Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

My Wedding Death

🇵🇭AuthorBhelle
--
chs / week
--
NOT RATINGS
6.5k
Views
Synopsis
Ako si Agatha Ignacio, ang babaeng walang sariling desisyon sa buhay. Sunod-sunuran sa asawang si Dymon Ignacio- ang lalaking sapilitang ipinakasal sa akin, bilang bayad utang ng aking mga magulang. Kahit na anong pilit ko sa sarili ko na mahalin si Dymon ay hindi ko magawa. Mahirap ipilit ang pagmamahal sa taong kailanman ay hindi ko magugustuhan dahil sa masamang ugali nito. Si Joseph Ignacio- ang tunay na anak ni Don Jose Ignacio, laki sa ibang bansa, dahil hiwalay ang mga magulang niya. Kaya't bata pa lang si Joseph ay isinama na siya ng kanyang Mommy sa New York. Habang si Don Jose naman ay nag-ampon para kikilalanin ng lahat na ito ang anak niya. Pero biglaan ang pagdating ni Joseph sa mansyon. Maging ang Don ay ikinagulat din ang biglaang pag-uwi ng anak. Makakaligtas na ba si Agatha sa kamay ng kanyang asawang masama ang ugali? Paano kung ang kapalit pala ng pagligtas ni Joseph ay ang pag-ibig ni Agatha? Paano nila ipaglalaban ang relasyon na ang tanging may karapatan lang ay si Dymon? Tunghayan ang kapanapanabik na kabanata.
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

    "AGATHA, tinatanggap mo bang maging kabiyak ng puso si Dymon. Bilang iyong asawa, handa ka bang pagsilbihan siya, sa hirap at ginhawa, hanggang sa kamatayan?" pangatlong tanong na iyon sa akin ng pari.

Pero heto ako, umiiyak at nanginginig sa takot.  Hanggang sa pisilin na nang mahigpit ang kamay ko ni Dymon. Ang lalaking mapapangasawa ko. Kaya nahintatakutan ako at pautal akong sumagot sa pari.

"O-opo father," aniya.

Ngumiti ang pari bago inilipat ang tanong. Ngayon si Dymon naman ang tinatanong, at hindi pa natatapos ang pari sa sasabihin ay nakasagot na agad ito ng I do.

Isang bangungot para sa akin ang nangyari. Isang tungkulin na ayoko yakapin. Ngunit ano ba ang magagawa ko? Para akong nakakadena sa isang lugar na hindi ako kailanman makakalaya.

Matapos ang kasal namin ay isang magarbong reception ang bumungad sa aming malaking bahay.

"Mister and Misis Ignacio," nakangiting bati nang mga panauhing pandangal.

"Salamat sa pagdalo mo Mayor Dondon." wika ni Dymon na nakikipagkamay na sa taong kagalang-galang.

"Syempre hindi ko palalampasin ang araw na ito. Anak ng aking kaibigan na si Jose ang ikakasal kaya't hindi ko maaring hindi puntahan," anito na halata namang napilitan lang.

Ang pamilyang Ignacio ang may pinakamalawak na lupain sa Cavite. Isa rin si Jose sa nagiinsponsor sa tuwing darating ang botohan. Kaya sa pera nagmula ang kanilang pagkakaibigan.

"Dymon, napakaganda nang iyong naging asawa. Mabuti naman at nagkaroon na nang reyna ang inyong palasyo." Pagpapatuloy ni Mayor Dondon.

Hindi naman ako ngumingiti dahil ang totoo, hindi ko naman talaga gusto ang nangyayari. Napansin naman iyon ni mayor kaya't nagtanong ito sa akin.

"Iha, ayos ka lang ba? Bakit parang tamlay ka? It's your wedding day—hindi ba't dapat na masaya ka ngayon?" nakangiting sabi nito sa akin.

Medyo nainis naman si Dymon sa inaasal ko. Kaya't nagpaalam muna ito sa mayor para makausap niya ako nang sarilinan.

