Chereads / Anak ng Kalikasan / Chapter 40 - Chapter 6

Chapter 40 - Chapter 6

Patuloy lang ang pagsunod ni Jun sa mga Marindagang tumakas. Dahil na din sa tulong ng perlas ni Agwe ay nagagawa niyang itago ang kanyang presensya sa mga Marindaga.

Samantala, nang marating naman ni Mina ang lupa ay halos tangahali na noon. Tirik na tirik ang araw sa kalupaan at marami na ring taong dumaraan. Lumitaw ang kaniyang lagusan sa isang tagong bato malapit sa dalampasigan. Agad naman niyang nasipat si Isagani na matiyagang naghihintay roon habang nakapikit ang mga mata na animo'y natutulog.

Marahan siyang lumapit sa binata at kinalabit iyon. Agaran naman napamulat si Isagani at halos gulat na gulat pa ito nang makita si Mina sa kanyang harapan.

"Kanina ka pa?" Pupungas-pungas pang tanong nito. Pagkuwa'y kinuha nito sa isang sisidlan ang malapad na tela upang ibalot iyon sa basang katawan ng dalaga.

"Kararating ko lang. Naitaboy na namin ang mga kalaban sa karagatan. Sa ngayon ay kasalukuyan itong sinusundan ni Jun sa kanilang pugad. Sa pakiwari ko ay sa kagubatan ang pugad ng mga iyon malapit sa mga lawa o kung ano pang lugar na may tubig." Wika ni Mina at tumango naman si Isagani.

"Mas mabuti pang umuwi ka na muna para makapagbihis ka at makakain. Tatlong araw ka din sa ilalim. Batid kung wala ka pang kain simula noong lumusong ka sa dagat. " Wika ni Isagani na ikinatawa naman ng dalaga. Hindi naman siya sumalungat dito dahil alam niyang gutom na gutom na siya at kailangan niya ang kumain bago uli sumali sa labanan.

Nang makauwi na sila ay nagbihis na si Mina at kumain. Matapos iyon ay saglit siyang nagpahinga upang makabawi ng lakas. Sa kanyang pamamahinga ay patuloy namang nakasubaybay ang kanyang mga gabay sa kinaroroonan ni Jun habang nakasunod ito sa mga Marindaga.

"Mina, lubos kong ikinababahala ang ugaling ito na ipinapakita ng mga Marindaga. Bagama't isang kamalian ang pagpaslang nila sa mga sirena at kataw, ay nakakapagtakang ninanais nilang lumusong sa dagat para lang gawin iyon. Likas sa mga Marindaga ang manatili sa tubig tabang ay ni minsan ay hindi nila nagagawang tumungo sa tubig dagat dahil maaring maagnas o masugat ang kanilang mga balat dahil sa natural na asin ng tubig doon. Katulad din sila ng mga aswang o mga duwende." Wika ni Mapulon sa kanyang isipan.

"Yun din ang bumabagabag sa akin mahal na diwata. At malakas ang kutob ko na may kinalaman dito ang nilalang na tumakas doon sa mundo ng mga itim na engkanto. Buhat nang ibalita iyon ni Agla ay hindi na iyon nawala sa isip ko. Pakiramdam ko ay nasa malapit lang ito at nakamasid sa lahat ng aking ginagawa." Wika naman ni Mina. Natahimik naman ang diwata sa kanyang tinuran. Nang hindi na ito muling magsalita ay ipinikit na niya ang kanyang mga mata. Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas ay muling nagising si Mina nang sumagi na sa kanyang isipan ang lugar na siyang pinamumugaran ng mga Marindaga. Agaran din siyang nag-ayos ng gamit at pagkuway' lumabsa na sa kanyang kwarto.

"Aalis ka na?" Bungad na tanong ni Sinag sa kanya.

"Opo kuya, babalik din ako agad. " Sambit niya at agad na tinanguan si Isagani. Hindi na sila nagpaalam pa kina Christy, dahil alam naman nilang si Sinag na ang magsasabi sa mga ito.

Pagkalabas ng bahay ay agad na gumamit ng lagusan si Mina patungo sa pugad ng mga Marindaga. Si Isagani naman ay ginamit ang lagusan ng kanyang kasanggang tagapaslang patungo roon.

