Chereads / Anak ng Kalikasan / Chapter 33 - Chapter 33: Katapusan

Chapter 33 - Chapter 33: Katapusan

Nanatiling nakatulala si Isagani nang mga ilang minuto bago nanlisik ang mga mata nitong tumitig sa hukluban. Nagkiskisan ang mga ngipin niya sa galit dahil sa ginawa nito sa dalaga.

"Huwag kang mag-alala dahil isusunod na kita."wika nito sabay tarak ng sundang sa puso ni Isagani. Tumawa naman ng malakas ang hukluban nang makita ang masaganang dugong dumadaloy mula sa katawan ng dalawa. Nagsimula na itong mag-orasyon upang magawa na niya ang ritwal ng pagtawag. Sa kalagitnaan ng kanyang pag-uusal ay biglang nagbago ang ihip ng hangin. Noong una ay hindi niya ito pinansin at ipinagpatuloy lamang ang kanyang pagdarasal ngunit habang tumatagal ang kanyang pag-uusal ay tila ba sumisikip ang kanyang kapaligiran. Unti-unti din niyang nararamdaman ang tila kadenang gumagapos sa kanyang katawan. Napahinto siya sa pagdarasal at mariing tinitigan ang mga walang buhay na katawan ni Mina at Isagani. Sa kanyang pagtitig rito ay wala naman siyang nararamdamang kakaiba. Marahil ay kakambal lamang ito ng kanyang ritwal na ginagawa.

Muli niyang ipinagpatuloy ang pag-uusal hangga sa matapos niya ito. Nagbanggit siya ng labindalawang buhay na salita ngunit nagtaka siya nang hindi ito gumana? Naihanda naman niya ang lahat ng gamit at mga sangkap ngunit nagtaka siya dahil hindi gumana ito.

Sa kanyang pag-iisip ay nagulat na lamang sila nang biglang maglitawan ang mga antinggero at ermetanyo kasama ang mga kasangga nitong engkanto. Dahil hindi nakapaghanda ang grupo ng hukluban ay marami ang nalagas sa kanila. Hindi naman nag-aksaya ng panahon ang mga antinggero at paspasan ang pagtaga nila sa mga nilalang na naroroon. Walang silang pinalagpas sa mga ito dahil alam nilang ang lahat ng naroroon ay mga nilalang na walang awa at masahol pa sa mga demonyo.

"Huli na kayo, wala na ang itinakda." Sigaw ng hukluban at nag-usal ito. Pagkatapos ng usal nito ay lumitaw sa harap nila ang limang buso na halos naglalaway na sa gutom. Nakakapangilabot ang anyo ng mga ito dahil maihahalintulad mo ang kaanyuan ng mga ito sa mga diablong nanggaling pa sa kailaliman ng lupa. Ang buong katawan nito ay tila ba nababalot ng dugo dahil sa pagkapula ng mga ito. Nanlilisik din ang mga mata nito at umaangil ito na parang mga aso.

"Hanggat hindi mo pa naisasagawa ang ritwal, hindi pa huli ang lahat." wika ni Sinag at mabilis na sinalakay ang Buso'ng pinakamalapit sa kanya. Sa paghataw niya ng kanyang kampilan sa katawan ng buso ay tumalsik naman ito na animo'y humataw siya sa isang bakal. Napakatigas ng katawan nito na hindi ito nagawang sugatan ng kanyang kampilan. Hindi na rin nag-aksya ng panahon ang mga kasamahan niya at nagsimula nang umatake. Ngumisi naman ang hukluban at ikinumpas ang kanyang mga kamay.

"Hindi lang kayo ang nakapaghanda."wika pa nito at nagsilitawan ang mga itim na engkanto sa buong paligid. Paisa-isa na itong umatake na kaagaran namang nasasalag ng mga kasamahan nilang mabubuting engkanto. "Ano pa ba ang pinaglalaban ninyo, wala na ang itinakda, wala na ring silbi ang pagmamalabis niyong mapigilan ako, dahil matagal ng nakasaad sa propesiya ang pagtatagumpay namin."wika pa nito habang humahalakhak. Nagpanting naman ang tenga ni Sinag dahil sa pangungutya nito sa kanila.

