Isang malakas na pagsabog ang dumagundong dahilan upang mabaling ang tingin ng dalawa sa harapan. Patuloy na nakikipaglaban si Giel sa matanda habang nagsimulang atakihin ng batang babae si Giov. Hindi makapaniwala si Emory sa mga nasasaksihan.
"How could she lift that sword with ease?!" Halos mahulog ang panga ni Emory nang makita kung gaano kabilis kumilos ang batang babae. 'Di niya masundan ang bawat galaw nito. Mabilis nitong inatake ang kaharap gamit ang sandata ngunit nakaiwas si Giov.
"Sria, time is ticking." The old man mumbled impatiently, giving a short gaze at the little girl. Giel swung his baton with full speed but his every attack was futile. The old man was dodging every single one of them with ease. It was obvious Giel was having a hard time.
"Then cover for me, grandpa!"
"Grandpa?" Napangiwi si Emory. Ngayon lang siya nakakita ng like grandfather like granddaughter trope.
"No," Ani matanda. Nangilabot si Emory nang ngumisi ito sa kaniya sa kabila ng pakikipaglaban kay Giel. "Cover for me."
"Tsk, fine."
Isang malakas na atake ang pinakawalan ng batang babae. Halos mapasigaw si Emory nang makita kung paano tumalsik si Giov. Ang katawan niya'y sumalpok kay Giel at pareho silang tumalsik sa isang tindahang gawa sa kahoy. Nasira agad ang mga materyales at halos manghina ang tuhod ni Emory, awang awa sa kalagayan ng mag-ama. Walang segundong sinayang ang batang babae at lumundag patungo sa dalawa na kasalukuyang binabalanse ang kanilang mga sarili.
"Kuya Giov! G-!" Hindi na maituloy ni Emory ang sasabihin. Halos hugutin ang hininga ng dalaga nang makaramdam ito ng mabilis na paggalaw mula sa kaniyang likuran. Paglingon niya ay bumungad ang hitsura ng matanda, malapad ang ngisi, ang mga mata'y halos bumulwak sa galak nito. Tumawa ito ng nakakahindik. "Huli ka."
Akmang aabutin nito ang balikat ng dalaga ngunit isang malakas na sampal sa palad ang natamo ng matanda. Mabilis na humarang si Blaise sa pagitan nila ni Emory, ang isang kamay nito'y mahigpit pa ring nakahawak sa dalaga.
"Back off." Matigas ang bawa't salita ng binata. Matalim ang titig nito sa kaharap, ang paghinga nito'y naging mabigat.
Napabuga ng hangin ang matanda na para bang nangaasar. Inalis nito sandali ang sumbrero sa ulo, pinapagpag ang bawa't duming makita rito. "Ayaw mo bang matanggal ang sumpa sa kaniya, iho? Kung ibibigay mo sandali ang dalaga, wala na sa'yong manggugulo," Ngumiti ito ng malapad. "Matatahimik na ulit ang buhay mo. 'Yun ang gusto mo di'ba?"
Nanatiling tahimik si Blaise. Ang mga mata nito'y mapagbanta.
"Di ka ba naiirita d'yan?" Pambungad ng matanda. "Ilang beses na ring naiinis ang mga katrabaho mo sa canteen ng eskwelahan. Lagi mo kasing pinipilit na isama ang paborito niyang pagkain sa menu." Wika ng matanda dahilan upang mangunot ang kilay ni Emory.
"Alas tres na alas tres ng umaga ginugulo niya rin ang trabaho mo. Napagalitan ka pa ng boss mo nung isang araw dahil sa kinailangan mo siyang ihatid pauwi. Ayaw niya kasing makinig, eh. Masyadong maraming pribilehiyong nakuha kaya matigas ang ulo, di'ba iha?"
Natamaan ng mainam ang dalaga.
Hindi alam ni Emory kung anong gagawin. Wala siyang karapatang magalit. Totoo lahat ng sinabi ng matanda. Matigas ang ulo niya. Hindi siya nakikinig sa iba kundi sa sarili lang. Sanay siya na ipinipilit kung ano 'yung matipuhan niyang gawin, hindi siya tumitigil hangga't makuha ang gusto niya.
