Chereads / Anak ng Kalikasan / Chapter 35 - Chapter 1

Chapter 35 - Chapter 1

Lumipas ang tatlong taon at mas lalaong nakilala ang Bayan ng Lombis dahil na din sa mga albularyo at antinggero nagbibigay tulong sa mga nangangailangan o mga taong ginagambala ng mga aswang, mangkukulam, mambabarang, engkanto at iba pang mapaminsalang nilalang. Naging takbuhan din sila ng mga taong may sanib o di kaya naman ay mga taong napaglalaruan ng mga lamang-lupa. Sa loob ng tatlong taong iyon ay naging mas maunlad pa ang buhay nila Manong Ricardo, marami na rin siyang taong natulungan at nabigyan ng hanap-buhay. Naging mas malawak pa ang Bayan nasasakupan nito hanggang sa nahirang siyang punong-bayan ng Lombis at Hilaya. 

"Kuya Sinag, saan ko ilalagay itong mga prutas?" Tanong ni Mina habang bitbit nito ang mga prutas na bigay ng mga mabubuting tao sa kanila. Kasalukuyan silang nasa bahay ni Manong Ricardo at bitbit naman ni Sinag ang sanggol na wala pang isang taon.

Isang taon din niyang niligawan noon si Christy at isang taon din muna silang naging magkasintahan bago sila ikinasal hanggang sa magbunga nga ang kanilang pagmamahalan, isang babaeng sanggol na pinangalanan nilang Maria.

"Doon na lang sa mesa Mina. Kamusta sa bahay tanggapan?" Tanong nito na ang tinutukoy ay ang bahay kung saan tumatanggap sila ng mga pasyente nila.

"Ayos naman Kuya, huwag kang mag-alala dahil nandoon din naman sila Tandang Ipo para tumulong. Mabuti nga at naperme na sila dito ni Tandang Karyo." Sagot naman ni Mina at naghugas ng kamay bago ito lumapit kay Maria at marahan itong hinawakan sa pisngi.

"Nakakatuwa ka talaga Maria. Kuya si Ate Christy?" Tanong ni Mina.

"Nandoon sa kwarto nagpapahinga. Hayaan mo na muna at bumabawi pa ng tulog iyon." Sagot ni Sinag habang pinapatulog si Maria sa kanyang bisig.

Habang nag-uusap sila ay lumitaw naman sa bintana nila ang kapre . May bitbit ulit itong bulaklak na iniaabot kay Sinag. Simula nang ipinanganak si Maria ay lubos din itong kinalulugdan ng mga engakantong naroroon. Lalo na itong kapre na halos araw-araw ay may iniaalay sa bata. Kung hindi bulaklak ay mga kakaibang bato na nakukuha pa nito sa mundo ng mga engkanto. Malugod naman iting Tinatanggao ni Sinag dahil batid niya ang proteksyong dala ng mga ibinibigay nito. Natutuwa rin siya na tinatanggap ng mga ito ang kaniyang anak kay Christy.

Kinagabihan ay maaga pang nagpahinga si Mina sa kwarto nito. Nakaupo siya sa kaniyang higaan habang taimtim na nagpapasalamat sa panginoon sa lahat ng biyayang kanilang natatanggap sa araw-araw. Matapos ang kanyang panalangin ay nahinga na siya uoang matulog. Pagkapiki pa lamang ng kanyang mga mata ay biglang tinangay ng kung anong pwersa ang kanyang huwisyo. Pagmulat ng kanyang mata ay doon niya nasipat ang napakalawak na damuhan na animo'y isang pastulan ng mga tupa at baka. Sa kanyang pagmamasid ay nakita niya ang isang matipunong lalaki na papalapit sa kanya. May kampilan itong nakasukbit sa kanyang beywang at ang pananamit nito ay maihahalintulad mo sa mga sinaunang tao. Ang kaibahan lamang ay gawa ito sa kakaibang tela na napapalamutian ng ginto. Marami din itong simbolo na nakaukit sa kanyang katawan na animo'y ito na ang nagsisilbi niyang kasuutan. Maging sa mukha nito ay may mga nakaukit din patungo sa pinakailalim ng kanyang paa.

Agaran din naman niya itong nakilala at nginitian.

"Mahal na diwata ng panahon, bakit ninyo ako dinala rito?" Tanong ng dalaga nang mapagtantong nasa mundo siya ng mga diwata.

Ngumiti naman si Mapulon at itinuro nito ang isang lagusan di kalayuan sa kinaroroonan nila.

"Ang lagusang iyon ay nakakonekta sa mundo ng mga tao. Dinala kita rito upang maipakita ito sa iyo. Ikaw na siyang tagapamagitan sa lahat ng nilalang ang siyang may kakayahang tawagin ang lagusang iyan. Isa rin ito sa nais ihandog sa iyo ng lupon ng mga diwata sa panunungkulan ng amang Bathala. " Wika nito at namangha siya habang tinititigan ang lagusang iyon.