Hinila ako ni Dymon sa sulok ng venue at doon ay pinisil ang aking bisig.

"Ano bang problema mo ha! Talaga bang ipinahihiya mo ako sa bisita!" galit na galit na sabi ni Dymon.

"Nasasaktan ako Dymon! A-aray ko!" mangiyak-ngiyak kong sabi sa kanya pero mas hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa bisig ko at mas lalo pangpinilipit.

"Isa pang ipahiya mo ako makakatikim ka talaga sa akin!" anito sabay kaladkad muli sa akin papunta sa gitna ng reception.

Lahat ay ginawa ko, para hindi ako saktan ni Dymon. Lahat na lang ay sinusunod ko simula nang ibenta ako ng magulang ko sa lalaking hindi ko naman mahal.

Marso 22, 2017 ng sabihin ng magulang ko na sila ay baon na sa utang. Umabot ng milyon ang utang ni Papa sa pamilyang Ignacio, kaya naman halos hindi na natutulog si Papa, kakaisip kung paano niya mababayaran ang utang niya.

Lulong sa droga si Papa, si Mama naman ay sa sugal. Pareho silang may bisyo kaya lumaki akong walang magulang na gumagabay sa akin. Katulong lang ang palagi kong kasama sa bahay. Malawak ang aming sakahan at magara ang aming mansyon. Ngunit ang lahat ay unti-unting nawala at naubos hanggang sa magdalaga na ako. Sa simpleng bahay na lang kami nakatira. Ngunit patuloy pa ring nagbibisyo ang mga magulang ko, ika nga nila. Mamamatay raw sila kapag tinigil nila ang bisyo.

Bawat pagkakamali ko ay may kapalit na pananakit. Bawat imik ko ng pabalang sa magulang ay gulpi ang inaabot ko. Hanggang sa tumungtong ako ng 17 years old.

Pinasok ang bahay namin ng mga alagad ni Mr. Jose Ignacio. Ang lalaking pinagkakautangan ni Papa ng malaki. Galit na galit itong sinisingil si Papa na wala namang maibayad.

Nasa gilid ako habang nakayakap kay mama ay takot na takot kaming pareho.

"Hayop ka! Ikaw na nga itong palagi kong pinagbibigyan tinataguan mo pa ako! Gusto mong patayin kita ngayon pa lang?" matapang na sabi ni Mr. Ignacio kay papa.

"Ipagpaumanhin mo Don Jose, nais ko man kayong bayaran ay wala pa akong makuhaan ng pera. Naghahanap pa po ako nang pagkakaperahan." Mangiyak-ngiyak na sabi ni papa na duguan na ang nguso dahil sa pagsuntok ng isang tauhan ni Mr. Ignacio.

"Anak nang teteng oh. Ilang beses mo nang dahilan 'yan sa akin! Naririndi na ako sa mga dahilan mo at palusot mo! Kulang pa ang buhay mo para pagbayaran ang utang na nakuha mo sa akin!" galit na galit na sabi ni Don Jose.

"Don Jose, bigyan mo pa po ako nang palugid. Ibabalik ko rin po ng pautay-utay ang pera na nahiram ko." Pagmamakaawa ni Papa na hindi naman pinakinggan ni Don Jose.

Napatingin sa amin si Don Jose, mula kay mama na umiiyak dahil sa paghihirap ni papa ay napukaw ng tingin sa akin ang matandang lalaki. Ngumisi ito at napatango-tango.

"Sige, bibigyan pa kita ng huling pagkakataon. Pero habang hindi mo pa nababayaran ang utang mo! Kukunin ko ang anak mo, magsisilbe siya sa pamilya ko habang hindi mo pa nababayaran ang pinakautang mo! Kunin ang babaeng iyan!" Utos sa ni Don Jose sa mga alagad niya. Nataranta naman si Papa at Mama dahil sa paghiklat sa akin ng mga tauhan ni Don Jose.