Nagpatuloy lamang ang labanan hanggang sa paunti-unti na rin nilang nabibigyan ng malubhang sugat ang mga buso. May iilan na rin engkantong itim ang bumabagsak sa lupa dahil sa walang patid na palipad hangin ng mga ermetanyo habang nakikipaglaban sila sa mga kasangga nilang mabubuting engkanto. Dahil din sa mga lupon ng tikbalang na pinamumunuan ng kasangga ni Mina ay hindi na naging mahirap sa kanila ang pakikipaglaban sa mga engkantong itim na nahahanay sa mga maharlikang engkanto. Nariyan din ang pangkat ng mga garuda na patuloy na nilalabanan ang mga wakwak at iba pang aswang na lipad. Kitang-kita nila ang panggigigil ng hukluban dahil sa sitwasyon ng kanilang laban. Napangisi naman si Sinag at itinuro niya ito gamit ang kanyang kampilan. Walang anu-ano'y dinakma niya ang isang buso at hinawakan iyon sa ulo bago niya ito isinubasob sa lupa. Walang nagawa ang nilalang na iyon dahil sa kakaibang lakas na pumapangibabaw sa kanya.

Sa pagkakataong iyon ay malakas na umangil sa kanya ang hukluban at muling napangisi si Sinag.

"Ikaw na kampon ng kadiliman ay hindi kailanman magtatagumpay. " Wika niya at mabilis na tinagpas ang ulo ng nilalang. Dahil sa bilis ng mga pangyayari ay natigilan ang apat pang Buso habang tinititigan ang kasamahan nilang napugutan ng ulo.

Bigla namang umalulong ang mga ito ng sabay-sabay at mabilis na inatake si Sinag ng sabay-sabay. Napasigaw na lamang ang mga antinggerong nakakita ng pangyayaring iyon.

"Sinag, takbo." Sigaw ni Obet habang patakbong lumalapit dito upang mahatiran ito ng tulong.

Sa kaniyang pananakbo ay napahinto siya nang maramdaman niya ang pagyanig ng lupa. Kasabay niyon ay ang pag-uslian ng naglalakihan baging na kaagaran namang gumapos sa mga buso.

Bigla namang tumulo ang luha ni Obet dahil batid niya kung sino lang sa kanila ang may kakayahang kumontrol sa mga baging. Hindi niya noon maipaliwanag ang nararamdaman, animo'y nasasabik siya at nasisiyahan na parang buhay na buhay ang loob niyang makipaglaban.

Walang anu-ano'y itinaas niya ang kanyang itak sabay sigaw na sinundan naman ng iba pang entinggero at mga engkanto. Maging ang mga tikbalang ay humalinghing sa tuwa. Narinig naman nila ang kakaibang pagsipol ng mga garuda sa kalangitan.

Dahil sa kanilang narinig ay napatingala sila sa langit at nasipat nila ang isang bolang apoy na mabilis na bumubulusok patungo sa lupa. Nang makita nila itong papalapit na sa kinaroroonan ng mga buso ay agaran silang tumakbo papalayo rito. Sa pagbagsak ng bolang apoy na iyon ay tila bomba iyon na sumabog at tumupok sa mga nilalang.

Nang masipat nila ang nilalang sa gitna ng nagliliyab na mga baging ay muli silang napahiyaw sa tuwa. Ang nilalang kasi na naroroon ay walang iba kundi si Isagani sa anyo nitong nakipagsanib kay adlaw. Sa pagkakataong iyon ay nababalutan na ng apoy ang buo nitong pagkatao na animo'y isa itong araw. Lahat din ng naaapakan nitong nasa panig ng kaliwa ay naabo.

"Isagani." Sigaw ni Kuryo sabay tagpas sa ulo ng engkantong kalaban niya.

Hindi naman maipinta ang mukha ng hukluban at ng iba nitong kampon. Galit na galit ito habang hindi makapaniwalang nakatitig sa binata.