"Tandaan mo itinakda, ang lagusang ito ay tanging ikaw lang din ang makakagamit. Gamitin mo ito sa naayon sa iyong kagustuhan. " Dagdag pa ni Mapulon. Marami pa itong ipinakita sa kanya bago siya tuluyang ibalik ng diwata sa kanyang katawang lupa.

Pagmulat ng kanyang mata ay nagulat pa siya dahil tirik na ang araw sa labas. Nagmadali siyang bumangon at agad na naghanda upang makapunta na sa bahay tanggapan.

Pagkalabas niya sa kwarto ay nasipat pa niya si Christy na pinapadede ang anak nitong si Maria.

"Magandang umaga Ate Christy." Bati ni Mina dito.

"O, buti at nagising ka na. Pinapasabi ng Kuya mo na sumunod ka na lang daw sa bahay tanggapan kapag nakakain ka na. Mag-almusal ka na muna. " Wika ni Christy.

Tumango lang naman si Mina at tinungo ang kusina. Matapos kumain ay dali dali na siyang nagpaalam kay Christy para umalis.

Habang nasa daan siya ay nakita niya si Gorem at ang alaga nitong itim na aso. Nasa anyong ordinaryo ang aso nito ngunti ramdam na ramdam ni Mina ang itinaas ng antas nito.

"Mina, kamusta na?" Bati ni Gorem sa dalaga.

"Ayos lang naman. Tatlong taon ka ring hindi nagpakita simula nang matapos ang laban sa hukluban. Ikaw ang kamusta?" Balik na tanong ni Mina rito.

"Oo eh, kinailangan ko kasing bumalik sa mundo ng mga engkanto para magsanay. " Kakamot-kamot sa ulong sagot ni Gorem. Natawa naman si Mina sa inasal nito dahil kahit mas matangkad na ito ngayon sa kanya ay tila bata pa rin ito kung umasta. Napakalaki ng ipinagbago mag pangangatawan nito at napakabusilak na din ng presensya nito.

Nang marating na nila ang bahay tanggapan ay agad na silang pumasok roon. Naabutan nilang papalabas ang isang pasyente ma agad din naman nilang binati.

"Kuya Sinag, pasensiya ka na kung nahuli ako ng gising." Paumanhing wika ni Mina. Natawa lamang si Sinag dahil batid niyang naglalakbay ang huwisyo nito sa kabilang mundo. Naranasan na rin ni Sinag ito noong papasimula pa lamang siya. Kaya alam niya ang mga senyales kapag ang isang tao ay naglalakbay ang kamalayan sa ibang mundo.

"Siyanga pala Mina. May ipapalakad ako sa inyo ni Isagani mamayang gabi. Yung nasalubong niyong lalaki kanina, hindi talaga iyon pasyente. Humihingi iyon ng tulong dahil ginagambala umano sila mg aswang. Malapit sa bayan ng San Diego ang bahay nila. At buntis ang kanyang asawa. Kayo na ang lumakad, alam niyo namang hindi ko pa maaring iwang ang ate mo sa bahay kapag gabi. "

"Walang problema kuya, mabutii nga at makakapag ehersisyo kami ni Isagani. Kapag may mga ganito sa amin mo ma ipalakad." Masayang wika ni Mina na animo'y nasasabik ito. Buhat kasi nang matapos ang laban nila sa hukluban ay naging tahimik ang buhay nila. Bukod sa panggagamot ay wala na rin silang naging problema sa mga aswang at iba pang kalaban. Kalimitan mga mangkukulam lang at mambabarang ang nakakaharap nila na kadalasan ay mga baguhan pa sa kanilang tinatangang aral.

Agad namang sumang-ayon dito si Sinag at isinalaysay dito ang mga naikwento ng lalaki sa kanya. Ayon dito, dati-rati hindi naman sila ginagambala ng mga ito. Ngunti nang magbuntis ang asawa niya sa kaniyang pangalawang anak ay doon na nagsimula ang pang gagambala ng mga nilalang.

Hindi naman nila mawari kung bakit ganoon na lamg amg ginagawa ng mga ito. Halos gabi-gabi ay naroroon sila, minsan gumagawa ng mga nakakatakot na ingay o di kaya naman ay binabato ng mga dumi ng hayop ang kanilang bubungan. Ilang araw na din silang walang tulog na maayos dahil sa takot at pangamba na baka mapasok sila ng mga ito sa kalaliman ng kanilang pagtulog.

Matapos magsalaysay ni Sinag ay agad na nagpaalam si Mina dito upang masundo na si Isagani sa bukid. Simula kasi noong ikasal si Sinag at Christy ay si Isagani na ang ginawang punong tagapangasiwa ni Manong Ricardo sa lupain nito. Kaya halos buong araw itong nag-iikot sa lupain ni Manong Ricardo upang magmasid .

