WALA akong nagawa sa pagpapaalam ko kay Dymon. Kapag nagpumilit pa ako ay muli na naman akong masasaktan.
Tumayo ako at muling inayos ang sarili ko. Humarap sa salamin at kitang-kita ko ang paghihirap sa sarili ko.
Bago pa ako muling balikan ni Dymon ay nagpalit na ako ng damit. Nakita ko itong nakahiga na sa kama at nagcecellphone. Pangiti-ngiti na parang kinikilig pa sa kausap.
Wala naman akong pakialam kung mambabae siya. Maganda nga iyon e, mababawasan na ang paggamit niya sa akin at baka magsawa na siya akin para iwan na niya ako.
Humiga na ako sa tabi nito. Pero tumalikod ako para hindi ko siya makita.
"Agatha, sorry sa nagawa ko. Huwag mo kasing painitin ang ulo ko para hindi kita masaktan." Wika nito sa akin.
Ipinikit ko nang mariin ang mata ko. Pinipigilan ko ang luha ko. "Ayos lang iyon Dymon, kasalanan ko kaya nangyari sa akin ito." Sabi ko na puno nang hapdi sa puso ang nararamdaman.
Yumakap ito sa akin, at hinalikan ang buhok ko. Ganoon lang naman si Dymon, matapos niya akong pagbuhatan nang kamay ay kakausapin ulit ako na parang walang nangyari.
Kinabukasan;
Maalinsangan ang paligid, nakatanaw ako sa malayong ibayo habang nasa taas ako at nakasilip sa malaking bintana sa aming kuwarto.
Namimiss ko na ang kapaligiran. Ilang buwan na akong hindi nakakalabas, namumutla na nga ako dahil hindi manlang ako nasisikatan ng araw. Mula sa aming bintana. Tanaw ko ang malawak na hardin. Maging ang malaking gate na gawa sa makakapal na bakal ay tanaw ko rin.
Napakunot ang noo ko nang may makita akong isang puting sasakyan na pumasok sa malaking gate. Bago sa akin ang sasakyan na iyon at nasisigurado kong hindi pagmamay-ari iyon nang Pamilyang Ignacio.
Hindi ko nakikita kung sino ang nakasakay roon. Hindi na kasi kita iyon sa aming bintana kaya sinara ko na lang ang bintana at muling naupo sa kama at nanuod ng TV.
Wala na akong alam sa nangyayari sa baba.
Isang lalaking napakatikas ng katawan, gwapo, at matangkad ang dumating sa mansyon. Unang bumungad ang katulong para tanungin ito kung sino ang hanap.
Kinikilig-kilig pa si Diane nang lumapit ito rito.
"Hi Sir, sino po ang hanap nila?" parang kinikiliting tanong ni Diane.
"Nariyan ba ang Daddy kong si Jose?" tanong nang binatang lalaki.
Nanlaki ang mata ni Diane sa narinig.
"Daddy? Anak po kayo ni Don Jose?!" gulantang na tanong nito sa lalaking napakagwapo.
"Oo, gusto ko siyang makita at makausap." Anito na tumuloy na sa loob ng bahay.
Dali-dali namang tinawag ng katulong ang amo na si Don Jose. At maging ito ay nagulantang sa narinig na umuwe ang kanyang anak. Dali-dali itong bumaba para harapin ang anak.
"Joseph, iho?!" gulat na gulat na wika ni Don Jose.
"Dad," maikling sabi ni Joseph bago salubungin ang ama at nagyakap ang dalawa.
"Diyos ko anak, umuwe ka na. Akala ko ay hindi na kita muling makikita. Kumusta ka na at ang Mommy mo?" giliw na giliw na tanong nang ama.
"Okey naman po si Mommy, umuwe ako para muli kayong makita. Buti na lang tanda ko ang lugar natin." Masayang sabi ni Joseph.
"Hindi ka nagsabi na uuwe ka Iho. Sana ay nakapaghanda tayo. Pero okey lang, narito ka na. Kaya magpapaparty tayo mamayang gabi." Ani ng matandang Don.
Naging mainit ang salubong ng Don sa kanyang Anak. Hindi siya makapaniwala na uuwe ang anak niya. Wala kasi siyang contact sa mga ito kaya't isang malaking surprise ang nangyari ngayon.
Isang hindi inaasahan na party ang magaganap. At dahil nasa opisina si Dymon nang mga oras na iyon ay hindi niya agad nalaman na may panauhin siyang madadatnan sa bahay.
Pagdating niya ay nagtaka ito.
"Anong meron Dad? Bakit may party tayo?" takang tanong ni Dymon.
"Isang malaking sorpresa anak. Dumating na ang anak kong si Joseph. Nasa kwarto siya ngayon at nagpapahinga. Mamaya lang ay magkakakilala na kayo." Ani ng matandang Don.
Nagulat si Dymon, ngumiti siya at nagbunyi na umuwe na ang tunay na anak ng Don.
