Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

DON'T PLAY SERIES 1: Don't Play With The Lunatic

Rouzan_Mei
--
chs / week
--
NOT RATINGS
11.2k
Views
Synopsis
Dean Amresel's only wanted is to avenge for his dead wife, Eloisa. He's seeking for her justice. He wants to kill those people behind this with no mercy. Anong magagawa niya? He's a Lunatic. At 'yan ang pagkakakilanlan sa kaniya ng lahat simula nang masira ang buhay niya. Kaya niyang pümataÿ ng doble or tripleng tao hangga't nararamdaman niya ang tentasyon sa kaniyang katawan. Yes, he loves to play games to his prey. Kahit anong laro basta sa ikamämätaÿ nila. Pero paano kung may mabiktima siya na pamilyar sa kanya? Is he going to play with love? Or is he going to kıll her with a bäd luck?
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

A/N: Maaaring nabasa na ninyo ang story na 'to sa ibang platform sa ibang username pero ako pa rin po 'yon. I will delete my series there para mailipat dito. Hope you understand.

*****

AIRISH

"DALIAN mong magbihis, Airish, sasayaw ka na," sabi ng katrabaho ko rito sa club. Nagbibihis na 'ko ng pang-sëxy na damit para sa gagawin kong sayaw mamaya.

Nang makapagbihis, tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ng 'di kaaya-ayang damit. Wala akong choice, ito ang trabaho ko.

Maya-maya nang ipatugtog na ang malamyang sayaw ay siyang paglabas namin ng dalawa ko pang kasamahan sa entablado, sumasayaw sa harap ng maraming tao.

Hindi ko makita kung ano-anong mukha ang nasa club dahil sa ilaw na nakatutok sa 'min. Ganito ang trabaho ko tuwing gabi, sasayaw ng mabagal sa harap ng maraming tao habang nakadamit na halos kita rin ang dibdib ko at binti.

May mga naghahagis ng pera sa entablado. May papel at barya. Habang sumasayaw, nakita ko ang dalawa kong kasamahan na nahuhubad na ng suot nila sa pang-itaas at tinakpan ang dibdib nila ng kanilang braso at kamay.

Napapikit nalang ako habang patuloy na sumasayaw bago ako tumalikod habang mabagal parin na gumigiling. Tinanggal ko ang strap ng bra ko at unti-unti 'yong tinanggal. Tinakpan ko ang dibdib ko ng aking kamay at braso bago humarap sa mga nanonood. Kahit matagal ko nang ginagawa ang bagay na 'to, parang hindi ko parin mai-apply sa sarili ko.

Dahil sa tuwa, maraming manonood ang naghiyawan at naghagis pa ng mga pera na tila nagustuhan ang ginawa namin.

NANG matapos kami sa ginawa namin, napaupo ako sa isang tabi at tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga palad ko. Halos sa araw-araw kong ginagawa 'yon, nahihiya ako sa sarili ko.

Uminom ako ng alak at gustong kalimutan ang ginagawa ko tuwing gabi. Pero kahit pala gano'n, hindi ko malimot-limot.

Ilang mga pagtatrabaho pa sa gabing 'to ang ginawa ko bago dumating ang oras para umuwi. Pumunta kami kay manager upang bigyan kami ng gabi-gabing sahod. Mas malaki ang sahod namin kung may nagti-tip sa 'min na customer.

"Salamat, manager," sabi ko nang ibigay niya sa 'kin ang suweldo ko. Ngayon, oras na para umuwi.

Dahil gabi na masyado, halos wala na rin akong makitang sidecar o trycicle sa daan kaya naglalakad lang ako pauwi.

Ilang paglalakad pa sa bawat street na madaraanan ko bago ako makauwi. Maya-maya nang tumatawid ako sa kalsada, may nakita akong ilaw ng sasakyan dahilan at binilisan ko ang paglakad ko. Mukhang matulin ang pagmamaneho kaya pwede akong mabangga.

Balak ko sanang sigawan ang mga 'to dahil sa inis. Muntikan pa 'kong mamatay dahil sa tulin nilang magpatakbo.

Nagtaka nalang ako nang huminto sa may 'di kalayuan ang sasakyan dahilan at kinabahan ako. Ipinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko at 'di sila nilingon.

Pero habang naglalakad, ramdam ko na may sumusunod sa 'kin dahil sa tunog ng sapatos. P-Parang may sumusunod sa 'kin. Sinusundan ba nila ako?

Wala halos katao-tao rito dahilan kaya't binilisan ko ang paglalakad at nagsimulang matakot dahil baka kung ano pang mangyari sa 'kin.

Napahinto nalang ako nang may huminto namang dalawang motorbike sa tapat ko. Halos mapatalon pa 'ko sa gulat dahil sa biglaan nilang pagsulpot. At dito nagsimula na ang sobrang pagkatakot ko.

Balak ko pa sanang tumakas sa kanan at kaliwang daan pero may mga nakaharang na dalawang lalaki. T-Teka... A-Ano 'to?

May mga nakakatakot silang pintura na nakadisenyo sa kanilang mga mukha. May mga hawak din sila na baril at ang iba ay baseball bat na may patalim sa dulo. Sino ba 'tong mga 'to?

"Saan ka pupunta, miss?" tanong ng boses ng lalaki na nasa likuran ko. Tiningnan ko 'yon kahit natatakot ako sa kaniya.

