Chereads / Anak ng Kalikasan / Chapter 28 - Chapter 28: Biktima ng Mandurugo

Chapter 28 - Chapter 28: Biktima ng Mandurugo

Kinaumagahan ay maaga pa lamang ay pumanhik na sila sa tahanan ni Mang Tonyo. Magiliw naman sila nitong tinanggap at inalok ng almusal. Ngunit dahil na din nakapag-almusal na sila bago pumunta roon at mas minabuti na nilang tunguin ang karagatan upang makapagsimula na sila.

Pagdating roon ay agad silang pinaaalahanan ni Mang Tonyo tungkol sa mga panganib na maari nilang matunghayan sa gitna ng karagatan.  Hindi pa man din sila nakakapaglayag ay samo't sari nang paalala ang iniwan nito sa kanila. 

"Pasensiya na kayo sa taong iyon, masyado lang iyon nag aalala na baka makagambala tayo ng hindi dapat sa karagatan. Pero sundin lamang ninyo ang ibinilin ni Tonyo at makakabalik tauonsa lupa. " Wika ni Mang Ricardo. 

Dahil unang beses na maglalayag sila Sinag ay sumama na muna sa kanila si Manong Ricardo at Christy. Lulan sila ng isang bankang di motor habang ang iba nilang kasama ay nasa kabilang bangka naman. Lambat at mga gamit pangsisid ang kanilang dala-dala at iilang pwedeng makain habang nasa laot sila. 

Nang tuluyan na silang makapalaot ay panaka-naka ang pagsipat ni Mina sa karagatan. Alam kasi niyang may mga nilalang na naninirahan sa dagat at ito ang unang beses na makakasilay siya kapag nagkataon. 

Nang marating na nila ang gitna ng dagat ay paisa-isa nang bumaba sa tubig ang maninisid nilang kasama. Mga bihasa ang mga iyon sa pagsisid ng mga perlas ang iba naman ay sumisid na may dalang lambat upang makapanghuli ng isda. Tulad ng nakagawian at laging paalala ni Mang Tonyo sa kanila ay gumagamit lamang sila ng lambat na may malalaking butas upang hindi nila mahuli ang mga batang isda na hindi pa sakto ang laki. 

Lumipas pa ang ilang oras nang makabalik sa bangka ang iilang maninisid upang makapagpahinga. Sa kanilang pagpapahinga sa gitna ng dagat ay nakasilay si Mina ng isang nilalang na nagmamasid sa kanila di kalayuan sa kanilang bangka. Kumakaway pa ito na animo'y nangangamusta. Nakausli lamang ang kalahati ng ulo nito at ang mga kamay nitong kumakaway sa kaniya. Ngumiti lamang siya dito at bahagyang tinugon ang kaway nito. Pagkuway' meron siyang inihulog sa dagat na agad nitong nilapitan ng nilalang. Nakita pa niya ang paghampas ng malaking buntot nito na tila kulay lumot bago ito biglang lumitaw sa tabi ng kanilang bangka. Hindi naman iyon napansin ng iba nilang kasama dahil abala ang mga ito sa pagkukuwentuhan at pagpapahinga. 

Nasipat ni Mina ang berdeng kulay ng balat nito na animo'y lumot at ang mga mata nitong maihahalitulad mo sa perlas na kulay itim.  Meron din itong palikpik sa magkabilang gilid ng kanyang matutulis na tenga. 

"Maraming salamat itinakda sa iyong handog. Ako ay lubos na nagagalak na ikaw ay nadamo dito sa aming kaharian. Lubos itong ikatutuwa ng aming hari." Wika ng nilalang sa kanyang isipan. Hindi bumubuka ang bibig nito sa halip ay nangungusap ito sa pamamagitan ng isip. 

Walang anuman kaibigan. " Sambit ni Mina sa mahinang boses. Nang umalis na ang nilalang na iyon ay siya naman paglitawan ng mga naglalakihang isda sa gilid ng kakilang bangka. Tuwang -tuwa namang hinuli iyon ng kanilang mga kasamahan na kanila ding ikinamangha . Dahil ito ang unang beses na makita nila ang ganoon karaming kumpol ng mga isda sa iisang lugar. Animo'y napakaswerte nila noong araw na iyon . Hindi pa man din sumasapit ang hapon ay nakabalik na sila sa pangpang. Dagli naman nanalangin si Mina upang magpasalamat sa kanilang ligtas na pagdaong at sa marami nilang huli.

Sa kanyang pagninilay sa isang malaking bato sa gilid ng dagat ay nakaramdam siya ng isang malamig na presensya na biglang lumitaw sa kanyang harapan. 

"May mga namataan akong mga nilalang na nagmamasid sa bayan ng Hilaya. Nasa Norte ang mga ito malapit sa kagubatan at mukhang may binabalak silang masama." Wika ng nilalang na lumitaw sa harapan niya. Pagmulat niya ng knayang mga mata ay agaran din itong naglaho. Mabilis niyang tinahak ang landas patungo sa kanyang grupo at agad na isinalaysay ang baliatng hatid ng kanyang mga kaibigan.

