Chereads / I Love You at 3 am / Chapter 7 - 00:07

Chapter 7 - 00:07

Third Person's Pov

Wala pa'ring ekspresyon sa itsura ni Blaise, ngunit para kay Emory ay nakakunot ang kilay nito.

"What mission?"

"Here." Inilapag ni Emory ang papel sa mesa. Kinuha ito ni Blaise at pagkatapos ng ilang segundo ay ibinalik niya rin ito.

Wala mang ekspresyon, alam ni Emory na hinuhusgahan siya nito.

"Are you crazy?"

"Yes, thank you." Sagot ng dalaga. "But really, you have to do a mission with me. I can't take this anymore. I have a feeling someone will appear again and try to hunt me as long as the curse is still here." Her eyes darted at her watch.

Naisipan na'rin ni Emory na itapon ang relo pero hindi n'ya magawa. Hindi n'ya kaya.

It's from Ren so how could she?

"Kinakabag ka ba?"

Agad sinamaan ng tingin ni Emory ang kasama. Iniwas niya agad ang tingin dito dahil sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata ay 'di niya maiwasang mapangiti. Kinikilig siya, anak ng tokwa.

Ba't ba kasi ang lapad ng balikat n'ya? Tapos ang tangkad pa. Ang bango bango rin nito sa tuwing malalapit kay Emory at parang hindi pinagpapawisan.

Emory cleared her throat and tried to focus. "Whatever you say, we're going to do this. First things first," Kinuha ni Emory ang papel at itinuro ang una sa listahan, pinipigil ang sarili na tumili dahil nasa tabi lang niya si Blaise.

The way his arm slightly brush on her shoulder makes her want to scream.

She cleared her throat again. "A sack of walnut. Pretty easy, right? The question is, how in the world are we going to find Lolo Ben? It says here," Itinuro ni Emory ang bandang ibaba ng papel. "To proceed to Lolo Ben once item one is done."

"I don't want to listen." Wika ni Blaise at nagsimulang maglakad papuntang counter. Hindi na bago sa kaniya sa tuwing may kabaliwan na ginagawa si Emory. Marami na itong ginawang kalokohan para lang mauna sa pila sa canteen at makabili ng bean bread at asado siopao.

"It's fine! I don't need you to listen," Emory answered and followed the guy. "I need you to listen CAREFULLY."

Tinapunan lang siya ng malamig na tingin ng binata.

"Pakipot ka pa ha, crush mo lang naman ako!" Asik ni Emory.

"Utot mo." Sagot ni Blaise kaya naman nakahinga ng maluwag ang dalaga.

'Buti naman bumalik na siya sa normal.' Ito ang tumatakbo sa isipan niya. Nang mga nakaraang araw, hindi kumportable si Emory dahil mistulang naging mabait si Blaise. Tinulungan pa siya nitong magdala ng kaniyang mga maleta at nilibre pa siya ng tatlong asadong siopao. Nung una naisip niya, baka nasapian si Blaise. But thinking back, maybe he put a temporary pause into their never-ending fight because he knows what happened to Emory's only friend.

Maybe it was a ceasefire.

Now, he's an annoying enemy again. That's better than him being kind to her. It will only worsen the situation if Blaise became too kind to her.

Ang nakakainis lang, kahit na anong gawin nitong pangaasar kay Emory ay 'di siya makaramdam ng galit kundi kilig.

Kaunti na'lang talaga at tatakbo na siya parehab center.

"Amoy expensive ang utot ko." Sagot ni Emory. "Sige, ganito na lang. What if I hire you instead? Be my escort all throughout the mission."

Tinaasan lang siya nga kilay ng binata. "I can't be bought if that's what you're thinking."

"Twenty thousand," Taas noong sambit ni Emory. "For a week, I'll pay you that much."

He gave her a cold shoulder.

"Thirty thousand?"

Naubo si Blaise. Nakatalikod ito at nagaayos ng mga magazine. Akala ni Emory ay hindi ito sasagot.

"Higher."

Isang ngisi ang sumilay sa labi ni Emory. "Forty thousand."

"Higher."

Napalunok si Emory. "Fifty thousand?"

Mabilis na humarap si Blaise at idinantay ang kaniyang mga braso sa counter. "Are you sure?"

"Ah, yeah- yes I think so?" She let out a nervous laughter.

Patay ako nito kay daddy.

Anong irarason ko? Na nainlove ako sa kaaway ko at kailangan ko siyang isama sa isang misyon para matigil ang sumpa sa relo ko? Na kailangan ko siyang isama kasi bawat oras hinahanap hanap siya ng paningin ko?

"For a week you say..." Nilabas ni Blaise ang isang maliit na notebook at para bang nagkakalkula ito.

Anak ng tokwa. Ang pogi.

Hindi maiwasang mapatitig ni Emory sa binata. Nakadantay ito sa counter at mahina ang boses nito, nagiisip kung paano at sino ang magcocover sa kaniya sa mga susunod na araw. Hindi naman pwedeng mawala na lang siya bigla bigla sa tuwing shift niya sa convenience store.

'Teka, ba't parang magtatanan kami?' Napaisip si Emory dahil parang nagbibilang ng pera si Blaise para sa gatas ng kanilang anak. Inilagay pa nito ang lapis sa tainga.

"Wag ka magalala," Bago pa makapagisip si Emory nauna na ang dila niya. "Ako ng bahala."

Umangat ang paningin ng binata at napatitig sa dalaga. Kung ibang tao ang kaharap ni Blaise, hindi nila mapapansin ang pagliit ng mata nito ngunit napansin 'yun ni Emory.

Tahimik itong nakatitig sa dalaga. Ngunit maya maya's nagsalita si Blaise.

"Do you like me?"

ANAK NG TOKWA.

Agad nakaramdam ng kaba si Emory. Napuno ng tensyon ang buong paligid at nanlamig ang kaniyang mga kamay. She wants to break the eye contact but if she do that, Blaise will immediately notice her feelings for him.

Mabilis ang pagkabog ng kaniyang dibdib at halos hindi ito makahinga dahil sa lapit ni Blaise. Masyado siyang malapit, masyado siyang nangaakit.

Anak ng tokwa, saksakan ng pogi!

"My life is in danger," Bulalas ni Emory. Hindi niya alam kung san nanggaling 'yun pero bahala na. "I receive threats so I can't just walk around without protection. That's why I need to hire a bodyguard and if I'm going to hire one I would be needing someone who won't make me feel guilty even if he dies,"

Itinuro nito ang binata. "That's you. You're the perfect candidate, no- the only candidate."

Paniwalaan mo'ko please. Kung hindi, iuuwi kita. Ipapatumba kita kay Kuya Giov at isasakay sa puti kong van.

"Kailan tayo magsisimula?" Tanong ni Blaise habang nakakrus ang mga braso. Nakahinga naman ng maluwag si Emory dahil nauto niya ang crush niya.

"Tomorrow."

"Huh?" Again, Blaise is emotionless but Emory thinks he was surprised.

"You said it's up to you how to find someone to cover my shift. How can you find someone that fast?" He continued, doubting if Emory's really sane or not.

"My boy," Emory grinned, pulling a shades from nowhere, wearing it on like some huge millionaire. "Let the boss handle everything."

iii

Kinaumagahan, hindi alam ni Blaise kung pano magre-react.

"Here's the new owner. Blaise, greet your new boss." Wika ng dating may-ari ng convenience store.

At ang bagong may-ari ay walang iba kundi si Emory Tyrant, nakangiting malapad habang may dala dalang isang sako ng walnut.