Chereads / Revenge To My Ex Lover (Tagalog) / Chapter 19 - Chapter 19: Temporary healing

Chapter 19 - Chapter 19: Temporary healing

"Banjo, itext mo si Bert, sabihin mo sa mansion sila dumiretso' para sa bayad at bunos nila. "Sige po sir." Mabilis naman silang nakarating sa mansion sa mga oras na iyon.

"Thank you Bert." Sabay abot rito ng sobre na naglalaman ng bayad sa mga ito.

May pasubra pa iyan' bahala na kayong paghati-hatian." "Salamat sir, Anytime Sir Aaron." sabay halik nito sa sobreng iniabot niya rito. "By the way, paano ninyo napatulog ang mga tao ni Mr. Lee?" "Madali lang Sir Aaron, kinontsaba ko yung manager ng Grand Caffee, pinalagyan ko ng pang-patulog ang kape nila. Pumayag naman sila dahil sabe ko masasamang tao ang mga iyon' kaya kailangan nila makipag-tulongan." "Good job Bert!" Sabay tapik niya sa balikat nito. "Sir aalis na kami, ipatawag muna lang kami kay Banjo, kung kailangan ninyo ang serbisyo namin." Tumango siya rito' at kaagad na umalis ang mga ito.

* 1 Month later *

Nag-aagaw na noon ang liwanag at dilim' dahil nagbabadya ang paglubog ang araw sa mga oras na iyon. Nakaupo parin siya sa gilid ng dagat at patuloy na nilalanghap ang ang sariwang hangin' na hatid ng dalampasigan na kinaroronan nila ni Aaron. Matapos ang halos ilang linggo na pananatili' sa hospital, dito siya dinala ni Aaron' sa sarili nitong Beach Resort dito sa Batangas. Huminga siya ng malalim at ipinikit niya ang mga mata.

"Just relax and enjoy the view,"

Napatili siya ng maramdaman ang mainit na hininga nito' na nag-mumula sa kanan tainga niya' kasabay niyon ang pag-pulupot ng ng mga braso nito sa kanyang baywang.

"Aaron?" sabay lingon niya rito.

Nagkatinginan sila at nagtama ang kanilang mga mata.. Hindi niya kaya ang mga tingin nito kaagad siya tumungo para makaiwas sa mga mata nito.

"Babe, bakit hindi ka makatingin sa mga mata ko? huh," Sabay ngiti at kindat nito sakanya.

"Hindi ah, masakit na kasi ang mga mata ko' dahil sa talsik ng tubig mula sa dagat." Pag-sinongaling niya rito. Dahil ang totoo hindi niya kaya ang mga tingin nito' kahit noon pa man ay pakiramdam niya' mayroong kakaiba sa mga mata nito' na kayang pasunorin ang katawan niya' maging ang isip niya' ng walang kahirap-hirap.

Binitawan siya nito at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa' ng itim na pantaloon.

Pagkatapos lumapit ito ng malapitan sa dagat' at sunod-sunod na buntong hininga ang pinakawalan, bago ito muling nagsalita.

"Alam mo ba na ang dagat lang ang nakakaalam' ng laman ng puso at isip ko.

Sa tu-wing mayroon ako problema ang dagat ang takbohan ko. Isisigaw ko lang ang lahat ng nararamdaman ko' kahit paano naiibsan ang sakit na nagtatago dito." Sabay turo nito sa kanang dibdib.

"Hindi niya napigilan ang tumulo ang mga luha' dahil sa mga narinig mula rito.

Dahil alam niya na ang bigat sa dibdib nito' ay siya ang dahilan at ang pamilya niya".

Sa bawat hampas ng mga alon' pakiramdam niya' ito ay ang galit mula sa puso ni Aaron.

Galit na umaabot hangang dalampasigan na umabot sakanya.

"Babe, please don't cry," Pinunas nito ang mga luha niya' at hinalikan nito ang mga labi niya.

"Aaron, I'm really sorry! Ako at ang pamilya ko' ang naging dahilan ng bigat diyan sa puso mo." Bumuhos ang mga luha niya at hindi niya namalayan na humahagulhol na pala siya.

"Valerie, tahan na! Sige ka' pag pinag-patuloy mo yang pag-iyak mo. Bibigyan kita ng parusa na' alam kung magugustohan mo." Sabay ngiti at pilyong kinindatan siya nito". "Puro ka talaga kalokohan Anderson. Pagkatapos sabihin iyon inirapan niya ito' at pinunas ang mga luha.

"As of now! Babe, Let's temporarily forget what is between the two of us." Sabay ngiti nito at marahang pinisil ang kanang pisnge niya. Kailangan mo magpalakas sabe ng doctor, kaya nga dinala kita rito' dahil sabe nila maganda daw sa baga ang dagat. Pero may alam ako na mas effective pa dito". Sabay ngisi nito na para bang may kakaibang nasa isip ito.

"Ano naman iyon?" Panguso niya tanong rito.

"Walang ano anong hinapit nito ang baiwang niya' at kinabig siya palapit sa sarili nitong katawan. Dahilan para marinig niya ang malakas na kabog ng dibdib nito' hangang maglapat ang parihong nilang dibdib, na mas lalong nagpaingay dahil sa pagsasanib pwersa ng mga iyon'

"Babe, I want you!"

Hindi siya nakasagot rito' pakiramdam niya nag-iinit ang dalawa niya pisnge..

Binuhat siya nito' dahilan para mapatili siya".

"Aaron, Put me down!" Saan mo ako dadalhin?

" You're blushing Babe, huh!

Bibigyan lang naman kita ng ng best medicine' para mas madali kang maka-recover." Malamlam ang mga nito na tinitigan siya".

"Hindi na niya namalayan na narrating na pala nila ang rest house, na hindi kalayoan mula sa tabing dagat' na kinaroronan nila kanina..

Inilapag siya nito ng boong ingat' pahiga sa kama na kulay puti, katamtaman ang laki nito.

Walang salita na lumabas sa bibig nito' umibabaw ito sakanya". Ito na naman siya' hindi niya maigalaw maging ang sarili niya mga mata.. Hindi dahil sa nakaibabaw ito sakanya' kundi dahil sa mga mata nito na nakatitig parin sa mga mata niya".

Bumaba ang mukha nito at hinalikan ang mga labi niya' ng buong ingat.

Hangang sa habang tumatagal ay nagiging mapusok ang paghalik nito sakanya' habang ang isang kamay nito ay unti-unting ginagalugad ang buo niya katawan.

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag