Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

I Love You at 3 am

minicrepeee
--
chs / week
--
NOT RATINGS
7k
Views
Synopsis
Emory Tyrant is the mayor's craziest daughter in town. No one dares to defy her and no one dares to get in her bad side. But an emotionless guy working part-time in a convenience store is an exception. He's the only enemy Emory could ever think of. But what if time decides to play around and cursed Emory to love her one and only enemy? At exactly 3 am, she found herself falling for the villain. ~•~ A/N: Hi Filos! Ang librong ito ay nakasulat po sa tagalog at kung gusto niyo ng mas maagang update, please do follow me in wattpad ^•^ Username: minicrepeee
VIEW MORE

Chapter 1 - 00:01

Third Person's Pov

"Ry"

"Emory!"

"Hoy, Emory!" Asik ni Ren, ang mga mata nito'y matalim na nakatitig sa kaibigan. Nakakrus ang mga braso nito at nakatayo sa harap ni Emory.

Malamig na pawis ang bumaba mula sa noo ng binata. Mabilis niyang itinulak pataas ang salamin na nagkukubli sa kaniyang mga mata, ang itim at bagsak nitong buhok ay mas nagtago sa mga mata nito.

Isang singhal ang pinakawalan ng binata. "Ano na naman bang trip mo, Ry?! Pagnaubos talaga 'yung bean bread sasakalin kita!" Banta nito.

Ngunit mukhang walang pakialam ang kaibigan nitong si Emory. Tahimik itong nakaupo sa kaniyang silya at ang mga mata nito'y mistulang hindi kumukurap.

"Kanina ka pa nakatitig sa relo mo. Ano bang meron?" Tanong ni Ren na ngayo'y pabalik balik ang tingin kay Emory at sa hallway. Parami ng parami ang mga estudyanteng nagtatakbuhan na animo'y mga zombie. Lahat papunta sa canteen. Kahit ang room nila ay mistulang nadisyerto.

Iba talaga ang nagagawa ng break time.

"Alam mo Ren, may mali eh." Sagot ni Emory habang kinakagat ang kuko. Isang oras na ang nakakalipas ngunit ang atensyon niya'y nasa kaniyang relo pa rin. Nakalatag ang kaniyang kanang braso sa mesa at pinagmamasdan ng dalaga ang bawat galaw ng mga kamay ng relo.

"Parang nang-aasar kasi. Biglang aandar tas biglang titigil tas andar ulit. Aminin mo, binili mo lang 'to sa tsangge noh?" Pagpapatuloy ng dalaga.

Walang magawa si Ren kundi mapabuntong hininga at magsimulang kaladkarin ang kaibigan. Hila hila niya ito habang naglalakad sa pasilyo.

"Ang bibili ng bean bread mamamatay!" Sigaw ni Ren sa mga estudyante, nagbabakasakaling hindi maubusan ng paboritong snack.

Si Ren ay 'di gaanong katangkaran. Kaya naisipan niyang kaibiganin si Emory na 5'7. Tandem sila sa tuwing break time. Ang dalaga ang makikipagsiksikan sa pila habang si Ren naman ang maghahanap ng mauupuan nila. Partners in crime ang dalawa magsimula pa nung grade 7 sila at hanggang ngayon na grade 12 na sila.

Maraming nagtataka kung bakit sa loob ng limang taon ay magkaklase pa rin ang magkaibigan.

Pero hindi naman nakapagtataka, valedictorian si Ren at pinapakopya niya si Emory para 'di ito matanggal sa first section. Stem 'din sila pareho. Dahil walang pangarap si Emory, sumunod na lang siya sa kaibigan.

"Ry, laban!" Sigaw ng binata at tinulak ang kaibigan na walang kamalay malay.

Sa isang iglap, natagpuan ni Emory ang sarili sa gitna ng nagkukumpulang mga estudyante. Mga naguunahan itong makabili at ang pila na paulit ulit pinapatupad ng student council ay mistulang nabaon na sa limot. Parang mga zombie na wala sa wisyo ang mga estudyante. May nagtutulakan, may naglalandian, yung iba nangangagat na.