Ngayon lang niya na-realize kung gaano niya nagambala ang buhay ni Blaise. Aware siya na busy ito, na palagi itong nagtatrabaho upang kumayod ngunit wala siyang ibang ginawa kundi manggulo sa buhay ni Blaise. Tinamaan si Emory ng matinding hiya. Napayuko ito ng ulo, at sa pagkakataong 'yun, gusto na lang niyang isuko ang sarili sa matanda.
Sino ba naman ako para ilagay sa pahamak ang buhay ng iba?
Kasalanan ko lahat 'to.
Hindi na dapat pa kami tumuloy. Hindi ko na sana pinilit 'yung gusto ko.
Hindi ko na sana dinamay si Blaise.
Napakaraming bagay ang tumatakbo sa isip ng dalaga. Sa unang pagkakataon, pinagsisisihan ni Emory ang maling desisyon na nagawa niya.
Sa unang pagkakataon mas ginusto niyang harapin ang konsikuwensiya ng magisa.
"Blaise."
"What?"
"You can let go now."
Napuno ng katahimikan ang paligid. Tumigil ang batang babae sa pagatake sa mag-ama na kapuwa humahangos na sa pagod.
Ngunit mas hinigpitan ni Blaise ang hawak kay Emory.
"If this goes on, you'll be in danger, too. Do you want that?" Mahinang wika ni Emory. "Just go, Blaise. This is none of your business."
But Blaise remained standing in front of her, not moving an inch. Emory can't see his face, only his broad shoulders, but perhaps, she thought, he still has that emotionless expression he always have.
"I'll die for you," He looked over his shoulder. "That's what the contract says, right?"
"Blaise, it's not-"
Agad umatake ang matanda papunta kay Blaise. Mabilis nitong inilagan ang bawat atake ng matanda. Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ng dalaga kahit anong mangyari. Mas binilisan ng kalaban at muntikan nang mahagip ng talim si Blaise, nakita ni Emory kung paano naputol ang ilang maliliit na piraso ng buhok ng binata.
"Blaise, on your left!"
Mabilis na umatake ang batang babae sa direksiyon ni Blaise, may malapad na ngisi sa labi nito.
"Take this, you idiot!"
The girl swung her little sword and everyone gasped when they saw what happened. Even the enemy was taken aback by what he did.
"B-Blaise."
He took the blow, catching the sword on his hand, blood started to trickle down his palm.
Sria tried to withdraw the sword but Blaise was holding onto it tightly. She gritted her teeth and used both of her hands but his grip was just too tight.
He leaned over, his cold gaze making the girl flinched. "Learn to respect someone older than you."
Blaise kicked the sword she was holding and Sria flew meters away from them but she was able to regain her balance quickly. Giov and Giel immediately blocked her path and tried to make her busy.
"Who gave you permission to do that?"
Mas lalong nagdilim ang paligid. Kung hindi lang dahil sa buwan at nagliliwanag na hourglass ay halos wala ng makita ang apat.
Napakatalim ng titig ng matanda kay Blaise, ang mga kamao nito'y nakakuyom. Nagsimulang magiba ang ihip ng hangin at napansin ni Emory na mas bumilis ang bagsak ng mga buhangin papunta sa ibabang parte ng hourglass.
"Blaise ang kamay mo." Hindi maiwasang magalala ni Emory. Patuloy ang pagtulo ng dugo sa kaniyang palad. Mabilis na kinagat ni Blaise ang dulo ng kaniyang damit at pumunit ng kapirasong tela. He bit the cloth and wrapped it around his palm.
Gustuhin mang kumawala ni Emory sa hawak nito ay hindi niya magawa. Ang higpit pa rin ng hawak ni Blaise.
"Malayo sa bituka." Wika nito.
Bakit parang sanay na sanay 'tong makipagbasag ulo? Gangster nga ba talaga si Blaise?
Gustong sampalin ni Emory ang sarili dahil kung anu-ano namang pumapasok sa utak niya.
Mabilis na tumakbo ang matanda sa kanilang direksiyon. Ngayon, alam nilang seryoso na ito, ang mga mata nito'y nakatutok lamang sa binata.
