Chapter 2 - Chapter 2

AIRISH

KINAGABIHAN, pagtapos kong maligo ay may inutos si lola sa 'kin.

"Apo, pakibukas naman yung tv oh? Gusto kong manood ng balita," sabi nito kaya kaagad kong binuksan.

Sumakto ang channel sa isang balita dahilan at bigla naman nitong nakuha ang atensyon ko.

"Kasalukuyang nasa kostudiya ng pulisya ang lalaking matagal nang nagbebenta ng iba't ibang uri ng drögä sa bansa. Ayon kay insp. Jake Warren, matagal na nilang pinaghahahanap ang suspek dahil sa patong-patong na reklamo rito."

Namukhaan ko rin ang lalaking nasa t.v. at may nakalagay na pangalan sa baba. "Jake Warren," sabi ko sa sarili ko dahil ang lalaking 'to ang pulis na nagtanong sa 'kin kagabi.

May mga pulisya rin akong naabutan kagabi at inihatid nila ako rito sa bahay. Panay ang tanong nila sa 'kin kung pinagdiskitahan ba ako no'ng lalaking may pintura ang mukha pero nagsinungaling ako. Sinabi kong nakita ko lang silang dumaan at hindi nila ako pinagdiskitahan.

"Mabuti na lang at may magandang loob na nagsabi sa 'min kung nasa'n 'tong grupo ni Dean Amresel. Ang pagkakaalam ko ay maraming nabiktima si Amresel nung mga araw na 'yon."

Napatingin ako sa t.v. dahil sa naririnig ko. Bigla nalang din kumabog sa kaba ang dibdib ko lalo't naaalala ko pa ang mala-joker na itsura ng lalaki.

"Ang sabi ng pulisya, may sakit ang suspek sa kanyang pag-iisip kaya minabuti muna nilang ipatingin ito sa doktor."

"Hahahahaha! Alam ko, babae, ikaw ang nagsabi sa lıntek pulis na 'yon! Hahahahaha!..."

Bigla akong kinabahan at nakaramdam ng takot nang makita kung sino ang nasa telebisyon. Kahit wala siyang pintura sa mukha, kilala ko ang hugis ng mukha niya.

Nagsunod-sunod ang pagtibok ng puso ko dahil sa takot. Nanginginig din ang mga tuhod ko.

"Magtago ka na, babae. Dahil sa oras na makita kita ulit? Alam mo na ang mangyayari sa'yo! Hahahahaha!" sabi pa nito. Talagang may sira siya sa utak dahil sa kilos niya.

"Apo, bakit 'di ka pa magbihis at mag-ayos nang makapagtrabaho ka---oh? Bakit mo pinatay yung tv?" takhang tanong ni lola. Sa sobrang takot ko ay pinatay ko kaagad ang t.v.

"B-basta po, lola. I-I-lock niyo po 'tong bahay ha? Huwag na huwag po kayong lalabas," sabi ko sa lola ko.

"H-ha? Ano bang--"

"Basta, lola," mabilis kong sabi dahilan at mabilis din siyang natigilan.

"S-Sige," sagot na lang nito kahit nagtatakha siya sa kinikilos ko.

NAGPAALAM na 'ko kay manager na agahan ang performance ko para makauwi na 'ko kaagad. Hindi ko alam pero hindi ko komportable.

Nang mag-play na ang sexy dance music, lumabas na kaming mga sumasayaw at nag-umpisang gumiling-giling sa harap ng maraming customers.

"Ahh!" Napasigaw nalang kaming mga nasa club at napadapa nang may magpaputok ng barıl. At habang nakapikit ako, naramdaman ko na may naglalakad papunta sa kinaroroonan ko.

"Halika rito!"

"'Yan! Damputin 'yan!" sabi sa 'kin ng dalawang lalaking may pintura sa mukha at dinala ako palabas ng club. Pinipilit kong magpumiglas sa kanila ngunit mas malalakas sila sa 'kin.

Nakita ko na lang ang tatlong sasakyan at maraming nakasakay ro'n na mga may pintura rin ang mukha. At dahil do'n, nagsunod-sunod ang pagtibok ng puso ko sa takot.

Isinakay nila ako sa sasakyan habang hawak-hawak ang magkabilang braso ko. Halos sigaw rin ako nang sigaw pero wala lang sa kanila 'yon.

"Dali! Bilis!" sabi ng isa dahilan at pinaharurot na nila ang sasakyan.

"Hmm!..." daing ko nang may maglagay ng panyo sa ilong ko. May naamoy akong kakaiba dahilan at unti-unti akong nawalan ng malay hanggang sa nakatulog ako.

UNTI-UNTI na lang akong nagkaroon ng malay at naramdaman kong nakahiga ako sa sahig dahilan at naigalaw ko ng bahagya ang kamay ko at ulo. Teka? Gabi pa rin ba?

