Chereads / Anak ng Kalikasan / Chapter 27 - Chapter 27: Kataw sa Hilaya

Chapter 27 - Chapter 27: Kataw sa Hilaya

Tinapik na lamang niya siang Kanor bilang pagpapaalam dito. Habang nasa daan na sila ay natalakay naman nila ang tungkol sa mga Buso. Ayon kay Gorem, ang mga Buso ay kalimitang alipin ng mga hukluban o di kaya naman ay mga manggagaway. Likas na walang utak ang mga buso at madali mo silang malilinlang kung wala silang mga panginoong sinusunod. Ang nakakatakot lamang sa mga uri nito ay ang pagiging hayok nila sa laman ng tao. Walang kabusugan ang mga buso at hanggang meron silang nakikitang tao ay hindi nila ito tinitigilan hangga't hindi nila ito nakakain. 

"Sadyang malalakas din ang mga Buso. Katulad ng mga aswang meron din silang angking bilis at lakas sa pakikipaglaban na kung hindi ka mag-iingat ay iyo itong ikakapahamak. " Wika pa ni Gorem.

"Napakarami mong alam para sa isang bata." Wika ni Sinag at tumawa lamang si Gorem. 

"Ang lahat ng aking kaalaman ay nanggaling pa sa aking Amang engkanto. Kung hindi mo naitatanong, lumaki ako sa mundo ng mga engkanto at hindi sa mundong ito. Madalas lamang kaming magawi rito dahil sa aking ina. Ngunit noong namatay siya ay kinuha na ng aking Ama ang kanyang huwisyo at dinala sa mundo ng mga engkanto upang tuluyan na namin siyang makasama roon. Pero dahil na din sa may dugong tao ako ay hindi din ako nakakatagal sa mundo ng mga engkanto. Kung kaya't may pagkakataong nananatili ako sa mundong ito upang makapag.ipon ng lakas at mabawi ang mga nawalang esensya sa akin. " Turan ng bata na ikinagulat pa ni Sinag. Hindi niya sukat-akalain na ganoon pala ang nangyayari sa mga taong may dugo ng mga engkanto. Ang buong akala niya ay maari silang manatili sa mundo ng mga engkanto kahit gaano man katagal nila gustuhin. 

"Ano ang mangyayari sa iyo kung hindi ka makakabalik sa mundo ng mga tao?" .

"Mamamatay ang katawang lupa ko. " Nakangiting wika ni Gorem. Ang pag-uusap na iyon ay hindi na nasundan pa dahil na din sa wala nang maisip na sasabihin si Sinag. Naging palaisipan na lamang sa kanya ang sagot ni Gorem.

Pagkarating nila sa bahay ay agad na ipinasok ni Sinag sa kanyang kwarto ang kaniyang mga gamit at tumungo na sa pabrika. Noong araw na iyon ay maghahakot sila ng mga tabako upang dalhin sa bayan ng Hilaya. Bukod sa tabako ay doon din nila inaangkat ang mga palay at kapeng kanilang naani. 

Kakatapos lamg din kasi ng gapasan nila ng kape kung kaya't isasabay na din nila ang pag-aangkat nito sa Hilaya. 

Ang bayan ng Hilaya ay isang malakaing bayan sa kabilang bundok. Malapit iyon sa dagat kung kaya't ang pangunahing pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga tao roon ay pangingisda at paninisid ng perlas at lamang dagat. Bukod sa pag -aangkat ng kanilang produkto at pupunta rin sila sa Hilaya upang makakuha ng mga sariwang isda at kung anu-ano pa. Kasama nilang tutungo doon si Manong Ricardo at ang anak nitong si Christy. At tutuloy sila sa tahanan ng Pinsan ni Manong Ricardo na taon taon nilang ginagawa.

Kinaumagahan, ay narating na nga nila ang Hilaya. Hindi naman sila natagalan sa pagbabyahe ng mga produkto dahil gamit nila ang mga kabayo ni Manong Ricardo. Likas itong mabibilis kumpara sa kalabaw kaya naman ay iyon palagi ang kanilang ginagamit upang maiwasan din nila ang abutan mg dilim sa daan. 