"Imposible, patay ka na kanina pa." Wika nito bago ibinaling ang tingin sa lugar kung saan nakatali si Isagani at Mina. Nanlaki ang mga mata niya ng makita niyang unti-unting nagiging kahoy ang mga ito at ang dugong dumadaloy ay naging dagta ng kahoy. "Imposible." Galit na galit na sigaw nito at mabilis na umatake sa kanila ngunit agad naman siyang napaluputan ng mga baging na siyang nagkulong sa kaniya na halos ang ulo na lamang niya ang nakalitaw.

"Ano ito? Bakit hindi ko magamit ang mga usal ko?" Nag-aangil na tanong nito. Walang patid din ang pagtulo ng laway nito na para bang wala na siyang kontrol dito.

"Nababalot ka ng mga baging ni Mapulon, kung kaya nalilimitahan nito ang mga usal at mga kakayahan mo. Sa tingin mo ba uto-uto kami? Alam kong wala kayong planong tuparin ang binitawan mong salita. Dahil sa oras na makabangon si Sitan sa impyerno ay maghahari na kayo dito sa lupa at ipapalaganap ninyo ang kasamaan na siyang lilipol sa lahat ng taong nabubuhay sa mundo ." Wika ni Mina na biglang lumitaw sa isang liwanag na namuo sa isnag punong malapit sa kanila.

"Ang mga kaganapang ito ay naayon sa aming plano. Sinadya talaga namin ang magpahuli sa iyo nang sa ganun ay makuha naming makapasok ni Isagani dito kasama ng aming mga gabay, na siyang magpapapasok naman sa mga kasangga naming engkanto. Matalino ka Hukluban pero hanggang dito na lang ang talino mo dahil nautakan ka ng mga taong sa tingin mo ay mangmang." Wika ni Mina habang marahang lumalapit dito.

"Tuso ka itinakda. Mapanlinlang ka." Gigil na wika nito na ikinatawa naman ng dalaga.

"Hindi ako tuso at mapanlilang hukluban. Sadyang nagkamali ka lamang ng mga desisyon mo. Marami ang nasawi sa aming pangkat at hindi ako papayag na mawalan ng silbi ang pagsasakripisyo nila." Mahinahong wika ni Mina habang kinukuha sa taguban ang kanyang maliit na sundang. Pagkakuha nito ay agad niya itong itinarak sa lupa at nakita nilang humigpit ang pagkakagapos ng baging sa hukluban. Maging ang mga kampon nito ay napaluputan na ng hindi mabilang na mga baging. Bukod pa rito ay nagsilitawan ang mga santelmo sa buong paligid na siyang nagpaliwanag sa buong lugar at siya namang ikinasilaw ng mga engkantong sanay na sa kadiliman.

"Sumpain ka itinakda. Hindi man ako magtagumpay sa panahong ito. Muli akong magbabalik at sa pagkakataong iyon sisiguruhin kong mapapasa akin ang iyong kaluluwa. " Sigaw ng hukluban habang dahan-dahan itong dinudurug ng mga naglalakihang baging . Nabalot ng sigaw at pag-atungal ng mga nilalang ang buong paligid.

Lumuhod si Mina sa lupa at tumingala sa langit ng nakadipa ang mga kamay. Mabilis siyang nag -usal ng mga engkantasyong kakaiba sa pandinig nila. Habang pinapakinggan nila ito ay tila ba nabibingi sila dahil sa dami ng mga tinig na sumasabay sa dalaga. Tila ba hindi lamang siya ang nagsasalita bagkus meron pang mga nakikisabay sa kanya. Kasabay mg mga usal na iyon ay ang pagyanig ng lupa at pagbiyak nito. Kasabay ng pagbiyak ng lupa ang paglamon naman nito ng mga nilalang ng kaliwa kasama ang hukluban na pilit pa rin nagpupumiglas sa pagkakagapos nito.

"Hindi ka nagtagumpay sa panahong ito, at hindi ka magtatagumpay sa kahit anong panahong naisin mo. " Wika ni Mina bago kinuha sa lupa ang kanyang punyal hudyat nag pagsasara ng mga biyak sa lupa.

