Chereads / My Wedding Death / Chapter 4 - Chapter 4

Chapter 4 - Chapter 4

HINDI ko maipaliwanag kung bakit kinakabahan ako sa tuwing magkakaharap kami ni Joseph. Hindi dapat ako nakakaramdam ng ganitong pakiramdam. Hindi magandang senyales ito...

"Agatha, gusto mo bang sumayaw?" Seryosong tanong ni Joseph na nagsimula nang ilahad ang kamay.

"Ha? Nakakahiya po," sabi ko habang ang puso ko ay rinig na rinig ko ang malakas na tibok,

"Huwag kang mahiya, hindi rin naman ako magaling sumayaw e." Anito sabay hawak sa kamay.

Nanginginig naman akong napasunod sa kanya.

"Dad, maiwan po muna namin kayo." Paalam ni Joseph sa Ama na nakangiti.

"Sige iho," tugon ng Don.

Ito na yata ang araw nang pagbabago ng Don. Ang mabangis nitong mukha at ugali ay nagmistulang sanggol na parang hindi gumagawa ng kasalanan.

Mainit at malambot ang kamay ni Joseph. Lalo na at nararamdaman ko na parang nakukuryente ako sa bawat pisil niya sa kamay ko. Ano ba itong pakiramdam na ito.

Pagdating namin sa gitnang bahagi ay humarap na sa akin si Joseph. Kinuha ang kamay ko at inilagay sa balikat niya. Namumula at nag-iinit ang pisngi ko, lalo na at alam kong nakatingin sa akin ang mga bisita nang Don. Nagbubulungan at nagtatanong siguro kung bakit sa dinami-daming magagandang babae na dumalo ay ako pa ang natipuhang unang isayaw.

"Are you alright? You look nervous," anito na nakangiti pa.

"Oo, okey lang naman. Hindi lang ako sanay na makipagsayaw." Sabi ko sabay tungo.

"Okey lang iyan, masasanay ka rin. Hindi ka ba sinasayaw ng asawa mong si Dymon?" tanong nito sa akin na muling nagpasama ng araw ko.

"No." Maikli kong tugon,

Ayoko rin namang pag-usapan pa si Dymon. Nagiging malungkot lang ako kapag siya ang naiisip ko. Nalulungkot dahil ngayon ay nagdurusa ako sa feeling niya.

"Mrs. Ignacio, huwag kang sumimangot. Kasi hindi bagay sa'yo." Sabi nito na napansin pala ang pagiiba ng aking itsura ng mapag-usapan namin si Dymon.

Medyo napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Yan, mas lalo kapang gumanda Mrs. Ignacio," Wika nito sa akin na pamiramdam ko ay binobola na niya ako.

Hindi ako makapagsalita, hindi ako makatingin sa kanya nang harapan. Pakiramdam ko kasi natutunaw ako sa titig niyang hindi na naalis sa aking mukha.

Matapos ang isang musika ay niyaya na rin akong umupo ni Joseph. Nagpaalam ito sa akin na makikipagusap lang siya sa mga bisita. Tumango ako bilang tugon, hindi ko rin mawari sa isipan ko. Bakit nagpaalam pa siya sa akin. Malaya naman niyang gawin ang mga bagay na iyon. Si Dymon nga ay basta-basta na lang umaalis, at bumabalik kung kailan maisipan.

Matapos ang party ay pumasok na ako sa kuwarto. Medyo napagod ako sa pag-upo sa sulok.

Ayoko rin namang sumayaw at makipagkwentuhan sa ibang bisita kaya't nasa gilid lang ako at pinagmamasdan ang pakikipag-usap ni Joseph sa mga bisita.

Minsan pa nga ay nahuhuli ko siyang pasulyap-sulyap sa akin. At ngumingiti ito sa tuwing magtatama ang aming mata. Ganun din naman ako, hindi ko alam pero parang kinikilig ako.

Pagbukas ko ng pinto ay nabungaran ko na nakaupo si Dymon sa kama. Nakakuyom ang palad at humihithit-buga nang sigarilyo.

Muli akong natakot sa itsura niyang iyon. Gusto ko mang umatras muling palabas ng pinto ay hindi ko magawa sapagkat nakita na niya akong papasok ng pinto.

"Kumusta sa labas?" baritonong tanong ni Dymon.

"Okey naman," maikli kong tugon na mas lalong kinainit nang dugo nito.

Tumayo ito at nagmistulang tigre na sinugod ako at hiniklat ang bisig.

"A-aray ko Dymon!" takot na takot na sabi ko. Ano bang nagawa ko at nagagalit siya sa akin ng ganito.