Kisap mata lamang nang marating na nila ang pinagpupugaran ng mga ito. Naabutan pa nilang nakakubli si Jun sa isang malaking puno malapit sa talon kung saan ay sipat nila ang nagkukumpulang mga Marindaga.

"Ano ang sitwasyon?" Tanong ni Mina.

"Hindi ako sigurado, pero may nakita akong babae kanina. Sa tindig nito, halos kasingtanda mo lang ito Mina. Hindi siya isang Marindaga bagkus ay isa rin siyang tao. Nakatalikod ito kaya hindi ko ito namukhaan. Mahaba at itim ang buhok nito. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila pero kitang-kita ko kung gaano ka aamo sa kanyan ng mga Marindaga na animo'y ito ang kanilang reyna. " Sambit ni Jun na may halong pagtataka.

"Isang babae?" Bulalas ni Mina at napaisip.

Hindi kaya ang babaeng iyon ay may kinalaman sa nilalang na nakatakas sa mundo ng mga engkanto?

Bigla-bigla na lamang sumagi iyon sa isipan ng dalaga. Mabilis niyang ipiniling ang ulo upang mawaksi ito sa kanyang isipan.

Sa kanilang pagmamasid ay nakita nila ang mga Marindagang lumusob sa dagat na unti-unting nanghihina dahil sa pagkasunog ng kanilang mga balat.

Galit na galit naman ang kanilang pinuno dahil sa pagkatalo ng mga ito. Habang umaanggil ang mga ito ay nagsilabas naman sina Mina sa punong kanilang pinagtataguan.

"Ang itinakda ." Sigaw ng sugatang Marindaga at nagtago iyon sa pinakamalapit na bato sa kanya.

"At ikaw na talaga ang naghatid ng sarili mo sa amin, itinakda !" Sambit ng pinuno ng mga Marindaga. Gumagapang-gapang oa ang katawan nito sa madamong lupa. Habang ang ibang parte naman ng buntot nito ay nakalubog sa tubig. Napakaganda rin ng wangis nito at meron itong mala-ugat na korona sa ulo nito. Kulay berde na may halong ginto rin ang buntot nito na halos kasinghaba na ng isang matandang kawayan. Nanlilisik din ang berde nitong mata at meron itong dila na maihahalintulad mo sa ahas at pangil na kagaya ng mga mga Bampira. Meron din itong mahahabang buhok na siyang nagsisilbing takip nito sa pang-itaas na bahagi ng kayang katawan.

"Hindi ako pumunta rito para mamatay lang sa kamay ninyo. Ikaw na reyna ng mga Marindaga, ano ang karapatan mong kitilan ng buhay ang mga nilalang na hindi naman nagagawi sa teritoryo mo? Ano ang kasalanan ng mga kataw para inyo silang pahirapan araw-araw?" Mahinahong tanong ni Mina. Inilibot niya ang tingin sa mga nilalaang na naroroon. May mga bata rin siyang nakikita ngunit kapansin-pansin ang pangangayayat ng mga ito na animo'y may mga sakit. Muli naman niyang ibinalik aang tingin sa reyna nang marinig niya itong tumawa.

"Karapat-dapat silang patayin dahil hadlang sila sa nais ng aking panginoon. Sa tingin mo ,sino ang papanigan ko? Sila na hindi ko naman kauri o ang panginoon kong siyang may hawak ng buhay ng aking nasasakupan?" Wika nito at mabilis na inilapit ang mukha sa dalaga.

"Tulungan mo kami." Mahinang bulong nito at napakunot ang noo ni Mina. Bigla naman umalis ang Marindagang iyon na animo'y guni-guni lamang niya ang mga narinig niya.

"Hindi ka na dapat nagpunta. Ngayon, sisihin mo ang sarili mo dahil ang kapangahasan mo ang siyang magpapahamak sayo." May pag-aanggil na wika nito.

Akmang susugod na ang dalawang binata ay mabilis naman itong napigilan ni Mina. Tumingin lamang siya sa nilalang na iyon habang maiging pinakikiramdaman ang paligid. Doon niya nasipat ang isang malaasong nilalang na nagkukubli sa isang bato. Nagsingkit ang mata niya rito at dahan-dahan siyang napangisi.

