Chereads / My Wedding Death / Chapter 7 - Chapter 7

Chapter 7 - Chapter 7

7

"Sir Joseph, may tawag po kayo sa telepono, ang Mommy mo raw po," nakangiting sabi ni Diane; ang katulong.

"O sige bababa na ako," mabilis na tugon ni Joseph, "sige Agatha, maiwan muna kita." Anito sabay tayo sa upuan at lumabas na nang kuwarto.

Naiwan akong nakatulala, malakas pa rin ang kaba sa aking dibdib. Akala ko si Dymon na, salamat naman at hindi siya. Napansin kong hindi pa umaalis si Diane sa pintuan. Masama ang tingi nito sa akin at parang may ibig sabihin ang pagkakatitig.

"Ayos ah, mukhang gusto mo pang tuhugin ang magkapatid. Kapal talaga ng face mo Agatha!" Inis na sabi nito sa akin.

Noon pa man ay ganiyan na siya sa akin. Hindi niya ako tinuturing na amo kun'di mas masahol pa sa katulong. Pinapakisamahan lang niya ako ng maayos sa tuwing kaharap ko lang si Dymon. Hindi ko naman gawain na magsumbong kay Dymon, dahil sa hindi ko gawain na magpahamak ng kapwa ko.

"Mali ang iniisip mo Diane," wika ko

"Tsk! Talaga lang huh! Isusumbong kita kay Sir Dymon," anito sabay talikod sa akin.

Agad naman akong naalerto hinabol ko siya hanggang sa mahawakan ko siya sa kamay.

"Diane please... Huwag mong sabihin ito kay Dymon, sasaktan niya ako," nanginginig ang tinig kong pakiusap ko kay Diane, ngunit ngumisi lang ito at nagkibit-balikat.

"Fine! Pero may kondisyon..." nakangising bulong nito,

Dahil sa takot ay hindi ko maaaring hindi siya pakinggan.

"Ano iyon? Gagawin ko ang lahat, huwag mo lang sabihin kay Dymon ang pagpunta rito ni Joseph." Muling pagsusumamo ko sa kanya.

"Hindi ko sasabihin kung bibigyan mo ako ng magaganda mong alahas. Alam muna, gusto ko rin magkaroon ng magagandang alahas katulad ng mga suot mo sa tuwing may party." Nakangising turan nito sa akin,

"Sige, basta huwag mo lang sabihin ito kay Dymon," takot na takot kung sabi kay Diane. Agad naman itong tumango sa kondisyon, hindi naman mahalaga sa akin ang mga alahas. Ang mahalaga sa akin ay ang buhay ko, sa tuwing sasaktan ako ni Dymon ay bumabakas ang mga pasa sa iba't-ibang parte ng katawan ko. Laya naman matatakot na akong masaktan.

Kinuha ni Diane ang mga magaganda kong alahas. Masayang-masaya ito ng matanggap ang mga mamahaling alahas na binili sa akin ni Dymon,

"Huwag kang mag alala Agatha, makakaasa ka na walang malalaman sa akin si Sir Dymon, salamat dito." Anito sabay masayang umalis sa kuwarto ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng makaalis na si Diane, kailan kaya ako magtitiis sa impyernong lugar na ito. Naaalala pa kaya ako ni Mommy at Daddy? Kumusta na kaya sila? Miss na miss ko na ang mga magulang ko, naiiyak na naman ako sa tuwing maaalala ko ang mga magulang ko. Sa kabila ng kanilang ginawa sa akin ay hindi ako nagtanim ng anumang galit sa kanila. Kaya heto, nalulungkot na naman ako kapag naaalala ko sila.

Kinahapunan, pinatawag ako ng Don Jose sa hapag kainan. Wala pa noon si Dymon, kaya naman mag-isa akong bumaba para kumain.

Nadatnan kong kumakain ang mag-ama.

