"PARANG awa muna Dymon! Huwag mong gawin sa akin 'to." Tanging naibulalas ko na lang nang mga oras na iyon habang walang awang pinagsamantalahan pa rin ako ni Dymon.
Mahapdi, kumikirot at nanakit ang maselang bahagi ko. Iyon ang nararamdaman ko nang matapos si Dymon at mahimbing na natulog sa tabi ko.
Hawak ang kumot na itinakip sa aking hubad na katawan ay walang tigil ang pagpatak ng luha ko. Ano pa bang silbe nang luha ko? Nawala na ang lahat sa akin, nakuha na lahat ng hayop na si Dymon. Ang lalaking hindi ko mahal, at kailanman ay 'di ko kayang mahalin.
Bumango ako para kunin ang mga damit ko. Nagsuot ako nang damit at paika-ikang lumabas nang kwarto ni Dymon.
Tuloy-tuloy ako sa aming silid tulugan nang makasalubong ko ang kasambahay kong si Zenia.
Agad itong nagalala sa nakita namumugto ang aking mga mata.
"Agatha! Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Zenia,
Napahawak ako sa aking bunganga at pinigilan ang malakas na pag-iyak. Muli ko na namang naibuhos ang luha ko, kasabay nangpagyakap sa akin ni Zenia.
"Diyos ko Agatha, magsalita ka! Bakit ka naiyak? May masakit ba sa'yo?" muling pagaalala nito.
"Ate... [Huhuhu] Si Dymon ate,"
"Anong ginawa sa'yo ni Sir Dymon? Magsalita ka!" muling pangungulit ni Zenia, gusto niyang malaman ang ginawa nang amo nila.
"Ate... Ginahasa ako ni sir," mahinang sabi ko bago muling umiyak sa harapan ni Zenia. Nangangatog ang tuhod ko sa nangyari. Maging ang balikat ko ay nasabay sa pag-alog sa tuwing iiyak ako ng tahimik.
Napaawa naman sa akin si Zenia, niyakap niya ako at maging siya rin ay napaluha sa nangyari sa akin.
"Diyos ko, bakit ginawa niya iyon sa iyo? Hindi na ba siya nag-iisip?" sabi nito habang hinihimas-himas ang likuran ko.
Dahil sa katulong lang kami at walang karapatang umangal ay wala kaming nagawa sa nangyari. Hindi kami makalabas nang mansyon dahil maraming tauhan si Don Jose. Maging ang buong paligid nang bahay ay puno ng CCTV.
Wala kaming takas sa mansyon kung sakaling makaisip kaming tumakas.
Kinabukasan
"Dad, gusto kong maging asawa si Agatha," ani Dymon sa ama.
Nagulat naman si Don Jose sa sinabi ni Dymon, tumawa ito nang malakas bago nagsalita.
"Ayos ka lang ba anak? May sakit ka ba kaya kung ano-ano na ang sinasabi mo?" pangiti-ngiting sabi nito.
"Dad, im serious! I love her, kaya gusto ko siyang pakasalan." muling sabi nito sa Daddy niya.
"What? Are you insane? Sa dami ng babae sa mundo sa katulong ka pa nahumaling! Ikaw ba ay nasa katinuan pa Dymon?"
"Yes Dad, pls i want to merry her," pagsusumamo ni Dymon,
"Son, wala kang mapapala sa babaeng iyon. Humanap ka nang babaeng kasing yaman mo lang din. Gusto kong maging makapangyarihan tayo sa buong Cebu. Kaya humanap ka nang babaeng diserving sa'yo." Anito na kinukumbinsi pa si Dymon.
"No dad, siya lang ang babaeng pakakasalan ko. Wala na akong ibang gusto kun'di si Agatha lang. Kaya siya lang ang pakakasalan ko!" mariing sabi ni Dymon.
Simula nang araw na iyon naging mas impyerno pa ang buhay ko. Dahil sa hindi mapigilang pagmamahal ni Dymon sa akin ay pilit na nito akong ginawang asawa. Dahil menor de edad pa ako ay inantay muna nila ang pagtungtong ko nang 18 years old.
July 3, 2018
Itinakda ang pag-iisang dibdib namin ni Dymon, walang imbitado sa aking pamilya. Maging ang mga ito ay hindi ko manlang nakita sa pinagdausan nang kasal.
Tanging mga piling kapamilya lang nila at mahahalagang tao ang imbitado sa kasal. Hindi ako makapaniwala sa sarili ko na ngayon ay asawa na ako nang demonyong humalay sa akin. Hindi lang niya ako isang beses na ginamit. Ilang beses na niya akong pinagsamantalahan.
Sa tuwing gagawin niya sa akin iyon ay wala nang luha sa mata ko ang napatak. Tanging pagtitig na lang sa kisame ang ginagawa ko.
