Chereads / My Wedding Death / Chapter 6 - Chapter 6

Chapter 6 - Chapter 6

Namumula ang pisngi ko dahil sa mga sampal na pinataw sa akin ni Dymon. Wala akong magawa kun'di ang lumuha at ilabas sa na lang sa paghikbi ang nararamdaman.

Gusto ko nang makalaya sa impyernong buhay na ito— ngunit paano?

Pakiramdam ko rito na ako mamamatay. Sa feeling ng walang pusong si Dymon.

Tumayo ako para magbihis, nagkalat ang mga hinubad na damit sa sahig na basta na lang tinapon ni Dymon. Kulang na lang wasakin niya lahat para mapabilis ang paghubad ng aking mga saplot. Pinulot ko ang panty ko at muling isinuot. Matapos noon ay sinunod ko na ang aking manipis na pantulog.

Lumingon ako sa kinaroroonan ni Dymon. Mahimbing na itong natutulog kahit na hubo't hubad. Lalo akong nakaramdam ng galit sa puso, lalo akong naiyak dahil sa pakiramdam ko aping-api na ako.

May nabuo akong plano sa aking isipan. Agad akong naglakad papunta sa aming cabinet. At hinalungkat ko ang mga sulong noon. Nang matukyan ko na ang bagay na hinahanap ko ay pigil hininga akong dinampot iyon. Mariin ang kamay ko at halos maglabasan na ang litid sa pagpipigil ng galit ko. Nanginginig ang kamay ko habang hawak ko ang nangingintab at napakatilos na bagay. Nakatitig ako sa stainless na gunting kung saan kapag tinarak ko ito kay Dymon ay siguradong mamamatay agad ito ng walang kalaban laban.

Habang hawak ang gunting na matilos, humarap muli ako sa kinaroroonan ni Dymon. Nakahanda ang kamay ko sa aking binabalak. Tuloy-tuloy ang luha ko na pumapatak sa aking pisngi.

Siguradong makakalaya na ako, siguradong makakalaya ako sa impyernong buhay na ito kahit na sa kulungan pa ako bumagsak ay ayos lang. Ang mahalaga sa akin ay makatakas na sa kamay ni Dymon.

Marahan akong humakbang patungo sa aming kama. Habang hawak ang gunting, nanginginig ang kamay ko at malakas ang kaba ko sa mga oras na iyon.

Nang makarating ako sa kama ay tinitigan ko muna siya. Habang mahimbing itong natutulog ay nanginginig naman ang labi ko sa pagpigil nang iyak. Pakiramdam ko sa tuwing makikita ko ang mukha ni Dymon, bumabalik sa aking alaala ang mga kahayupang ginagawa nito sa akin. Lalo akong nakakaramdam ng poot sa aking dibdib. Lalong nanlalabo ang aking mata, at pakiramdam ko sasabog na ang aking dibdib sa sobrang galit na nararamdaman ko.

Utinaas ko ang kamay ko upang ihanda ang aking sarili. Papatayin ko na ang lalaking nagpapahirap sa akin. Kikitilin ko na ang buhay niya bago pa mahuli ang lahat. Ngunit...

Isang malakas na lagapak ng stainless na gunting ang aking narinig. Napaatras ako sa takot at napaupo sa sahig. Napatitig ako sa gunting na bumagsak sa marmol na sahig. Habang ang kamay ko ay maagap na pinigil ang paglabas ng tinig sa aking bunganga. Maagap kong tinakluban ng palad ko ang bibig ko. At ang mainit at masaganang luha ay muling nanalaytay sa aking pisngi.

"Hindi ko kaya... Hindi ko kayang pumatay ng tao." Bulong ko sa sarili ko habang nakatitig ako sa gunting na nabitawan ko.

Nanghihina ang kalooban ko, hindi ko kayang gawin ang binalak ko.

Paano ako makakaligtas? Paano ako makakalaya? Habang buhay na akong magdurusa sa feeling ng demonyo kong asawa.

