Malungkot na tinitigan ni Mina si Sinag. Alam niyang mali ang gagawin niya ngunit ito lang ang paraan upang kahit papaano ay mailigtas niya ngayong gabi si Sinag at ang iba.
"Kung maipapangako mo ang kaligtasan nila ay bukal sa loob akong sasama." wika ni Mina sa binata. Napangisi naman ito at mabilis na inutusan ang mga natiturang aswang na lumayo.
"Meron akong isang salita itinakda. Wala akong gagakawin sa mga ito kung sasama kayo sa amin." wika nito at napatingin naman si Mina at Isagani. Nagtanguan sila at walang pag-aatubiling lumapit sa binata.
Muli itong ngumisi at inutusan ang mga aswang na igapos si Mina at Isagani. Wala namang nagawa sila Sinag kundi ang tingnan na lamangang mga ito. Masakit man sa loob niya ang nangyayari ay parte ito ng kanilang plano. Buo ang tiwala niya sa dalawa na hindi ito mapapahamak. Nakamasid lamang sila hanggang sa tuluyan na ngang nawala sa paningin nila ang mga aswang at sina Mina.
Agaran silang bumalik sa tahanan upang maghanda sa susunod na laban. Sa pagkakataong ito ay sila naman ang sasalakay sa bundok ng Sarong upang mabawi sila Mina. Pagdating sa tahanan ay agad na sumalubong sa kanila si Christy. Puno ng pag-aalala ang mukha nito at patakbo itong lumapit sa kanila. Kasunod nito si Mikel at si Manong Ricardo.
"Nasaan si Mina at Isagani? Sinag nasaan ang kapatid mo?" taning ni Christy at napailing lamang si Sinag.
"Bakit mo hinayaang makuha siya ng mga nilalang na iyon? Nangako kang babalik kayo ng magkasama di ba?"
"Huminahon ka Christy, ang lahat ng nangyari ngayon ay parte ng aming plano. Magtiwala ka, hindi pa tapos ang laban. Ibabalik ko si Mina at Isagani dito ng buhay." wika ni Sinag at doon lamang napanatag ang loob ng dalaga.
Matapos nilang maihanda ang mga gamit na dadalhin ay tinahak na nila ang daan patungo sa bundok ng Sarong. Wala silang dalang mga sulo o kahit anong makakagawa ng liwanag at umaasa lamang sila sa liwanag ng buwan na noon ay nakasilip sa mga ulap.
"Nakapasok na sila sa lagusan, naghihintay lamang ang mga kasamahan nating engkanto para sumalakay. Sinag, ikaw at sampo ng iyong mga kasama ay binabasbasan ko. Naway maging matagumpay kayo sa laban na ito." wika ng diwatang si Bulan sa kanyang isipan.
Nag tuluyan na nga nilang marating ang paanan ng bundok Sarong ay unti-unti na nilang naramdaman ang pagbabago ng ihip ng hangin. Ang kaninang sariwa at malamig na hangin ay naging makapal at napakaalinsangan hangin. Hindi naman nila ito pinansin dahil alam nilang normal lamang ito sa mga lugar na nababalutan o pinamumugaran ng mga masasamang nilalang.
Panaka-naka na rin nilang nasisipat ang mga engkantong itim na plihim na nagmamasid sa kanila. May mga kakaibang tunog na rin silang naririnig sa kanilang paligid, kung kaya naging mas mapagmatyag na sila at maingat sa kanilang nilalakaran. Habang papalayo sila sa paanan ng bundok ay naging mas matarik naman ang kanilang tinatahak. Naglalakihan na rin ang mga batong inaakyat nila na mas lalong nagpahirap sa kanilang paglalakbay.
Alan nilang sumikat na ang araw ngunit nakapagtatakang sa lugar na kinaroroonan nila ay tila walang liwanag silang nakikita. Napakakapal din ng hamog na halos wala na silang makita sa daan. Halos ilang oras din ang ginugol nila para malagpasan ang mabatong parteng iyon ng gubat.