Taong gapasan iyon ng palay kaya naman alam niyan nasa bukid si Isagani ng mga oras na iyon. Bitbit ang dala-dalang basket na laman ang pagkain inihanda niya sa binata ay tinahak niya ang daan patungo sa bukid.

Nang marating na niya ang bukid ay agad niyang nasipat ang binatang nagbubuhat ng mga naaning palay. Abala ang lahat ng tao roon sa pag-aani kaya naman tinungo niya ang puno ng santol upang makapagpahinga muna saglit. Hindi na muna niya inabala ang binata at hinintay niyang matapos ang mga ito. Matiyaga siyang naghintay habang pasimpleng nagmamasid sa buong paligid.

Makalipas ang ilang oras ay tuluyan na ngang huminti ang mga ito upang makapagtanghalian. Agad naman niyang nasipat si Isagani na patungo sa kanyang kinaroroonan. Paglapit nito ay agad niyang iniabot dito ang dalang pagkain.

"Salamat." Wika ni Isagani pagkatanggap sa sisidlan ng pagkain.

"Siyanga pala, may ipapalakad si Kuya sa atin mamayang gabi. Malapit lang sa San Diego. " Wika ni Mina habang nakatingin sa malayo.

"Ganoon ba. Ayos yan." Wika naman ni Isagani habang nilalantakan ang pagkain nito. Napatingin naman si Mina sa binata habang nakangiti.

"Sabi ko nga sa kanya sa atin na lamang ipalakad yung mga ganitong misyon. Medyo nababagot na din kasi ako sa bahay minsan. Parang hinahanap hanap ng katawan ko ang makipaglaban sa mga masasamng nilalang." Wika pa niya at nag- ihip ito ng usal sa hangin patungo sa puno ng santol. Agaran naman nagkaroon nag bunga ang santol na iyon kahit hindi pa ito napapanahon. Napalatak na lamang si Isagani sa ipinamalas ni Mina. Habang tatawa-tawa naman ang dalaga sa reaksyon niya.

"May sinabi si Mapulon sa akin kanina. Meron siyang ipinakitang lagusan sa akin na tanging ako lang daw ang makakagamit. Naalala ko, hindi ba meron karin ng lagusang iyon?" Biglang naitanong ng dalaga. Nag-isip naman si Isagani bago ito tumango.

"Meron pero hindi ko iyong ginagamit. Nakakapanghina kasi ang lagusang iyon. Marahil magagamit ko lang iuon kapag gipit na gipit na talaga ako. " Sagot naman ni Isagani. Pagkatapos niyang kumain ay agad din itong bumalik sa trabaho. Si Mina naman ay nagdesisyon nang bumalik muna sa bahay tanggapan upang matulungan si Sinag sa mga pasyente nito.

Kinahapunan ay lumakad na nga si Mina at Isagani patungo sa bahay ng lalaking tutulungan nila. Plano nilang doon manuluyan noong gabing iyon upang mapatotohanan nila ang hinaing ng lalaki. Maigi naman nilang ikinubli ang kanilang mga presensya upang hindi maalarma ang mga nilalang. Pagdating sa bahay nito ay agaran naman silang pinapasok mg lalaki sa bahay.

Payak at simple lamang ang bahay nito ngunit makikita mo ang pagiging maayos nito sa loob bahay.

"Mabuti naman at nakapunta kayo agad. Hindi ko na alam ang gagawin sa kanila. Lahat ng pangontra nasubukan na namin ngunit patuloy pa rin silang nanggugulo." Saad nito. Bahagya namang inilibot ni Mina ang mata sa mga taong naroroon. Bakas sa mukha ng mga ito ang hindi pagkakaroon ng maayos na tulog. Kahit ang limang taong gulang nitong anak ay nagkakaroon na din ng itim sa ilalim ng kanyang mga mata dahil sa puyat.

"Huwag ho kayong mag-alala. Magpahinga na po kayo at kami na ang bahalang magbantay sa inyo." Wika naman ni Mina. Nilapitan nito ang bata at inihipan ito ng usal sa noo. Ganoon din ang ginawa niya sa asawa ng lalaki. Maingat naman itong inalalayan ng lalaki pabalik sa kanilang kwarto upang makatulog na ito. Ang anak naman nila ay doon na din niya pinatulog sa kwarto nilang mag asawa. Matapos maiayos ang kaniyang mag-ina ay tumingin siya kina Mina na may pag-aalala sa mukha nito. Ngumiti lang din naman si Mina at muling nag usal at iniihip iyon sa noo ng lalaki. Pinahiga na nila ito hanggang sa makatulog na ito. Nang makita nilang maayos na ang tulog ng mga ito. Ay agad na pinalibutan iyon ni Mina ng mga dasal at pangontra. Iniwan niya rin ang kanyang medalyon sa higaan ng mga ito, upang magsilbi itong proteksyon laban sa masasamang elemento. Habang ginagawa iyon ni Mina ay paunti-unti na rin binabalot ni Isagani ng sabulag ang mag-anak upamg hindi ito malapitan ng ibang nilalang.