Kinabukasan;

Paga pa ang aking mga mata ng dumulog ako sa hapag kainan. Naroon na ang mag-aama at kasalukuyang nagkakape.

Nakatitig sa akin si Joseph, kaya naman nag baba ng tingin upang hindi niya mapansin ang pamamaga ng aking mata. Ngunit hindi ko maitatago ang mata ko, lalo na at sa akin nakatutok si Joseph.

"What happen Agatha? Umiyak ka ba?" pag aalalang tanong nito.

Agad namang naalerto si Dymon, nilapitan niya ako at inalalayan para makaupo na ako sa upuan.

"Huwag kang mag alala Joseph, away mag asawa lamang ito. Nagseselos kasi si Agatha sa trabaho ko dahil hindi na raw kami nakakapasyal na dalawa. Namimiss na raw niya ako," ani Dymon na nakangisi pa sa pagdadahilan.

"Ganoon ba, sobrang sipag mo yata Tol kaya naman napapabayaan mo na ang asawa mo. Mas mahalaga pa rin ang pamilya kesa trabaho. Kaya pagbigyan muna si Agatha," nakangiting wika ni Joseph.

Tahimik lang naman ako, inaasahan ko na ang pagsisinungaling ni Dymon. Kaya naman ano pa bang aasahan ko, mananahimik na lang ako para makaiwas sa sakit ng katawan.

"Dad, medyo nakakainip dito sa bahay. Gusto ko sanang pumasok na sa companya natin at magtrabaho." Pag-iiba ng usapan ni Joseph.

Sa narinig na iyon ni Dymon ay parang nakaramdam ako muli ng tensyon sa kanilang mag-aama.

"Anong ibig mong sabihin Tol? Ikaw na ang mamamahala sa kumpanya na pinaghirapan ko?" Baritonong tanong ni Dymon,

Hindi maaalis kay Dymon ang mahalata sa kanyang kinikilos. Mabilis kasing mag init ang ulo nito at agad na nag iiba ang tono ng boses kapag nagagalit.

"Anak, mukhang magandang ideya iyan," dagdag pa ng ama niyang mas lalong kinagalit ni Dymon.

"Hindi ko namang sinabing ako na ang mamumuno sa kumpanya. Gusto kong tumulong sa pagpapalaki at pagpapaunlad pa nito kaya naisipan kong magsimula nang pag-aralan ang kumpanya natin."

[kumpanya natin] parang narindi si Dymon nang marinig ang salitang 'natin'.

Hindi yata ito makakapayag na may humati sa kanyang matagal ng pinaghirapan. Kaya napaghahalataan itong galit sa tono pa lang ng kanyang boses.

"Bakit tol, may problema ba sa pagpasok ko sa kumpanya?" tanong ni Joseph,

Nag-iba naman agad ang kilos at boses nito, ngumiti ito at naging kalmado ang boses.

"Ha? Wala naman tol, iyan nga ang matagal ko ng gusto. Ang may makatulong sa pagpapaunlad pa ng kumpanya ni Dad." Anito na kala mo ay maamong aso na biglang bumaba ang buntot.

Napangiti naman si Don Jose, nang makita niyang nagkakasundo ang kanyang mga anak.

Nagkakasundo nga ba?

Sa ilalim ng lamesa, nakikita ko ang kamay ni Dymon na nakakuyom. Kaya naman alam ko na hindi ito sang-ayon sa nangyayari.

"Anak Dymon, mas maganda kung ikaw ang magtuturo sa kapatid mo. Para malaman niya ang pagpapatakbo ng kumpanya." Ani ng Don,

"Yes Dad, walang problema sa akin," tugon ni Dymon.

Nagkaroon nang isang desisyon sa pamilya. Kaya naman ang mukha ni Dymon ay halos hindi na maipinta ng maayos.

Pagkaalis ni Joseph at ng Don sa hapag kainan ay lumabas ang tunay na anyo nito. Nanlilisik ang mata at nakakuyom ang palad sa sobrang galit. Nahintatakutan naman ako kaya nagtungo na lang ako upang huwag akong pagbalingan ng galit.

