Chereads / My Wedding Death / Chapter 8 - Chapter 8

Chapter 8 - Chapter 8

Sa kabila nang pagiging makasarili ko. At kasabikan na makalaya sa isang madilim na lugar ay hindi ko na naisip kung anong paraan ang dapat kung gawin.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makatakas ako ngunit naabutan din niya ako. Nadapa ako sa semento, nagkasugat ang aking siko at tuhod. Ngayon iniinda ko ang gasgas na natamo ko dala ng kasabikan kong agad ay makalaya.

"Agatha! Bakit ka nagtatakbo?" tanong nito matapos na maabutan ako at itinayo ako sa pagkakadapa ko.

"A-aray ko ang sakit!" tuluyan na akong lumuha dahil sa hapdi na nanramdaman ko. Dumurugo ang tuhod ko. Napakayod ito sa semento matapos kong madapa.

Sa pagaalala ni Joseph, kahit hindi malaman ang dahilan ng ginawa niya ay binuhat niya ako at dinala sa upuan na bato.

"Bakit ka ba kasi tumakbo Agatha?" may pagtatakang tanong nito, habang kinukuha ang panyo sa kanyang bulsa at pinupunsan ang dugo sa tuhod ko.

"Ayoko na sa bahay na iyon! Gusto ko nang makalaya, parang awa muna Joseph, hayaan muna akong makatakas!" nagiiyak kong pakiusap kay Joseph, na lalo namang pinagtaka nito.

"Ha? Pero bakit? Anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan Agatha," naguguluhan na tanong nito,

"Please... Huwag muna akong ibalik sa bahay na iyon. Ayoko ng makasama si Dymon, pakiusap Joseph, tulungan mo akong makatakas." Muli kong pakiusap, dala ng pagiiyak at takot na takot kong damdamin. Hindi ko magawang ipaliwanag ang lahat kay Joseph, sa kabila ng paghikbi at pakiusap ko sa kanya ay lalong nahiwagaan sa akin si Joseph, hinawakan niya ako sa kamay at hinarap niya ako.

"Agatha, calm down, hindi kita sasaktan. Pero gusto kong malaman ang nangyayari sa 'yo. Just tell me the whole story. Handa akong makinig, handa akong intindihin ang lahat." Kalmadong sabi sa akin ni Joseph,

Matapos ang ilang minuto, nasa tahimik kaming lugar. Kung saan kami lang ang tao roon,

"Anong lugar ito?" takang tanong ko,

May kalayuan ito sa aming tinitirahan. Malayo ang mga bahay at masyadong tago ang lugar na ito.

"Isa ito sa nabili ni Mommy noong narito pa siya sa pilipinas. Hindi ito alam ni Dad kasi sa dami ng pagmamay-ari ng pamilya ko ay hindi na mabilang ang mga nabili nilang bahay na hindi naman tinitirahan." Paliwanag ni Joseph,

"Pero bakit dito mo ako dinala?" pagtataka kong tanong,

"Dahil dito mas maipapaliwanag mo sa akin nang maayos ang dahilan mo. Hindi ka mangangamba o matatakot na kasi tayong dalawa lang ang nakakaalam na narito tayo. Handa akong makinig Agatha," mahinahong sabi ni Joseph.

"Joseph, ayokong magalit ka sa kapatid mo. Kaya gusto ko sanang ilihim na lang ang lahat. Pero sana matulungan mo akong makawala sa poder ni Dymon, ikaw lang ang pag-asa ko. Ikaw lang ang pag-asa ko na mabuhay pa akong matagal." Wika ko sa kanya,

"Mas lalo lang akong nagagalit kay Dymon, hindi ka magkakaganyan kung wala kang sapat na dahilan. Sabihin mo sa akin lahat Agatha." Muling pakiusap nito,

Bumuntong hininga ako, mukhang wala na akong ibang choice kun'di sabihin sa kanya ang lahat.

"Hindi ko mahal si Dymon, itinuturing niya akong baboy, pinagsamantalahan, sinasaktan, ikinulong niya ako ng matagal na panahon."