"Blaise!"
Mabilis na inihagis ni Giel ang kaniyang baton at kaagad itong sinalo ni Blaise upang magdepensa laban sa atake ng matanda. Hindi maiwasang humanga ni Emory sa nasasaksihan. Agad sinipa ni Blaise ang matanda at bago pa ito makaiwas ay natamaan niya ito. Nasusundan niya ang bawa't galaw ng matanda, umaatake ito and at the same time sinasalo lahat ng atake na pinapakawalan ng lolo tungo sa direksiyon ni Emory.
Mabilis na sumugod si Giel at tumulong sa laban. Nahahalata na ni Emory ang mabigat na paghinga ni Blaise, ilang malalamig na pawis ang bumabagsak mula sa noo nito.
"Ayos ka lang?" Sumilip ito at agad natigilan nang makitang namumutla na ang kasama. Ang mga mata ni Emory ay dumako sa sugat ng binata at agad niyang hinawakan ang palad nito. Ang mga ugat nito ay nagsisimulang magkulay byoleta.
"I-is this some sort of poison?!" Naalarma si Emory, ang mga kamay nito'y magsimulang manginig. Sandaling lumingon si Giel sa gitna ng pakikipaglaban at napamura nang makita ang palad ni Blaise.
"I-I'm going to call dad!" Nanginginig na kinuha ni Emory ang kaniyang cellphone mula sa bulsa ng kaniyang pulang hoodie. Pipindutin na sana nito ang call button nang bigla siyang pinigilan ni Blaise.
Ang mga talukap ng binata'y naging mabigat. Ang boses nito'y mas naging mahina kumpara sa normal. "If you're going to call him what will happen?"
"Of course, help will arrive!"
"No. What would happen to you?"
Napatigil si Emory. Gusto niyang suntukin si Blaise ngunit 'di niya magawa dahil sa kalagayan nito. "Is that even important right now?! Blaise, you're poisoned! We have to call for help!"
Akmang pipindutin na ni Emory ang dial button nang biglang sumigaw si Giel.
"EMORY, RUN!"
Halos bumagal ang ikot ng mundo. Sa pag-angat ni Emory ng kaniyang paningin ay nakita niya ang matanda sa ere, ang sandata nito'y nakatutok sa kaniya. Hindi maigalaw ni Emory ang kaniyang mga binti. Sobrang bilis ng mga pangyayari.
I'm going to die.
I'm really going to die.
"Don't look."
Nabalik sa reyalidad si Emory nang hinigit siya Blaise at niyakap ng mahigpit. He was too tall Emory couldn't see anything. But when she realized what's about to happen she started screaming and pushing Blaise away from her.
Pero huli na. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Masyadong mabilis ang takbo ng oras. Nakita ng dalaga ang papalapit na talim sa likuran ng binata. Marahang tinakpan ni Blaise ang mga mata ni Emory, ang mga luha ng dalaga'y nagsimulang bumagsak sa kaniyang mga mata.
Why would he do this?
We're enemies, right?
We're supposed to fight against each other.
We're supposed to laugh when one of us is in danger.
Why should he act differently this time?
Why sacrifice himself for me?
And then Emory heard a finger snap.
One second,
two seconds,
three seconds.
Nothing happened.
Dahan dahang ibinaba ni Emory ang kamay ni Blaise na nagtatakip sa kaniyang mga mata. Halos manghina ang kaniyang mga tuhod nang makitang tumigil ang paggalaw ng matanda. Ganun din ang batang babae. Mistulang nagfreeze ang mga ito sa ere. Ang liwanag sa loob ng hourglass ay naglaho at tumigil na sa wakas ang mga buhangin sa paggalaw. Nagliwanag na muli ang paligid, ang araw palubog pa lamang.
The tip of the old man's sword was so close to Blaise but it stopped just in time.
"Sorry, na-late. Nagtimpla pa'ko, eh hehe."
Ang mga mata nila'y dumako sa kararating pa lang. May suot suot itong pulang baseball cap at kulay brown na bag. May hawak hawak itong mug at amoy ni Emory ang aroma ng kape mula sa tasa.
Lolo Ben smiled and waved his hand. "Hi guys."