Chapter 4 - Chapter 4

AIRISH

KAAGAD kaming nag-impake nang makauwi kami sa bahay. Sinabi ko sa mga pulis ang nangyari sa 'kin at nalaman nila kung saan nagtatago si Dean at ang grupo nito.

Alam ko, ako ang sisisihin no'n sa pagsusumbong sa mga pulis. Pero kailangan ko 'yong gawin para sa kaligtasan ko--sa kaligtasan namin ni lola.

Nakiusap din ako na bantayan kami ni lola, sinagot na rin nila ang sasakyan pauwi sa probinsya.

Ngayon ay maraming nakapalibot na pulis sa bahay at naghihintay ang sasakyan na gagamitin namin pauwi sa probinsya. Kaagad kaming sumakay ni lola kaya kaagad din kaming umalis.

Sana mahuli na si Dean at makulong na siya ng matagal.

NARRATOR

PAGSAPIT ng hapon, pinuntahan nila Dean kung saan naroroon si Airish.

"Anak ng p*ta! Bakit wala yung babae rito?!" sigaw niya habang nananalisik ang mga mata niya sa galit. Nakita niya rin ang lalaking nakahandusay at wala nang buhay.

Sinilip niya ang bintana nang makita naman niya ang lubid. Nakita niya na sa labas na nakahandusay narin ang limang lalaking nagbabantay.

"Mga p*utang*na niyo! Hindi niyo binantayan ang babae!" sigaw ni Dean at nagpaputok ng baril sa paligid ng building. Nag-iilagan naman ang mga ka-grupo niya.

Napatingin siya ulit sa bintana nang marinig ang tunog ng police mobile.

"Bw*set! Alis na!" sigaw nito at naglakad. Mabilis niyang kinasa ang mga hawak niyang baril.

Nang makarating sa sasakyan, mabilis nila 'yong pinaandar paalis ng abandonadong building. Nagkaroon ng gulo nang magpaputok sa grupo ni Dean.

"Bw*set ka, mahahanap din kita!" inis na sabi nito sa sarili at sunod-sunod na ipinutok ang baril sa salamin ng police mobile.

AIRISH

NAPANATAG ang loob ko nang makalayo-layo na kami sa lugar na pinanggalingan namin.

"Apo, nag-iisip ka na naman ng malalim. Kanina ka pa ganyan," sabi ni lola pero nginitian ko lang 'to.

Ang totoo niyan, pagkauwi ko kay lola sa probinsya, ipapaalaga ko siya kay ate Maieth. Lalayo ako nang hindi siya madamay pa. Sinabi ko naman sa mga pulis na nasa panganib ako kaya babantayan nila ako.

Pero sana mawala na si Dean.

Para wala nang sasagabal pa sa buhay namin. Pati pagtatrabaho ko napeperwisyo.

Halos anim rin na oras ang nakalipas at alas onse na ng gabi kami nakarating sa bahay dito sa probinsya. Tinulungan nila akong ibaba si lola at pinasok ang mga gamit sa loob.

Inalagaan ko muna siya pagtapos kong i-contact si ate Maieth para siya na ang mag-aalaga kay lola. Madaling araw ako aalis para hindi niya ako mapansin.

Hinintay lang namin ang pagtulog ng mahimbing ni lola saka ako nagbilin kay ate Maieth.

"Alam mo naman 'to si lola, ayaw niya ng mga masyadong maiingay. Huwag mo rin siyang panoorin ng mga balita. Maliwanag?" sabi ko. Tumugon naman si ate Maieth. Hinalikan ko muna si lola sa kanyang noo bago ako lumabas at umalis.

Meron na 'kong titirhan sabi ng mga pulis at bantay-sarado nila ako ro'n. Ako rin ang magiging witness nila sa oras na mahuli si Dean.

Muli na naman kaming bumyahe at umabot ng dalawang oras ang nakalipas nang makarating kami sa titirhan ko. Nakita ko si insp. Jake Warren.

Kinamayan ko ito. Siya yung lalaking pulis na nakita ko noong unang gabing makita ko sina Dean.

"Ako si insp. Jake Warren. Kami ang bahala sa'yo hangga't tinutugis pa si Dean Amresel," sabi nito sa 'kin.

"Airish po, Airish Madrigal," pagpapakilala ko sa kaniya. Tila nagtakha naman ang itsura ng pulis.

"Madrigal? Parang may kakilala akong Madrigal din kaso hindi ko na matandaan," sabi nito habang iniisip kung sino ang ka-apelyido ko.

"Sige, pumasok ka na sa loob. No need to worry, okay?" sabi nito kaya kaagad akong tumango bilang tugon bago ako pumasok.

Nang makapasok ako, nilapag ko ang mga dala kong gamit. Hindi na 'ko nagdala pa ng maraming gamit lalo't 'di naman kailangan ang iba.

Habang nililigpit ko ang mga damit ko, tumayo ako at sumilip sa bintana. Maraming nakabantay sa labas. Pero sana maging safe talaga ako.

Ang sabi kasi ng pulis na nakausap ko, marami talaga ang miyembro sa grupo ni Dean. Ang iba raw do'n, galing sa kulungan. Ang iba sa mga nahiwalay sa pamilya at balak maghiganti, at kung sino-sino pang masasama. Kaya sa hindi ko minamaliit ang mga pulis, pero baka wala rin silang magawa.

Napailing nalang ako dahil sa naiisip ko. Ano ka ba naman, Airish?!.

"Tss!" sabi ko sa sarili at saka nahiga sa kama. Anong oras na, kailangan ko nang matulog.

Nang sumapit naman kinabukasan, may mga nakabantay parin na mga pulis at nakita kong busy sila sa pag-uusap at pag-inom ng kape.

Nag-almusal naman akong mag-isa sa loob ng bahay at iniisip kung kumusta na kaya si lola.

Sana okay lang siya.

NARRATOR

"D'yan, boss. D'yan nila tinatago yung babae," sabi ng kasamahan ni Dean sa kanya. Nagtatago sila sa may 'di kalayuan habang tinitignan ang mga nakapalibot na pulis.

Nagsisigarilyo si Dean habang seryosong nakatingin sa bahay.

"G*go talaga 'yang pulis na 'yan, lahat yata gustong kunin sa 'kin ah?!" inis na tanong nito. May nilabas naman siyang picture sa pitaka niya at hinalikan 'yon.

"Kukunin kita, love. Kukunin kita," sabi nito sa larawan at hinalikan ulit. Nagtinginan naman ang mga kasamahan niya.

"Mamayang hating gabi, alam na ang gagawin. Ayoko ng tatanga-tanga. Kapag tanga, patayin kaagad," sabi nito bago umalis. Sumunod naman ang mga kasamahan niya.

Ilang minutong pagbyahe nang makabalik na sila sa pinagtataguan nila. Kaagad pinaalala ni Dean ang mga plano at nagbabala.

"Subukan niyong pumalpak mamaya, ako mismo ang papatay sa inyo," matalim na sabi nito.

"Boss, malapit na yung mga kasamahan natin dito. Sigurado, mamamatay yung Warren na 'yon," sabi ng isa.

"Huwag niyo siyang galawin, ako ang papatay sa kanya," sabi ni Dean at tumawa ng nakakaloko. Umalis siya sa puwestong 'yon at pumunta sa isang tabi. Kinuha niya ulit ang picture sa wallet.

"Love, hintayin mo 'ko ha? 'Di pa tayo nakakapag-honeymoon. Papatayin ko lang muna yung g*gong pulis na 'yon," sabi nito sa larawan saka ito tumawa.