"Magpahinga muna tayo sa lugar na ito, pag igihan niyo ang pagmamasid. Ayon sa diwatang si Bulan ay mas magiging mahirap ang landas papasok dahil sa mga bagat na na itinanim ng mga engkantong itim sa lugar. Palakasin niyo ang inyong mga ikatlong mata, maging ang inyong bakod at poder." Utos ni Tandang Ipo. Uminom ito ng tubig mula sa lagayan nito at kumain ng baon nilang kamote. Ganoon na din ang ginawa ng iba pa at pagkatapos ay kanya- kanya na silang dasal at usal. Usal sa pagpapalakas ng bakod, poder at pagpapatibay nga sabulag at mga basag orasyon na maari nilang magamit. Nagpundo na rin sila ng mga dasal upang kahit papaano ay hindi na sila mahirapan kapag nasa labanan na sila.
Matapos nilang gawin iyon ay nagpatuloy na sila sa paglalakbay. Tulad ng inaasahan ay napakaraming bitag at mga bagat ang sumalubong sa kanila. Nariyan ang paglitaw ng hindi mabilang na kabaong para habulin sila. Kahit papaano ay nagawa nila itong lagpasan dahil na rin sa kaalaman ng mga ermetanyong kasama nila. Ngunit ang nagpahirap sa kanila ay ang pag atake ng mga sigbin. Napakabibilis ng mga nilalang na ito na hindi nila magawang masipat ang mga kaanyuan nito.Ngunit kapag nakakapatay naman sila ay agad nilang nasisipat ang pinaghalong asonat kambing nitong kaanyuan. Maiikli rin ang paa nito sa likod at kukay itim rin ang buo nitong kulay na humahalo sa kadiliman ng gabi. Mababangis din ang uri nito at kalimitan silang alaga ng mga gabunang aswang o di kaya naman ay mga engkanto.
Habang papalapit sila sa lugar na nais nilang puntahan ay palakas naman ng palakas ang kanilang mga nakakaharap.
Sa pagdating nila sa tuktok ng bundok ay doon nila nakita ang dalawang napakalaking bato na hugis tatsulok na animo'y ipinatong doon. Habang pinagmamasdan nila ito ng may kilabot at mangha at isang nilalang ang biglang lumabas roon.
Napakalaki nito na maihahalintulad mo na sa isang matandang puno. Mabalahibo at kulay itim ang buo nitong katawan. Wala itong suot pang itaas at tanging maliit na kulay abong tela lamang ang nakabalot sa pang-ibaba nito na animo'y isang katutubo. May mga pangil din ito sa magkabilang bunganga nito na nakausli at ang wangis nito at sa unggoy. Hindi naman malaman ng mga ermetanyo kung anong nilalang ito dahil noon lamang sila nakakita nito. Marahil ay isa itong engkantong itim o di kaya naman ay isang uri ng aswang.
"Walang tatawid sa inyo. Utos ng aking panginoon, paslangin ang sino mang magtangkang pumasok sa lagusang ito." Wika ng nilalang sa malaki at garalgal nitong boses na may kasabay na pag-aangil.
Akmang lulusob na si Tandang Ipo nang lumitaw sa kanilang harapan ang diwata ng buwan kasama si Mapulon.
"Hindi ninyo kakayanin ang nilalang na ito. Hayaan niyong kami ang gumapi sa kanya. Oras na oara bumalik ang nilalang na ito sa kanyang kulungan." Sambit ni Mapulon habang iwinawasiwas ang mahiwagang kampilan nito bago itinutok sa malaking nilalang.
"Humayo na kayo, at nauubos na ang ating oras. Pagkapasok ninyo ay makikita niyo ang lawa ng kamatayan, bagtasin niyo lamang ang landas nito at mararating niyo ang kinaroroonan ng itinakda. Paalala mga tao, huwag na huwag ninyong idadampi ang kahit anong parte ng inyong katawan sa tubig ng lawa sapagkat ito'y nagdadala ng sumpa." Paalala pa no Bulan bago sila pinapasok sa lagusan. Wala namang nagawa ang malaking nilalang dahil nakaharang sa kanya ang diwata ng panahon.