"U-Uuwi na..." nauutal ko namang tugon dito. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob ko at nakasagot pa 'ko sa tanong niya.

May kulay itim, puti at pula ang pinturang nakadisenyo sa kanyang mukha at may hawak siyang baril.

Tumawa siyang bigla nang nakakaloko at tiningnan ako mula paa hanggang ulo. At sa pagkakataong 'to, nawi-weirdo-han ako sa kaniya.

Lumapit ito sa 'kin nang dahan-dahan habang nakatitig sa 'kin. Nakakatakot ang presensya niya. Sino ba 'to?

"A-Anong gagawin mo sa 'kin?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya habang umaatras. Napahinto ako nang may humawak sa magkabilang braso ko dahilan at 'di na 'ko nakaatras pa.

Tumawa siya ng nakakaloko at ramdam ko ang paghawak nito sa binti ko pataas hanggang sa bewang ko.

"Gusto mo ng umuwi, binibini?" tanong niya habang tumatawa. Magkalapit na ang mga mukha namin dahil sa paglapit niya sa 'kin. Gusto kong iiwas ang mukha ko sa kaniya dahil sa takot. Napalunok nalang din ako ng laway.

At dahil sa takot sa kanya, naiyak nalang ako.

"Sshhh... Tinatanong lang naman kita eh," sabi niya at pinupunasan ang mga luhang pumupunta sa pisngi ko.

"H-Huwag niyo po akong patayin. P-Please?" Nauutal ko pang sabi habang humihikbi.

Natawa siyang bigla nang malakas gayundin ang mga kasamahan niya. Hindi ko sila maintindihan.

"Nahulaan niya yung gagawin natin sa kanya oh? Ang galing mo naman!" Natutuwa pang sabi nito sa 'kin. Nanginginig na ang mga tuhod ko dahil sa takot sa kaniya.

Hindi ko na kinaya pa kaya't lumuhod ako at hinawakan ang mga hita niya.

"Pakiusap, huwag mo 'kong papatayin. K-Kailangan pa 'ko ng lola ko," sabi ko rito habang umiiyak. Hindi pa 'ko handang mamatay.

"Uuhhh... Nakikiusap siya oh?" sabi naman nito sa mga kasamahan niya at biglang tumawa.

"Please..." sabi ko at hinawakan pa nang mas mahigpit ang binti niya.

Nakita ko nalang ang paglingon ng mga ito sa ibang direksyon at saka nagsalita ang lalaki.

"Malapit na sila. Sakay!" sabi niya at saka sila dali-daling sumakay sa mga sasakyan nila at pinaandar 'yon ng mabilis.

Gumaan ang pakiramdam ko at kaagad tumayo at kaagad naglakad ng mabilis. Maya-maya'y nakita ko ang sunod-sunod na police mobile at kaagad silang napahinto nang makita nila ako.

"Miss, miss. Alam mo ba kung nasa'n ang grupo ni Dean?" tanong ng pulis nang puntahan ako.

"S-Sinong Dean po?" tanong ko rin naman sa kaniya dahil hindi ko 'yon kilala.

"Yung may mga pintura sa mukha," sabi nito sa 'kin dahilan kaya't nagka-ideya ako.

"P-Pintura sa mukha..." pag-uulit ko sa sinabi nito kahit alam ko naman na ang lalaking 'yon kanina ang hinahabol nila.

"Oo, 'yon nga," sagot naman nito. Tiningnan ko ang daan kung saan sila umalis at mabilis na tinuro 'yon.

"Pumunta po sila ro'n," sabi ko rito para mahuli na nila ang lalaki.

Kaagad naman siyang nagpasalamat at sinundan ang daan ng mga may pintura sa mukha. Dahil naman sa takot ko, umuwi na ako kaagad.

KINABUKASAN pagkagising ko palang ay pinaghandaan ko na si lola ng almusal. Kami nalang dalawa ang natitira sa bahay dahil wala na ang mga totoo kong magulang.

"Apo, bakit may gasgas 'yang tuhod mo?" tanong ni lola nang makita ang tuhod ko.

"Ahh...wala po ito," sagot ko lang dito.

"Sinaktan ka na naman ba ng kasintahan mo? Ano pang ginawa niya sa'yo?" tanong na naman ni lola.

"Lola, hindi po," sagot ko.

May boyfriend ako, si Eljoe. Tulad ng sinabi ni lola, sinasaktan ako no'n kapag 'di ko sinunod ang gusto niya. Tulad ng pagtatalik. Kaya lagi niya akong nabubuhatan ng kamay.

"Hmm...siguraduhin mo lang ha? Baka naglilihim ka sa 'kin," sabi nito. Nginitian ko nalang siya para hindi na siya mag-alala pa.

Siguro nakuha ko 'tong gasgas kagabi? Hindi ko na kinuwento kay lola at baka mag-alala pa siya masyado.

Huminga ako ng malalim dahil sa mga dumarating na problema. Ano ba naman 'tong buhay na 'to?

"Oh tara na't kumain. Baka mamaya masira pa 'tong pagkain 'pag hinayaan," sabi ni lola kaya naupo na rin ako at kumain.

Habang kumakain, napapaisip naman ako sa lalaking ay pintura sa mukha kagabi.

Yung Dean yata?

Nahuli na kaya siya ng mga pulis?

Sana nga nahuli siya.