Pagkarating pa lamang sa bukana ng tahanan ng Pinsan ni Manong Ricardo ay agad silang sinalubong nito. Nasa singkwenta ma din amg edad nito ngunit tulad niManong Ricardo ay malakas at matikas pa din ang pangangatawan nito. Kulay kayumanggi din ang kulay nito na animoy babad sa sikat ng araw habang si Manong Ricardo ay may angking kaputian. 

"Emil, kamusta na? Nasaan na si Ida?" Bati nianong Ricardo sa pinsan sabay yakap dito. Tuwang tuwa ito sa kanilang muling pagkikita. 

"Ricardo, buti naman at nakarating na kayo. Mabuti at hindi kayo nagpaabot ng gabi. Halika pumasok muna kayo at nang makapagpahinga. Hayaan mo nang ang mga tauhan ko ang magpasok niyang mga dala dala niyo. " Paanyaya nito at agad namang inutisan nianong Ricardo sila Sinag na tumuloy kasama siya.

"Emil, ito nga pala si Sinag, Isagani, at Mina. Sila ang mga kasama ko ngayon sa negosyo kong pinagkakatiwalaan ko. Kilala mo na naman sila Berto at ang iba. Ito lamang sila Sinag eh mag iisang taon pa lamang sa akin. " Masawayng wika ni Ricardo. "Siyanga pala, nasaan na ba ang inaanak kong si Ida?"

"Hay nakau, ayun sa kanyang nobyo, alam mo naman dalaga na ang mga anak natin. O itong si Christy ba eh may nobyo na?" Tanong nito na agad na tinawanan ni Christy. 

"Si Tiyo Emil talaga mapagbiro. Wala pa po akong nobyo. "

" Naku, sa ganda mong yan, wala pang naakyat ng ligaw sayo? Mga bulag yata ang mga binata sa inyo Ricardo." Pabiro pa nitong wika. Nagkatawanan lang ang magpinsan. Lumipas ang oras ng kanilang masayang kamustahan ay siya namang pagdating ni Ida kasama ang nobyo nito. 

May angking kagandahan din itong si Ida kahit hindi ito kaputian. Malinis at makinis din ang balat nito at mahaba ang itim na itim nitong buhok. Maamo din ang mata nito na halos kahawig lang ng kay Christy. 

"Ate Ida, kamusta po." Masayang bati ni Christy sa dalaga. Napangiti naman si Ida at agad na niyakap si Christy. 

"Sabi na nga ba at nandito na kayo. Siyanga pala ito si Jun, nobyo ko. " Pagpapakilala ni Ida sa lalaki. Kinamayan naman ito ni Christy bago hinatak si Mina papalapit. 

"Ate si Mina nga pala, ito yung nababanggit konsa sulat ko na parang kapatid ko na. Mina, iyan ang ate Ida mom"

"Kinagagalak ko kayong makilala ate Ida. " Tugon naman ni Mina at nabaling ang tingin niya sa lalaking kasama nito. Napakunot ang noo niya nang may maramdaman siya kakaiba rito, ngunit hindi na niya ito pinuna. Tumango lang siya sa lalaki at muling bumalik sa tabi ni Isagani at Sinag. 

Kinagabihan ay minabuti na nilang magpahinga upang kahit papaano ay makabawi sila ng lakas. Naging payapa naman ang kanilang gabi at kinaumagahan ay maaga pa silang nagising. Kasalukuyan nang nasa kusina si Christy nang mga oras na iyon at naghahanda ng makakain kaya agad namang tumulong si Mina dito. Nagtimpla na sila ng kape para sa mga trabahador upang makapag almusal na ang mga ito bago sila magsimula ng trabaho. Matapos kumain ay agad nang nilisan ng mga kalalakihan ang tahanan kasama si Manong Ricardo upang maiangkat na nila ang kanilang mga dalang produkto. Dadalhin kasi nila iyon sa sentro ng bayan upang maipagbili sa isang mayamang mangamgalakal. Matagal na iyong kakilala ni Manong Ricardo at ito lang din ang nag iisang negosyanteng kanyang pinag-aangkatan dahil na din sa patas ito magtrabaho. 

