Chapter 7 - Chapter 7

AIRISH

DUMAAN ang maghapon at naaasikaso naman ako ng mga kasamahan ni Dean. Kahit natatakot parin ako dahil sa mga may pintura nilang mukha, binabalewala ko nalang.

'Di ko parin maigalaw ang leeg ko ng maayos. Masakit parin.

"Love," sabi ng boses ni Dean at pumasok sa kinaroroonan ko. Napatingin lang ako sa nag-aalala niyang mukha.

Nakita ko na may dala-dala siyang bouquet of red roses.

"Happy anniversary, love," sabi niya nang pumunta siya sa tabi ko at umupo sa may gilid. Nilagay ang bulaklak sa tabi ko. Balak ako nitong halikan pero kaagad akong umiwas.

Bakit ba sa 'kin niya binibigay 'to?.

Hindi ako ang asawa niya.

"D-Dean, h-hindi ako ang asawa mo," sabi ko habang nakatingin sa ibang direksyon.

"Hindi. Asawa kita, Eloisa. Asawa kita," mariing sabi nito.

Eloisa?.

Hindi ako si Eloisa, ako si Airish.

"Hindi ako si Eloi---"

"Hindi mo na ba 'ko mahal? Bakit? nagbago ka na ba sa 'kin?" tanong nito na animo'y parang bata. Tumingin ako sa kanya kahit nahihirapan.

"Dean, hindi ako ang asawa mo. Patay na siya. Patay na. At hindi ako si Eloisa dahil Airish ang pangalan ko!" mariin kong sabi sa kanya.

Napaatras ito sa kinalalagyan niya habang nakatulala sa 'kin. Natawa nalang itong bigla.

"Patay na siya. Patay. Si Eloisa patay na!" sigaw niya at saka humalakhak. Ang halakhak na 'yon ay unti-unting naging hagulgol. "Asawa ko!" sambit niya at sinusuntok ang sahig.

"D-Dean..." sabi ko at pilit na hinawakan ang balikat niya. Napatingin itong bigla sa 'kin.

"Dean, tama na. Hindi lang ang mga mahal mo sa buhay ang nasasaktan sa mga pinaggagagawa mo, pati rin ikaw. Kung maaari sana, hayaan mo na ang asawa mo," sabi ko. Ang simpleng tingin niya ay unti-unting tumalim.

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at lumapit sa 'kin.

"Ikaw. Ikaw ang asawa ko. Ikaw si Eloisa!" sigaw niya dahilan at napapikit ako sa takot. Dahan-dahan niyang nilapit ang labi niya sa labi ko at hinalikan 'yon. Kaagad ko na namang iniwasan ang pagkakahalik niya sa 'kin.

"Dean, tama na!" sabi ko. Ilang minuto lang ang nakalipas nang tumayo ito at umalis ng kwarto. Sinara niya ang pinto pagkalabas niya.

Nanlaki bigla ang mga mata ko at nagulat nang may marinig akong sunod-sunod na putok ng baril. Naririnig ko rin ang daing ng mga lalaki.

"Eloisa!" sigaw ni Dean habang patuloy sa pagpapaputok. Tama nga ang hinala ko. Nagkakaganyan siya dahil 'di niya makalimutan ang asawa niya.

Pero hindi siya pwede laging maging ganyan. Dapat mabalik siya sa matinong pag-iisip.

'Di bale, kapag gumaling ako, tutulungan ko siyang magamot nang hindi na siya makapanakit at makapatay pa ng iba. Kahit 'yon nalang ang tulong ko.

Napapapikit nalang ako dahil sa sunod-sunod niyang pagpapaputok.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil sa ingay. Kaya pinikit ko nalang ang mga mata ko at pinilit na makatulog.

Sana paggising ko, maging maayos na ulit ako.

Sana maging maayos na ang lahat.

MAKALIPAS ANG ISANG LINGGO, naririto parin ako sa puwader ni Dean. Kahit papaano, sa isang linggong 'yon ay nasasanay na rin ako sa kanila.

Wala na akong gaanong bandage sa katawan dahil unti-unti naman itong naghihilom.

Nakaupo at nakatulala ako rito sa may kwarto dahil binilinan ako ni Dean na huwag daw akong lalabas o sisilip sa bintana. Tumango nalang ako bilang tugon.

Kaya ngayon, para akong nakakulong pero sa maganda at maayos na kwarto.

Pero sa isang linggo kong pananatili rito, panay ang tanong ko sa isip ko.

Kaninong bahay 'to?.

May pinatay na naman ba si Dean para makatira rito?.

Napailing nalang ako dahil sa naiisip.

Napatingin ako sa isang lalaki nang may dala itong upuan at nilapag sa tabi ng pinto ng kwarto kung nasa'n ako. Pagtapos ay naupo siya ro'n.

"Kailangan kang bantayan," sabi nito sa 'kin nang makitang nakatitig ako sa kanya. Napailing nalang ulit ako.

"Kuya, pwede bang makihiram ng cellphone?" tanong ko sa lalaki.

"At bakit? Magsusumbong ka sa pulis?!" sigaw nito.

"H-hindi. T-tatawagan ko yung lola ko," sabi ko.

"Hindi puwede, malalagot ako kay boss," sabi nito.

"Napakamasunurin mo naman," bulong ko.

"Anong sinabi mo!?" sigaw ng lalaki at saka mabilis na dinukot at tinutok ang baril sa 'kin. Nanlaki naman ang mga mata ko at kaagad akong nagtaas ng kamay bilang pagsuko.

"A-ano bang sina--Ahh!" sigaw ko at napailag nang makarinig ako ng isang putok ng baril. Nakita ko ang lalaki na biglang humandusay sa sahig.

H-huh?.

"T*ngina ka, sinabi ko bantayan mo 'di tutukan ng baril. G*go!" sabi ni Dean sa wala nang buhay na lalaki habang papunta sa 'kin. Bigla niya akong niyakap at hinalikan sa noo.

"Love, ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba niya?" tanong nito habang hinahaplos ang buhok ko. Nakatingin lang ako sa kanya at 'di sumagot. Palagi nalang ganito.

Tuwing pupunta siya sa 'kin, tatawagin niya akong Love o Eloisa. Eh 'di nga ako ang asawa niya.

Kaya sa bawat tawag niya ng gano'n sa 'kin at pag-aalala, hindi nalang ako nagsasalita.

"Dean, p-puwede ba 'kong tumawag sa lola ko?" tanong ko kaagad. Naging seryoso naman ang mukha nito.

"Bakit?" tanong nito.

"Gusto ko lang siya kumustahin," sabi ko. Tinitigan muna ako nito ng isang minuto bago iabot sa 'kin yung cellphone.

"Thank you! Thank you!" sabi ko at kaagad dinial ang number ni ate Maieth.

[Hello, sino po sila?] tanong ng boses ni ate Maieth sa kabilang linya.

Narinig ko ang pag-alis ni Dean kaya nilingon ko ito. Nasa labas siya ng pinto ng kwarto at nakita ko ang pagdukot nito sa wallet niya at paghalik doon.

Lumayo naman ako ng kaunti bago magsalita.

"Ate Maieth, ako 'to, si Airish," sabi ko.

[Ay! Airish!]

"Huwag kang maingay baka marinig ka ni lola. Kumusta na nga pala siya?" tanong ko.

[Ayun, 'di makakain. Pinipilit ko paminsan-minsan.]

Jusko! Kawawa naman ang lola ko. Nag-aalala ng sobra.

At dahil sa natanggap kong balita kay ate Maieth, nakaramdam kaagad ako ng pagka-alala kay lola.