"Aray, naapakan mo'ko teh!" Reklamo ni Emory habang pagewang gewang ito sa gitna ng mga estudyante.

"Sinusubukan n'yo talaga 'ko ah." Bulong ng dalaga sa sarili. Marahas nitong hinipan ang bangs paitaas. Huminga ito ng malalim at pagdaka'y sumigaw ng pagkalakas lakas.

"BUNTIS AKO!"

...

Katahimikan.

Sa isang iglap, napuno ng katahimikan ang buong paligid. Lahat ng estudyante ay napabaling sa iisang direksyon. Maging ang mga school staff sa canteen ay natigil  sa pagbebenta at gulat na nakatingin sa dalaga.

"B-buntis..." Unti unting naglakad ang dalaga papunta sa harapan habang hawak hawak ang sikmura nito. Bumagsak ang malamig na pawis sa noo ng dalaga, napalunok ito dahil sa labis na tensyon.

"Bilis, Ry..." Sa 'di kalayuan ay kabadong nakatanaw ang kaibigan nitong si Ren, pigil hininga ito habang pinagmamasadan ang kaibigan, nakatayo ito sa isang silya upang makita ang sitwasyon.

"B-buntis...busog lang pala 'ko!" Isang halakhak ang pinakawalan nito habang hinihimas ang tyan na kanina pa niya pilit na pinapalobo. Kasabay ng pagdiriwang ng dalaga ang napakaraming reklamo sa paligid. Agad na nagbalikan ang mga ingay sa canteen at nagsimula na namang magsiksikan ang mga estudyante.

"Ate, ang witty mo, ah!" Sarkastikong sigaw ng isa.

"Salamat sa idea, te!"

"Sanaol!"

"Buntisin kita d'yan eh!"

"Hoy, subukan mong kunin 'yan ngangatngatin ko 'yang mata mo!" Asik ni Emory at agad na dinuro ang isang binata. Muntik na nitong makuha ang natitirang bean bread sa tray.

Agad ipinakita ni Emory ang matalas niyang mga ngipin at nagsimulang ngumatngat ng hangin na para bang zombie. Sa takot na lang ng binata ay inabot n'ya na lang ito sa dalaga.

"Tsk, kamukha sana ni Namra kaso mabangis." Bulong nito sa sarili at saka lumayo kay Emory.

Pagkatapos makuha ang bean bread ay bumaling agad si Emory sa nagtitinda. "Isa pong Asado siopao!"

Ngunit ang ngiti ng dalaga'y mabilis na naglaho ng makita nito kung sino ang nasa harapan. "Ay, ang panget."

"Sigurado ka? Sige, sabi mo eh." Agad na bumaling ang binatang canteen staff sa ibang estudyante.

"Huy, joke lang! Isang asado siopao, kuya! Pogi mo!" Nagsimulang kabahan ang dalaga habang yakap yakap nito ang bean bread ni Ren. Wala itong magawa kundi paulit ulit na isigaw ang Asado siopao habang dedma lang si Blaise.

Blaise Marshall. Ang kaisa-isang nilalang na may lakas loob awayin ang isang Emory Tyrant.

Si Emory ay anak ng mayor ng lungsod kaya naman takot ang lahat na makabangga ito. Idagdag pa na mabangis at may kabaliwan ang dalaga.

Pero walang pakialam si Blaise. Sabi nga ng iba, manhid at wala itong pakiramdam. Pogi sana kaso walang kahit anong bahid ng emosyon ang binata.

"Asado siopaooo!" Pangungulit ni Emory kay Blaise.

"Kuya pogi! You're so hot! You're so sexy! You're so smelly!"

Mabilis na tinapunan ni Blaise ng malamig na tingin si Emory. Kumuha ito ng isang asado siopao at umiling ito habang nakatingin sa dalaga. "Mukhang ayaw mo talaga makakain, ah." Akmang iaabot nito ang siopao sa ibang estudyante kaya naman napasigaw si Emory.

