Chereads / Anak ng Kalikasan / Chapter 37 - Chapter 3

Chapter 37 - Chapter 3

"Mauna kna Jun, susunod ako sayo sa tubig." Wika ni Mina habang pinagmamasdan ang malawak na karagatan. Payapa ito kung titingnan subalit ramdam niya ang sigalot na nangyayari sa kailaliman nito.

"Sige Mina. Siyanga pala doon sa amin ang tawag nila sa akin Lawudan. Mag-iingat ka Mina, masyadong mapanganib ngayon sa dagat." Paalala pa ni Jun bago ito tinungo ang dagat at sumulong na roon. Hindi na iyon pinansin ni Mina dahil nagsimula na siyang magsambit ng engkantasyon uoang tawagin ang kanyang lagusan. Ngayon niya kasi susubukan ang hangganan ng kakayahan ng lagusang iyon.

"Itinakda, isang paalala, ang kakayahan ng lagusan ay nakadepende sa gumagamit nito. Sa ngayon ay hindi pa malayo ang maabot ng lagusan mo ngunit habang lumalakas ang kakayahan mo ay siya ring paglawak nito." Narinig niya ang tinig ni Bulan na nangungusap sa isipan niya.

"Salamat sa paalala mahal na diwata." sambit ni Mina sa mahinang tinig. Pagbigkas niya ng mga buhay na salita ay siya namag paglitaw ng lagusan sa kanyang harapan. Napakaliwanag ng lagusan iyon na tila ba ulap itong kumukinang at umiikot lamang sa harapan niya. Sa gitna naman niyon ay tila isang salamin ngunit ang makikita mo roon ay hindi ang iyong repleksiyon bagkus isang di malinaw  na kadiliman.

Sa kanyang pagmamasid sa lagusan ay naramdaman niya ang pagdampi ng isang malamig na kamay sa kanyang balikat. Paglingon niya rito ay nakita niya si Isagani na nakatayo roon habang nakatingin sa lagusang binuksan niya.

"Mag-iingat ka. Hihintayin namin ang pagbabalik mo. Magbabantay ako sa himpapawid. Magpadala ka ng senyales kapag nasa alanganing sitwasyon ka at agad ako pupunta sa kinaroroonan mo." wika nito na ikinangiti ng dalaga.

"Paano ka makakapunta eh hindi ka nga pwede sa dagat." nagtatakang tanong ni Mina at napasimangot lamang si Isagani.

"Ako na ang bahala doon. Sige na, Huwag mong kalimutan ang mga sinabi ko." Wika nito habang marahang tinutulak ang dalaga papasok sa lagusan. Wala nang nagawa pa si Mina kundi ang pumasok roon. Samantala ramdam na ramdam ni Isagani ang pagkirot ng kanyang balat nang dumampi ito sa lagusan. Tila ba may kung anong pwersa ang sumusunog sa balat niya na animo'y kinukuryente ito.

Napatingin lamang siya sa lagusan hanggang sa tuluyan na nga itong naglaho sa kanyang paningin. Hinintay naman niya ang pagtalikod ng araw upang makapagpalit na siya ng anyo. Naging aswang na lipad siya noon na may kakaibag wangis. Ang ulo niya ay sa tao pa rin samantala ang katawan naman niya ay nababalot ng dilim. May latigo namang nakapulupot sa kanyang tadyang na tila nagbabaga habang ang buhok naman niya ay tila kulay abo na kumikislap sa tuwing nasisilayan ito ng liwanag ng buwan. Kulay ginto din ang mga mata niya, kakaiba para sa isang aswang. 

Nabanggit na rin sa kaniya ni Adlaw n sa tuwing nagagamit niya nag kakayahan ng diwata ay unti-unti naman nitong binabago ang bertud niyang tangan. Marahil ito din ang dahilan ng malaking pagbabago sa kanyang anyong aswang.

Samantala...