"Hindi naman gaanong naalarma si Sinag dahil alam niyang hindi pa iyon ang dapat nilang katakutan. Umakto lang silang normal hanggang sa makauwi sa bahay ni Manong Emil. Kinagabihan ay napagpasyahan nilang tatlo na maglibot sa bayan. Hindi na nila isinama pa si Christy dahil hindi rin naman ito makakatulong at magiging alalahanin lang nila ito. Habang naglilibot sila, ay napansin nila ang mga asong balisa sa kani-kanilang mga kulungan. Noong una ay inakala nilang dahil nararamdaman ng mga ito ang pagdaan ni Isagani, ngunit nagkamali sila. Sa kalagitnaan pa ng kanilang paglilibot ay nakarinig sila ng pagsigaw di kalayuan sa kanilang kinaroroonan.

Mabilis silang tumakbo patungo sa lugar na pinanggagalingan ng sigaw at nagulantang sila sa kanilang natuklasan. Isang pamilya ang hindi magkamayaw sa pag-iyak habang yakap-yakap ng isang babae ang anak nitong halos dalawang taong gulang pa lamang. Namumutla na iyon na animo'y naubusan ng dugo. Nang mapansin ni Mina na humihinga pa ito ay agaran din ang kanyang paglapit dito.

Mabilis niyang kinuha ang bata at inilapag iyon sa lupa.

"Buhay pa siya, kaya ko pa siyang mailigtas. Kuya Sinag kailangan ko ng lupa." Sigaw ni Mina na agad din naman sinunod ni Sinag. KUmuha siya ng lupa sa labas ng bahay at inilagay iyon sa isang sisidlan bago ibinigay kay Mina. Hawak-hawak niya nag noon ng bata habang inuusalan ang lupa sa kabila niyang kamay.

Naguguluhan man sa nangyayari, ay minabuti ng mag-asawa na hayaan ang mga ito na tulungan ang kanilang anak. Papatulog na sila nang mga oras na iyon nang makaramdam sila ng mahihinang kaluskos sa kanilang bubungan. Una ay inakala nilang pusa lang iyon ngunit biglang kinabahan ang kanyang asawa dahil nanggagaling sa kwarto ang mga kaluskos na iyon na unti-unting lumalakas sa pagdaan ng minuto. Nang puntahan nila ang kwarto ay nakita nila ang isang nilalang na dinadaganan ang anak nilang naiwang natutulog sa kwarto habang tila ba nakalapat sa dibdib nito ang mahahaba nitong dila.

Mabilis naman iyong tumakas ng makita nitong may dala-dalang itak ang lalaki. Paglapit nila sa anak nila ay nakita nilang halos wala na itong dugo sa sobrang putla. Wala na silang nagawa kundi ang sumigaw upang makahingi ng tulong at siya din namang pagdating nila Mina sa lugar.

Ayon pa sa lalaki hindi kalakihan ang nilalang na nakita nila. Halos kasing tangkad lamang nito ang isang kinse anyos na bata. Buto't-balat ang pangangatawan nito na may mahahaba at itim na dila. Malahalimaw din ang wangis nito na animoy isang taong-aso. Meron din itong pakpak na nangingitim at nakausli sa likod nito. Napakabilis din ng pagtakas nito kung kaya't iyon lamang ang nailahad sa kanila ng mag-asawa.

"Isang Mandurugo nag nakita niyo Manong, isa itong uri ng aswang na dugo lamang ang kinukuha sa kaniyang mga biktima. Unang beses lang bang nangyari ito sa Hilaya?" tanong ni Sinag at napaisip naman ang lalaki.

"Hindi ko alam, pero iyon ang unang beses kong nakita ang nilalang na iyon." sagot naman ng lalaki at ibinaling nito ang pansin sa anak niyang ginagamot ni Mina.

"Patuloy lamang sa pag-uusal si Mina habang nagsisitubuan ang mga halamang gamot sa sisidlang may lupa. Marahang pumitas ng mga dahon roon si Mina at ibinigay kay Sinag. Si SInag naman ang nagdurog niyon at inihiwalay dito ang katas at inilagay sa isang baso. Kulay berde ang dahong iyon ngunit nakapagtatakang kulay pula ang mga katas nito. Maihahalintulad mo sa kulay ng dugo ang mga katas ng dahong iyon na ikinamangha naman ng mag-asawa.

Dahan-dahang ipinainom iyon ni Sinag sa bata habang patuloy ang pag-uusal ni Mina. Nang Maubos na iyon ng bata ay muli nila itong inilapag sa lupa. Tumingin si Mina kay Isagani at nagwika ng...

"Ipatawag mo ang tagapaslang, ipahanap mo sa kanya ang Mnadurugong iyon. Hindi niya ito gagalawin bagkus ay aalamin lamang niya ang pinagpupugaran nito." matapos nitong magwika ay agad na lumabas ng bahay si Isagani upang kausapin ang kanyang kasangga.