Manhid na ako, wala na akong maramdamang sakit o panghihinayang na nararamdaman.
Kiss... Kiss... Kiss...
Ang sigaw ng mga taong pumukaw sa akin para manumbalik ang isipan ko sa hinerasyon.
Tinutoktok nang mga tao ang kanilang baso at sumisigaw ng kiss.
Naramdaman ko ang paghila sa akin ni Dymon. Hinarap niya ako at muling hinalikan nang matagal.
Hindi ako nagalaw, istatwa na ako simula nang maangkin ako ni Dymon.
Simula kasi nang ideklara nitong ikakasal kami pagkatapos nang 18th birthday ko ay naging sunod-sunuran na ako kay Dymon. Ayaw kasi nitong hindi siya susundin, mabigat ang kamay nito at matalas ang dila kung magsalita.
Natatakot akong muling masaktan.
Matapos ang halik ni Dymon ay nagpalakpakan ang mga tao. Tuwang-tuwa sila habang ako naman ay nagdurusa.
Ganyan ba talaga ang mga tao? Inaayunan pa nila ang kasamaan?
Maging ang matitinong tao na inaasahan kong makakahalata sa akin ay parang balewala lang sa kanila.
Iba talaga ang makapangyarihan. Kahit na anong sama mo ay magiging mabuti ka sa paningin nila.
Natapos ang pagdiriwang nang walang ngiti na bumakas sa akin.
Nalimutan ko na yata ang pakiramdam ng saya. Palagi kasi akong tahimik at nag-iisa.
Maging ang katulong ay bawal nang makipagusap sa akin dahil isa na ako sa kanilang amo. Tanging utos lang ni Dymon ang pwedeng masunod. Kapag hindi ka sumunod, isang malakas na sampiga ang dadapo sa iyong mukha.
Nakahiga na ako sa kama ng dumating si Dymon. Napangiti ito nang makita ako ngunit nawala rin bigla ang ngiti sa labi nang mapansin niyang hindi ko suot ang manipis at maikling pantulog na binili niya sa akin.
"Punyeta naman Agatha, talaga bang ako ay binabarino mo?" matapang na sabi nito sa akin.
Napabalikwas ako nang bangon at dali-daling nagpalit nang damit
"So-sorry Dymon," nanginginig ang boses ko maging ang tuhod ko ay nanginginig na rin sa pagtayo. Dahil baka mamaya ay dumapo na naman sa buhok ko ang kamay ni Dymon.
Isang red dress na pantulog ang suot ko. Isang dress na kita na ang clevage at kuyukot ko. Ganoon ang gusto niyang isuot ko kapag matutulog na kami. Malaya niyang nahihimas at nahahawakan ang buong katawan ko kapag ganun ang suot ko.
"Sa susunod, huwag mo nang antayin na magsalita pa ako. Naiintindihan mo?" galit na sabi nito.
"Oo pasensya na, hindi na mauulit." nakatungo kong sabi.
Lumapit ito sa akin at hinawi ang buhok ko.
"Sobrang ganda mo talaga Agatha, kaya mahal na mahal kita e," anito sabay halik sa pisngi ko.
Napapitlag naman ako at iniwas ko ang mukha ko. Pero naiinis si Dymon, hinawakan niya ng mahigpit ang panga ko at pinisil iyon.
"Hanggang ngayon ba talaga hindi mo pa rin maibigay ang gusto ko?" nanlilisik ang mata na turan nito.
"A-aray ko, nasasaktan ako Dymon."
"Kung ayaw mong masaktan huwag mo akong bigyan ng dahilan para saktan ka! Hindi mo ba nakikita, ako na ang nagmamay-ari sa'yo. Lahat ng gusto ko ay dapat mong sundin dahil asawa na kita! Naiintindihan mo ba ha!" pasinghal na tanong ni Dymon,
"Oo Dymon, gagawin ko lahat ng gusto mo," naluluha kong sagot.
Binitawan na rin niya ako sa wakas. Masakit-sakit pa ang panga ko at kumikirot pa ito dahil sa higpit ng kapit.
Gusto ko manglumuha, wala akong magawa dahil ubos na ang luha ko sa mata.
Humiga na ako sa kama, habang si Dymon naman ay nagpalit ng suot na damit.
Alam ko na ang susunod na mangyayari. Gagamitin niya ulit ako, kahit na hindi ako nagalaw ay tuloy lang ang pagpapasarap nito. Sana'y na rin siguro siyang gumamit sa akin na para akong istatwa.
Kahit na pilitin ko ang sarili ko. Hindi ko magawang makaramdam ng pagmamahal kay Dymon. Lalo na at konting pagkakamali ay sinasaktan na niya ako.
Kinabukasan
Umalis nang hacienda ang mag-amang Ignacio, may pupuntahan daw ang mga ito. Sumilip ako sa bintana para alamin kung wala na nga ang mga ito. At nang masigurado kong wala na ay tsaka lang ako bumaba para puntahan ang mga katulong samin.