"SORRY! I MEAN YOU'RE SO SMELLY! NICE SMELLY! VERY NICE SMELL!"

"Tss, oh." Iniabot ni Blaise ang siopao sa dalaga. "Ingay mo. Alis na."

"Ibibigay lang pala, naginarte pa!" Hinablot ni Emory ang siopao at agad na iniabot ang bayad. "Pag ako nainis, ipapatalsik talaga kita!"

Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Blaise. "Ikaw ba mayor? Anak ka lang." Ngumisi ito at nagsimulang maglakad palayo upang pagbilhan ang iba.

"Amp! Attitude talaga 'tong tindero na 'to!" Napairap na lang ang dalaga sa inis at nagsimulang maglakad palayo sa mga nagsisiksikang estudyante.

"Ba't ang tagal mo na naman?" Bungad ni Ren sa kaibigan nang makaupo ito.

"Ano pa bang bago? Ayaw na naman akong pagbilhan nung tindero na 'yun." Matalim ang titig ni Emory kay Blaise habang marahas nitong kinagat ang kawawang siopao. Nagsimula na ring kumain si Ren na ngayo'y abot langit ang ngiti dahil sa bean bread niya.

"Eh, ba't ba kayo laging nagaaway ni Blaise? Mabait naman 'yun ah."

"Ewan ko ba dun. Crush ata ako."

Agad na tumigil si Ren sa pagnguya at ngiwing tinitigan ang kaibigan. "Kadiri ka, Ry. Assuming."

"Tss, ewan ko rin talaga! Magsimula nung pinakyaw ko yung siopao sa convenience store na pinagtatrabahuhan niya, nagsimula na 'yan mang away. Di'ba dapat natuwa pa siya?! May saltik ata talaga 'yan eh." Kwento ni Emory. Nagulat din siya ng makita ang canteen server na nagtatrabaho sa kalapit na store ng kanilang tahanan.

Si Blaise ay nagtatrabaho rin kasi tuwing gabi sa Goodbye, isang kilalang convenience store. So he's a canteen server at day and part-timer in a convenience store at night.

Ngunit napabuntong hininga na lang si Emory ng mapansin na hindi nakikinig si Ren. Busy sa pagnguya ng bean bread niya. No choice kundi tumahimik ang dalaga dahil wala na itong makausap.

Ngunit habang kumakain, hindi maiwasan ni Emory na mapatingin muli sa kaniyang relo. Hindi niya alam kung bakit, ngunit may kakaiba siyang nararamdaman sa tuwing maaalala niya ang regalo na ibinigay ni Ren.

Kulay kape ang manipis nitong strap at mukha itong vintage watch. Ang mga numero nito ay nakasulat in Roman numerals.

Parang may mali sa relo ngunit bukod sa patigil tigil ito ay wala namang kakaiba dito. Hindi niya rin talaga alam kung ano ang nararamdaman niyang kakaiba.

"Nakatingin ka na naman sa relo mo?" Tanong ni Ren na nakakuha ng atensyon ni Emory. Lumunok ang binata at pinunasan ang kaniyang labi gamit ang isang puting panyo. "Di mo agad sinabi na mahilig ka pala sa relo. Edi sana matagal na kitang niregaluhan n'yan."

Mabilis na lumunok ang dalaga at pinunasan ang kaniyang labi gamit ang nakakuyom na kamao. "Hindi naman sa mahilig ako sa relo pero para kasing," Napakamot si Emory dahil 'di rin niya maintindihan ang sarili. "Ewan. Wala lang ata 'to, gutom siguro." Nagkibit balikat ang dalaga.

"Parang may kakaiba?"

"Ha?" Tanong ni Emory. Hindi nito narinig ang sinabi ng kaibigan.

"Wala," Itinulak pataas ng binata ang kaniyang mga lente, isang ngisi ang sumilay sa labi nito.

"Sabi ko advance happy birthday."