Chapter 9 - Chapter 9

AIRISH

"Ahh!..." daing ko nang bigla niya akong dinapa sa kama matapos niyang tanggalin ang tali.

Nakatingin ako sa may gilid ng mesang katabi ng kama. Nanghihina ako sa pinaggagagawa niya lalo na't masakit pa ang katawan ko.

May narinig akong tunog ng bakal ng sinturon at parang tinatanggal niya ito. Tinaas pa niya ang may bandang balakang ko.

Habang nakatitig ako sa gilid ng mesa, bigla nalang akong napapikit at napasigaw nang maramdaman ko ang sakit.

"Ahh! Dean! Tama na! Tama na!..." Mangiyak-ngiyak kong sambit habang nararamdaman ang dahan-dahang pag-uga ko sa kama. Napakapit ako ng mahigpit sa anumang makapitan ko.

Habang umiiyak ay siyang pagramdam ko sa masakit niyang ginagawa.

"D-Dean... A-Ayoko na! Dean... T-Tigilan mo na 'to," sambit ko.

Maya-maya, ang iyak at sakit na nararamdaman ko ay napalitan ng panghihina ng katawan. Nakapikit ako habang humihinga ng malalim.

Patuloy parin siya sa ginagawa hanggang sa alisin niya 'yon.

Pinahiga niya ako sa kama at muli siyang pumaibabaw, at doon ay pinagpatuloy niya ang ginagawa.

Nakapikit ako dahil sa panghihina, pero ramdam ko ang hininga nito sa labi ko. Maya-maya'y naramdaman ko ang mapusok na paghalik niya sa labi ko habang ginagawa ang bagay na 'yon.

NAPADILAT nalang ako ng unti-unti at kaagad kong nasilayan ang matipunong katawan na katabi ko.

Nakita ko na natutulog si Dean habang magkatabi kaming nakakumot lamang sa kama.

Napaharap ako sa gilid ng kama at naiyak nalang dahil sa sinapit ko. Hindi ko pinaparinig ang iyak ko hanggang sa may makita ako.

Ang pantalon niya na nasa sahig.

May nakasilip dito na kulay brown na parang leather kaya pinilit ko 'yong abutin.

Wallet pala.

Nabitiwan ko itong bigla nang umayos ng pagkakahiga si Dean. Tiningnan ko siya kung nagising na. Mabuti at hindi pa.

Tiningnan ko ulit ang nalaglag na wallet at nakita kong nakabukas na ito.

Kinuha ko 'yon at napatingin sa litratong naroroon. Nanlaki bigla ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang nasa litrato.

Ako?.

Ang itsura pati ang ngiti, kuhang kuha ko. At kasama ko si Dean habang nasa kasal.

Pero si Eloisa ang asawa niya.

Tila naguguluhan ako dahil sa litratong nakikita ko. Anong ibig sabihin nito?.

Nang marinig ko ang paghikab niya, kaagad kong nilapag ang wallet sa sahig at tinakpan ng pantalon niya.

"Love," sabi nito at ramdam ko ang pagpulupot niya sa bewang ko saka niya ako hinalikan ng mabilis sa pisngi. Napalunok nalang ako.

Dahil nakatalikod ako sa kanya, naramdaman ko ang pagbangon niya at paglakad. Nang makita niya ang pantalon niya ay kaagad siyang lumapit dito at kinuha.

Napapikit nalang ako dahil wala siyang suot na damit.

"Thanks for the honeymoon," sabi niya at tumawa ng mahina.

Nagsusuot siya ng damit habang ako ay nakahiga parin sa kama. Mas lalong sumakit ang katawan ko.

Pero hindi ko parin maalis sa isipan ko ang litratong nakita ko sa kanya.

Anong ibig sabihin no'n?.

Ako at si Eloisa ay iisa?.

PINALIPAS ko muna ang ilang minuto bago ako tuluyang bumangon. Wala na si Dean. Kaaalis lang nito kanina.

"Hmm..." daing ko habang pilit na umupo sa kama. Wala na yung damit ko dahil pinunit niya 'yon kagabi.

Tiningnan ko ang cabinet na naririto sa kwarto. Sakto at may nakita akong t-shirt at itim na short kaya kaagad ko 'yong sinuot.

Paika-ika pa 'kong maglakad at kaagad na naupong muli sa kama.

"Ouch..." daing ko sa sakit.

"Gusto ka raw makausap ni boss," sabing bigla ng lalaking pumasok sa kwarto dahilan at napatingin ako sa kanya kaagad. Binigay niya sa 'kin ang phone kaya kaagad ko siyang tinugunan.

[Maghanda ka na mamaya,] sabi lang nito bago patayin ang tawag. Napaisip naman ako sa sinabi niya.

Anong maghanda?.

Para saan?.

Binigay ko ang cellphone sa lalaki kaya umalis na ito kaagad.

Habang wala pang pumapasok dito sa kwarto, sinara ko muna ang pinto. Nagpalakad-lakad ako dahil pumasok na naman sa isip ko ang litratong nakita ko sa wallet ni Dean.

Pero paika-ika parin akong maglakad.

Sinubukan kong isipin kung may araw ba 'kong nakasama si Dean nang hindi ko nalalaman.

Pero imposible, ngayon ko lang siya nakita. Gusto kong malaman ang background ni Eloisa.

Ang dami kong gustong malaman pero mukhang malabo kong makuha 'yon.

Paano ako makakalabas dito?.

O kaya...

Magtanong nalang ako kay Dean?.

Pero--tsk! 'Di ko alam!.

Napapahawak nalang ako sa ulo dahil sa naiisip ko.

Kahit ako, naguguluhan na sa mga nangyayari habang nasa puwader ni Dean.

At isa pa, gusto ko nang makaalis dito sa kwartong 'to. Para akong kriminal na nakakulong.

Hinilamos ko ang mukha ko at nag-isip ng paraan kung paano makakaalis dito.

Pero paano kung habulin na naman ako ni Dean?.

Bigla nalang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa mga naiisip ko. Ano ba namang buhay 'to?!.

DAHIL buo na ang desisyon ko, sinusubukan kong tumakas ngayon. Kailangan ko lang ng cellphone.

Wala pa naman si Dean kaya pinatawag ko ang lalaking may hawak ng cellphone. Hindi ko naman siya papatayin, patutulugin lang siya.

"Isara mo yung pinto," sabi ko nang makapasok ang lalaki.

Tumayo ako at humarap sa kanya. Unti-unti kong tinanggal ang damit ko sa harap niya at lumapit sa kanya.

"Humiga ka," malanding pagkakasabi ko. Tila bumibigay naman siya sa pang-aakit ko kaya nahiga siya. Pinadapa ko siya at umupo ako sa may likod niya. Sinigurado ko rin na nakaipit ang mga kamay niya.

Unti-unti kong kinuha ang panyo na may matapang na amoy at kaagad 'yon tinapat sa ilong niya.

Tinakpan ko rin ng mahigpit ang bibig niya para 'di makasigaw.

Napatayo siya pero 'di parin ako bumibitaw sa kanya. Nagpaikot-ikot siya sa kwarto sa sobrang likot. Maya-maya'y bumagsak din siya sa kama at nawalan ng malay.

Kaagad kong kinuha ang baril at ang cellphone niya.

Sinimulan kong i-contact si ate Maieth para humingi ng tulong.

'Bilis, Airish. Bilis!' sabi ko sa aking isip.