Third Person's Pov
4:00 pm
Nawala na pansamantala ang bisa ng sumpa kay Emory kaya naman balik na uli sa normal ang pakikitungo nito kay Blaise.
"You said you need a bodyguard but you already have two."
Napatigil si Emory, gulat na nilingon ang binata. "How did you know?"
Blaise sighed, dropping the sack of walnut at the ground. "They've been following us since a while ago."
Blaise and Emory are on their way to find Lolo Ben. As far as Emory remembers, Ren said he met the old man at the next street from their school. That's where the two are going.
Emory snapped her fingers, still in shocked. "Kuya Giov, you can come out. We're busted." It's the first time someone ever noticed the two. How did he know?
Maya maya ay sumulpot na parang kabute si Giov at Giel, nakasuot ng mga formal suits.
"Hi, babe!" Bati ni Giel, nakapamulsa at maangas na tiningnan si Blaise. "Ito ba 'yung pinalit mo sa'kin? Mukhang lamang ako sa ligo."
"Tinawag ba kita?" Sarkastikong tanong ni Emory.
"Hindi, pero alam ko gusto mo 'kong tawagin. Nahihiya ka lang."
Napaface palm na'lang si Emory. "They're my bodyguards."
"So, why do you even need me?"
"I need a bodyguard who can DIE for me. They're not fitted for that. No one is, except you."
"I didn't say I'd die for you."
"Bawal na bawiin, nakapirma ka na." Pangaasar ni Emory at iwinagayway ang kontrata.
"That wasn't written yesterday." Kung nakakamatay lang ang tingin matagal ng tigok ang anak ng mayor. Sa ilalim ng printed na mga letra ay halatang halata ang mga isiniksik na letra ni Emory gamit ang pulang ballpen.
"Huh? Wala 'ko marinig." Pagmamaang maangan ng dalaga at nagpatuloy na sa paglalakad. Nasa magkabila niya si Giov at Giel samantalang nasa likod si Blaise.
"Why am I even the one carrying this?" Pagrereklamo ni Blaise, dala dala ang isang sako ng walnut sa kaniyang kanang balikat. Akala ni Emory 'di n'ya ito mabubuhat pero nagawa pa nitong isilid ang isang kamay sa bulsa.
"Alangan 'yung boyfriend magdala?" Singit ni Giel habang nakaturo sa sarili.
Mabilis na sinapak ni Giov ang anak. "Shut up."
"Because you're the highest paid?" Sagot naman ni Emory. Hanggang ngayon gusto pa'rin niya sabunutan ang sarili dahil 'di ito nakatiis noong madaling araw at bigla bigla na'lang inaya ang binata sa misyong ito. Kung pwede lang ibalik ang oras.
Nang marating nila ang kabilang kanto ay mistulang natigilan ang apat. Hindi maipinta ang itsura ni Emory samantalang nangunot ang kilay ni Giov.
"Anyare dito?" Tanong ni Giel. Nauna ito sa paglalakad, inoobserbahan ang bawat sulok ng kalye.
"Sabado ngayon di'ba?" Mahinang tanong ni Emory.
"Yeah." Blaise stood next to her, staring at the street.
It's empty. The whole street is deserted. Wala ni isang anino ng tao na makikita. Sa pagkakatanda ni Emory, napadaan na'rin siya sa kalyeng ito noon at punong puno ito ng mga tindahan. Maingay ang kalye at hindi ito nauubusan ng tao. Ngunit wala ni isang anyo ng buhay na makikita ngayon dito. Puno ng katahimikan ang lugar at tanging ang ihip ng hangin ang maririnig.
"Masama kutob ko rito," Nilingon ni Kuya Giov ang dalaga. "Miss Emory, baka mapanganib ka lang kung tutuloy tayo."
Pinagmasdan ni Emory ang kahabaan ng kalye. Sa totoo lang, may nararamdaman din ang dalaga na kakaiba. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang matandang nakaharap niya kagabi. Mukha itong nagbabanta, naghihintay ng tamang oras upang atakihin siya. Ngunit ayaw niya magpadala sa takot. She's not Emory Tyrant if she doesn't have a bit of craziness.
