Chereads / My Wedding Death / Chapter 10 - Chapter 10

Chapter 10 - Chapter 10

Nakasandal si Joseph sa board ng aming kama. Habang ako naman ay nakaunan sa kanyang dibdib. Sinusuklay-suklay nito ang mahaba kong buhok.

"Joseph, paano kung matunton tayo ni Dymon? Baka kung anong gawin niya sa—"

"Shhhhsss... Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano, hindi mangyayari ang iniisip mo dahil ilalalyo kita kay Dymon." Ani Joseph na hindi man lang kinakitaan ng kaba sa mukha.

"Pasensya ka na, natatakot lang kasi ako na pati ikaw ay madamay at mapahamak." Nangangambang wika ko kay Joseph.

Hinawakan ni Joseph ang kamay ko at bahagyang pinisil 'yun.

"Tama na ang pangamba mo. Dahil gagawin ko ang lahat para mailayo ka sa Dymon na 'yan!" Seryosong sabi nito sa akin.

"Paano ang pagtratrabaho mo sa Hacienda?" tanong ko,

"Haharapin ko siya, hindi ako natatakot sa kanya. Ako pa rin ang nagmamay-ari nang lahat ng tinatamasa niya ngayon." Anito,

Tama naman siya, si Joseph ang tagapagmana ng buong hacienda at lahat ng sinasabing pagmamay ari ni Dymon ay pagmamay-ari ni Joseph.

Bumuntong hininga na lang ako. Pero hindi pa rin nawawala sa isip ko ang pag aalala.

Kinabukasan;

"Saan ka pupunta?" Papukat-pukat pa ang mata

ko ng makita kong nakabihis si Joseph.

"Uuwe ako ng Hacienda at haharapin ko ang dapat harapin. Palalayasin ko ang lalaking iyon sa kumpanya at sa hacienda." Seryosong sabi nito.

Napatayo akong bigla sa kinahihigaan ko. Hubad pa ako ng mga oras na iyon kaya binalot ko na lang ng kumot ang katawan ko.

"Ano?! Huwag ka nang pumunta roon Joseph, baka mapahamak ka... pakiusap huwag ka nang umalis." Namumutla ang mukha ko at nanginginig ang labi ko sa takot.

Nilapitan ako ni Joseph at niyakap ako.

"Hindi ako mapapahamak. Magtiwala ka sa akin, babalikan kita rito. Basta huwag kang lalabas ng bahay. Babalik agad ako pagnaayos ko na ang dapat kung ayusin." Sabi nito bago ako muling kinintalan ng halik sa labi.

"Pero— Joseph nman," hindi pa rin ako sang-ayon sa balak niya.

"Please, pagkatiwalaan mo ako ngayon. Pangako, babalik agad ako." Nakangiting pangako nito.

Napabuntong hininga na lang ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko. Magtiwala lang ang kaya kong gawin sa ngayon.

"Mag-iingat ka Joseph, babalik ka agad ha. Pangako mo sa akin na hindi ka mapapahamak."

"Oo Agatha, pangako babalik agad ako." Hinalikan ako nito sa noo at niyakap muli ako ng mahigpit bago umalis ng bahay. Naiwan akong mag-isa. Balot ng pangamba at takot,

Pero wala naman akong magagawa sa ngayon. Kun'di ang manalangin na sana hindi mapahamak si Joseph sa kamay ni Dymon.

• • •

Dumating si Joseph sa Hacienda.

At agad nabalitaan ni Dymon iyon, kaya naman nakakuyom ang palad na hinarap niya si Joseph.

"Saan mo dinala ang asawa ko?!" singhal nito kay Joseph.

Naningkit ang mata ni Joseph sa tinuran ni Dymon, " Bakit Dymon? Asawa ba ang tawag mo sa sarili mo? Sinasaktan at ikinukulong mo si Agatha!" galit na sagot ni Joseph.

"Wala kang pakialam kung anong gawin ko sa asawa ko! Asawa ko si Agatha kaya kahit na ano pa ang gawin ko sa kanya karapatan ko iyon bilang asawa!" mariing sabi nito.

"Anong karapatan ang sinasabi mo? Karapatan mong saktan siya ng walang kalaban-laban? Ikulong na parang aso sa kuwarto mo! At pagsamantalahan? Iyan ba ang karapatang sinasabi mo ha?" Singhal muli ni Joseph.

"Kung ano man ang sinabi niya sa 'yo! Wala kang sapat na ebidensya para paratangan ako bilang asawa niya! Ibalik mo rito si Agatha! Kun'di ipapakulong kita sa salang pagkidnap sa asawa ko!" galit na galit na turan ni Dymon.

"Sige! Ipakulong mo ako! Pero sisiguraduhin kung ikaw ang makukulong sa ginawa mong pagbugbog kay Agatha. Lumayas ka sa pamamahay ko! Wala kang karapatang tumira rito dahil ako ang nagmamay-ari ng bahay na ito!" Ani Joseph na punong-puno nang galit sa dibdib.

"Hindi mo maaring gawin iyan! Ako ang nagpakahirap sa lahat ng negosyo at ari-arian na ito. Kaya wala kang karapatan na palayasin ako sa lugar na ito!" Singhal nito kay Joseph.

"Nakakalimutan mo ba na ampon ka lang? Ako pa rin ang tunay na nagmamay-ari nito. Kaya lumayas ka!" maawtoridad na utos nito kay Dymon.

Nakakuyom ang palad ni Joseph habang ang mga mata ay nanlilisik sa galit. Hindi niya mapigilan ang galit sa tuwing makikita niya si Dymon; ang sumira sa buhay ni Agatha.