"Akala niya siguro maaagaw niya sa akin ang pinaghirapan kong kumpanya. Puwes nagkakamali siya! Wala siyang lugar sa kumpanya kaya't sisiguraduhin kong siya na mismo ang aalis at susuko." Galit na galit na sabi ni Dymon, kinakausap niya ang kanyang sarili. Ako naman ay tamang pakinig lamang.

Tumayo ako upang bumalik na sa kuwarto. Ngunit pinigilan ako ni Dymon,

Hinawakan ako sa kamay at muling pinaupo.

"Ba-bakit Dymon?" kabado kong tanong, mukhang sa akin na naman nito ibabaling ang galit.

"Huwag na huwag kang makikipag-usap sa Joseph na iyan! Kun'di makakatikim ka sa akin!" galit na banta nito sa akin.

"Huwag kang mag-alala, hindi ako makikipag-usap sa kanya." Mabilis kong tugon.

"Very good," nakangiting sabi nito bago ako hinatak at hinalikan sa labi.

Nakakadiri man ay wala akong magagawa. Hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko kaya't kailangan ko na lang sundin ang gusto ni Dymon.

Makalipas ang ilang minuto, nagpaalam na si Dymon para pumasok sa kumpanya. Naiwan ako sa bahay at muling nagkulong sa kuwarto.

Pero makaraan lamang ang ilang oras ay may kumatok sa aking pintuan.

Akala ko ay pagkain na dala ng taga silbe ng pamilya kaya binuksan ko ang pintuan.

Nabungaran ko si Joseph na may hawak na tray. May laman itong dalawang basong juice at cake na nasa plato.

"A-anong kailangan mo Joseph?" takang tanong ko,

"Dinalahan kita ng pagkain, baka nagugutom ka na, puwede ba akong pumasok?" tanong nito,

Pero hindi pa ako nakakasagot ay naglakad na ito papasok ng kuwarto. Napaatras na lang ako at siya na ang nag-awang ng pintuan tsaka iyon sinara.

Walang cctv sa kuwarto, ngunit kinakabahan pa rin ako. Baka biglang umuwe si Dymon at maaktuan niyang magkausap kami ni Joseph. Ngunit hindi ko rin mapigilan ang sarili ko, hindi ko kayang itaboy si Joseph, hindi ko kayang sabihin na bawal akong makipag-usap sa kanya.

Ipinatong ni Joseph ang dalang tray sa lamesa. Tumingin sa akin at ngumiti,

"Halika, magmeryenda ka muna. Medyo bored na ako rito sa bahay kaya pinuntahan kita rito para makipagkwentuhan." Ani Joseph sabay hila ng upuan para umupo ako.

Napakasweet ni Joseph, hindi manlang nagagawa sa aking iyan ni Dymon. Ang makipag-usap ng maayos sa akin at irespeto ako bilang babae.

"Salamat," tugon ko matapos kung umupo.

Nang makaupo na ako ay naupo na ito sa harapan ko. Maliit lang ang lamesa kaya halos magkalapit lang din kami sa isa't isa.

"Joseph, hindi mo na dapat ako dinadalahan nito. Kaya ko namang bumaba para magtimpla at magbake." Nahihiya kong sabi kay Joseph.

"No, gusto ko naman ang ginagawa ko. At gusto ko rin na makakwentuhan ka kaya gumawa na lang ako ng paraan para makausap ka. Epektive naman hindi ba, heto magkaharap na tayo ngayon." Anito na nagpapula ng manipis kong mukha. Parang kinikilig ako sa sinasabi niya, pero hindi maaari. Sapagkat bawal na akong kiligin dahil may asawa na ako.

"Ano bang sinasabi mo riyan," nahihiya kong sabi.

Ngumiti ito bago hinawakan ang kamay ko. Sa gulat ko ay bigla kong nahatak ang kamay ko na kinagulat din ni Joseph.