"Okey naman? So nag-enjoy ka sa party ganun?!" inis na tanong nito sa akin.

"Te-teka lang naman Dymon, nasasakatan ako bakit ka ba nagagalit?" maiyak-iyak kong tanong.

"Nakikita mo nang hindi ako nag-enjoy. Samantalang ikaw, pinagmamalaki mo pa sa akin na masaya ang party! Bakit? Natutuwa ka ba na nagbalik na ang tagapagmana ng hacienda? Ha!" galit na galit na tanong sa akin ni Dymon.

"Hi-hindi Dymon, aray ko masakit." Naiiyak kong sabi dahil mas lalo pa nitong pinisil ang bisig ko.

"Ito ang tandaan mo Agatha! Hindi ako makakapayag na maagaw sa akin ng hayop na 'yon ang lahat ng pinaghirapan ko! Hinding-hindi ako papayag na agawin niya ang kayamanan na malapit nang maging sa akin!" Singhal nito sa akin sabay tulak sa akin sa kama.

Napabagsak naman ako at nakita ko ang pamumula nang bisig ko. Bakit ganoon, wala naman akong kasalanan. Pero nasasaktan pa rin ako, mukhang nasasanay na si Dymon na kapag nagagalit siya ay ako ang pagbubuntunan nang galit niya.

Nag-iiyak na lang ako sa kama at iniwan niya ako sa ganoong kalagayan.

Lumipas ang oras ay bumalik din si Dymon. Lango ito sa alak na mukhang sinadya niyang magpakalasing para makalimutan ang problema. Hinalik-halikan ako nito sa pisngi at sa leeg hanggang sa balikat.

Napapapikit na lang ako ng mariin, habang naaamoy ko ang alak na nanggagaling kay Dymon. Pero mga ilang minuto pa ay tumigil ito at natulog na lang sa tabi ko. Nagpasalamat ako at hindi nito tinangkang muli akong gamitin. Buti na lang at hindi niya ako nabubuntis, hinala ko ay maalin sa aming dalawa ang may deperensya. Ayaw lang akong ipacheck-up ni Dymon dahil nasisigurado niyang mabubuntis din daw niya ako.

Sana huwag na nga akong mabuntis. Hindi ko maaatim na magkaanak sa lalaking kailanman ay hindi ko minahal.

Kinabukasan, maagang pinatawag si Dymon sa opisina. May mga kailangan daw itong permahan at asikasuhin. Kaya muli akong naiwan sa bahay, sumilip ako sa bintana para sana'y masilayan muli ang araw. Pero iba ang aking nasilayan sa bintana.

Si Joseph, habang hinihimas ang kabayo na hula ko ay sasakyan niya. Hula ko ay mamamasyal itong mag-isa.

Pero makailang saglit pa ay narinig ko ang marahang katok sa pintuan.

Tok! Tok! Tok!

Nagtaka ako kung sino ang kumakatok. Kapag si Dymon iyon ay derederetso na itong napasok kaya malamang hindi si Dymon ang nasa labas ng pinto.

"Pasok," tugon ko.

Dumungaw sa pintuan ang nakangiting si Zenia.

"Good morning mahal na prinsesa. Pinatatawag ka ng iyong prinsipe." Kinikilig na wika ni Zenia.

"Ha? Bakit daw? Tsaka bakit ganyan ang itsura mo Ate Zenia, para kang kinikiliti?" takang tanong ko.

"Hehehe. Kasi kinikilig ako sa prinsipe mo este sa anak pala ni Don, ang gwapo at ang bango." Anito na hindi mapigilan ang tawa.

"Baka marinig ka, ano ka ba! Bakit daw ako pinatatawag, baka magalit sa akin si Dymon kapag lumabas ako ng kuwarto." Sabi ko kay Ate Zenia.

"E kasi magpapasama raw siya sa'yong mamasyal. Huwag kang mag-alala nagpaalam siya sa asawa mong si hudas barabas." Sagot naman ni Zenia.

Kaya parang tumalon ang puso ko, nang malaman kong makakalabas ako ng bahay. Pero kinakabahan dahil makakasama ko ay si Joseph. Bakit naman kaya gusto niya akong makasamang pumasyal.

Makalipas ang ilang minuto'y bumaba na ako ng hagdan.

Naririnig ko ang naguunahang yabag nang kabayo sa dibdib ko. Lumalakas at parang namunula ang mukha ko habang palabas ng bahay.