"Huwag ang anak ko! Parang awa muna Don Jose!" pagmamakaawa ni papa na hindi naman pinakinggan ng lalaking si Don Jose.

"Papa! Mama!" sigaw ko habang hila-hila ako sa bisig nang dalawang lalaki.

"Paano Ramon, aalis na ako. Ang usapan natin ay huwag na huwag mong kakalimutan. Kun'di, hindi mo na makukuha ang anak mo!" ani ng don bago umalis kami sa bahay.

Simula noon, hindi ko na nakita ang mga magulang ko. Unang araw ko sa hacienda ay trabaho agad ang unang bumungad sa akin.

"Oh, hayan labahan mo!" utos ng isa pang katulong sa mansyon.

"Ano ka ba Diane, huwag mo siyang ituring na iba. Kagaya mo katulong ka lang din sa bahay na ito. Kaya ituring mo siyang tao." Wika naman ng isa pang katulong na si Zenia.

"Ang utos ni Don Jose, ipagawa sa kanya ang mahihirap na gawain. Para sulit daw ang pagtratrabaho niya. Kaya bakit ka ba nangingialam Zenia, kung gusto mo tulungan mo kung naaawa ka! Tsk!" iritang sabi nito sa kasambahay na si Zenia,

Padabog-dabog itong umalis at naiwan kaming dalawa ni Zenia.

Awang-awa ito sa akin,

"Girl, hindi naman bagay sa 'yo ang maging labandera. Napakaputi at napakinis ng balat mo, para kang anak mayaman. Paano ka naging katulong?" curious na tanong nito sa akin.

Imbis na tugunin ang tanong ay muli na naman akong naiyak. Hindi ko matanggap ang sinapit ko sa buhay. Nag-aaral pa ako ngunit heto, nahinto ako dahil sa pagkakautang ni Papa, ngayon paano ako makakawala sa impyernong buhay na ito. Milyon ang utang ni Papa, saan kukuha si Papa ng Milyon? Tanging imahinasyon lang siguro ang magiging sagot sa tanong ko. Ang iisipin ko na lang na makakagawa pa si papa ng paraan. Kahit na alam kung hindi naman magkakatotoo.

Simula ng magtrabaho ako roon ay napansin na agad ako nang kanyang anak na si Dymon. Panay ang sipat nito sa katawan ko habang naglilinis o hindi kaya naman ay kapag naghuhugas ako ng pinggan.

Pasimpleng lalapit ito sa akin pero may balak palang gawin.

Lalapit ito sa bandang likuran ko at papaluin ang puwetan ko.

"Ay! Pusit!" gulat na gulat na sabi ko sabay lingon sa pumalo sa pwetan ko.

Nakangising si Dymon ang naaktuan ko.

"Hi, bago ka rito?" tanong nito sa akin.

Tumungo naman ako at tumango-tango.

"Ganoon ba, kaya pala ngayon lang kita nakita." nakangising sabi nito.

"Sir, ipagpaumanhin po ninyo. Marami po akong ginagawa." Aniya

"Alam ko, bakit ka ba nagaalala? Hindi mo ba ako kilala? Ako ang nagiisang anak ni Don Jose, kaya kahit na anong naisin ko ay kaya kong gawin. Maging ang oras mo ay kaya kong agawin." Nakangiting wika nito.

Ano bang ibig niyang sabihin sa sinabi niya. Hindi ko lubos na maunawaan kaya hindi na lang ako umimik.

Simula noon, palagi na akong pinatatawag ni Dymon.  Pinapapunta sa kwarto hindi para maglinis. Kundi para samahan siyang manuod ng palabas sa TV.

Hindi ko maintindihan bakit wala na akong ginagawa sa bahay. Ang gusto ni Dymon ay palagi lang akong nasa kwarto niya.

Ilang araw pa ang nakalipas, naumawaan ko ang gusto ni Dymon. Tapatan nitong sinabi sa akin na gusto niya ako.

Nabigla ako, dahil para sa akin. Kaya ako naroon ay para magtrabaho. Hindi para makipagligawan.