Matapos ipakita ang kasayahan sa mukha ay pumasok na ito sa kuwarto. At isang nanlilisik na mata ang nabungaran ko kay Dymon. Nakita ko ang mga naggagalaiting ngipin nito at maging ang kamao ay nakakuyom din.
Mukhang hindi maganda ang mood nito. Kaya nahintatakutan muli ako at baka ako ang pagbalingan ng galit.
Ano kaya ang nangyayari sa labas? Gusto ko sanang magtanong pero parang mainit ang ulo ni Dymon. Nakatingin ito sa bintana at tinatanaw ang mga tauhan nila na busy sa pagaayos ng event mamayang gabi.
"Umuwe na ang tunay na taga pagmana!" Anito na maydiin sa mga salita at nanlilisik ang mata.
Taga pagmana? Anong ibig niyang sabihin? Gusto ko mang itanong ay hindi ko magawa. Ayokong madamay sa galit nito. Tahimiki lang ako sa gilid habang nakatitig sa kanya.
"Agatha!" madiing tawag nito sa pangalan ko.
Kinabahan ako sa kakaibang tono ng boses ni Dymon.
"Ba-bakit Dymon?" tanong ko na nauutal pa dahil sa kaba.
"Magbihis ka, may pagdiriwang na magaganap sa labas mamaya. Gusto ko ay maging maganda ka ngayong gabi." Anito na seryoso pa rin na nakatingin sa labas ng bintana
"Anong meron sa labas Dymon?" lakas loob kong tanong.
"Umuwe na ang kapatid ko." maikling tugon nito.
"Kapatid? May kapatid ka pala?" muling tanong ko, pero imbis na sagutin ulit ako ay masamang tumitig ito sa akin.
Kaya napatungo ako at humingi nang paumanhin. "Sorry," aniya
Tumalikod na ako para magsimulang mag-ayos nang sarili.
Naligo, nagsuot ng magarang damit, nagmake-up, animo'y para akong princesa sa itsura kong white dress na may design na diamon sa may bandang dibdib ng damit.
Nakalugay ang buhok na may habang hanggang bewang. May manipis na make-up sa mukha. At nakatakong na may habang apat na pulgada.
Nang makita ako ni Dymon ay natulala ito sa itsura ko. Maya-maya pa ay napangiti at lumapit sa akin.
"Ang swerte ko talaga sa'yo." ani Dymon na hinawi pa ang buhok ko sa balikat.
Tumungo lang ako, sa isip ko. Swerte siya sa akin pero ako naman ang malas kasi naging asawa ko ang demonyong ito.
Marami ang dumalo sa party. Kahit biglaan ang party, marami pa rin ang napunta dahil minsan lang mag paparty si Don Jose.
Gulat na gulat man ang mga imbitado ay pumunta pa rin sa kasayahan.
Sana makapuslit ako ngayong gabi. Sana malasing si Dymon para makatakas ako. Iyon ang nasa isip ko ng mga oras na iyon. Ngunit bago palang kami makalabas nang pintuan ng kwarto ay binalaan na ako agad ni Dymon.
"Huwag mong susubukin na painitin muli ang ulo ko Agatha. Dahil baka pagnabarino ako sa'yo ay manghirap ka na nang mukha sa aso. Baka mapatay kita oras na takasan mo ako." Anito na nakangiti pa,
Nahintatakutan naman ako, kinabahan sa sinabi ni Dymon. Parang umurong ang isip ko sa binabalak na pagpuslit sa mansyon.
Kinapitan niya ang kamay ko at inilagay ang kamay sa bisig niya. Naglakad na kami palabas ng mansyon.
Doon nasilayan ko ang ganda ng labas. Mga dekorasyon na madali nilang naayos. Iba talaga pagmapera, lahat ay nagiging magic.
Ipinakilala muli ako ni Dymon sa mga bagong bisita na ngayon lang ako nakita at nakilala.
"Ang ganda ng asawa mo Dymon, sabagay hindi na ako magtataka, lahi talaga kayo ng magagandang itsura." Pambobola ng mayamang panauhin.
"Salamat Mr. Dominggo, kumusta ang negosyo ninyo sa paris?" tanong ni Dymon,
"Okey naman, lalong umuunlad." nakangiting pagyayabang ng Ginoo.
"Mabuti kung ganun," tugon ni Dymon.
Maya-maya pa ay lumabas na ang pinaka-hihintay ng lahat. Ang anak ng Don,
"Magandang gabi sa inyong lahat. Maraming salamat sa pagdalo ninyo, alam ninyong hindi ko inaasahan na mangyayari ito. Isang sorpresa sa akin ang pagdating ng isa kong anak mula sa New York. Ipinakikilala ko sa inyo, ang kaisa-isa kong anak sa aking asawang si Belinda. Si Joseph Ignacio."