"Iha Agatha, kumain ka na, nasa out of town si Dymon. Inaayos niya ang iba nating negosyo. Pero uuwe rin siya bukas, kaya huwag kang mag-alala." Salaysay ng Don,

Kung alam lang ni Don Jose, masaya pa akong wala si Dymon dito. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas wala ang hayop na lumapastangan sa akin. Napasulyap ako kay Joseph, nakangiti ito sa akin kaya't nag tango na lang ako bilang tugon. Umupo ako sa harapan ng mag-ama at kumain ng tahimik.

"Dad, okey lang bang magpasama ako kay Agatha, lalabas kami para bumili ng ibang kagamitan sa mall. Gusto ko sanang may kasama ako para makapili ako ng maayos." Paalam ni Joseph na kinabigla ko naman.

"Sure anak, basta ayos lang kay Agatha," nakangiting sang-ayon ng ama.

Ibig sabihin makakalabas ako ng hacienda. Mapupuntahan ko na ang mga magulang ko, lihim akong nagbubunyi. Pakiramdam ko nasisilayan ko na ang araw na matagal ko nang hindi nakikita.

"Opo, a-ayos lang po sa akin," maagap kung tugon sa Don,

Napangiti naman si Joseph sa turan ko. Kaya matapos naming kumain ay naghanda agad ako.

Ilang minuto bago ko maayos ang sarili ko. Tumitig pa ako sa salamin. Namumutla ang mukha ko dahil sa madalang na masikatan ng araw. Pero sumigla ang pakiramdam ko nang malaman kong makakalabas ako ng hacienda. Marahan na katok ang bumulahaw sa aking diwa.

Agad ko namang binuksan ang pinto at nabungaran ko si Diane na nakamungot na naman.

"Hmmm... Another condition na naman ba ito?" nakangiting sabi nito sa akin, mukhang alam ko na ang ibig niyang sabihin.

"Please Diane, ibibigay ko ang lahat ng gusto mo. Huwag mo lang sasabihin kay Dymon ang lahat," pakiusap ko kay Diane,

"Sure, madali naman akong kausap e, sige, antayin na lang kitang bumalik para makapili ulit ako ng hikaw na gusto ko." Nakangising wika nito,

Lumabas na ako para puntahan na si Joseph sa baba.

At nakita ko ngang bihis na bihis ito at napakagwapo sa suot niyang polo shirt na puti at maong na jeans.

Pakiramdam ko, bago palang ako humahanga sa lalaki. Nagiislow motion ang paligid ko habang naglalakad ako palapit kay Joseph. Nakangiti ito sa akin habang nakapamulsa ang mga kamayat nakasandal ang likuran sa kotse.

"Ang ganda mo sa suot mong iyan Agatha," nakangiting wika nito sa akin.

At ngiti rin naman ang tinugon ko. Binuksan nito ang pintuan ng kotse sa harapan katabi ng driver seat. Doon ako sumakay bago siya umikot sa kabilang parte at sumakay na rin ito. Wala kaming ibang kasama, bago iistart ni Joseph ang sasakyan ay inayos muna nito ang seatbelt ko. Nakatitig ito sa mukha ko habang ako naman ay makatungo, nahihiya ako sa nangyayari. Umaaata akong dalaga, bakit ko ba ito nararamdaman. Nahihiya ako kay Joseph at parang pakiramdam ko ay namumula anv mukha ko.

"Are you alright?" tanong ni Joseph,

"Yes, I'm fine." tugon ko,

Ngumiti ito bago inistart ang makina ng sasakyan.

Nang makalabas kami sa hacienda ay gumaan na ang loob ko. Paano ko tatakasan si Joseph. Ito na ang pagkakataon kong makatakas sa pamilyang masahol pa sa hayop.

Malayo-layo na ang takbo ng kotse, tahimik lang kaming dalawa at nagpapakiramdaman.

"Saan mo gustong pumunta Agatha?" basag nito sa katahimikan,

Nagulat ako sa tanong niya, nababasa ba niya ang nasa isip ko at alam niyang aalis ako. Naku patay! May.sa maligno rin yata ang gwapong lalaking ito.

"Ha? Ah... Eh..."

"Okey lang na puntahan natin ang gusto mong puntahan, actually gusto ko lang na ilabas ka sa hacienda. Mukhang hindi ka nakakalabas kaya inaaway muna si Dymon," nakangiting wika nito.