Iniiwasan ko ang mga CCTV na maaring makita ako. Ayaw ni Dymon na lumabas ako nang bahay. Pero dahil saulado ko na ang buong bahay ay hindi niya nalalaman na ako ay nakakalabas ng bahay.
Pagdating sa baba ay hinanap ko agad si Zenia na kasalukuyang nagwawalis sa labas.
At nang makita niya ako ay niyakap niya agad ako.
"Agatha, kumusta ka sa feeling ni Sir?" Naiiyak na tanong ni Zenia.
"Lalo siyang nananakit kapag hindi ko nagagawa ang gusto niya. Ate, gusto ko nang makatakas sa bahay na ito," naiiyak kong sabi kay Zenia.
"Wala pang pagkakataon Agatha, hindi ko pa naaakit ang guwardya na nagbabantay sa labas. Takot kasi ito kay Don Jose kaya hindi niya ako masunod." Pagpapaliwanag ni Zenia, ang kasambahay na gustong-gusto siyang makatakas kahit na mapahamak pa siya.
"Hindi ko na kayang makisama kay Dymon, hindi malayong patayin niya ako ate," aniya.
"Konting tiis pa, makakalaya ka rin sa demonyong pamilyang iyan." Pagpapalakas loob sa akin ni Zenia.
Ganoon lang naman ang palagi niyang sinasabi sa akin. Magtiwala lang daw ako sa Diyos at makakatakas din ako sa impyernong buhay na ito.
Pero baka mauna pa akong mamatay bago ako makatakas sa impyerno.
"Ate, wala ka pa bang balita sa pamilya ko?" tanong ko,
"Bad news Agatha," malungkot na sabi ni Zenia.
"Anong bad news? Bakit?" muli kong tanong.
"May sakit ang papa mo, nasa hospital siya ngayon. Sabi ng kapatid ko may sakit daw ang papa mo sa kidney at kailangang operahan." malungkot na sabi nito.
"Ano? Diyos ko! Bakit ganito ang nangyayari sa pamilya ko." lalo akong naluha sa sinabi ni Zenia, gusto kong makita ang Papa ko. Gusto kong alamin ang kalagayan niya.
"Magpakatatag ka Agatha, malalampasan mo rin ang unos na dumadaan sa pamilya mo." Anito na pinapalakas ang loob ko.
"Ate, salamat. Kung wala ka, sana'y matagal ko nang kinitil ang buhay ko." Wika ko,
Bakit ba ganito ang nangyayari sa buhay ko. Puro kamalasan na lang, hindi na ba talaga ako sasaya? Kailan ko kaya masisilayan ulit ang liwanag ng araw. Parang habang buhay na akong ganito. At kamatayan lang ang magtutuldok sa aking paghihirap.
Kinagabihan
"Dymon, gusto ko sanang kumustahin ang mga magulang ko. Pwede po ba akong payagan na makita sila kahit saglit lang?" lakas loob kong paalam kay Dymon, pero matalim itong tumingin sa akin.
"Bakit? Sa tingin mo ba may pakialam pa sa'yo ang mga magulang mo? Hindi ka na nga nila binalikan e! Tapos pupunta ka pa roon para kumustahin sila?" anito na parang sinabing huwag na akong mag-abala pang kumustahin sila.
"Pero Dymon, magulang ko pa rin sila. Pakiusap, kahit kaunting oras lang gusto ko silang masilayan." Naiiyak kong paalam sa kanya.
Pero mas lalo pa itong nainis. Hinawakan niya ang buhok ko at sinabunutan.
"A-ah aray ko! Dymon, ang buhok ko! [huhuhu]"
"Kapag alam mong ayoko, huwag ka nang makulit! Habang tumatagal tumitigas ang ulo mo ah!"
"Pero magulang ko sila, kaya gusto ko silang makita Dymon. Parang awa muna..."
"Punyeta ka! Talagang matigas na ulo mo huh!"
Pak! Pak! Pak!
Tatlong malalakas na sapak ang inabot ko kay Dymon. Hindi pa ito nakontento, kinaladkad niya ako sa banyo at doon ay ingi-nungud-ngod sa bath tab.
Inilulunod niya ako sabay iaangat. At nang makita niyang nanghihina na ako ay saka lang niya ako titigilan. Iiwanan na puro pasa sa katawan at may dugo sa labi.
Ganoon ang dinadanas ko kay Dymon kapag hindi niya nagugustuhan ang sinasabi at ginagawa ko.
"Diyos ko, ako na ang nakikiusap sa'yo. Kunin muna ako! Ayoko nang mabuhay, ayoko na sa mundong ito." Naibulong at nadasal ko sa hangin habang nasa gilid ako nang banyo at nakaupo sa gilid.