Chereads / Anak ng Kalikasan / Chapter 43 - Chapter 9

Chapter 43 - Chapter 9

Dahil sa sugat na natamo ni MIna sa kanyang tuhod ay nagpahina muna siya sa kanilang bahay. Tatlong araw ang lumipas ay doon na nag nila napagdesisyunang maglakbay upang hanapin ang babaeng palaging bumabagabag sa kanya.

Tutol man ay wala nang nagawa si Lando para pigilin ang kanyang anak. Ipinagbilin na lamang niya ito kay Isagani upang kahit papaano ay hindi siya mag-alala dito. Nangako naman si Mina na magpapalipad hangin sa mga engkantong naninirahan sa Lombis para maihatid ang kanilang sitwasyon sa kanilang paglalakbay. HIndi na sumama si Sinag dahil ito naman ang magsisilbing bantay sa Lombis habang wala silang dalawa. HIndi kasi maaring iwan ang Lombis dahil maari itong masakop ng mga masasamang pwersa kapag napag-alaman ng mga ito na wala doon ang itinakda.

Sa kanilang paglalakad palabas ng bayan ay sumalubong naman sa kanila ang binatang si Gorem kasama ang alaga nitong aso.

"Mina, sasama ako. " Nakangiting wika ni Gorem. Pinapakita pa nito ang bitbit nitong sisidlan. Maging ang aso nitong kasama ay tila ba sabik na sabik na sumama sa kanila.

Natawa lang naman si Mina at tumango para sumang-ayon sa nais nito. Alam niyang nakapagpaalam ito nang maayos dahil na din sa isang nilalang na nakatanaw sa kanila, di kalayuan sa kanilang kinaroroonan. Ito pala ang Ama ni Gorem. Napakatangkad nito na halos kasing tangkad na nito ang isang mataas na puno ng santol. Kulay abo ang mga buhok nito at ang balat naman nito ay tila ba balot na balot ng makapal na balahibo na kumikinang sa bawat pagtama ng sikat ng araw doon. Bahagya niya itong tinanguan bilang pagbati at pagpapakita ng kanyang pagtugon dito. Hindi man ito magsalita ay alam niya inihahabilin nito ang kaligtasan ng kanyang anak sa kanila.

Nagpatuloy na sila sa kanilng paglalakad at halos inabot sila ng hapon bago sila maoarating sa sumunod na baryo. Hindi na iyon sakop ng Lombis, bagkus ay lampas na iyon sa Hilaya.

Huminto muna sila saglit at naghanap ng tindahang maari nilang pagtanungan.

"Ale, itatanong ko lang po. Alam niyo po ba kung saan ang daan patungo sa kagubatan ng Siranggaya ?" Tanong ni Mina sa nagbabantay sa tindahan na una nilamg nakita.

"Siranggaya ba kamo? Iyong bundok na sakop ng San Luis? Naku, Eneng malayo oa yun dito. Siguro mga tatlong baryo pa ang lalakbayin niyo. " Wika naman ng babae.

"Ganoon ho ba. Salamat po." Tugon naman niya sa babae at nagpaalam na siya rito. Agad naman niyang binalikan sila Isagani at Gorem para ibalita dito ang kanyang nalaman.

"Anong plano?" Tanong ni Isagani

"Magpalipas muna tayo ng gabi dito. Maghanap na muna tayo ng pwede nating pagpahingahan."

Agad din namang sumang-ayon si Isagani at naghanap na nga sila ng matutuluyan sa lugar na iyon. Isang matandang babae ang taos pusong nagpatuloy sa kanila. Ayon pa dito. Mag-isa na lamang siya sa buhay dahil matagal nang yumao ang kanyang asawa. Wala din silang anak kung kaya't naiwan siyang mag-isa simula noon.

"Huwag kayong mahihiyan, heto pagpasensiyahan niyo na." Wika pa nito habang iniaabot sa kanila ang apat na nilagang saging na nasa plato.

Hindi naman iyon tinanggihan nila Mina dahil hindi pa sila kumakain. Agad nila iyong nilantakan at masaya namang nakatitig sa kanila ang matanda.

"Bakit ba kamo kayo naglalakbay, ang babata niyo pa ah ." Tanong ng matanda. Uugod-ugod na naupo ito sa tumba-tumbang bangko.

"Papunta ho kami sa San Luis, doon sa kagubatan ng Siranggaya." Tugon ni Gorem.

"Ah, Siranggaya. Ang napakagandang bundok ng Siranggaya. Minsan na kaming napadpad ng asawa ko roon. Tunay na nakakamangha. Punong-puno ng hiwaga." Wika pa nito habang ipinipikit ang mata na animo'y masaya itong ninanamnam ang mga alaala niyang iyon.