Napuno nang palakpakan sa buong paligid. Maging ang mga bisita ay napatayo rin sa kanilang upuan nang lumabas ang lalaking pumukaw rin sa aking atensyon. Nagliliwanag ang mukha nito na pakiramdam ko ay kumikislap, lumakas ang tibok at pintig ng puso ko. Kakaibang pakiramdam ang naramdaman ko nang masilayan ko ang tunay na anak ng Don.
Nakangiti ito habang lumalakad palabas ng pintuan. Sa suot nitong polo shirt na puti na may pula na design, maong na pantalon na blue ay masasabi kong nakakahumaling ang sino mang makakakita sa kanya.
Ngunit naagaw ang atensyon ko sa tabi ko nang biglang hawakan ako ni Dymon sa kamay at pinisil iyon na parang ayaw pakawalan.
Nalungkot akong bigla at napatungo. Isang pakiramdam na panghihinayang. Isang dahilan na nagpaalala sa akin na nakatali na pala ako sa lalaking demonyo.
Hindi na ako muling lumingo kay Joseph. Kahit na nagsalita ito sa microphone ay hindi na ako nagpakalingon-lingon. Baka makita pa ako ni Dymon at uminit pa ang ulo nito.
Natapos ang pagpapakilala ni Joseph sa mga bisita. Ngayon pagkakataon na nang Don na ipakilala ang ampon niyang anak na si Dymon sa tunay na anak.
Wala pa kasi itong alam na nag-ampon ang Don para may humalili na katuwang sa negosyo. Kung nagkataon pala, maghihirap din si Dymon kung sakaling mamatay ang Don. Dahil ang tunay na anak ang magmamana pa rin ng kayamanan. Meron man siyang matanggap ay hindi gaanong kalaki, hindi tulad nang tunay na anak.
Lumapit sa amin ang Don, kasama ang binata. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita kong papalapit ang binata sa amin.
Nakangiti ito na hinarap kami pero nakatungo ako at hindi man lang tumitingin sa mukha ng binata.
"Anak, ipinakikilala ko sa'yo si Dymon, ang aking adapted child." Ani ng Don,
Nagkaroon ng pagtataka sa mukha ni Joseph. Pero ganoon pa man ay mainit na tinanggap nito ang kamay ni Dymon.
"Joseph pare," pagpapakilala ni Joseph sa sarili na may magandang boses na parang humahalina sa aking pandinig.
"Welcome home pare," nakangiting sabi ni Dymon na halata namang napilitan lang.
"Siya naman ang asawa ni Dymon si Agatha." Ani ng Don.
Lalong bumilis ang kaba ng dibdib ko. Lalo na nang ilahad nito ang kamay niya para abutin ang kamay ko at halikan iyon.
Ganoon sa mayaman, hinahalikan ang kamay ng babae bilang pagpapakilala at paggalang sa mga babae.
Nangangawit na ang kamay ni Joseph sa harapan ko bago ko dahan-dahang inabot ang kamay ko.
Ngumiti si Joseph na lalong nagpagwapo sa aking paningin nang makita ko ang ngipin nitong pantay na pantay.
"Ikinagagalak kitang makilala Mrs. Agatha," bigkas ni Joseph bago hinalikan ang kamay ko.
Parang may dumaloy na kuryente sa kamay ko. Nag-init ang pisngi ko at parang napaso ako sa pagkakahalik niyang iyon. Pakiramdam ko may ibang inerhiya na nanggaling sa halik ni Joseph.
Kilig ba iyon o kaba? Hindi ko maipaliwanag. Tumungo ako dahil sa pakiramdam ko namumula ang mukha ko.
"Kumusta ka Joseph, bro?" putol sa tensyon na nararamdaman naming dalawa.
Binitawan ni Joseph ang kamay ko at hinarap si Dymon.
"Okey lang bro, hindi ko alam na nag adapt pala si Daddy, kaya nagulat ako nang ipakilala ka niya sa akin." Ani Joseph na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala.
"Ako rin bro, hindi ko rin alam na uuwe pa pala ang tunay na anak ni Dad, akala ko kasi hindi na ikaw babalik pa rito. Nalimutan ko na malaki nga pala ang pagmamay-ari mo rito kaya naisipan mong bumalik." Sagot naman ni Dymon na parang hindi nagustuhan ni Joseph ang sinabi.
Sino ba ang hindi maooffend sa sinabi ni Dymon, parang sinabi niyang kayamanan lang ng Don ang binalikan ni Joseph kaya siya umuwe.
Iimik pa sana si Joseph nang muling magsalita si Dymon.
"Excuse me, mukhang may nalimutan ako sa kwarto ko. Kukunin ko lang saglit." tumingin ito sa akin bago tuluyang tumalikod.
Mukhang nagkaroon agad ng tensyon sa dalawa. Buti na lang at umiwas agad si Dymon. Pero ako naman ang hindi nakaiwas. Naiwan ako sa harapan ng Don at ng anak nitong si Joseph.
Lalo akong kinabahan nang magtama ang mata naming dalawa. Para akong nakuryente ulit kaya agad akong nagtungo at iniwasan ang mata niya.