Inabot din sila nang hapon bago sila matapos sa pag-aakyat noon sa tahanan ng kaibigan ni Manong Ricardo. Bago sila bumalik sa tahanan ni Emil ay dumaan na sila sa palengke upang makapamili ng kanilang makakain para sa hapunan. Kahit papaano ay wala naman silang naging problema hanggang sa makauwi na sila. 

"Bukas, pupunta naman tayo sa dagat upang kitain si Tonyo, sa kanya tayo kukuha ng mga isda at perlas na kailangan natin. Sa susunod na araw ang magiging balik natin sa Lombis. " Wika ni Ricardo na ikinatuwa ng mga trabahador niya. Bukod kasi doon sa kailangan nilang gawin ay iyon din ang araw na makakababad sila sa tubig dagat. 

Kinagabihan, ay magkakasamang natulog si Mina, Ida at Christy sa kwarto upang makapaghanda ng mga dalahin nila kinabukasan. Habang nagliligpit ay naitanong ni Mina ang tungkol sa nobyo nitong si Jun. Ayon kay Ida ay mahigit apat na taon na niyang kilala si Jun at noong isang taon niya lamang itong sinagot.

"Loko loko nga iyon eh, ang hilig na takutin ako na kesyo daw isa siyang kataw." Natatawang wika ni Ida. 

"Kataw? " Tanong ni Christy

"Ano ka ba, mga engkanting tubig yun. Para silang mga serena. Sabi sabi ng matatanda dito, kapag daw ang kataw ay umahon sa dagat at nakipaghalubilo sa mga tao, ibig sabihin nun may darating na unos." Wika pa ni Ida. 

"Loko lang talaga yang si Jun, lagi akong binibiro, paano daw kung totoong kataw siya ta hindi talaga siya tao?"

"Anong sinabi mo sa kanta ate Ida?" Taning ni Mina.

"Sabi ko , eh di gagawin ko siyang pinatuyong Kataw." Tatawa tawang sagot ni Ida. " Hay naku, wag na nga natin siyang pag -usapan. Malakas lang talaga mangtrip ang lalaking iyon. Paano naman yun magiging kataw eh takot nga iyon sa tubig." Dagdag pa ng dalaga. 

"Paano nga kung isa siya totoong kataw, matatakot ka ba sa kanya ate?" Tanong ulit ni Mina. 

"Bakit naman ako matatakot?" Napangiti lang si Ida. " Alam ko naman na mabait siya, at kahit kailang ay hindi niya ako sinaktan. Kung totoo mang kataw siya, eh di tatanggapin ko parin siya. Pero pwede ba yun? Kung kataw siya paano magiging anak namin sa hinaharap? Magiging serena ba o kataw din?"

Natawa lang si Mina dito dahil alam noyang kahit hindi seryoso ang sagot nito ay bukal iyon sa loob ni Ida. 

"Iba ang mga serena sa Kataw. Ang mga Serena ay mga engkantong tubig na may wangis ng tao at may buntot na pareho sa mga isda samatalamg ang mga kataw naman at mga engkantong tubig na may wangis ng tao ngunit may mga paa ang mga ito na katulad din sa atin. Ang kaibahan lamang nila sa mga tao ay may mga hasang sila sa likod ng kanilang mga tenga pababa sa kanilang leeg. "

"Totoo ba ang mga kataw? Ang buong akala ko kasi kwento kwento lang sila at panakot sa mga bata." Tanong ni Ida.

"Totoo sila. Lahat ng nilalang sa mundo ay likha ng ating panginoon. Hindi man natin sila nakikita ay hindi iyon nangangahulugang hindi na sila umiiral." Wika ni Mina at napatango naman si Christy bilang pag sang ayon dito..