Chereads / Revenge To My Ex Lover (Tagalog) / Chapter 13 - Chapter 13: Old Aaron's

Chapter 13 - Chapter 13: Old Aaron's

"Pangalan ng pasyenti?", Tanong ng isang nurse naroon. "Valerie Anderson' She's my wife! Pwede ba unahin ninyo muna ang asikasohin ang asawa ko! Bago yung mga sunod sunod na tanong ninyo!" Madilim ang mukha niya na sigaw rito." Sir, pasensya na kailangan po namin malaman ang personal na impormasyon ng pasyenti." Tumango lang siya rito.

"Mr. Anderson, no worries. You're wife will be fine!", pagkatapos sabihin iyon ay tumalikod na ito. Naiwan siya sapo sapo niya ang kanyang ulo.

Tiningnan niya ang selpon kung may text o tawag man lang ito. Pero ni isa ay wala.

"Valerie!" Kumusta kana?" mahinang bulong niya sa kawalan. Papasok na sana siya para kumain ng agahan, ng biglang nahulog ang picture nito.

Kinabahan siya dahil nabasag iyon'

"Dios ko po' ingatan mo ang alaga ko' sana ayos lang siya sa mga oras na ito."

"Aaron, How is she?" Sabay tapik nito sa balikat niya". "Nick!" paano mo nalaman?"

"Pumunta ako sa mansion mo para ihatid sana itong wallet mo' sabay abot nito sakanya' naiwan mo kagabi sa bar." "Sabe ni Manang Lina isinugod raw sa hospital si Valerie." "Nick, Its my fault!" sapo sapo niya ang ulo habang nakatingin sa kaibigan. "Dahil sa matinding galit ko naitulak ko siya'. Huminga ito ng malalim bago nagsalita.

"I told you pare, mahirap kalaban ang pag-ibig' kaya sa sunod pagisipan mo muna ang mga habang na gagawin mo."

"I thought i would be happy when she's struggling. But now! hindi ko mapapatawad ang sarili ko Nick, kapag may nangyare masama kay Valerie."

"Mr. Anderson!" Napalingon siya sa tumawag sa pangalan niya, tumayo siya para salubongin iyon' "You're the husband right?", "Yes Doc! How's my wife?' "She's fine! Pero kailangan muna niya magpahinga' Mayroon siya hika at noong nahulog siya sa tubig ay napasukan ang baga nito, dahilan para kaposin siya sa oxygen."

"Mabuti at nadala ninyo agad siya rito."

Nakahinga siya ng maluwag sa sinabe ng doctor.

"Thank you Doc.", pagkatapos kinamayan niya ito.

"Sige mauna na muna ako at marami pa akong pasyenti.

"Pare, Kumusta na si Valerie?"

"She's okay, Pero kailangan daw muna nito ng pahinga." "That's good news' she's okay. Pare, uwi na muna ako. Regards muna lang ako kay Valerie." "Sige Nick, May mga naka schedule na meeting sana today. Kaya lang hindi na muna ako papasok ng opesina". "Good. Please take care of her!" sabay kindat niya rito.

"Hello Banjo! Cancel mo muna ang lahat ng meeting ko today. Ikaw na muna ang bahala diyan, kung may kailangan pirmahan puntahan mo ako rito sa hospital."

"Sir, Sino ang nasa hospital?" "Si Valerie!"

"Si mam? Masyado mong ginalingan sir, ang tindi mo." Wika na biro niya rito. "Taranrado! Its not what you think!" Biro lang sir, No worries ako na muna ang bahala dito. Pagkatapos ng usapan nila ay pinutol na niya ang linya.

Bahagya niya iminulat ang kanyang mga mata, mayroon siya oxygen at midyo hirap parin ang kanyang paghinga. "Babe, how are you feeling right now? May masakit ba sayo? Tell me."

Hindi agad siya makapagsalita bukod sa hirap parin siya huminga, hindi parin siya makapaniwala sa nakikita ng kanyang mga mata. " A Aron!" iyon lang ang lumabas sa sarili niya bibig. Nakita niya hirap parin ito sa pagsasalita. "Magpahinga ka muna, pagkatapos sabihin iyon ay hinalikan siya ito sa labi.

Hindi niya mapigilan ang pag luha ng kanyang mga mata dahil sa nakikita niya pag-aala nito sakanya ngayon. Balot parin siya ng takot rito' dahil sa ginawa nito sakanya na muntik na niya ikamatay. Paano kung parte parin ito ng mga plano niya? Kaya ito bumait ngayon, mga tanong sa isip niya na hindi niya alam ang tamang sagot.

"Babe, I'm really sorry! I didn't mean what happened to you." Hinawakan nito ang kamay niya". Pero mas pinili na lang niya ang hindi magsalita, mabuti narin iyon para hindi na siya masaktan pa nito. Ipinikit na lang niya ulit ang mga mata para makaiwas rito.

"Kung nagugutom ka tawagin mo lang ako."

Hindi man lang siya nilingon nito ng sabihin niya iyon. Pabuntong hininga siya lumabas muna ng ward para bumili ng makakain.

Hindi niya masisi ito na matakot at lumayo ang loob nito sakanya, dahil sa nagawa niya pagtulak rito na muntik na nitong ikinamatay.

Noong nangyare yung pagpatay sa Inay niya' kahit alam niya na ang daddy nito ang may gawa. Kailan man ay hindi sumagi sa isip niya noon na saktan o maghiganti rito.

* Flash Back *

" Inay!" Masaya akong babaonin ang masasaya nating alalala sa bahay na ito. Patawarin mo ako dahil sa pagibig ko kay Valerie, ay humantong ang buhay mo sa ganito. Mahal na Mahal ko siya Inay' at hinding hindi ko sasayangin ang sakripisyo mong ito. Luhaan siya na sinasambit iyon habang tinitignan niya ang bahay nila na lilisanin na niya ngayon. Matapos ang ilang taon nilang paninirahan rito. Pina-pangako ko sayo Inay! babalik ako rito para kunin ang tamang hustisya sa pagkamatay mo!" Sinukbit niya ang ang dalwang bag na naglalaman ng mga damit at umalis na roon at nagtungo kung saan sila magtatagpo ng kasintahan.