Chapter 6 - Chapter 6

AIRISH

NAGISING nalang ako ulit at nakita kong maliwanag na sa labas. Mabagal ang paglingon-lingon ko dahil sa sakit ng katawan ko. Buti nga't 'di pa 'ko namamatay.

Napansin ko rin na nakahiga ako sa kama at mukhang kumpleto ang pagkaka-bandage sa 'kin.

Totoo ba 'to?

"Kumain ka na," sabi ni Dean dahilan at napatingin ako rito. Nasa may kabilang gilid siya ng kama at naka-topless. Mukhang bagong ligo dahil basa ang buhok nito.

Napatingin lang ako sa kanya, gayundin siya sa 'kin.

"Ayokong kumain," dabi ko at inayos ang pagkakahiga ko.

"Hindi pwede. Kakain ka sa ayaw at sa gusto mo," sabi nito at narinig ko ang pagtayo niya. Lumapit siya sa 'kin at naupo sa tabi ko. Kinuha niya ang kutsara at platong may pagkain na nasa katabi kong mesa.

"Teka, umupo ka muna," sabi nito. "Kaya mo ba?" Tanong niya sa 'kin. Gusto ko sanang tumanggi pero baka bumalik 'to sa pagiging baliw niya. Kaya tumango ako bilang tugon.

Tumayo siya at niyakap ako bilang alalay sa pag-upo sa 'kin.

"One, two, three," pagbibilang nito at dahan-dahan akong inupo sa kama. Pagtapos ay hinipan niya ang sinandok na pagkain.

Totoo ba 'to?

Wala siyang tuktok sa ulo ngayon?

"Oh," sabi niya nang itapat niya ang kutsara sa bibig ko. Agad akong ngumanga at kinain ang pagkain.

"Boss, may ka--"

"Lumayas ka," sabi kaagad ni Dean at mabilis na nakatapat sa lalaki ang baril niya. Umalis naman kaagad ang lalaki at saka tinabi ni Dean ang baril.

"Kain," sabi niya at muli akong sinubuan ng pagkain. Seryoso parin ang itsura niya habang ginagawa niya 'yon.

Pagtapos niya akong pakainin, nananatili parin akong nakaupo sa kama. Nasa bintana naman siya ngayon habang naninigarilyo.

"Natatandaan mo ba yung kasal natin? Ang saya natin no'n, 'no?" tanong nito at lumingon sa 'kin saka ngumiti. Akala ko normal na siya, 'di pa pala.

Pero teka... Anong kasal?.

"Tapos kinabukasan ng gabi, bigla nalang naglaho ang lahat," sabi ulit nito at naglakad papunta sa 'kin.

"Bw*set kasi sila. Hinuli pa nila ako. Kaya ayun! Pinatay ka nila," sabi nito. Nagtakha naman ako sa sinasabi niya.

"P-pinatay?" takhang tanong ko. Tumingin ito sa 'kin saka tumango.

"Oo, walang awa ka nilang pinatay dahil lang sa hindi ko pagsunod sa kasunduan," sabi nito. "Alam mo ba? Yung lintek na Jake Warren na 'yon? Napagbintangan niya pa 'ko na ako raw ang pumatay sa'yo kaya niya ako kinulong. Nakaka-p*tang*na lang kasi hindi ko nakita ang lamay at libing mo," sabi nito at may namumuong luha sa kanyang mata.

Lumapit siya sa 'kin at hinawakan niya ang kamay ko saka tumingin sa 'kin.

"Kaya ngayon? 'Di na kita iiwan. Magkakamatayan kaming lahat kapag nilayo ka pa niya sa 'kin," sabi niya at dahan-dahang lumapit sa 'kin at hinalikan ako sa labi. Kaagad akong napaiwas dahil hindi ito tama.

Hindi ako yung babaeng tinutukoy niya.

Siguro dahil sa sakit niya sa pag-iisip kaya nasasabi niya lahat ng 'to.

MAG-ISA ko ngayong nasa kwarto habang nakahiga. Umalis kasi si Dean dahil may binulong ang kasamahan niya sa kanya.

Nakatulala lang ako sa may ilaw sa taas dahil hindi naman ako pwedeng tumayo. Ang sakit parin ng pangangatawan ko.

Napapaisip lang ako kung sino kaya yung babaeng tinutukoy niya?.

Kasal tapos pinatay. Nakaka-curious lang isipin.

Kaya ba siya nagkakaganyan?.

Kasi hindi niya makalimutan yung nangyari sa asawa niya.

Napailing nalang ako dahil sa iniisip ko. Hindi ko na dapat pakialaman pa ang buhay niya.

Pero baka pwede ko siyang tulungan?.

Pero paano? Punong puno ako ng bandage sa katawan dahil sa natamo ko.

"Yes, boss. Nandito po," sabi ng sumilip na kasamahan ni Dean. Siguro tinatanong niya kung nandito pa 'ko at 'di tumakas.

Eh paano naman ako tatakas kung ganito ang itsura ko?.

Napabuntong hininga nalang ako nang may pumasok sa isip ko.

Si Eljoe.

Yung feeling na may boyfriend ka pero hindi mo ramdam. Ganyan siya. Hindi niya alam na nasa panganib ang girlfriend niya.

Naiinis ako sa sarili ko kung bakit sinagot ko pa 'yong mokong na 'yon.

Bigla ko nalang naalala ang unang nagkita kami hanggang sa naging kami.

Nasa club ako no'n at sumasayaw nang makita niya ako. Ang sabi niya, nabighani raw siya sa pagiling-giling ko sa entablado.

Kinausap niya ako at saka siya nagpakilala. Hinatid din niya ako pauwi.

Nang kinagabihan ulit, sinabi niya na gusto niya akong maging kasintahan dahil sa mabait daw ako. Syempre, babae lang ako kaya nahulog kaagad ako sa kanya.

Sa simula, masaya pa kami. Minsan, tinatawag niya akong Babe. Hudyat daw 'yon na magiging kami habang buhay.

Akala ko lang 'yon.

Nang isang gabi, matapos siyang uminom nang uminom dahil nalugi raw ang business niya, inanyayahan niya ako sa taas ng club para raw may magbantay siya sa pagpapahinga niya.

Pero nang i-lock niya ang pinto, nakakatakot na tingin ang binato niya sa 'kin habang isa-isang binubuksan ang butones ng polo niya.

"E-Eljoe..." sabi ko habang umaatras hanggang sa mapaupo ako sa kama.

Hinawakan niya ang paa ko at hinalik-halikan hanggang umabot 'yon sa tiyan ko. Tinulak ko naman siya at inaawat sa ginagawa niya.

At do'n nagsimula ang pagbuhatan niya ako ng kamay.

Hindi lang 'yon ang unang beses, basta kapag lasing siya sa gustong makipagtalik sa 'kin, 'di ko ginagawa.

Ang sabi niya lagi...

"Wala kang kwenta! Hindi mo maibigay ang gusto ko! 'Di katulad niya, handa siyang ibigay lahat para sa 'kin!"

Minsan, nakakapagselos dahil sa tinutukoy niyang 'niya' kapag sinisigawan at pinapatulan niya ako. Baka may iba na siya kaya gano'n.

Napapikit at dilat nalang ako ng sunod-sunod nang may namumuong luha sa mga mata ko. Balak ko na namang umiyak.

Sus! Wala na 'yon. Wala na ngang pake sa 'kin ngayon, oh?.

Ninununok ko nalang ang laway ko para pigilan ang luhang lalabas sa 'kin. Pero masakit.

Sana hindi ko nalang siya nakilala kung gano'n ang balak niya.