Dahan-dahan din akong umupo at nakita ang maraming lalaking may pintura sa mukha habang may hawak na mga armas.

Nakaramdam kaagad ako ng takot.

"S-sino kayo? N-nasa'n ako?" tanong ko pero nakakalokong tawa lang nila ang tanging narinig ko.

"Ahh!..." daing ko nang makatanggap ako ng sunod-sunod na panänäkit mula sa kanila hanggang sa hindi ko na makayang makatayo pa. At dahil din sa mga natanggap ko, muli na naman akong nawalan ng malay.

NAKAMRAMDAM ako ng sakit ng pangangatawan nang unti-unti na naman akong magising.

"A-Aray..." daing ko at saka ako dahan-dahang naupo. Nakita ko ang braso ko na may mga pasa-pasa.

"Binibini," kaagad akong napalingon sa pamilyar na boses na nagsalita. Nakakatakot ang tono niya at pakiramdam ko, päpãtaÿın nila ako anumang oras.

"D-Dean?" tanong ko dahil hindi ko ito makita. Nasa 'kin lang ang may ilaw.

Narinig ko biglaang pagtawa nito na mas dumagdag pa sa takot ko.

"Kilala mo na pala 'ko?!" Natatawang sabi nito at narinig ko ang paglapit niya sa 'kin dahil sa tunog ng kanyang sapatos.

"P-Paano ka nakatakas?" takhang tanong ko naman sa kaniya.

"Simple lang, binibini. Kasi gusto kitang patayin," sagot nito na mas lalo ko pang ikinatakot.

Nang matapat siya sa ilaw, bumungad sa 'kin ang nakakatakot niyang mukha na may pintura habang bitbit ang baseball bat sa kanyang balikat.

Ngumiti siya sa 'kin ng nakakaloko.

"D-Dean..." sabi ko pero kaagad nitong hinawakan ng mahigpit ang magkabilang pisngi ko at tinapat ang kanyang mukha sa 'kin.

"Alam mo, babae? Kung 'di ka na sana nagsalita, hindi ka mapupunta rito," mariing sabi niya saka tumawa.

"H-Hundi ko naman s-sinasadya... N-Natakot lang---"

"Natakot?! Marunong ka pa lang matakot?" nakakalokong tanong nito at nakatanggap ako ng isang malakas na sämpäl. Dahil sa sakit napaiyak ako habang dinadaing 'yon.

"Ahh!..." bigla naman niyang hinawakan ng mahigpit ang buhok ko at tinangad sa kanya.

"Gusto mo na sigurong mämätäÿ kaya dinaldal mo 'ko, 'no? Hmm? Gusto mo na yata eh?" tanong nito at tinutok ang bärıl sa noo ko.

"Dean... Dean, please? H-Huwag... K-Kailangan pa 'ko ng lola ko," pakiusap ko habang nakapikit dahil sa takot.

"Lola... Lola?! Eh mämämätäÿ rin 'yon! Gusto mo unahin ko na siya?"

"D-Dean h-huwag. N-Nakikiusap ako. Huwag," pakiusap ko rito. Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay sa labis na pagmamakaawa.

Ngunit kahit ganito na ang pakikitungo ko, tawa lang ang narinig ko sa kanya.

"Hmm? Ano ako? Uutusan mo lang? Dapat may kapalit," sabi nito at tila nag-isip pa. Nakatitig ako sa kanya habang nag-iisip siya. Maya-maya'y tumawa na naman ito at tumingin sa 'kin.

"Alam ko na!" sabi niya habang tumatawa. Tumingin siya ng dahan-dahan sa 'kin at tinitigan ako mula ulo hanggang paa at muli akong tinitigan sa mga mata ko. "Hindi ka uuwi, dito ka lang," nagkaroon kaagad ng takot sa katawan ko nang marinig ko 'yon.

"A-Ano? H-Hindi pwede! P-Paano ang lo---"

"WALA AKONG PAKIALAM!" muli akong napapikit dahil sa sigaw niya bago na naman siya tumawa nang tumawa.

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking pisngi at ang mainit niyang hininga.

"Dito ka lang. Gusto mong makipaglaro, 'di ba? Sinimulan mo, eh 'di maglaro tayo," sabi nito sa 'kin. Napapailing nalang ako dahil hindi ko masabi-sabi ang gusto kong sabihin.

"Anong gusto mong laro? Langit-lupa? Patintero? Taya-tayaan? O tagu-taguan?" tanong pa niya habang patuloy parin sa pagtawa. Hindi ako nakasagot dahil sa sobra kong takot sa kanya.

"SAGOT!"

"K-Kahit ano... K-Kahit ano," sagot ko namang bigla dahil sa gulat sa kaniya.

Wala akong narinig sa kaniya na walang tawa.

"'Yan ang gusto ko!" sagot nito nang sipain niya ang katabing upuan.