"Pero, napakalaki na ng nagbago dahil sa paglipas ng mga panahon. " Naging malungkot muli ang boses nito at hindi na muling nagsalita pa.

Sa paglalim ng gabi ay naging tahimik naman ang kanilang pamamahinga. Dahil maliit lamang ang bahay na iyon. Sila Isagani at Gorem ay natulog sa pinakasala ng bahay, habang si Mina naman ay doon sa kwarto ng matanda.

Payak at malinis ang buong paligid nila. Kahit ang likod bahay nito ay may simpleng hardin na kung saan may mga gulay na nakatanim. May mga puno rin ng saging roon.

Sa pag-iikot ni Mina, ay napansin niya ang mga laman-lupang nagbubungkal sa paligid ng mga gulay. Kapansin-pansin din ang pagkikinangan ng mga dahon ng mga gulay dahil sa kanilang ginagawang pagbubungkal.

"Anong ginagawa niyo?" Tanong ni Mina na lubha namang ikinagulat ng mga ito. Halos mabitawan ng isang lamang-lupa ang gamit nitong pangbungkal dahil sa pagkagulat.

"Nakikita mo kami ?" Matapang na tanong ng isang nilalang. Maliit ito halos kasing-tangkad lamang iti ng bagong silang na sanggol. Kulay luoa ang kasuotan nito at may suot itong salakot na hinabi pa sa kung anong dahon. Kulay berde ang mga mata nito at nagliliwanag ang buong kaanyuan nito.

"Isa kang babaylan? Hindi kami gumagawa ng masama. Inaalagaan namin ang mga pananim dito para sa matanda. Simula nang mamatay ang asawa niya ay walang ibang tao ang tumutulong sa kanya." Wika nito at matikas na inilapag ang oangbungkal nito sa lupa para tanggalin ang sombrero nito para magpakilala.

"Ako si Taghuy. Nakatira kami doon sa kabundukan malapit dito. " Pagpapakilala nito. Naupo naman si Mina at maiging pinagmasdan ang mga halaman na naroroon. Napakaganda ng mga ito at malulusog. Napangiti naman siya at tinanguan ang mga ito.

"Bakit niyo naman ginagawa ito?"

"Isang albularyo ang asawa ng matanda. Napakabait nito sa amin at lubos kaming nalulungkot sa paglisan nito. Kung kaya't nanag malaman namin ito at napagdesisyunan naming samahan dito ang kanyang asawa upang matulungan ito sa araw-araw. Hindu man niya kami nakikita ay alam namin alam niya ang aming pag-iral. " Naluluha pang wika ni Taghuy habang ipinapakita ang kaning nakabalot sa dahon ng saging.

"Araw-araw ay nakikita namin ito doon sa kusina. Lagi niya kaming ipinaghahanda. Walang mintis." Wika pa nito.

Tila ba bata itong tuwang tuwa sa regalo ng kanyang ina. Muli nang itinago ni Taghuy ang binalot na kanin sa loob ng kanyang kasuotan at bumalik na ito sa pagbubungkal ng lupa. Hindi na ito inabala pa ni Mina at nag-iwan na lamang ng mga buto na ibinalot sa puting panyo. Agad naman iyong nakita ng lamang-lupa at mabilis na nagpasalamat sa dalaga. Tinanguan lamang ito ni Mina at pumasok na siya sa loob ng bahay.

Kinabukasan, maaga pa lamang ay nakapaghanda na ng pagkain sila Mina. Madaling araw nang tinungo ni Gorem at Isagani ang kagubatan upang mangaso. Nakahuli naman sila ng malaking baboy ramo at agad iyong kinatay ng dalawa. Tuwang-tuwa si Mina ng makita ang nahuling iyon ng dalawa niyang kasama. Mabilis nilang nilinisan iyon at hinati-hati.

Ang iba sa mga karne ay ibinabad niya sa asin at pinatuyo iyon sa likod ng bahay ng matanda upang mapreserba iyon. Pinatulong na din niya ang iilan sa mga kasangga niyang engkanto para mapadali ang kanilamg ginagawa. Maging ang lamang-lupa ay tumutulong na din sa kanila.

"Mina, napakalaki ng baboy na nahuli namin, yung iba ipamimigay ko na sa kapitbahay ng matanda para naman matingnan-tingan nila ito. " Wika ni Isagani.

