Third Person's Pov
"Gusto mong malaman?"
Agad napaayos ng upo si Emory. Ang mga mata nito'y nabaling sa katabi.
'He looks friendly.' She thought, staring at the stranger beside her.
The old man had some few grey streaks on his hair, a faded maroon baseball cap sitting on his lap, and a brown satchel is hanging on his shoulder.
"Ano pong kailangan mo, lolo?" Tanong ni Emory.
'Even though he looks friendly, I should be wary.'
Ito ang tumatakbo sa isip ni Emory. Ngunit agad siyang napangiti ng mapagtantong rhyming ang mga binitawan niyang salita.
"Feeling ko ako ang mas dapat magingat sayo," Umusog palayo ang matanda sa kinauupuan. "Mukha kang may sapi."
"Grabe ka naman po! Wala na'kong sapi natanggal na!"
"Pero babalik pa rin 'yan."
"Po?" Tanong ni Emory dahil hindi niya narinig ang sinabi ng matanda. Bigla kasing bumusina ng malakas ang bus na sinasakyan nila.
Ngunit nabaling ang atensyon ng dalaga sa kamay ng lolo. He's wearing the same exact wristwatch like her. Pareho ng disenyo at nagkaiba lang sa kulay. Kape ang kulay ng strap ni Emory samantalang itim ang sa relo ng matanda.
"Hala, pareho po tayo!"
"Kaya nga kita tinatanong," Wika ng matanda. "Gusto mo bang malaman kung anong meron d'yan?"
Naguguluhan man ay tumango si Emory.
Inilahad ng lolo ang kaniyang palad. "Five hundred pesos."
"Sabi na, budol 'to eh!"
"Eh 'di 'wag. Bahala ka d'yan."
Pinagkrus ng matanda ang mga braso at ngumuso na parang bata. Walang magawa si Emory kundi mapasinghal na lang sa inasal ng lolo.
"Nagsasabi ako ng totoo. Hindi dapat ako mangingialam dahil wala na'kong karapatang gawin iyon, ngunit mukhang may problema ka at ng kaibigan mong apat ang mata."
Kilala n'ya si Ren?
Agad napaayos ng upo si Emory, ang mga kilay nito'y nakakunot. Gusto niyang paniwalaan ang matanda ngunit dahil sa mundo ngayon, hindi n'ya maiwasang maghinala.
"Sabi naman sayo iha," Ipinagkrus ng matanda ang mga binti, taas noo habang isang ngisi ang sumilay sa labi nito. "hindi ako budol, legit 'to. Sa akin galing ang relo na 'yan at ipinagbili ko sa kaibigan mo."
Nagisip saglit si Emory. Hindi parin s'ya gaanong kumbinsido kaya naman naisipan n'yang imbestigahan pa ang misteryosong lolo.
"Sige nga po, anong hitsura ng kaibigan ko, saan niya nabili ang relo at kailan?"
Wala pang isang segundo ay sumagot na ito. "Renato Batumbakal Jr., hindi katangkaran, ang buhok nito'y halos nakatakip na sa kanyang mata at binili niya ang relo sa kabilang iskinita ng paaralan niyo, bago sumapit ang kaarawan mo," Ngumiti ito ng makahulugan.
"Emory."
Nangilabot ang dalaga ng marinig ang kaniyang pangalan. Sigurado s'yang hindi n'ya ito binanggit, kahit ang pangalan ng matalik n'yang kaibigan ay hindi n'ya sinabi.
Ang mga mata ng matanda'y diretso ang tingin sa unahan, at sa 'di malamang dahilan mistulang nagdilim ang kabuuan ng behikulo. Parang humina ang takbo nito, parang naging bulong ang mga tinig ng pasahero at ang buong atensyon ni Emory ay napukol sa misteryosong estranghero na nakaupo sa kan'yang tabi. Mistulang lumakas ang bawa't pitik ng mga kamay ng kaniyang relo at dinig na dinig niya ang bawat pintig nito.