Naramdaman kong muli ang pang-aapi sa akin ng mag-ama nang muling ungkatin ang aking nakaraan. Isinalaysay ko itong lahat kay Joseph. Sa kabila ng pag-iyak ko ay tuloy-tuloy kong inaalala ang mga masasakit na bagay na nangyari at nararanasan ko sa feeling ni Dymon, nakita ko ang pagkuyom ng palad ni Joseph. Hudyat na nagagalit siya sa ginawa sa akin ng mag-ama. Hindi ko na makayanan pa ang lahat ng hirap sa dibdib ko, kaya naman nang hawakan ako ni Joseph sa kamay ay agad na akong yumakap sa kanya upang doon ako magkulong sa kanyang mga bisig. Sa dibdib ako sumubsob, sobrang naninikip na ang dibdib ko sa sama ng loob. Basang-basa ang buong mukha ko sa pag-iiyak.

Naramdaman ko na lang ang kamay ni Joseph na hinahagod ang aking likuran. Malungkot ang mukha nito na naaawa sa akin.

"Tahan na Agatha, tahan na..." narinig kong bulong nito sa akin.

"Pakiusap, tulungan mo ako... Ayoko nang bumalik sa pa sa bahay ninyo. Ayoko nang makita pa si Dymon, papatayin niya ako! Papatayin niya ako Joseph,"

"Shhhhsss... Tahan na Agatha, ako na ang bahala sa lahat. Ipagtatanggol kita, huwag ka nang mangamba pa." Anito na parang ganoon lang kadali ang lahat.

Humarap ako kay Joseph, nakita ko na seryoso ang mukha niya. Kaya alam ko na tutulungan niya ako. Pero sa pagharap ko sa kanya ay iba ang naramdaman ko. Sa kabila ng katuwaan ko na makakalaya na ako sa madilim na lugar ay biglang sumabog ang damdamin kong pinipigilan.

Natali ang mata namin sa isa't isa. Malakas ang kaba sa dibdib na hindi maipaliwanag. Pakiramdam ko naririnig ko ang malakas na dagundong ng tibok ng puso ko. Habang hawak ni Joseph ang likuran ko, habang ako naman ay nayakap sa kanya ay bigla kong narealize na iba ang pakiramdam ko sa mga oras na ito.

"Agatha..." mahinang bulong sa akin ni Joseph, bago nito ilipat ang kamay niya sa pisngi kong luhaan. Pinunasan ang basang pisngi ko gamit ang tuyo niyang palad.

Bakit nagpapaubaya ako sa lalaking ito. Bakit kay Joseph nakakaramdam ako ng kakaiba, samantalang kay Dymon, madampi lang ang palad niya sa akin ay pakiramdam ko ay nandidiri na ako. Pero bakit kay Joseph, iba ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko napapawi niya ang mga sugat ko sa puso,

"Agatha, huwag ka nang matakot. Ako na ang bahalang magtanggol sa 'yo. Pangako, hindi kita pababayaan." Mahinang sabi nito sa akin,

Tumango-tango ako bilang tugon. Nabuhayan nang pag-asa, nabuhayan ang loob ko na makakalaya na ako sa feeling ni Dymon.

Sa sobrang kagalakan mas niyakap ko pa siya ng mahigpit. Pakiramdam ko safe na safe ako sa mga bisig niya. Hindi na ako nag alinlangan sa ginagawa kong pagpapatangay sa nararamdaman ko. Dahil kay Joseph, pakiramdam ko ay mahal ko na ang lalaking ito.

Binuhat ako ni Joseph patungo sa kuwarto ng bahay. Hiniga sa kama at kinumutan.

"Matulog ka na at magpahinga. Babantayan kita huwag kang mag-alala." Wika nito sa akin,

Kakaiba si Joseph sa lalaking nakilala ko, sa kabila ng mga ginawa kong pagyakap sa kanya ay hindi niya ako pinagsamantalahan.

Nakatulog ako saglit, pero naalipungatan din ako matapos ang ilang oras. Bigla akong kinabahan ng hindi ko makita si Joseph.

"Joseph?!" sigaw ko, ngunit wala akong narinig na pagtugon. Tumayo ako sa kama at nagtatakbo sa pintuan. Dala ng kaba sa dibdib na baka napahamak na si Joseph ay nanginginig ang kamay kong binuksan ang pintuan. Nang mabuksan ko ang pintuan ay tumabad ang duguang katawan ni Joseph. Tadtad ng saksak sa katawan na nakalambitin ito sa pintuan.