Paglabas ko nang bahay ay nakita ko na si Joseph. Nakangiti ito at napakagwapo sa suot niyang kulay blue na jacket. Malamig kasi rito sa amin kaya hindi siguro sanay kaya nakasuot nang ganun.

"Good Morning," bati sa akin ni Joseph.

Tumango lang ako sa kanya bilang tugon. Habang nakasiksik sa pintuan si Ate Zenia at pinipigilan ang kilig ay muli na namang tumitig sa akin si Joseph.

"Ahm... Bakit mo ako pinatatawag?" tanong ko.

"Samahan mo akong pumasyal Agatha. Halika, sasakay tayo sa kabayo." Anito sabay muling lahad ng kamay para alalayan ako.

"Ha? Teka lang Joseph, bakit isasama mo pa ako? Wala rin naman akong alam sa lugar na ito. Baka—"

"Don't worry, i can manage. Gusto ko lang na may kasama ako. Halika na, habang hindi pa gaanong mainit ang sikat ng araw." Yaya nito sa akin,

Inabot ko naman ang kamay ko at hinawakan niya iyon ng mahigpit. Lalo namang kinilig ang katulong na si Zenia. Kulang na lang ay magtitili ito.

Nasa tapat na kami ng kabayo. May kataasan ang kabayo kaya't natatakot akong umakyat.

"Teka lang Joseph, hindi ako marunong sumakay sa kabayo." Aniya na ikinangiti naman ni Joseph.

"Kaya nga ako narito e, come here aalalayan kita." Hinawakan niya ako sa bewang at inalalayan na makaakyat sa kabayo. Kinakabahan ako dahil first time ko. Naging romantic para sa akin ang ganitong tagpo.

Akala ko ay ako lang ang sasakay. Pero nang makasakay ako ay sumunod ito at umupo sa aking likuran. Nagtama ang aming katawan, lalo na nang hawakan ni Joseph ang tali sa aking unahan. Pakiramdam ko ay nakayakap siya sa akin.

Naninindig ang balahibo ko. Lalo na at ramdam ko ang init nang katawan ni Joseph.

Napapalingo ako sa kanya pero ang mukha nito ay nasa gilid lang nang mukha ko. Kaya naman pakiramdam ko ay hihimatayin ako sa kaba.

"You look nervous na naman Agatha huh," anito na nakangiti pa.

"Ha? Hi-hindi noh!" nauutal kong sabi.

"Really huh? Bakit namumula ka?"

"Hindi kaya..." tanggi ko,

Napangiti na lang ito at nagsimula nang patakbuhin ang kabayo. Takot na takot ako dati sa kabayo. Pakiramdam ko kasi ay mabangis ang kabayo. Pero ngayon, animo'y para itong sasakyan na tumatakbo. Wala akong takot na nararamdaman dahil nakakasigurado naman akong hindi ako hahayaan ni Joseph na malaglag at masaktan.

Nakarating kami sa isang ilog kung saan namangha ako sa sobrang ganda.

"Ang ganda rito. Paano mo nalaman na  may ganitong kagandang lugar dito?" tanong ko kay Joseph.

Ngumiti ito at saka nagsalita.

"Kasi nung bata pa ako e, sa lugar na ito ako palagi napunta." Tugon nito,

Kaya pala hindi siya natatakot na mamasyal. Alam na niya ang pasikot-sikot sa buong hacienda.

"Halika, bumaba na tayo sa kabayo." Bumaba ito bago itinali ang kabayo.

"Hindi ka ba natakot na sumakay nang kabayo?" tanong ni Joseph bago lumapit sa akin para alalayan ako sa pagbaba.

"Bakit ilalaglag mo ba ako?" Sagot ko sa kanya.

Napangiti naman siya sa sagot ko.

Hinawakan niya ang kamay ko para makababa na ako sa kabayo nang biglang maglinsad ang paa ko.

Napabilis ang pagbaba ko dahil nahulog ako sa kabayo. Pero hindi ako sa lupa nahulog. Kun'di sa dibdib ni Joseph na maaga akong nasalo. Napayakap ako sa kanya at maging siya ay napayakap din sa akin.

Napatitig ako sa kanyang mata at parang natali kaming dalawa sa ganoong kalagayan.

"Huwag kang mangamba na mahulog ka, sasaluhin naman kita e." Wika ni Joseph sa akin sa kabila ng nangyari.

Natawa ako sa sinabi niya. Hindi lang basta tawa kun'di sa muling pagkakataon— naramdaman ko ang muling pag ngiti ko.

Akala ko ay nalimutan ko ang pag ngiti. Isang lalaking hindi ko naman lubos na kilala ang siyang magpapangiti lang pala ulit sa akin.