Tumango lamang si Mina bilang pagsang-ayon sa suhestiyon nito. Hindi na din nag-aksaya ng panahon si Isagani at agad na tinungo ang kabitbahay ng matanda para mabigyan iyon ng karne ng baboy.

Malugod namang tinanggap iyon ng kapitbahay ng matanda dahil kilala din naman niya ito. Agaran din itong nagbigay ng bigas sa binata bilang pagpapasalamat sa mga karneng iyon.

"Naku, iho salamat dito. Makakatikim na din ng karne itong mga anak ko. Kaano-ano ba ninyo si Aleng Rosing?" Tanong pa nito.

"Mga malayong kamag-anak ho. Napadaan lang kami kaya dinalaw na rin namin ang lola Rosing." Dahilan ng binata at nagpasalamat naman sa bigas nitong ibinigay.

"Hindi ba kayo magtatagal?" Tanong ulit nito.

"Hindi po. Baka bukas ay aalis din kami. Tutungo kasi kami ng San Luis. " Sagot naman niya .

"Ganoon ba. O siya hayaan mo at titingnan-tingan ko si Aleng Rosing habang wala kayo. " Masayang wika nito at napangiti lang si Isagani. Iyon kasi ang nais niyang marinig dito.

Panatag na siyang umalis sa bahay nito at tinungo na din ang ibang bahay. Halos anim na bahay rin ang nabisita niya na malapit doon sa bahay ng matanda.

Nang magising ang matanda ay halos lumuwa ang mata nito sa kanyang nakikita. Napakaraming pagkain ang nakahain sa kaniyang maliit na mesa.

"Lola, gising ka na pala. Halika na at nang makapag-almusal na tayo. " Anyayanh wika ni Gorem sabay hatak sa matanda at pinaupo iyon sa harap ng lamesa.

"Wala akong natatandaan may ganito ako karaming pagkaing nakaimbak sa kusina." Nagtatakang wika nito na ikinatawa ni Mina.

"Huwag ho kayong mag-alala. Marami na ho kayong pagkain nakaimbak roon. Malulusog din ang mga pananim niyo sa hardin kaya hindi kayo magugutom. Linggo-linggo, meron mag-iiwan ng karne ng baboy sa loob ng bahay niyo. Maari niyo itong ibahagi sa inyong mga kapit-bahay o ipagpalit sa bigas. "

Napaluha naman ang matanda sa sinabi ng dalaga. Maagap niyang hinawakan ang kamay ng dalaga at umiiyak na nagpasalamat doon.

"Wala hong anuman. Napakabuti ho ninyo dahil hindi kayo nagdalawang isip na patuluyin kami kahit gipit din kayo. Ang lahat ng ito ay kabayaran sa inyong kabutihan Lola. " Wika pa ni Mina

Kinahapunan ay gumawa ng orasyon si Mina upang matulungan ang lamang-lupang si Taghuy na magkaroon nga katawan ng tao. Hindi kasi nitong nagagawnag magpalit ng anyo dahil mahina ang kapangyarihan nito. Nang matapos ang kaniyang orasyon ay inilapat niya sa katawan ni Taghuy ang dahong may orasyon. Tatlong beses niyang ipinagpag doon ang dahon bago iyon dinikdik habang nag-uusal. Matapos iyon ay kinuha niya roon ang katas at agad na ipinainom kay Taghuy.

Agaran ang nangyaring pagbabago sa anyo ni Taghuy. Sa pagkisap ng mga mata ni Gorem, ang kaninang napakaliit na nilalang ay ngayon kasing-tangkad na niya. Maamo din ang wangis nito at maputi ang balat na animo'y isang banyaga.

"Salamat Mina. Ngayon, magagawa ko nang matulungan ng maayos si Rosing." Wika nito habang masayang sinisipat ang bago miyang kaanyuan.

"Tandaan mo kada isang linggo bababa dito ang isa sa mga kaibigan kong engkanto para maghatid ng karne sa bahay ninyo. Mag-iiwan ito ng palatandaan sa karne. Mabilis mo iyong masisipat. Kapag wala ang palatandaan iyon ay huwag niyong tatanggapin. Kapag naman natanggap ni Lola nang hindi sinasadya. Sabuyan mo mg asin para makasigurado kayo. " Muling paalala ng dalaga.

Marami pa itong ibinilin kay Taghuy bago sila nagpahinga. Kinaumagahan ay nagpaalam na sila sa matanda at taghuy. Natuwa naman ang matanda dahil may makakasama na siya sa bahay. Naging maayos ang kanilang pamamaalam dito dahil alam nilang ang taong tumulong sa kanila ay mabibigyan ng magandang buhay hanggang sa kahulihulihang hininga nito.