"Sorry," hinging paumanhin nito.

"O-okey lang," nauutal kong sagot dahil sa kaba na nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi ang init ng pisngi ko. Nananalaytay sa katawan ko ang kakaibang pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman.

"Agatha, kung may problema ka. Puwede mong ishare sa akin. Handa akong makinig kahit ano pa iyan." Seryosong sabi nito sa akin,

"Salamat Joseph," dahil sa tensyon na nararamdaman ko ay agad kong kinuha ang juice at mabilis na ininom iyon. Ngunit dahil sa kaba ay lumabis ang juice sa labi ko kaya natapunan ang aking dibdib na kinagulat ko naman at napatayo akong bigla dahil sa lamig na pumasok sa gitnang bahagi ng aking mga dibdib.

"Oh my gosh!" naibulalas ko sa pagtayo.

Agad namang naging alerto si Joseph.

"Oh! Wait," anito sabay kuha ng panyo sa kanyang bulsa at walang sabi sabing pinunsan ang nabasa kong dibdiban.

Nagulat ako sa ginawa niya, habang natataranta itong pinunasan ang dibdib ko ay napamaang naman ako sa kanya. Natigilan ito nang makahalata na mali na ang ginagawa niya.

"Ay sorry Agatha," anito na namumula ang mukha na inabot sa akin ang panyong hawak.

Inabot ko naman iyon at napapahiya ko ring pinunasan ang sarili ko. Hindi ko magawang isipin na bastos si Joseph. Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng nangyari, ako pa talaga ang nahiya sa kanya.

Napatungo naman si Joseph. Natatawa sa nangyari na napapahiya. Hindi niya naisip na masyadong okward ang ginawa niya.

Muli akong naupo ng masigurado ng tuyo na ang nabasa kong dibdib ay umayos na ulit ako ng puwesto.

"Ibabalik ko na lang sa 'yo ang panyo mo. Palalabhan ko na lang muna," aniya

"Ha? Huwag na, ako na ang bahala riyan." Wika nito sabay kuha sa panyong hawak ko.

Hindi na ako nakapalag dahil na rin sa pagkapahiya ay hindi na ako nagsalita.

"Ahm... Okey ka lang ba rito?" tanong ni Joseph,

"Oo," maikli kong tugon, kahit na labag sa damdamin ko ang sagot ko ay kailangan kong magsinungaling.

"Bakit parang hindi ka okey?" tanong ni Joseph na nararamdaman yatang nagsisinungaling ako.

"Okey lang ako Joseph," sabi ko sabay ngiti para maniwala na siya.

Ngunit nakikita ko sa mata niyang parang hindi ito naniniwala.

Maya-maya pa ay ngumiti ito at tumango-tango.

"Kapag may problema ka, sabihin mo lang sa akin. Handa kitang tulungan Agatha." Anito sabay hawak sa kamay ko.

Sa pagkakataong iyon hindi ko na inagaw ang kamay ko. Marahang pinisil niya iyon at ramdam na ramdam ko ang init nang palad niyang nakadampi sa palad ko. Bakit ganito sa akin si Joseph? Bakit ganito siyang makaasta sa akin, tumingin ako sa mata niya at parang tinali ang mga mata namin. Nag-uusap na parang nauunawaan niya ang nararamdaman ko.

Nakikita ko sa mata ni Joseph, ang pag-aalala sa akin. Bakit parang nahahatak ako ni Joseph? Parang gusto kong yumakap sa kanya at magpakulong sa bisig niya. Upang doon ibuhos lahat ng luha ko, luha sapagkat matagal na akong naghahanap ng kakampi sa bahay na ito.

Pero para akong binuhusan ng malamig na tubig ng bigla na lang kaming makarinig ng pagbukas ng doorknob ng pintuan.

Agad akong namutla dahil unti-unti ng bumubukas ang pintuan ay nakahawak pa rin sa akin si Joseph.

"Si Dymon..." naibulalas ko sa sobrang takot,