Nabalot ng katahimikan ang buong paligid dahil sa pagkawala ng mga nilalang. Marahang nilapitan ni Mina ang malaking banga na nasa gitna ng ritwal na ginawa ng hukluban. Nag-usal siya ng taimtim habang nagdarasal naman ang mga ermetanyo na pumalibot sa kanya. Matapos ang kanilang taimtim na pagdarasal ay binuksan ni Mina ang banga.

Mula roon ay pumaibabaw ang mga kulay puti at asul na liwanag at pumaikot ito sa kaniya na animo'y nagpapasalamat. Mabilis na tumulo ang mga luha ni Mina dahil ramdam niya ang kakaibang kalungkutang bumabalot sa kaniyang puso. Hindi niya maipaliwanag pero halos madurog ang puso niya habang pumapaikot sa kanya ang mga liwanag na iyon. Ilang minuto din ang lumipas bago ito paisa-isang naglaho sa kawalan hanggang sa dalawang liwanag na lamang ang natira roon.

Bigla naman itong nagkatawang tao na ikinamangha ng mga naroroon.

"Inay." Humihikbing tawag ni Mina. Iyak lamang ang nagawa niya dahil hindi niya ito magawang mayakap. "Nay, ang tagal kitang hinanap. Lubos akong nangungulila sa inyo. Inay patawarin ninyo ako dahil hindi kita nagawang mailigtas noong mga panahon iyon. " Wika ni Mina at napaluhod ito sa luoa habang umiiyak. Mabilis na lumapit dito si Sinag at niyakap iyon.

"Nay Loring, patawad dahil nahuli kami ng dating." Maluha-luha namang saad ni Sinag.

Ngumiti lamang ang kaluluwa ni Loring sa kanila at umiling ito.

"Lahat ng nangyari ay naayon sa ating mga kapalaran. Wala kayong kasalanan kung kaya wala kayong dapat ihingi ng tawad. Mina, anak natutuwa ako dahil lumaki kang may takot sa diyos at pananampalataya. Hindi ka naagpadaig sa iyong galit kung kaya nagawa mo kaming pakawalan. Maayos kaming makatatawid sa kabilang buhay kung kaya huwag ka nang malungkot. " Wika nito at humalik ito sa pisngi nilang dalawa.

"Sinag, salamat sa pag gabay mo sa aking anak at pagturing mo sa kaniya bilang kapatid. Masaya na akong muli ko kayong nasilayan at nakausap. Ihalik na lamang ninyo ako sa inyong ama. Pakisabi na mahal na mahal ko siya at hihintayin ko ang panahong muli kaming magsasama. " Wika nito habang unti-unting lumalayo sa kanila hanggang sa tuluyan na itong maglaho.

Pagtingin nila sa kinaroroonan ni Isagani ay naroroon din ang ina nitong nakangiting nakatingin sa kanila.

"Salamat itinakda. Gabayan niyo nawa itong anak ko. Hanggang sa muli nating pagkikita." Wika nito habang naglalaho na sa kawalan.

"Ayos lang yan iho, ang mahalaga ligtas nang makaktawid sa kabilang buhay ang nanay mo. Magalak ka dahil sa huling pagkakataon ay nakita mo siya at nakausap. Tahan na ." Wika ni Tandang Karyo kay Isagani na nooy wala ring patid sa pag iyak.

"Tay Karyo bakit kailangan niyang maglaho agad. Hindi pa ako nakakahingi ng tawad sa kanya." Tanong ni Isagani habang tila bata itong umiiyak sa matanda. Niyakap naman ito ni Karyo dahil alam niya ang pinaghuhugutan ng kalungkutan at hinagpis nito.

"Marahil dahil ayaw ng iyong inang marinig iyon. Isagani wala kang kasalanan sa mga nangyari. Bata ka pa noon at wala ka pang muwang. " Paliwanag naman ng matanda. Nabalot ng kalungkutan ang kanilang grupo kasabay kasi niyon ay ang pagluluksa nila sa mga kaibigan nilang namaalam at nasawi sa digmaan.