"Hindi ako aalis sa mansion na ito! Ako ang mas may karapatan dito, dahil ako ang nagpakahirap para manatiling nakatayo ang kumpanya, at dahil sa akin kaya hanggang ngayon nakatayo pa rin ang mansyon na ito!" matigas na turan ni Dymon.

Ngumiwi si Joseph, "Kahit na nagpakahirap ka! Wala ka pa ring karapatan na angkinin ang hindi mo pag-aari. Kaya kahit na ilang taon pa ang gugulin mo sa kumpanya ni Dad, kailanman ay hindi ito magiging iyo! Tandaan mo iyan!" Sabay duro ng hintuturo ni Joseph sa mukha ni Dymon.

Lalong nanlisik ang mata ni Dymon. Naglabasan ang litid nito sa leeg at sa kamay. "Hindi mo alam ang sinasabi mo Joseph, hindi mo pa ako kilala. Kaya ayusin mo ang mga sinasabi mo!" nagbabantang wika ni Dymon.

"Wala akong pakialam kung anong ugaling mayroon ka! Iisa lang ang may pakialam ako, at iyon ay ang pag-aari ko na pilit mong inaangkin. Kaya ikaw ang magdahan-dahan sa sinasabi mo! Kung wala ang kayamanan ko! Wala ka ring silbing tao!" singhal ni Joseph,

Lalong uminit ang tagpong iyon. Nagtatagis bagang na kinuyom ni Dymon ang kamao. Waring nagbabadyang ano mang oras ay mabibigwasan niya si Joseph sa mukha. Pero natigil ang usapan nila ng dumating ang.kanilang Ama na si Don Jose.

"Joseph, Dymon? What's going on? May problema ba?" pagtatakang tanong ng kanilang ama.

"Dad," agad na tawag ni Dymon. Ngumiti ito at umastang parang maamong tuta.

"Yes Dymon, anong pinag-uusapan ninyo?" tanong ni Don Jose.

"Nothing Dad, hindi naman gaanong kahalaga. Anyways, aalis muna ako. Hahanapin ko lang ang asawa ko, mukhang napasarap sa pagbabakasyon sa kaniyang kaibigan." Ani Dymon na nakangiti pa sabay tingin kay Joseph.

"Ganoon ba, sige iho mag-ingat ka." Wika ng ama.

Tumalikod na si Dymon, at naiwan ang mag-amang si Joseph at Don Jose. Matapos makalabas ng pintuan ay muling nanlisik ang mata ni Dymon, nakakuyom ang palad at nagtatagis ang bagang.

"Makikita rin kita Agatha! Mahahanap ko rin kung saan ka dinala ng hayop na si Joseph, humanda kayo! Pareho kayong magsasama sa impyerno!" bulong ni Dymon sa sarili.

Umalis na si Dymon, hahanap siya ng magaling na tauhan na maghahanap kay Agatha. Hindi maaaring mawala si Agatha sa buhay niya. Hindi maaaring makatakas siya sa akin.

Habang si Joseph naman ay nakatingin lang sa pag-alis ng sasakyan ni Dymon. Nanlilisik din ang mata nito, "hindi mo mahahanap si Agatha Dymon, kailanman hindi muna malalapatan ng kamay mo ang mahal kong si Agatha." bulong ni Joseph sa sarili.

"Anak, maari ba kitang makausap." Putol ni Don Jose sa pag-iisip ni Joseph,

Tumango si Joseph at sumunod sa library. Kung saan silang dalawa lang ang makakaalam ng pag-uusapan.

"Ano Dad ang pag-uusapan natin?" tanong ni Joseph.

"Anak, gusto kong sabihin sa iyo na naayos ko na ang mga ari-arian ko. Nakapangalan ang lahat ng ari-arian ko sa iyo. Sana ay huwag mong kalimutan na naging bahagi ng pamilya natin si Dymon. Ayokong bumalik siya sa hirap dahil alam ko ang mga pinag-daanan niya." Salaysay ni Don Jose,

"Dad, huwag mong sabihin sa akin ang bagay na iyan. Hindi ko gusto ang ugali ni Dymon," tugon ni Joseph.

"Pero Joseph, mabuting tao si Dymon. Hindi mo pa siya gaanong kilala. Huwag mo muna siyang husgahan." Wika ng Don,

"Dad, ikaw ang hindi pa nakakakilala kay Dymon." Sagot ni Joseph,

Napailing na lang ang Ama, mukhang mahihirapan siyang pagkasunduin ang dalawa. Pero umaasa pa rin siyang magiging okey ang lahat. Hindi pa niya naipapasa ang "last will" nakatago pa ito sa kanyang aparadon, pero mayroon na itong perma. Katunayan na si Joseph ang magmamana ng lahat at hindi si Dymon. Sa unang testamento, nakasaad na si Dymon ang tagapagmana niya. Akala kasi ni Don Jose ay tuluyan na siyang kinalimutan ng pamilya.  Pero nang bumalik si Joseph, naging mabuti na rin ang puso ni Don Jose, ayaw niyang ipakita sa anak niya ang kasamaan dulot ng pangungulila ni Don Jose sa pamilya. Aniya, wala na naman ang pamilyang iniingatan. Kaya naman naging masama si Don Jose, hindi ito takot na mamatay. Ang totoo niyan ay kamatayan na lang ang inaantay niya, dahil walang gabing hindi siya nagsisi sa nangyari. At iyon ay ang pag-iwan ng pamilya niya.