Hindi ko gusto si Dymon, mayabang kasi ito. Lalo na sa mga barkada,

Minsan isinama niya ako sa party ng tropa niya. Pinagmalaki akong girlfriend niya kahit hindi naman talaga totoo. Ayaw ko mang gawin niya iyon ay wala akong magagawa. Kasama sa trabaho ko ang gawin ang utos nang aking amo.

Matapos ang party ay umuwe na lasing si Dymon. Nakayakap na ito sa akin at talagang nababastusan na ako dahil sa paghalik-halik niya sa leeg ko.

Kaya naman nasampal ko siyang bigla.

Natulala siya at naginit ang ulo. Hinawakan niya ako sa balikat nang mahigpit at inalog-alog.

"Punyeta ka! Napakaarte mo, bakit ba nagiinarte ka pa! Pasalamat ka nga at nagustuhan pa kita kahit na katulong ka lang!" singhal nito sa akin.

"Tama na po, nasasaktan ako!" naiiyak kong sabi kay Dymon.

Simula noon ay nahintatakutan na ako kay Dymon. Sa tuwing hahalikan niya ako sa kamay, sa balikat, o kaya sa pisngi ay pumapayag na ako. Ilang buwan ang nakalipas. Sapilitan na niya akong inaangkin.

Malakas ang buhos ng ulan ng mga oras na iyon. Pinatawag niya ako dahil nagbilin ito na dalahan daw siya nang kape. Kaya naman agad ko itong dinalhan.

Nakashort na maikli lang ito at hubad baro.

Sa una ay natakot ako, ngunit nakita ko naman na busy ito sa pagcocomputer. Pinatong ko ang kape tsaka marahang tumalikod.

"Agatha! Sandali lang," mahinang boses nito ang narinig ko kaya't napahinto ako sa paglalakad. Pero hindi ako humaharap bagkus inantay kong magsalita ito.

Ngunit ang salitang inaantay ko ay iba ang nangyari. Niyakap niya ako sa likuran.

"Sir... Huwag po!" naiiyak kong sabi habang nanginginig ang katawan ko na tinatanggal ang kamay niya sa bandang harapan ko. Nakapulupot kasi ito sa bewang ko.

"Pakakasalan kita Agatha, pagbigyan muna ako." Bulong nito sa akin na mas lalong nagpatindig ng balahibo ko sa buong katawan.

"Huwag po sir... Parang-awa muna," muling pakiusap ko.

Pero pinagpatuloy pa rin nito ang paghalik-halik sa balikat ko, pisngi at maging sa aking labi ay pilit na niyang inaabot.

Nabalot nang kaba at takot ang katawan ko. Gusto kong sumigaw, pero sino naman ang tutulong sa akin? Wala akong kakampi sa bahay na iyon. Masasaktan lang ako kapag nanlaban ako.

Umiiyak ako habang tinatanggal ni Dymon ang damit ko. Habang unti-unti niyang nirurungisan ang pagkatao ko. Wala akong magawa sa tagpong iyon. Ayokong masaktan, pero sa nangyayari. Mas masakit pa sa sampal, suntok at pagpilipit sa braso ko ang nangyari.

Isang karanasan na hinding-hindi ko na mababawi. 

Itinulak niya ako sa kama, at ngising parang aso itong pumatong sa akin.

Habang ang mata ko ay patuloy lang na lumuluha. Ay panay ang himas at mariing paghalik ang ginawa niya sa akin. Maging ang labi ko ay halos pumutok na sa panggigigil niya sa akin.

Hawak niya ako sa dalawang kamay. Habang sapilitang ipinapasok ang kanyang pagkalalaki sa akin.

Isang dahilan para tuluyan akong mapahagulhol.

Isang dahilan kung bakit pinagdasal ko na ang kamatayan ko.

Ang gabing iyon ang nagsilbeng hukay para sa akin. Ang hukay na kailanman ay hindi na ako makakaahon muli.