lang nagkasakit din siya at binawian ng buhay. Ngayon, dumating ka sa buhay namin pareho ni Zack at pakiramdam ko ay bumabalik ang alaalang iyon."
"Ganoon ba." May bahagi ng puso niya ang nalungkot sa ikinuwento ng binata.
"Pero gusto kong umiwas lalo na kapag involve na ang feelings ni Zack. Ayokong dumagdag lang iyon sa problema niya. Sa tingin ko naman, may gusto ka sa kaniya. I let this feeling will vanish. Baka infatuation lang ito na kailangang burahin sa sistema ko."
Mas lalo na naman siyang nalungkot para sa nararamdaman ng binata. "Raven, hindi ko alam kung paano ko masusuklian ang lahat ng mga naitulong mo sa akin pero sa usaping ganyan, wala talaga akong maisasagot sa ngayon. Naguguluhan pa ako. Gusto ko na rin itong takasan pero sa tingin ko, hindi na ako makakatakas."
"Don't ever do that thing. Hindi solusyon ang pagtakas sa problema. You must face it, and our hearts will know how to ease the uncertain feelings."
May punto ang binata. Mas lalo siyang humahanga rito dahil napakalmado nito sa lahat kahit alam niyang may gusto ito ngayon sa kaniya subalit kaya nitong isasaalang-alang ang nararamdaman para kay Zack. Ayaw din niyang isipin na totoo ang sinabi nito tungkol sa nararamdaman ni Zack para sa kaniya. Napaka-imposible!
"Hindi naman siguro masamang magparaya," wika nito sabay napangiti sa kaniya.
"Bakit ganoon na lang pala ang pagpaparaya mo sa kaniya? Anong mayroon at bakit lagi siya ang iniisip kaysa sarili mong damdamin?" tanong niya. Sumagi sa isipan niya ang ganoong sistema ng binata.
"Well, it's for the love as brothers. Malaki ang naitulong ni Zack sa Lawfirm ko a years ago. Sinalba niya ito dahil sa naisanla ito ng aking amang nalulong sa sugal. Mula noon, nakatatak na sa isipan ko ang tulungan siya sa kahit anong paraan lalo na noong na-aksidente siya at kailangan niya ang tulong ko."
"Now, I understand."
Maya-maya pa ay tumunog ang cell phone ni Raven kaya dinukot ito ng binata sa bulsa nito. Napatitig pa ito sa screen. "It's Zack. I need to get his call."
Tahimik lang siya habang nakikiramdam sa usapan ng mga ito. Sa ngayon, humupa na ang kaba at takot niya sa sarili na hindi katulad kanina na halos lamunin na siya ng kaniyang emosyon. Noon na-realize niyang matindi kung magalit ang binata at ayaw na niyang maulit ito. Na-trauma na siya.
"Oh, kakausapin ka raw niya." Sabay ini-abot nito ang cell phone sa kaniya.
"Ha?" Napatitig siya sa cell phone saka umiling.
"No. You have to talk to him." Inilapit pa ni Raven ang cell phone sa kaniya. .
Wala siyang nagawa kung 'di ang abutin iyon at kausapin ang binata. Matapos niyang abutin ito ay nagpaalam si Raven na papasok muna sa loob ng bahay nito at maghahanda ng pagkain niya. Nasabi rin niya kaninang hindi pa siya kumakain nang maganap ang pagwawala ni Zack.
"H-Hello," malalim ang boses niyang wika sa kabilang linya. Narinig niya pa ang pagbuntong-hininga nito.
"Zairah..." Katulad niya ay malalim din ang boses nito. "Please, come home. We need to talk."
"Okay."
Saglit lamang ang kanilang pag-uusap saka niya tinungo sa loob ng bahay si Raven. Kahit anong gawin niya, kailangan niyang bumalik sa pamamahay nito upang sila ay magkaayos. Iniisip niyang babayaran pa niya ang malaking pagkakautang dito at sa damdamin niyang nalilito na para sa binata.
Matapos siyang kumain ay hinatid siya ni Raven sa bahay ni Zack at mismong si Aling Lukring na ang sumalubong sa kaniya. Bakas sa mukha ng ginang ang pag-aalala nito sa kaniya. Hindi na rin nagtagal si Raven at nagpaalam na rin ito. Nasa kusina sila at kumuha lang siya ng gatas para ipagtimpla ang binata. Mula nang ma-aksidente ito ay hindi na rin ito nagkakape para sa mga joints niya sa paa.
"Kumain ka na ba?" tanong agad ni Aling Lukring sa kaniya.
"Oho. Kumain na ako sa bahay nina Raven."
"Maayos na ba ang pakiramdam? Namumugto na iyang mga mata mo. Ano ba kasi ang nangyari sa inyo ni Zack?"
"Hindi ba niya nasabi, Aling Lukring?"
"Hindi. Hindi na ako nagtanong dahil nagwawala siya nang umalis ka. Mabuti na lang at nariyan si Leo at inawat si Zack. Diyos ko, ni-nerbiyos na ako."
"Nang dahil lang iyon sa bulaklak na binigay ni Raven. Nagbasag na siya na hindi ko man lang naintindihan."
"Nanliligaw ba sa iyo si Raven?"
"Hindi naman ho, Aling Lukring." Hindi na niya sinabi rito ang totoo. "Pasasalamat lang niya iyon sa pag-aalaga ko kay Zack."
"Ganoon ba. Oh siya, pumanhik ka na sa itaas."
Agad naman siyang kumilos uoang umakyat sa taas. Abot-abot na naman ang kaba niya sa dibdib ngunit kailangan niyang maging matatag upang harapin ito.