Samantala nagulat na lamang ang malaasong nilalang nang biglang mawala sa kanyang paningin ang itinakda. Tuwang-tuwa pa naman siya at tuluyan na nilang mawawakasan ang buhay nito. Subalit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla itong naglaho sa kanyang paningin. Walang anu-ano'y bigla na lang umikot ang kanyang mga mata na tila ba bigla siyang inihambalos ng isang pwersa sa lupa. Huli na nang malaman niya na ang kanyang ulo na karugtong ng kanyang katawan ay gumugulong na pala sa lupa.

Hawak-hawak noon ni Mina ang latigong bigay sa kanyan ni Agwe. Lubos naman iyong ikinagulat ni Jun at Isagani. Kahit sila ay hindi nila nasundan ang angking bilis ng dalaga.

"Wala na ang kinakatakutan niyo. Ngayon magpaliwanag ka." Utos nito sa reyna ng mga Marindaga. Mabilis na yumukod sa lupa ang reyna at napaiyak ito.

"Patawarin niyo kami. Maging kami ay ayaw namim ng gulo. Araw-araw nagbubuwis ng buhay ang aking mga kauri upang masunod lamang ang iniuutos ng demonyong yun. Wala akong magagawa dahil kung hindi namin gagawin mamamatay ang aming mga supling." Nagmamakaawang wika nito.

"Sino ang nag-uutos sa inyo?" Tanong ni Isagani.

"Hindi ko alam. Pero isa siyang babae. Napakalakas niya, nagagawa niyang pumatay ng mga kauri ko nang walang kahirap-hirap. Minsan ko na rin siyang nakitang pumatay ng isang mataas na uri ng tikbalang." Pagsasalaysay nito.

"Isang babae?" Napatingin si Mina kay Jun. Tumutugma kasi ito sa unang isinalaysay ng binata sa kanya.

"Prinsipe ng mga kataw, alam kung walang kapatawaran ang nagawa ng aming angkan sa inyong uri. Ngunit kapag kayo ang nasa aming kalagayan, matitiis mo bang mamatay na lamang ang inyong mga supling na wala pang kamuwang muwang sa mundo? Ilang buwan din kaming nagtiis, hindi lamang kami. Marami pa siyang nilalang na pwersahan pinapasunod sa kanya. Kung ibig mo talagang ipaghiganti ang iyong mga napaslang na uri, hayaan mong maging kabayaran ang aking buhay." Wika niyo at dumapa iyon sa lupa.

Nagkiskisan naman ang mga ngipin ni Jun sa sobrang galit. Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang sibat at itinuon iyon sa Reyna. Nag-uumapaw na galit at panlulumo ang namamayani sa kanyang puso at isipan. Ngunit sa bandang huli ay namayani ang puso niyang mapagpatawad. Totoo ang sinabi ng reyna, kung sila man ay nasa ganoong sitwasyon ay gagawin nila ang lahat upang mailigtas lamang ang kanilang mga supling. Dahan-dahan niya ibinaba sa lupa ang sibat niya. At kinuha ang punyal nito sa beywang. Agaran siyang lumapit sa reyna at pumutol doon ng kakarampot na buhok nito.

"Ang mga buhok na ito ang siyang magiging alay ko sa mga uri kong pinaslamg ninyo. Mapapatawad ko kayo pero hindi ngayon. " Wika ni Jun at marahas na tumalikod sa mga ito.

Maya-maya pa ay nagbanggit ng orasyon si Mina, nagbukas siya ng isang lagusan oara sa mga marindaga.

"Lisanin niyo ang lugar na ito at pansamantala kayong magkubli sa mundo ng aking mga kaibigan. Doon ay magiging tahimik ang buhay ninyo. " Wika ni Mina at lubos iyong ikinatuwa ng mga Marindaga. Paisa-isa na silang pumasok sa lagusan habang nagpapasalamat kay Mina. Hindi naman niya iyon pinagtuunan ng pansin dahil patuloy siyang nagmamasid sa paligid. Iniiwasan niyang merong makaalam na iba sa kanyang ginawang pagkukubli sa mga ito.Maari kasing maantala iyon o di kaya naman ay maging mitsa iyon ng pagkatuklas sa mundong pinagtataguan ng mga ito.