Chapter 5 - Chapter 5

AIRISH

NANG sumapit ang gabi, naglinis ako ng sarili bago ako nahiga. Nag-cellphone ako saglit sa kama. Bago matulog nailagay ko ang cellphone sa bulsa ng padyama ko. Mahirap nang mawalan, 'no?.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagtulog, bigla akong nagulat nang may narinig akong sunod-sunod na putok ng baril. Napakunot ang noo ko at palihim na sumilip sa bintana. Nakita ko ang tatlong sasakyan at may bumababa ritong mga nakaarmas.

Alam ko sina Dean 'yon!.

Nakaramdam kaagad ako ng takot at kaba kaya tumakbo ako palabas ng kwarto. Saktong paglabas ko ay siyang pagpatay ng ilaw sa buong bahay. Malaki ang bahay kaya natatakot ako lalo't wala akong kasama rito sa loob.

Nagulat ako nang makarinig ako ng nakakalokong tawa. Umalingawngaw ito dahil sa laki ng bahay.

Dahan-dahan akong pumasok sa isang silid at may nakita akong cabinet. Binuksan ko 'yon at do'n ako nagtago. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi niya marinig ang paghinga ko.

Naririnig ko parin ang mga putukan ng baril sa labas ng bahay at may mga sigaw pa siguro ay dahil natamaan sila ng bala.

"Love? Love, nandito na 'ko," sabi ng boses ni Dean at tumawa ito ng nakakaloko. Naririnig ko ang paglakad nito. Maya-maya'y mas lalo kong hinawakan ng mahigpit ang bibig ko nang marinig ko ang yapak ng sapatos niya rito sa kwarto kung nasa'n ako. Napapikit pa 'ko nang marinig ko ang pagtawa niya.

"Binibini? 'Di ba gusto mo nang umuwi? Halika, uuwi na tayo," sabi nito at biglang humalakhak.

Ayoko na.

"Tagu-taguan, maliwanag ang buwan. Pagkabilang kong sampu, nakatago na kayo..." Kumakanta pa ito habang naghahanap.

"Isa..." mas lalo akong kinabahan dahil sa pagbibilang niya.

"Dalawa..."

Nanlaki bigla ang mga mata ko nang tumunog ang cellphone na nasa bulsa ko.

"Tatlo!"

Bumukas ang pinto ng cabinet at nabalutan ng takot ang buong katawan ko nang tumambad sa 'kin si Dean na nakadila habang nakangiti at matalim na nakatitig sa 'kin.

Napasigaw ako sa takot at bigla ko siyang nasipa dahilan at natumba ito. Mabilis akong umalis sa cabinet at patakbong umalis pero kaagad niyang nakuha ang paa ko.

"Saan ka pupunta?!" tanong nito pero kaagad ko siyang sinipa at mabilis na nilisan ang kwarto.

"Ahh!..." daing ko nang hablutin niya ang buhok ko at nilapit sa kanya. Kinuha ko ang vase na malapit sa 'kin at pinalo 'yon sa ulo niya.

Kaagad akong tumakbo pababa at ramdam ko ang mabilis niyang paghabol sa 'kin.

"Maglaro tayo?" sabi nito habang tumatawa ng nakakaloko nang humarang siya sa dadaanan ko. May dugo na ang ulo niya dahil sa pagkakapalo ko sa kanya.

"Wahh! Hahahahaha!..." paulit-ulit niyang sabi nang harangan niya ang bawat madaanan ko. Para kaming nagpapatintero sa dilim.

"Do'n ka! Lubayan mo na 'ko!" sigaw ko at pinaghahagis sa kanya ang bawat makita ko.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto.

"Airish!" tawag ni insp. Jake Warren dahilan at parehas kaming napalingon ni Dean sa kanya. Balak bumunot ni Dean ng baril pero muli, kaagad ko itong binato ng vase.

Dito na nawalan ng malay si Dean dahil sa pagkakabato ko sa kanya. Kaagad naman akong tumakbo kay insp. Jake at lumabas.

Sakto naman ang pagbuhos ng ulan at pagkidlat kaya mas lalo pa naming binilisan. Napapaiwas kami sa mga nagpapaputok ng baril sa 'min mula sa mga kasamahan ni Dean.

Sumakay ako sa police mobile at si insp. Jake naman sa driver seat. Mabilis niya 'yong pinaandar paalis. Habang papalayo, nilingon ko ang bahay. Nakita ko ang paglabas ni Dean sa bahay habang matalim na nakatitig sa kinaroroonan namin. Sumakay siya ng sasakyan at mabilis kaming sinusundan.

"M-malapit na po sila," sabi ko. Napaiwas kami nang magpaputok sila ng baril. Mas lalo pang bumilis ang sasakyan namin at in-overtake ang bawat sasakyan na madaanan.

"Ahh!..." daing ko nang biglang prineno ni insp. Jake ang police mobile dahilan at tagus-tagusan akong lumabas sa may salamin sa harap ng sasakyan. Nanghina ako at naramdaman ko ang pagtulo ng dugo sa mukha ko.

Bago ako mawalan ng malay, nakita ko ang isang sasakyan na nakahinto sa tapat ng police mobile at nakita ko rin si Dean na pinaputukan niya si insp. Jake ng sunod-sunod.

"HMM..." daing ko at unti-unting lumiliwanag ang paningin ko. Nararamdaman ko na may humahalik sa kamay ko at nakita ko si Dean.

Napakunot ng bahagya ang noo ko dahil nakita ko siyang umiiyak. "Don't leave me, love. Don't leave me," sabi nito. Napatingin siya sa 'kin kaya kaagad siyang lumapit.

"Love," sabi nito at hinalikan ako sa pisngi.

Anong love?

"L-lumayo ka s-sa 'kin. M-mamamatay tao k-ka," sabi ko at pilit siyang nilalayo kahit na nanghihina ako. Nang mapaatras siya sa pagkakaupo, bigla nalang siyang natawa habang patuloy na lumuluha.

"Binibini! Gising ka na pala!?" Tumatawang sabi nito habang napapailing. Talagang may sira siya sa utak.

Naglabas siya ng baril at tinutok sa noo ko. Sa pagkakataong 'to, sumeryoso na ang mukha niya.

"Pinahirapan mo pa 'ko, binibini! Ha?! Binibini!" sigaw niya at mabilis na kinasa ang baril at muling tinutok sa noo ko.

"P-patayin mo n-nalang ako," nahihirapang sabi ko at umiyak. Tumingin ako sa may ilaw at hinahanda ang sarili ko sa pwedeng mangyari sa 'kin.

"Love," dahan-dahan akong napatinging muli sa kanya nang sabihin niya 'yon. Biglang umamo ang mukha nito at napatingin sa hawak na baril. Tila hindi siya makapaniwala na hawak niya 'yon habang nakatutok sa noo ko.

Binitiwan niya 'yon at kaagad na lumapit sa 'kin saka ako hinaplos sa pisngi ng dahan-dahan.

"Love? Love, be with me. I'm your man," sabi nito at may namumuong luha sa mata niya. Bigla nalang niyang pinatong ang ulo niya sa kama at umiyak nang umiyak. Baliw na talaga siya.

Natatakot na 'ko sa kanya at sa pwede niyang gawin.

"L-love, patawarin mo 'ko kung 'di kita naligtas," Umiiyak na sabi nito habang hinahaplos ang pisngi ko. "Patawarin mo 'ko kung 'di kita naligtas noon"

Ano?

Anong pinagsasasabi niya?