"Tuloy tayo," Saad nito. Napatingin sa kaniya ang tatlo. "But if something dangerous happens then we retreat."
Tinanguhan ni Giov si Giel at nagsimula na ang binata na maglakad sa unahan ni Emory, nakapamulsa pa ito at mahinang sumisipol habang pinagmamasdan ang nadisyertong kalye. Nasa gitna ang dalaga samantalang pumwesto si Giov sa likuran, kasabay ni Blaise.
"Panilyar ang mukha mo iho," Pasimpleng wika ni Giov, ang mga mata nito'y nagbabantay sa paligid. Hininaan nito ang boses upang 'di marinig ni Emory. "Nagkita na ba tayo?"
Nagkibit balikat si Blaise. "Not sure. I'm not good at remembering faces."
Mabilis na tinapunan ng tingin ni Giov ang binata. Sa dami ng kaniyang nakakasagupa, hindi na niya maalala kung isa ba si Blaise sa maraming taong nagtatangka sa buhay ng mayor at ng anak nito. Ngunit unang kita niya pa lang sa binata, alam na niyang hindi niya gusto ito. Iba ang pakiramdam niya kay Blaise.
"Hindi ko alam kung anong intensyon mo sa paglapit kay Miss Emory, pero kung may binabalak kang masama itigil mo na ngayon pa lang. Hindi mo gugustuhing kalabanin ang anak ni Mayor."
Hindi na umimik pa si Blaise. Alam nitong binabantayan ni Giov ang bawat kilos niya. Napansin niya ito simula pa ng gabing niyaya siya ni Emory sa kakaibang misyon.
Sa totoo lang, alam ni Blaise na may bodyguards si Emory. Matagal na.
"Stop."
Napatigil ang lahat ng biglang itinaas ni Giel ang kaniyang kanang kamay, ang mga mata nito'y diretso ang tingin sa kalye. Pare pareho nilang sinundan ang tingin ni Giel ngunit walang kahit ano mang bakas ng tao sa paligid.
"Labas na. Huli na kayo." Wika ni Giel, nakapamulsa. Ang dating mapaglaro nitong ugali ay mistulang naglaho.
"Magaling ka, iho. Gusto mo bang magtrabaho kasama namin? Minsan lang ako magalok."
Maya maya'y sumulpot ang isang matanda. May hawak hawak itong pocket watch sa kamay. He was wearing a brown trench coat and fedora hat. Napansin ni Emory ang katagang 'Time Council' na nakaburda sa kwelyo nito.
Sa likuran niya'y may batang babae. She looks twelve or thirteen. Ang mga mata nito'y nakatutok lamang sa nilalarong hourglass. Pareho sila ng suot ng lolo.
"You-!" Napaturo si Emory ngunit agad din tumiklop ang daliri nito. Bawal daw kasi manduro ng matanda sabi ng mama niya.
But yeah, it was the same old man he met last night.
"I knew it! It wasn't an accident!"
"Of course it wasn't," The old man chuckled. "We need to take you into custody. The time council awaits for you." He said, staring straight at Emory.
Humarang si Giel, ang mga malapad nitong balikat ang dahilan kung ba't wala ng makita si Emory. Nagpunta rin sa tabi ng binata ang kaniyang ama. Emory tiptoed while trying to see the commotion.
Sa kabila ng mapanganib na sitwasyon, hindi pa rin niya maiwasang makichismis.
Pinatong ni Blaise ang kaniyang palad sa ulo ni Emory at pinigilan itong sumilip. "They're trying to protect you. Stop beig naughty."
Emory scoffed. "Nakikichismis lang."
Blaise ignored Emory. Though, he stayed beside her.
"You don't have the right to take her anywhere. Please leave if you don't want any trouble." Giov answered, his droopy eyes staring skeptically at the old man.
Hindi alam ni Emory kung bakit ang gagaling mag-english ng mga matatandang nakapalibot sa kaniya. Una, si lolo Ben then this weird old man. Idagdag pa si Kuya Giov na napa-english na'rin.
"Ah, we don't really want to do this," Isang nakakakilabot na ngisi ang pinakawalan ng matanda. Tumingin ito sa sa kasamang bata. Bumingisngis ito at tumango. Maya maya'y ibinaba nito ang hawak na hourglass.
