Chereads / Anak ng Kalikasan / Chapter 39 - Chapter 5

Chapter 39 - Chapter 5

Sa kanilang pag sunod sa tinig ay napadpad sila sa isang kakaibang lugar na noon lamang napuntahan ni Jun sa tagal niyang naninirahan sa karagatan. Nagtataasan ang mga bato roon na animoy mga bundok. Wala ka namang makikitang nilalang doon bukod sa mga isdang naglalanguyan at iba pang lamang-dagat na kalimitan mo lamang makikita sa ibang parte ng dagat. Mabilisan naman nilang pinasok ang medyo may kakitirang bulwagan hanggang sa marating nila ang isang malawak at napakagandang lugar na ikinamangha nila pareho.

"Maligayang pagdating sa aking mumunting kaharian, itinakda at prinsipe ng mga kataw." wika ng isang malaking boses na agad naman nilang ikinagulat. Inilibot nila ang kanilang paningin hanggang sa madapo ang kanilang mga mata sa isang nilalang na nakaupo sa isang malaking bato. Nakatingin ito sa kanila habang nakangiti. Napapalibutan naman ito ng mga makukulay na isda at iba pang klase ng lamang-dagat. 

"Sino ka? Bakit mo kmi tinatawag?" Tanong ni Jun na ikinatawan naman ng nilalang. Sa kanilang paglapit dito, doon nila naaninag ang napakagandang kaanyuan nito. Napakaamo ng mukha nito na napapalamutian ng mga malilit na tila corales habang ang buhok naman nito ay tila ba gawa sa mga halamang dagat na aakalain mong sumasayaw sa agos ng tubig.

Bigla-bigla ay tumayo ito at lumapit sa kanila. Amoy na amoy ni Mina ang kakaibang bangi nito kahit nasa tubig sila. Tila ba humahalimuyak ito na bulaklak na minsan na din niyang naamoy sa diwata ng buwan. Agad siyang kinutuban at sa pakiwari niya ay isa rin itong diwata katulad ni Bulan.

"Ako si Agwe, ang siyang namumuno sa buong katubigan. Tinuturing akong diyos ng tubig at ito ang aking kaharian. " Sambit nito habang tila may kung anong hinahanap sa katawan ni Jun.

"Ikaw na anak ng hari ng mga Kataw. Lubod akong nalulugod sa iyong pagtugon sa aking pagtawag. Matagal ko ding sinusubaybayan ang iyong buhay simula pa lamang ng iyong kapanganakan. At marahil ito na din ang oras upang iyong tanggapin ang iyong gantimpla." Dagdag pa nito.

Napatingin lang naman si Jun dito dahil hindi siya makapaniwalang makakaharap niya ang isa sa pinakatanyag na diwata ng kanilang mga uri. Bata pa lamang siya ay naririnig na niya ito sa mga kuwento ng kanyang Ama.

"Ano ang iyong kahilingan Prinsipe ng mga Kataw?" Tanong nito.

"Ang hiling ko?" Biglang pumasok sa isip niya ang kalagayan ni Ida ngunit mabilis niyang ipiniling ang kanyang ulo. Mas mahalaga sa ngayon ang kaligtasan ng karagatan at ng kaniyang ama. Alam niyang ligtas si Ida sa mundo ng mga tao sa ngayon.

"Ibig kong matulungan si Ama. Ibig kong mailigtas ang karagatan laban sa mga Marindaga. " Wika niya at napangiti ang diwata. Bumalik ito sa kinauupuan nitong bato at merong itong dinukot doon na kung ano.

Tahimik naman nagmasid doon si Mina.

"Mina, malaki ang maitutulong ni Agwe sa inyo. Tanggapin niyo ang kahit anong bagay na ibibigay niya dahil magagamit niyo iyon diyan sa dagat at maging sa ibabaw ng lupa. Ramdam kong lubos niyang kinalulugdan ang kasama mong kataw." Wika ni Mapulon sa kanyang isipan.

"Lumapit ka dito Lawudan. " Utos ng diwata na agad naman tinugon ni Jun.

"Ibuka mo ang iyong mga palad" muling utos nito na agaran din sinunod ng binata.

"Ikaw Lawudan, anak ng mga Kataw. Kalahati ng dugo mo ay sa tao ngunit ang puso mo ay balanseng nagmamahal sa parehong uri. Tanggapin mo ang batong ito bilang gantimpala sa iyong mabuting gawa. Nawa'y ipagpatuloy mo ang iyong mabuting hangarin. Sa oras na makaramdam amg batong ito ng masama na nanggagaling sa iyo ay kusa itong maglalaho at ang buhay mo ay babalutin ng isang kapangipangilabot na sumpa. " Wika ni Agwe at inilapat sa palad ni Jun ang isang kumikinang na ito na perlas.

"Bukal sa loob ko itong tinatanggap. Maraming salamat mahal na diwata ng tubig." Tila maluha-luhang sambit ni Jun. Kakaibang init ang naramdaman niya nang dumampi na sa kanyang palad ang perlas. Tila may kung anong yumakap sa kanya na siyang nagpaantig ng kanyang puso. Agaran din nawala ang perlas na iyon sa palad niya. Na ayon pa sa diwata ay tuluyan na itong naging parte ng kanyang pagkatao at kaluluwa.

Nang matapos na itong maibigay ni Agwe sa binata ay mayroon naman itong hinugot sa kanyang tadyang. Agad naman nilang nasipat ang isang latigo na gawa sa buntot pagi. Kakaiba ang buntot pagi na iyon dahil meron itong tatlong matutulis na dulo.

