Chapter 8 - Chapter 8

AIRISH

NAPABUNTONG HININGA nalang ako dahil sa sinabi ni ate Maieth.

"Sabihin mo sa kanya, makakauwi na 'ko. Malapit na. Kapag tinanong kung saan ako ngayon, sabihin mo nasa Maynila at nagtatrabaho. Okay?" paalala ko.

[O-o sige. Pero teka? Nasa'n ka nga ba?] tanong ni ate Maieth. Bago ko sagutin ang tanong ni ate, lumingon muna ako.

Medyo nagulat ako dahil nakita ko si Dean na nasa likuran ko mismo at nakatitig sa 'kin habang may nginunguyang bubblegum.

"A-ahh... Basta, m-mag-usap nalang ulit ta---" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang hablutin ni Dean ang cellphone at pinatay na ang tawag.

"Tapos na," sabi niya at tinabi 'yon sa bulsa ng pantalon niya.

"Dean. Ano ba? Kinakausap ko pa si ate Maieth," naiinis na sabi ko rito. Tumawa ito ng mahina at napailing.

"Tapos na," sabi niya lang bago naglakad palabas ng kwarto. Bago tuluyang umalis, lumingon muna ito sa 'kin. Kumindat ito at saka ngumiti.

"Love, babalik ako," sabi nito at saka sinara ang pinto at umalis. Napaupo nalang ako sa kama at napahawak nalang ako sa noo ko.

Hindi pwedeng ganito nalang lagi.

Kailangan kong gumawa ng paraan para makaalis at para tumino na si Dean.

Pero kapag ginawa ko ulit ang pagtakas, sigurado magiging baliw na naman ang isip no'n.

UNKNOWN

"May nalalaman ka ba kung nasa'n sila?" tanong ko sa kakumpare ko.

"Sa ngayon wala pa, ang hirap hanapin ng saltik na 'yon," sagot nito bago naghithit ng sigarilyo.

P*tang*na.

"Paano ko siya makukuha kung 'di mo alam? G*go ka ba?" tanong ko.

"Tss! Hindi ko naman siguro kasalanan kung masyado siyang magaling magtago," sagot nito.

"Kailangan ko siyang makuha. Kinuha na nga niya noon si Eloisa sa 'kin, tapos ito pa?" tanong ko habang nakatitig sa binigay niyang litrato.

"Huwag kang mag-alala, hindi parin naman kami titigil sa paghahanap sa babaeng 'yon," sagot nito.

"Paano kung may ginawa na siya sa kanya? Paano kung yung pinakahihiling kong makuha sa kanya, binigay na niya sa iba? P*tcha! Mapapatay ko talaga 'yong lalaking 'yon!" sabi ko at naglakad ng pabalik-balik.

"Dapat d'yan sa lintek na 'yan, pinapaulanan ng bala!" sigaw ko at huminto, saka ko sunod-sunod na pinaputok ang baril.

"Easy, boy. Easy. Kung sa'yo nga wala, sa kanya pa? Tsk!" sabi naman ng g*go.

Pero kahit na! Hindi ako mapapakali hangga't hindi ko nakukuha ang dapat sa 'kin.

AIRISH

NANG sumapit na ang gabi, naririto parin ako sa kwarto at kung ano-ano yung pinaggagagawa ko para may magawa lang.

Napatingin ako sa may pinto nang marinig kong may nabasag.

Narinig ko rin ang pagsigaw ni Dean.

Kaagad kong binuksan ang pinto at nakita ko ang mga kasamahan nito.

"Si Dean?" tanong ko.

"Bawal kang lumabas," tipid na sagot nito nang tumingin sa 'kin.

"Pupuntahan ko siya. Nasa'n siya?" pagpipilit ko.

"Bawal ka ngang lumabas," sabi nito at humarang sa daanan. Tinulak niya ako papasok at sinara ang pinto.

Naupo nalang ulit ako sa kama pero 'di parin humihinto sa kasisigaw si Dean.

Humiga nalang ako sa kama at tinakpan ng unan ang mukha ko. Pinilit kong makatulog kaya maya-maya lang ay nawalan na ako ng malay.

Ngunit animo'y iilang segundo palang nang kaagad akong dumilat dahil may maramdaman akong dumidikit sa binti ko.

Napatingin nalang ako at nakita ko si Dean na hinahalikan ang binti ko habang nakahawak sa magkabilang gilid ng kama. Kaagad akong napaupo at nagtakip ng kumot sa katawan.

"Dean, ano ba?!" sigaw ko sa kanya pero tingin lang ang naging tugon nito sa 'kin. Iba ang itsura niya dahil siguro sa pag-inom niya ng alak kanina.

"Eloisa," sabi niya habang nakatitig sa 'kin.

"Hindi nga ako si Eloisa! Ako si Airish!" sigaw ko pero umiiling ito.

"Ikaw. Ikaw si Eloisa," pagpipilit niya at dahan-dahang gumapang patungo sa 'kin habang nakatitig siya ng matalim.

"Ahh!..." sambit ko nang kunin niya ang dalawang paa ko at hinila 'yon dahilan at napahiga ako sa kama.

Ang sakit lang dahil may mga natitira pang sakit sa katawan ko bunga sa pangyayari noong gabi.

Pumaibabaw siya sa 'kin habang matalim na nakatitig sa mga mata ko.

Umupo muna siya at tinaggal ang grey niyang sando. Kitang kita ko ang matipunong pangangatawan nito.

"Dean!" tawag ko sa kanya. Nakaipit ngayon ang mga paa ko dahil sa pagkakaupo niya. "Dean, ano ba!? Tigilan mo na nga 'to!" sigaw ko pa rito. Kinuha niya ang mga kamay ko at dahan-dahang inipit sa magkabilang kama gamit ang mga kamay niya.

Unti-unti siyang pumaibabaw sa 'kin dahilan at napasigaw ako, "Dean! Dean! tigilan mo 'yang ginagawa mo!"

Nakaramdam ako ng halik sa leeg ko at wala akong magawa para pigilan siya--tanging sigaw lang.

"Hindi ako ang asawa mo! Ano ba!? Dean!" sigaw ko ulit at nagsimulang maiyak. Wala akong narinig na tugon sa kanya kundi ang paghalik niya lang sa leeg ko.

Ang halik na 'yon ay pumunta sa pisngi hanggang sa labi ko. Pilit kong iniiwas ang mukha ko pero pilit din niya 'yong inaabot.

"Eloisa," bulong nito at bigla niyang hinawakan ang mukha ko at tinapat sa mukha niya. Dahil hindi na siya nakahawak sa kamay ko, pinalo-palo at sinuntok-suntok ko ang katawan niya pero parang wala lang ito sa kanya.

Tinitigan muna niya ako sa mga mata bago ako sunggaban ng halik. Halos makalmot ko na ang likod niya dahil sa ginagawa niya sa 'kin.

Naramdaman ko nalang bigla ang pagpunit niya sa damit ko. Umupo pa siya para tuluyan niyang matanggal 'yon bago ako muling halikan. Lumaban ako sa kanya pero sadyang malakas siya.

Hinawakan niya ang mga kamay ko at may kinuhang tali sa cabinet sa katabing mesa. Tinali niya ang mga kamay ko sa may bakal sa ulunan ng kama.

Ngumiti pa siya sa 'kin bago ako muling halikan. Hindi na ako makapalag pa sa mga pinaggagagawa niya.

Tinanggal niya lahat ng saplot ko at ginawa ang lahat ng gustong gawin.