Chereads / Revenge To My Ex Lover (Tagalog) / Chapter 18 - Chapter 18: Proposal

Chapter 18 - Chapter 18: Proposal

"By the way' Mr. Lee, Mahalaga ang bawat oras ko. Ano ba ang proposal na nais mo na ilatag sa akin?" Sumimsim muna iyon ng kape sa tasa na hawak nito' pagkatapos nilapitan siya nito.

"Mr. Anderson, Bilang isang negosyante' alam kung pariho ko na aayaw mo rin na malulugi."

"So ano ang kailangan mo sa akin?"

"Good question Mr. Anderson! Babayaran ko sayo' ang halaga ng mansion ni Carlos with interest, kapalit ni Valerie." Sa narinig niya mula kay Mr. Lee, biglang natagis ang mga bagang niya, hindi niya napigilan na bumulusok ang matinding galit sa kaharap. Dahil sa bugso ng matinding galit naitapon niya rito' ang laman ng tasa tumapon iyon' sa suot nito na long sleeve.

Samantalang tila nagulat ang mga staff ng grand caffe, at maging sila Banjo, at Henry, sa salpokan ng parihong negosyante..

"Binibili mo ba si Valerie?" Madilim ang mukha na tanong nito. Ngumisi ito at pagkatapos pinunasan ng tissue, ang suot nito na long sleeve.

"Kung iyan ang nasa isip mo' parang ganun na nga' ang ibig ko sabihin."

"Tarantado ka Mr. Lee! bakit anong tingin mo kay Valerie isang bagay? na pwede gawin na deal sa negosyo." "Bakit hindi ba?" nakataas ang mukha nito". Diba kaya ka nga niya pinakasalan dahil sa utang nila sayo!" Natigilan siya sa mga sinabe nito' Ikinuyom niya ang kanang kamao at sinugod niya ito ng malakas na suntok na tumama iyon sa labi nito, dahilan para dumugo iyon.

Agad naman ito dinalohan ng anak niya.

Ngunit hindi nito pinahawakan ang kahit isang kamay sa anak para tulongan siya nito.

"Mr. Lee, walang katumbas na kayamanan si Valerie sa akin. kung ano man ang gusto kung gawin sakanya, gagawin ko' dahil pag-aari ko na siya." "Sayo' na ang pera mo!" Madilim ang mukha niya sinabe iyon". "Tapos na ang usapang ito!", Wika ni Mr. Lee, "Talagang tapos na! Dahil hindi ko tinatanggap ang proposal mo!"

Akmang tatalikod na siya para lisanin ang lugar na iyon' bigla siya nito hinila at binunot nito ang baril na nagmula sa baiwang nito at itinutok iyon sa ulo niya' Dahil sa bilis ng mga pangyayare hindi niya namalayan ang pagkilos ni Banjo'

Kaagad pala na nakuha nito si Henry, at tinutokan rin iyon sa ulo ng hawak nito na baril.

"Oh ano' Mr. Lee, mukhang nabahag yata ang buntot mo?", Mahinang bulong niya rito habang hawak parin siya nito. "Mr. Lee, bago mo mapatay ang boss ko. Sisiguradohin kung mauuna na tutumba, ang pinaka-mamahal mo na anak."

Sa mga oras na iyon hindi parin siya makagalaw sa tindi ng pagkakawak ni Banjo, sa leeg niya'

Maya maya pa ay pumasok na si Bert' sa loob ng Grand Cafe, kasama ang mga tao nito' na halos armado lahat ang mga iyon. "What the heal happend now?", Malakas na sigaw ni Mr. Lee,

"Ano sa tingin mo?" pagkatapos tumawa siya ng malakas.. Nagkapalit na sila ng posisyon sa mga oras na iyon. Kinuha niya ang baril nito at itinutok iyon sa ulo ni Mr. Lee, "Sa tingin mo ba hindi ko alam? Ang kalakaran ng negosyo at pagkatao mo!" "Mr. Lee, ang hinahanap mo ba ay ang mga tao mo? na sasaklolo sana sainyo ng anak mo!

Huwag mo na sila na hintayin pa' dahil mahimbing na silang natutulog sa mga oras na ito!" Singit ni Bert, sa usapan nila ni Mr. Lee,

Si Henry naman ay nasa ganun parin na sitwasyon, gulat at takot ang nararamdaman niya dahil sa kinalalagyan nila ng kanyang ama sa mga oras na iyon. "Hayop ka Aaron, malakas na sigaw ni Mr. Lee, Kapag nakawala ako rito papatayin kitang hayop ka!" "Look Mr. Lee, hawak ko ngayon ang buhay mo, at ng pinaka-magmahal muna unico hijo!"

"Pero dahil hindi pa naman ako kasing sama mo! Bibigyan pa kita ng isang chance na mabuhay, para bagohin ang mga ginagawa muna hindi maganda. "Dahil sa susunod na kalabanin mo ako' o lapitan si Valerie, gagawin kitang pataba sa lupa' para sa mga tanim ko na bulaklak!" Madilim ang mukha niya binatawan ito at itinulak sa direksyon ng anak nito. Kasabay rin noon ang pagbitaw ni Banjo kay Henry, Pagkatapos tumalikod na siya para lisanin ang lugar na iyon' kasunod niya noon si Banjo.

Samantalang sila Bert, ay nakatutok parin ang baril sa mag-ama habang papaalis ang kanilang boss. At ng makaalis ito' umalis narin sila sa lugar na iyon, kasama ang mga tao niya.

Ang mga staff ng Grand Cafe ay tila ba nakapanuod sila ng isang pelikula, dahil sa nasasaksihan ng mga ito.

"Dad, Are you okay?" Nag-aalala tanong niya sakanyang ama. Tiningnan siya ng matalim ng ama. "Isa kapa walang silbi!" Pagkatapos kaagad na lumakad iyon palabas ng Grand Cafe. Bagsak ang dalawang balikat niya na sumunod rito palabas ng Grand Cafe".

"Sir Aaron, Kumusta ang naging pag-pupulong ninyo ni Mr. Lee?" Hindi siya sumagot rito dahil hindi parin mawala ang matinding galit niya sa mag-amang Lee. "Mang Larry, huwag muna Itanong, isipin mo na lang na parang sa isang pelikula. Palaging panalo ang bida!", Wika ni Banjo. Natawa na lang si Mang Larry, kay Banjo. Pagkatapos pinaandar na nito ang sasakyan paalis roon.