Pare parehong nangunot ang mga kilay nila Emory. Imbis na gumalaw ang mga butil ng buhangin sa loob ng hourglass papunta sa ibabang parte, nanatili itong nasa itaas.
How is that even possible?
"Time starts in three," Banggit ng matanda dahilan upang mabaling ang atensyon nila rito. Nakatingin ito sa kaniyang pocket watch, hindi maalis ang malapad na ngisi sa labi nito.
"two,"
Nagsitayuan ang balahibo ni Emory. Dahan dahang inilabas ng matanda ang isang mahabang armas mula sa loob ng trench coat nito. Hindi matukoy ni Emory kung anong klaseng sandata ito. Ganun din ang ginawa ng batang babae. Ngunit ang sandata nito'y mas maiksi kumpara sa matanda.
At paano 'yun nagkasya sa trench coat nila?!
"They look like hands." Wika ni Blaise.
Mapanghusgang tiningnan ni Emory ang katabi. "Mukha ba 'yang kamay?"
"Dummy. Look at your watch."
Napatingin si Emory sa kaniyang relo. Blaise was right. They look like hands. Clock hands.
"one."
Halos magaalas singko pa lang, ngunit biglang nagdilim ang paligid. Mabilis na ibinaba ni Blaise ang sako ng walnut at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Emory upang hindi ito mawala sa tabi niya. Napansin nilang lumiwanag ang mga buhangin sa loob ng hourglass at nagsimula itong gumalaw.
"Huh?" Sambit ni Emory.
"Why? Something's wrong?"
"Alas singko na ah, ba't parang nagana pa'rin yung sumpa?" Nagtatakang wika nito, ang isang kamay niya ay nakahawak sa dibdib.
"Time's up." Isinarado ng matanda ang kaniyang pocket watch at nagsimulang maglakad papalapit sa kanilang direksyon, dahilan upang mapaatras ang apat. Hanggang sa ang lakad nito'y naging takbo, ang mga ngisi sa labi nito'y mas lumapad.
Lumundag ang matanda at mabilis na inilabas ni Giel ang baton niya at sinalo ang bawat atake ng kalaban. Isang nakabibinging tunog ang dumagundong sa paligid nang magtama ang sandata nila.
Nanlaki ang kanilang mga mata sa nakita. Napakalakas ng atake ng matanda. Halos mapaatras si Giel bawat atake nito.
"Emory,"
"H-Hm?"
"No matter what happens don't let go of my hand, do you understand?" Blaise whispered, his dead eyes focused on the commotion in front. He had to squeeze Emory's hand just to get her response.
"O-okay."
Ang mga mata ni Emory ay puno ng takot at pagkagimbal. Nanlalamig na ang kaniyang mga kamay at nagdadalawang isip na ito kung kailangan na ba niyang tawagan ang ama para humingi ng tulong o hindi. Ito kasi ang unang pagkakataon na nakita niyang nahihirapan si Giel sa pakikipaglaban. He was unbeatable, but then this old man came.
Hindi napansin ni Emory na nanginginig na ang sarili niyang katawan. Bihira lang kasi na mangyari ang ganito. Usually, Giov and Giel would get rid of assailants who would try to hurt her before she even knew it. Sa ngayon, si Blaise na lang ang natirirang kaaway ni Emory.
Ngunit mukhang madadagdagan ang nasa black list ni Emory.
"Kalma lang, Emory," Wika ni Blaise, dahilan upang mabaling ang kaniyang atensyon sa binata. Ang mga mata ni Blaise ay walang bahid ng emosyon, ngunit sa 'di malamang dahilan, naramdaman niya ang pagkalma ng kaniyang mga pulso. Naramdaman niya kung pano bumagal ang halos 'di magkamayaw na pagtibok ng kaniyang puso.
Blaise never showed any emotion, but the way he spoke reached her heart. Even if no one ever notices, even if no one ever understand, Emory knows it was real; his sincerity was real and genuine.
He squeezed her hand gently. "I'm your one and only enemy, right?" Emory was unsure if her eyes are lying or not, but somehow, she saw a small smile creeping into his lips.
"Don't worry, I won't let anyone hurt you except me."