Mabilis na pinasok ng grupo ni Sinag ang lagusan, hindi na nila nakita ang labang nagaganap sa labas ngunit dinig na dinig nila ang pag-aangil ng nilalang at mga pandigmang sigaw ni Mapulon at Bulan habang nakikipaglaban dito. Hindi naman nila ito pinansin dahil alam nilang hindi magagapi ang mga diwata sa isang mababang uring nilalang lamang.
Nang tuluyan na nga silang makapasok ay tinahak nila ang landas malapit sa lawa ng kamatayan. Habang nakatitig sila rito ay tila ba may nag-uudyok sa kanila na magtampisaw roon. Nakakaakit ang tubig ng lawa dahil sa napakagandang kulay asul nito. Animoy isa iyong salamin sa sobrang linis . Ngunit kapag binuksan mo ang iyong ikatlong mata at mabasag mo ang sabulag nito ay doon mo makikita ang tunay nitong kaanyuan. Napakaitim ng tubig nito at kumukulo iyon na animo'y isa iyong maiinit na putik. May mga kalansay din ng hayop at mga engkanto ang lumulutang roon. At ang mas nakakakilabot dito ay ang mga tila taong putik na naroroon na umaaya sa iyo na pumunta sa tubig.
Ilang beses ding kamuntikan nang may matangay sa pang aakit ng mga nilalang kung hindi lang dahil sa pagpigil ni Sinag at ng ibang ermetanyo hanggang sa marating na nga nila ang dulo nito. At doon nila nakita ang isang lugar na animo'y doon lamang tumutubo ang mga puno. Pansamantala silang nagkubli sa malalaking tipak ng bato upang magmasid.
"Sinag, nasa gitna ng mga punong iyan ang itinakda. Napakaraming nilalang ang nakapalibot sa kanila at kakailanganin niyo ang tulong ng iba. " Wika ni Malandok sa kanyang isipan. Agad naman niyang ipinagbigay alam ito sa mga ermetanyo. Habang nag-uusap sila ay nagsimula namang mag orasyon si Sinag upang matawag ang mga kasangga nilang engkanto.
Samantala habang nagaganap iyon sa panig nila Sinag ay maririnig naman ang tawanan ng mga nilalang sa palibot ni Mina. Nakatali na noon ang dalaga sa tatlong kawayang pinagkrus at ganoon din naman ang sitwasyon ni Isagani. Magkaharap ang mga ito kung kaya't nagkakatinginan lamang ang mga ito na animo'y hindi pa sila humaharap kay kamatayan.
"Sa wakas, mabubuhay nang muli ang panginoong Sitan. Muli ay maghahasil siya ng lagim sa sanlibutan. " Nagbubunying wika ng hukluban at agad namang nagkasiyahan ang mga nilalang sa plaibot nila habang itinataas ang kanilang mga kamay.
"Ano ang pakiramdam ng malapit na sa pintuan ng kamatayan?" Tanong ng hukluban at napangisi naman si Isagani.
"Bakit ako ang tinatanong mo, bakit hindi mo subukan baka sakaling pagbuksan ka ng pinto sa impyerno." Sarkastikong sagot ni Isagani na ikinatawa naman ng hukluban.
"Matapang ka, ikaw na isinumpa ng iyong uri, ang siyang mauuna." Sigaw pa nito at akmang itatarak na sa puso nito ang sundang nitong hawak nang bigla siyang mapahinto nang tumawa ng malakas si Mina. Marahas na napalingon sa kanya ang hukluban at nag aangil ito.
"Anong nakakatawa itinakda?" Galit na tanong nito. Hindi naman ito pinansin ni Mina at nagpatuloy lang sa pagtawa nang walang anu-ano'y tumarak sa puso niya ang sundang na kaninang dapat nasa puso na ni Sinag.
Napalatak naman ang hukluban at nagbunyi silang lahat habang si Isagani ay napatulala lamang sa kinaroroonan ng dalaga habang ito ay unti-unting napapapikit.