"Ha?" Napanganga ako sa sinabi niya. Naniwala pala siya sa sinabi ni Dymon na nagaaway kami dahil nagseselos ako sa trabaho niya. "okey lang bang sa parke na lang tayo pumunta." Aniya na nakaisip ng magandang paraan para makatakas.

"Sure," mabilis na tugon nito.

Wala pang ilang oras nakarating na kami sa isang park. Maganda at maaliwalas ang paligid, may mga nagdadate roon kaya medyo nahiya ako. Bakit dito ko pa maiaipang pumunta.

Bumili kami ng makakain, at naupo kami sa batong upuan na nakatayo sa ilalim ng malaking puno.

"Salamat sa pagdala mo sa akin dito." Aniya,

"Huwag kang magpasalamat, gusto ko lang na mapasaya." Sagot nito sa akin,

"Ha? Bakit ang bait mo sa akin?" hindi ko mapigilang tanong, nahihiwagaan na kasi ako sa ginagawa niyang pagaalala. Kaya naman lakas loob kong tinanong aiya ng harapan. Total namanay tatakas na ako mamaya,bakit pa ako mahihiyang alamin ang dahilan.

"Wala naman, gusto ko lang na makita kang masaya Agatha," sagot naman nito sa akin.

Medyo nalungkot ako sa sagot niya, hindi siguro iyon ang inaasahan kong kasagutan.

"Ganoon ba, salamat sa pag-aalala." aniya,

Habang kumakain ako ng binili naming shake ay nakatitig ako sa malayo. Saan kaya ako puwedeng tumakbo kung sakaling tatakas na ako. Abala ako sa pag-iisip ng gagawin ko nang bigla na lang hawakan ni Joseph ang kamay ko.

Nagulat ako sa ginawa niya, kaya naman para akong istatwa na napatitig sa kanya.

"Jo-joseph, bakit?" nauutal kong tanong,

"Wala naman, gusto ko lang na mahawakan ang kamay mo. Napakalambot na kala mo ay bulak, ang swerte ni Dymon sa 'yo." Nakangiting sabi nito,

Sa kabila ng tensyon na nangyayari sa akin ay nakuha ko pang kiligin. Muli akong nahiya sa kanya at nakaramdam ng pagiinit ng mukha.

Tumayo ako upang hindi niya makita ang namumula kong mukha. Nabitawan niya ang kamay ko at napahiya,

"So-sorry Agatha," hinging maumanhin nito,

"Joseph, saan may CR dito?" tanong ko sa kanya.

Tumayo si Joseph, at lumingo-lingon.

"Mukhang doon may CR, halika samahan kita." Anito,

"Huwag na, ayos lang ako, hintayin mo na lang ako rito,mabilia lang ako." Paalam ko sa kanya,

Tumango naman ito bilang tugon. At nagdali-dali na akong pumunta ng CR.

Pagkarating ko roon ay humarap ako sa salamin.

"Diyos ko, tulungan mo po akong makatakas ngayon, heto na ang pagkakataon ko na makalaya sa feeling ng demonyo kong asawa. Huwag mo po sana akong pabayaan." Panalangin ko sa Panginoon habang ako ay nasa banyo.

Humanap ako ng ibang daraanan upang hindi ako makita ni Joseph, ngunit paglabas ko ng banyo ay nasa labas na pala ito at inaantay ako. Nakaramdam ako ng pagkadismaya sa sarili. Paano ako makakatakas sa pamilyang ito.

"Are you okey Agatha? You look nervous, hindi ba maganda ang pakiramdam mo ngayon?" nagaalalang tanong nito.

"I'm okey, don't worry." Tugon ko,

Muli kaming naglakad ni Joseph, habang nakakaramdam ako ng dismaya ay lakas loob akong tumakbo palayo.

Nagtaka naman si Joseph sa ginawa ko.

"Agatha!" sigaw nito sa akin,

Wala akong lingon-lingon sa kanya. Ang gusto ko ay makatakas na agad ng mga oras na iyon kaya sa abot ng makakaya ko, tumakbo ako ng tumakbo.