"Ito naman ang aking regalo sa iyo itinakda para gunitain ang ating unang pagkikita. " Nakangiting wika nito sabay abot ng latigo sa dalaga. Malugod naman itong tinanggap ng dalaga at taos pusong nagpasalamat dito.

"Oras na para lisanin ninyo ang aking kaharian. Sa intong paglabas sa bulwagang dinaanan ninyo ay siya namang hudyat uoang maglaho ito sa iyong mga mata. " Wika ni Agwe.

Magalang na silang nagpaalam dito at tinahak na ang landas palabas ng kaharian ni Agwe. Sa kanilang paglabas doon ay naging ordinaryong bato naman ang bulwagan at nang pasukin nila uli ito ay wala silang nakita kundi ang malawak na karagatan.

"Jun, magmadali na tayo. Ang kaharian ni Agwe ay nasa kabilang mundo, sa hula ko ay napakabilis ng oras doon. Kung hindi tayo magmamadali baka hindi na natin maabutang buhay ang iyong Ama." Wika ni Mina at agad na binuksan ang kanyang lagusan.

"Jun, gamitin mo ang binigay ni Agwe para makarating ka ng mabilis roon. Magkita na lamang tayo sa inyong kaharian. " Wika ni Mina sabay pasok sa lagusan.

Nataranta naman si Jun dahil hindi niya alam kung papaano gagamitin ito. Nang akma pa siyang magtatanong sana sa dalag ay naglaho na ang lagusang gamit nito. Napabuntong-hininga lamang siya at pinakiramdaman ang kanyang sarili .

"Gawin mo lamang ang natural mong ginagawa. Ang kapangyarihan ng perlas ay doblehin ang kung ano mang kakayahan ang meron ka. Sa pagdaan ng panahon, matutuklasan mo din ng paunti-unti ang iba pang kakayahan ng perlas na ibinigay ko sayo. " Wika ni Agwe sa kanyang isipan. Dahil sa narinig ay nagung panatag namn siya. Mabilis siyang lumangoy patungo sa kanilang kaharian at halos minuto lamang nang dumating siya roon.

Sa kanyang pagdating ay kitang-kita niya ang isang Marindaga na inuundayan ng saksak ang kanyang Ama. Nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis itong nilapitan. Mabilis niyang sinangga ng kanyang gamit na sibat ang punyal nito na lubha namang ikinagulat ng kanyang Ama at nang kalaban nitong Marindaga.

"Lawudan, anong ginagawa mo rito? Paano ang mga kasama mo?" Tanong nito na tila ba nanlulumo ito.

"Nasa ligtas na silang lugar, Ama." Wika ni Jun at muling sinangga ang pag atake ng Marindaga. Gamit ang kanyang sibat ay malakas niyang itinulak ito papalayo sa kinaroroonan ng kaniyang Ama.

Hindi masukat ang lakas ni Jun noong oras na iyon na ikinamangha naman ng kanyang Ama. Alam niya sa kaniyang sarili na hindi normal ang lakas na pinapamalas ng kanyang anak kung kaya't manghang-mangha siya rito.

"Isa ka lamang mahinang prinsipe." Tawang-tawa ang Marindaga habang patuloy na inaatake si Jun. Napangisi lamang ang binata habang walang kahirap-hirap na sinasalag ang bawat pag-atake nito.

"Kung sa tingin mo isang ordinaryong prinsipe lang ako, nagkakamali ka." Wika ni Jun at bahagyang lumayo rito. Sa isipan kasi niya ay patuloy na nagsasalita si Agwe sa kanya tungkol sa kung paano ang pagkontrol sa tubig.

"Kayong mga marindaga, ay dapat na bumalik na sa inyong natural na tirahan." Gigil na wika ni Jun at marahan niyang iniangat ang kanyang mga kamay at walang anu-ano'y lumikha iyon ng isnag malaking ipo-ipo sa harapan ng kalaban niyang marindaga. Gulat na gulat ito ngunit bago pa man ito makatakas ay mabilis itong nilamon ng ipo-ipo at marahas na itinapon sa malayo. Malakas na bumagsak nag katawan nito sa isang matulis na bato na kaagaran din naman nitong ikinamatay.

"Magaling Jun, ipagpatuloy mo lang yan. Marami pa sila kaya gugugol pa tayo ng mahabang oras para itaboy silang lahat." Narinig niyang wika ni Mina na noon pala ay nakikipaglaban na rin sa mga marindaga gamit ang latigong regalo sa kanya ng diwata.

Nagpatuloy ang kanilang laban ng mahigit sa tatlong oras hanggang sa tuluyan na nga nilang naitaboy ang mga ito papalayo sa karagatan .

"Jun, paniguradong babalik sila kung nasaan ang kanilang pinuno. Sasama ka ba o magpapaiwan ka dito?" Tanong ni Mina na may kasamang pag-anyaya dito.

Ngumiti naman si Jun at nagwika ng .

"Sasama ako Mina. Nais kong makausap ng personal ang kanilang pinuno. Napakarami na ng inutang nilang buhay sa aming uri. " Tugon ni Jun at mabilis na inilahad sa hari ang kinaroroonan ng kniyang ina kasama ang iba oang mga kataw at sirena.

Ilang sandali pa ay nilisan na nga nila ang karagatan upang sundan ang mga papalayong Marindaga. Sa pagkakataong iyon ay si Jun ang palihim na sumunod dito habang si Mina naman ay kinailangan munang bumalik sa luoa upang masundo si Isagani.