"Batid kong may nangyayari sa'yong kakaiba. Bigla nalang tumibok ang puso mo sa hindi mo inaasahang tao, bigla na lang tumigil ang mundo, ang oras, ang segundo, magmula ng makita mo sya sa ikatlo ng umaga,"
Napahugot ng hininga ang dalaga ng lumapit ang matanda at bumulong sa kaniyang tainga. "Umiibig ka,"
"Pero sa maling tao, iha."
"Para! Kuya, para po!"
Mistulang nabalik sa reyalidad si Emory nang sumigaw ng pagkalakas lakas ang isang pasahero. Nagbalik sa normal ang lahat; ang takbo ng behikulo, ang ingay ng mga pasahero, ang liwanag na sumisilip sa mga sumasayaw na kurtina.
"Hanggang dito na'lang ako."
Tumayo na ang matanda at isinuot ang hawak hawak nitong sumbrero. Magtatanong pa sana si Emory ngunit isang papel na nakatiklop ang inilagay ng lolo sa kaniyang palad.
"Kung gusto mong matigil ang lahat, sundin mo ang nakasulat d'yan at magiingat ka," Nagpalinga linga ang matanda na para bang walang dapat makarinig ng mga susunod nitong salita. "Hindi birong makipaglaro sa oras."
Nagsimula ng maglakad palayo ang matanda at naiwang lito ang dalaga. Parang sasabog ang utak nito sa lahat ng narinig. Hindi n'ya alam kung alin ang totoo, kung alin ang biro.
Pero sigurado s'yang may mali. At nagsimula ang lahat dahil sa kan'yang relo.
"Iha,"
Muntik ng mapasigaw si Emory nang sumulpot muli ang matanda sa harapan niya. Mukhang sa kanilang dalawa, parang mauuna pa s'yang atakihin sa puso.
Inilahad ng lolo ang kanyang palad at ngumiti ng pagkalaki laki. "Five hundred pesos ko?"
iii
"Adik ba siya?"
Halos mangunot ang buong hitsura ni Emory nang buksan ang maliit na papel na bigay ng lolo.
Pagkatapos niya bigyan ng limang daang piso ang matanda at nang makalabas na ito ng bus ay dali daling binuklat ni Emory ang papel. Nagsisinungaling siya kung sasabihin n'yang hindi s'ya naintriga dahil ang totoo, kuhang kuha nito ang buo niyang atensyon.
Pero mukhang nabudol nga talaga siya.
Sinilip muli ni Emory ang laman ng papel, nagbabakasakali na namalik mata lang siya ngunit kahit anong gawin niya ay ganun talaga ang laman ng papel.
Here's the list to fix the time,
1. a sack of walnut
2. a pouch of magical glitter
3. hair strand from the time council
4. a teardrop from the person you love (at exactly 3 a.m.!)
5. love letter straight from your heart
If you succeed on item one, proceed to me and I'll give you further instructions. May the odds (and time) be with you.
Goodluck.
"Pero taray, ang galing mag-english ni lolo." Napatawa nalang si Emory sa sarili. Ito ang unang pagkakataon na nabudol siya sa bus.
Pero budol nga ba?
"Hayaan na. Five hundred pesos lang naman." Bumuntong hininga ito at isinandal ang likuran sa upuan. Ang mga mata niya'y nakapako sa papel na nasa kaniyang palad. Hindi n'ya alam kung itatapon n'ya ba ito sa labas ng bintana o itatago.
"Bawal magkalat. Dahil mabait akong mamamayan, hindi ako magkakalat." Kumbinsi ni Emory sa sarili at isinilid ang papel sa bulsa ng kaniyang hoodie.
Isang tao lang ang makakasagot kung totoo ba ang lahat.
"Para po!" Tumayo si Emory sa kaniyang kinauupuan at nagsimula ng kunin ang kaniyang mga gamit.
Pagkatapos makuha ang mga maleta at bag ay bumaba na si Emory sa bus.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ng dalaga, ang mga mata nito'y nakapako sa malaking gusali na nakatayo sa 'di kalayuan. Tanaw niya ang ilang pasyente na naglalakad lakad, ang iba'y nakaupo sa kani kanilang mga wheelchair, ang iba'y inaalalayan ng kani- kanilang kamaganak, ngunit karamihan ay ng mga nars.
"Sana masagot mo ang lahat, Ren."