"Maayos na po ang anak ninyo. Maglagay kayo ng pangotra sa bawa sulok ng inyong bahay at hangga't maari ay huwag niyong iiwang mag-isa ang inyong anak. Napakabata pa nito para makahingi ng tulong. Alalahanin niyo ang araw na ito, kung hindi kayo nakarating dito ay malamang pinaglalamayan na itong anak niyo." payo ni Mina at agaran din nagpasalamat ang mag-asawa. Hindi na din nagtagal doon sila Mina dahil may kailangan pa silang gawin.

"Nahanap na ng tagapaslang ang Mandurugo. Nakatira iyon sa isang kubo di kalayuan sa sentro ng bayan, nasa dulo lamang iyon." wika ni Isagani at tumango lamang si Mina. HIndi na umimik pa ito dahil sa napakaraming bumabagabag sa kanyang isipan. Naguguluhan siya kung bakit unti-unti nang nagsisisulputan ang mga nilalang na tila gutom. Halos araw-araw ay bagong nilalang na naman ang kanilang nasusugpungan at halos kadalasan pa ay mapaminsala ito sa mga tao.

Tila ba ngayon lang nagsigalaw ang mga ito na animo'y merong nag-utos o nagpapagalaw sa kanila.

Sa kanilang paglalakad ay hindi nila namalayang narating na pala nila ang kubo na tinitirhan ng mandurugo. Maliit lamang ang kubong iyon na kasya lamang ang dalawang tao. Lumapit dito si Mina at kumatok sa pintuan. 

"Saglit." turan ng isang boses ng lalaki sa loob.

Pagbukas ng pinto ay agad na bumungad sa kanila ang isang matangkad na lalaki na may kapayatan ngunit hindi rin maikukubli rito ang angkin nitong itsura. Napansin din nila ang kaputlaan nito na animo'y may sakit iyon.

"Sino ho sila? May kailangan ho ba kayo?" tanong ng lalaki sa kanila na animoy naguguluhan. Ngumiti naman si Mina at nagwika ng...

"Makikiinom sana kami ng tubig, galing pa kami sa Lombis at napadaan lamang dito. Wala kaming mahingian ng tulong kaya nagbakasali kami sa kubo mo." wika ni Mina.

"Ganun ba, sige pasok kayo. Bakit naman kayo ginabi sa daan. Hindi dapat kayo nagpapagabi." Wika ng lalaki sabay kuha ng tubig sa banga at naglagay iyon sa tatlong baso at ibinigay kila Mina.

"Mag-isa ka lang bang nakatira dito?"

"Kasama ko ang asawa ko pero wala siya ngayon. Bukas pa ang balik niya." Simpleng sagot naman ng lalaki habang bahagyang napapaubo. Tila ba may iniinda itong sakit. Habang nakikipag-usap sila sa lalaki ay doon lamang napatunayan ni Mina na ang lalaking iyon ay ang asawa ng mandurugo at ang lalaki din iyon ay inuunti-unti na ng nilalang. Hindi lamang nito napapansin dahil na din sa pagmamahal nito sa kanyang asawa.

"Lagi bang wala ang asawa mo sa bahay tuwing gabi?"

"Hindi naman palagian, dati hindi naman ganito, siguro simula nang magkasakit ako." Malungkot na wika ng lalaki at nagkatinginan si Sinag at  Mina. Pagkatapos nilang makipagusap sa lalaki ay may kung anong usal na iniihip si Mina sa lalaki bago nila tuluyang lisanin ang bahay nito.

Kinaumagahan pagdating ng asawa niya ay agad niya itong sinalubong, ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay hindi man lang ito lumapit sa kanya na tila ba nandidiri ito sa kanya. Buong pagtataka niyang pilit kinakausap ito ngunit naging mailap na ito sa kanya. Sa kaniyang pagtataka ay biglang sumagi sa isip niya ang mga taong bumisita sa kanya kagabi. Dahil doon ay napagdesisyunan niyang hanapin ang mga ito sa bayan sa pagbabaka-sakaling muli niyang makita ang mga ito.

Sa kanyang paglilibot at nakabangga niya si Jun, kilala niya ito dahil minsan na din itong nakadalaw sa kanyang kubo noon.

"Jun, nandirito kamusta ka na?" tanong nito sa binata. Napatingin naman sa kanya si Jun at napakunot ang noo.

"Ikaw ang kamusta, mukhang sinasagad na ng asawa mo ang katawan mo ah." Makahulugang wika ni Jun na may poot sa mga mata nito.

"Ano ka ba naman. Siyanga pala, may kakilala ka ba ditong Mina? Kagabi meron dumalaw sa bahay, sabi niya galing daw sila ng Lombis at napadaan lang dito. Mina ang pangalan niya at may kasama siyang dalawang lalaki." tanong niya kay Jun at tumango ito.

"Kilala ko sila dahil doon sila nanunuluyan sa bahay ng aking nobya. Halika at sasamahan na kita." Wika pa ni Jun at inakay na ito. Pansin kasi niya ang pagkahapo nto habang naglalakad sa daan.