* Flash back to back *
Pagdating niya roon pasadong alas otso ng gabi' ngunit wala siya naratnan ni anino ng dalaga. Kaya umupo muna siya para maghintay sa dalaga. "Valerie, please dumating ka' hindi ko kayang mawala ka! Nawala na ang Inay sa buhay ko, kung pati ikaw ay mawawala pa mawawalan ng sasay ang buhay ko."
Sinasambit niya ang mga katagang iyon' habang yakap niya ang sarili habang malamlam ang mga mata niya dahil sa labis na pag-luha buhat sa pagkawala ng Inay niya".
Sila na lang ng kanyang Inay, ang tanging magkasama sa buong buhay niya'
Ang kanyang ama ay hindi niya ito nakilala simula pa noong pinanganak siya.
Tanging ang kanyang ina ang nag taguyod sakanya maging sa pag-aaral niya".
Halos lahat ng trabaho pinasok na nito maging ang pag-lalabandera ay tinanggap ng Inay' niya mabuhay lang sila. "Inay, Pangako ko sayo magtatapos ako ng pag aaral at magiging isang magaling na Artchetic. Kapag nangyare iyon makakabili narin tayo ng magandang bahay. Hindi kana mag-lalabandera pa, dahil kukuha ako ng sampong katulong para sayo' sabay na niyakap niya ang Inay niya".
"Ikaw talga bata ka!
Ayos lang ako huwag mo ako alalahanin anak' ang intindihin mo ang pag aaral mo."
Niyakap siya nito na halos maluhaluha.
Hindi man magsabe ang kanyang Inay' alam niya at ramdam niya, ang paghihirap nito maitaguyod lang nito ang pang araw-araw nilang buhay. Kaya pinagbubutihan niya ang pag-aaral' at kung wala siya pasok nagtatanggal siya ng mga damo sa farm na pinag-lalabadahan ng kanyang Inay". Binabayaran siya ni Don Carlos Fuentebella, ng isang daang piso kada isang araw sa tuwing magdadamo siya.
Malaking bagay na iyon kahit sa pangbaon niya sa eskwela. Hindi na niya hihingiin pa sa Inay niya' ngunit ayaw ng kanyang Inay' na gawin niya iyon.
Dahil gusto nito na tanging pag-aaral lang niya ang kanyang intindihin. Kya mas pinili na lang niya ilihim sa Inay' niya". Patapos na siya ng hapon na iyon' at malapit narin siya umuwi ng makita niya ang isang babae na halos hindi nag-kakalalayo edad sa edad niya". Nanghuhuli ito ng tutubi. Biglang tumigil ang mundo niya dahil kahit ang paglapit nito ay hindi niya namalayan". "Hey boy! nakapamewang ito na nakataas ang kanang kilay. Dahil sayo kaya hindi ko nahuli yung tutubi na kulay pink. Nakakainis ka isturbo ka sa farm namin umalis kana nga rito!"
Bumalik siya sa ulirat ng marinig niya ang mga sinabe nito.
"Hi little Cutie girl! Cute ka sana kaya lang ang taray mo. By the way I'm Aaron Anderson. And you?", Sabay kindat niya rito. Iniripan siya nito at nakapamewang parin ito habang nakaharap iyon sakanya". "Gusto mo ba talaga malaman ang pangalan ko?" "Oo naman.", pagkatapos nginitian niya ito' "Sige! Kapag naipaghuli mo ako ng pink tutubi, sasabihin ko saiyo ang pangalan ko. Deal?", Sabay irap ulit nito.
"Deal! Iyon lang pala' sisiw na sisiw yan sa akin".
Tumalikod siya rito para ipang-huli ito ng tutubi, wala pang trenta minutos ng makahuli agad siya' inabot niya ito habang nakangiti.
"Wow! Ang galing galing mo naman!",' Tumalon talon ito sa subrang tuwa. Sa unang pagkakataon nakita niya ang mga ngiti nito na mas nagpadagdag ng paghanga niya rito.
"So pwede ko na ba malaman ang pangalan mo little cutie? Huh!" Lumapit ito sakanya at hinalikan siya nito sa pisnge. Sa ginawang paghalik nito tila ba tumigil ang mundo niya' dahilan para hindi siya agad makagalaw sa kinatatayoan niya'
"Thank you! Aaron right? By the way' I'm Valerie Fuentebella!", Pagkatapos niya magpakilala Iniabot niya ang kamay rito. "Yes! I'm Aaron. Pogi ba ako?" Sabay kindat niya rito. Hindi ka lang pogi mahangin ka rin, inirapan niya ulit ito. "Biro lang little cuite. Kung hindi ako nagkakamali anak ka ni Don Carlos Fuentebella?"
"Hindi ka lang pogi at mahangin' manghuhula ka din pala." "Minsan, Sabay tawa niya!"
"Ang swerti mo naman ang yaman ng daddy mo.", "Ikaw ba anong trabaho ng daddy mo?"
Bigla siya nalungkot at natahimik. Bago siya sumagot huminga muna siya ng malalim.
"Hindi ko alam kung nasaan siya' simula noong bata ako hindi ko na siya nakita at nakilala pa, kami na lang ng Inay silya ko ang magkasama namumubay." "Ay nalungkot naman ako sorry ah. Anak ka pala ni nay Silya." "Ayos lang' masaya naman kami ng Inay ko. Tapos ngayon nakilala kita' higit na mas masaya na ako.", Sabay ngiti niya rito. "Talaga lang huh! Masaya ka na nakilala mo ako?" "Oo naman, ang cute mo kaya kaya kahit sino yata ay magiging masaya pag nakilaka ka." "Bolero! Ka bata bata mo pa!"
"Aba nagsalita ang hindi bata.", sabay silang nagtawanan pariho..
"Valerie, nandito ka lang pala? Kanina pa kita hinahanap." Sabay lingon nila pariho' sa nagsasalita sa likoran nila na halos ka edad rin nila". "Henry, ikaw pala, nilapitan niya ito.
Tingnan mo ang ganda ng tutubi ko hinuli ito ni Aaron para sa akin. Kunot noo kinuha nito iyon at walang ano anong inapakan hangang madurog ang tutubi. "Bakit mo pinatay ang tutubi ko?" Haguhol na iyak nito na tumakbo papalayo sa kanila". Napakuyom ang dalawang maliit niya kamao sa ginagawa nito sa tutubi na hinuli niya para kay Valerie". "Valerie, sandali hintayin mo ako. Tumakbo rin iyon para habulin ang noon ay tumatakbong umiiyak. Naiwan siya ng mga iyon sa farm, at ng matapos ang trabaho niya umalis narin siya dun.