Sa muling pagbubukas ng lagusan at paglabas doon ni Mina ay agad na sumalubong sa kanya ang malamig na tubig ng dagat. Sa tulong ng engkantong tubig na nagbigay sa kanya ng isang halamang makakapagbigay sa kanya ng kakayahang huminga sa ilalim ng tubig ay nagagawa niyang huminga ng normal doon. Napakalalim ng dagat na iyon na kapag isang ordinaryong tao ang sisisid doon ay paniguaradong mauubusan ng hangin at mamamatay. Muli niyang binuksan ang lagusan at pumasok roon upang mas mapabilis ang kanyang paglalakbay. Sa muling paglitaw niya, ay napansin niya ang mga sirenang nakatingin sa kanya na may gulat at takot sa kanilang mga mukha. Nang masipat na ng mga ito na isa siyang tao ay tila ba nakahinga ang mga ito ng maluwag na lubos naman niyang ipinagtaka.

Nang akmang bubuksan uli niya ang lagusan ay nasipat niya ang isang malaahas na nilalang na palihim na lumalapit sa mga sirenang namamahinga sa mga batong naroroon. Napakalaki ng ahas na iyon na halos kaya nitong lumulon ng dalawang buong tao. Nagsingkit ang kanyang mga mata at mabilis na lumangoy patungo sa nilalang upang salagin ang palihim nitong pag-atake na agad na ikinagulat ng mga sirena dahilan upang magsipulasan ang mga ito at lumayo sa lugar.

Nagawa naman pigilan ni Mina ang dambuhalang ahas sa balak nito. Bumubuka-buka pa ang napakalaking bunganga nito na animo'y nais nitong kainin si Mina ngunit hindi nito magawang lumapit sa kanya. Kitang-kita niya ang pagpapalit-palit ng kulay ng mata ng ahas na siya namang itinanong niya sa mga diwata sa kanyang isipan

"Mina, ang nilalang na iyan ay hindi engkanto o kung anu pa man. Isa iyang halimaw na kumakain ng kahit anong nilalang dito sa kailaliman ng karagatan. Madalas ay mga sirena ang kinakain nila dahil sa taglay na kagandahan ng mga ito. Ang hula ko ay merong kumokontrol sa nilalang na iyan upang magawa nitong umatake kahit napakaraming sirena ang nandirito." turan naman ni Bulan sa kanyang isipan.

"Mina, mag-iingat ka, dahil ang nilalang na iyan ay nagtataglay ng pambihirang lason na maari mong ikapahamak kapag nadampian ka nito." saad naman ni Tala na noo'y naririnig niyang nakikipagtalo sa kapatid nitong si Hanan.

Napairap lamang siya g kanyang mata bago kinuha ang punyal sa kanyang beywang at nag-usal doon. Mabilis naman niya itong inihagis sa ahas ngunit mabilis din itong nakailag dahilan upang hindi niya ito mapuruhan. Napakabilis din ng paglangoy nito kaya naman hindi na niya ito hinabol pa.

Umikot naman ang tingin niay sa mga sirenang naroroon. Ang iilan ay nagkukubli sa mga naglalakihang bato, habang ang iba naman ay tila ba natatakot sa kanya.

"Patawad kung nagambala ko ang inyong pamamahinga. Napadaan lamang ako nang makita ko ang ahas na iyon. Hindi na kayo dapat naririto dahil hindi niyo alam kung anong panganib ang naninirahan ngayon sa inyong nasasakupan." wika niya sa isipan ng mga ito. Nanlaki naman ang mga mata ng sirena at may iilan nang naglakas ng loob na lapitan siya.

"Ikaw ang itinakda?" nasasabik na tanong ng isang sirenang paikot-ikot sa kaniya. Maging ang ibang sirena ay nagulat at napatingin sa kanya. Dahan-dahan amg mga itong lumapit sa kanya na tila manghang-mangha sila kay Mina. Tila ba noon lamang sila nakakita ng taong naroroon sa kanilang tirahan.

"Ang itinakda nga." Tuwang-tuwa ang mga ito habang pinapaikotan ang dalaga. Napakamot lamang si Mina sa ulo at muli nang binuksan ang lagusan upang makaalis na sa lugar na iyon. Hinayaan naman siya ng mga sirena dahil alam naman ng mga ito kung saan siya tutungo. Agad nilang ibinalita sa iba pang mga sirena ang pagdating ng itinakda sa kanilang kaharian. Nagbunga iyon ng samo't saring emosyon sa mga nilalang na nakatira sa dagat. Natutuwa sila ngunit nababalot din sila ng takot na mangyari ang mga bagay na kanilang kinakatakutan.

Sa muling paglitaw ng lagusan ni Mina ay doon na niya nasilayan ang napakagandang kaharian ng mga kataw. Napakaganda ng lugar na iyon na maihahalintulad mo sa isang sibilisasyong tila ba kinalimutan na ng panahon. Napakahiwaga ng tanawin at napapalamutian ang bawat bato roon ng mga nagkikislapang mga bato na tila diyamanteng may iba't ibang kulay. Ang lugar na iyon ay tila ba nakalutang sa tubig. Ngunit pagpasok mo sa mismong bulwagan ng kaharian ay kapansin pansin ang pagkawala ng tubig roon subalit makikita mong tila lumalangoy pa rin ang mga sirena at kataw na naroroon.

Pagkapasok niya ay agad na lumapat sa sahig ang kanyang mga paa. Itinago na niya sa kanyang beywang ang kanyang punyal dahil alam niyang ligtas na siya sa lugar na iyon. Agad namang sumalubong sa kanyan si Jun na noo'y nasa anyong kataw na.

"Maligayang pagdating sa kaharian namin Mina." Masayang bati ni Jun sa kanya.

"Salamat, Lawudan." Nakangiting tugon ng dalaga na ikinatawa naman ni Jun.

"Halika at ipapakilala na kita sa aking ama " anyaya ni Jun .

Pagdating nila sa sentro ng palasyong iyon ay agad na napansin ni Mina ang Kaibahan ng kanyang Ama sa kaniyang ina.

"Huwag kang magtaka Mina, ang ama ko ay isang purong kataw habang ang ina ko naman ay dating tao na naging kataw. " Paliwanag ni Jun at napatango lamang si Mina. Maigi siyang nagmamasid at pinakatitigan ang mga nilalang na naroroon.

Masaya niyang binati ang mga magulang ni Jun at nagbigay galang sa mga ito. Tuwang tuwa naman ang nanay ni Jun na makasilay ng tao sa kanilang mundo. Ayon pa dito ay sabik na sabik na siyang makabalik muli sa mundo ng mga tao kung hindi lang dahil sa kaguluhan sa ilalim ng karagatan.

Wala naman batas sa kanila na ipinagbabawal na makipagkaibigan sa mga tao. Ngunit para na din sa kanilang kaligtasan ay lubos nila itong iniiwasan. Nakikipagkaibigan lamang sila sa mga taong may busilak na kalooban at hindi basta-basta natutukso ng ano mang kayamanan.

Hindi kasi maipagkakailang punong-puno ng mamahaling bato at ginto ang buong kaharian nila Jun. At sino mang tao ay maaring matukso rito dahil likas na ito sa kanila.

Isinalaysay din ng hari na ang pagkuha ng mga ginto sa ilalim ng dagat kapag hindi bukal sa mga kataw ay magiging isang sumpa sa taong iyon. Babalutin ng kamalasan ang buhay ng taong iyon at magiging kabayaran din ang buhay ng lahat ng mahal nito sa buhay. Dahil doon ay nilimitahan ng hari ang pakikipag-ugnayan nila sa mga tao.

"Itinakda, kung napapansin mo balot na balot ngayon ng pwersa ng kasamaan ang buong karagatan. Sinasakop mg salot ang dagat na siyang dahilan kung bakit naaapektuhan ngayon ang mga tao sa ibabaw. Dahil iyon sa paglitaw ng mga itim na Marindaga. Mga engkantong tubig rin sila katulad namin ngunit kalimitan silang matatagpuan sa mga lawa. " Paunang wika ng hari.

"Iyon ang ipinagtataka namin Mina, dahil natural sa mga marindaga ang manirahan sa mga tubig tabang." Dugtong naman ni Jun na siyang nagpaisip ng malalim kay Mina.