Namutla akong bigla. Kasabay ng pagsigaw ko ng malakas na malakas.

"Joseph! Joseph! Wahhhhh! Tulungan ninyo ako!"

Naramdaman ko ang pagalog-alog ng balikat ko. Kaya nabalik ako sa wisyo at naibuka ko ang mata ko.

"Agatha, Agatha, nananaginip ka! Gising!" sigaw sa akin ni Joseph.

Pawisan ang buong mukha ko nang magising ako sa masamang panaginip. Nakita kong buhay na buhay si Joseph. Kaya napaiyak akong muli sa takot. Niyakap ko siyang mahigpit.

"Tahan na Agatha, panaginip lang iyon, tahan na..."

"Natatakot ako Joseph, nakita kong patay ka na, natatakot ako na baka mapahamak ka rin, ayokong mawala ka ng dahil sa akin." Nagiiyak kong sabi kay Joseph,

"Huwag mong isipin iyon, panaginip lang iyon, hindi mangyayari ang nasa panaginip mo." Pagaalo nito sa akin,

Humarap ako sa kanya at muli kong nakita ang mukha niyang nag-aalala sa akin. Muli kaming nagkatitigan, muling natali ang mata namin sa isa't isa.

"Joseph..." mahinang bulong ko sa kanya, sabay lunok ng laway ko.

Nakuha naman ni Joseph ang gusto kong iparating sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala iyon sa pisngi niya. Marahang pinahaplos sa akin ang kanyang mukha.

"Huwag ka nang matakot Agatha, buhay ako at nasa harapan mo." Mahinang sabi nito,

Pero dahil sa kaba na nararamdaman ko ay hindi ko pa rin maiwasan na mag-alala.

Pero ng hawakan ako ni Joseph sa pisngi at marahan iyong hinaplos ay napapikit ako.

Ang haplos ng kamay niya, ang mainit na palad niya, ang mga yakap niya sa akin, hindi ko magawang magreklamo at kumontra. Hindi ko magawang isipin na pinagsasamantalahan ako ni Joseph. Pakiramdam ko, gusto ko ang mga ginagawa niya sa akin. Nakapikit ako habang ang palad niya ay nasa pisngi ko. Habang yakap ko siya, habang magkayakap kami sa isa't isa.

Wala pang ilang minuto, naramdaman ko na lang ang malambot na labi niyang dumampi sa aking noo. Naluha ako sa nangyari, naluha ako dahil naramdaman ko ang tunay na pagmamahal sa lalaking kaharap ko ngayon. Pero huli na ang lahat, dahil wala na akong ipagmamalaki pa sa kanya.

Nagmulat ako ng mata, nagkatitigan kaming dalawa. Nakita ko sa mata ni Joseph, ang pagrespeto sa akin. Sa kabila ng takot ko at pagkakalapit naming dalawa ay pinipigilan niya ang lahat. Pero ako, bakit hindi ko mapigilan ang damdamin ko. Gustong-gusto ko ang ginagawa ni Joseph, pero parang nagaalinlangan ito na ituloy ang lahat.

"Joseph..." bulong ko, sa mga kataga ng pangalan niya ay nagsisilbing hiwaga ang pangalan niya sa akin.

"Agatha, nandito lang ako para sa 'yo, kaya huwag ka nang matakot da-"

Naputol ang sasabihin ni Joseph, nang bigla ko na lang siyang hawakan sa kohelyo ng damit at halikan ng mariin. Nakapikit ang mata ko at lakas loob kong ipinaramdam sa kanya ang lukso ng puso ko.

Dahil sa pagkabigla ay hindi na nagawa ni Joseph na tumutol. Bilang isang lalaki hindi niya magagawang tanggihan ang lahat.

Hinawakan ni Joseph ang kamay ko at hinila ako para mas mayakap niya ako ng maayos. Nakaupo si Joseph sa kama at iniupo niya ako sa kandungan niya. Naramdaman kong mas lalong umiinit ang paligid sa aming dalawa. Naramdaman kong hindi ko na mapigilan ang damdaming sinisigaw ng puso ko.

Ang magaang halikan ay naging maalab. Lalo na at ako na ang nagsimula ng lahat. Kay Joseph ko naramdaman ang tunay na romansa. Sa lalaking ito, ako nakaramdam ng pagiinit ng katawan at pagkauhaw ng tuyong labi.