Chereads / I Love You at 3 am / Chapter 6 - 00:06

Chapter 6 - 00:06

Third Person's Pov

Puno ng katahimikan ang apat na sulok ng silid. Tanging ang tunog ng orasan na nakasabit sa dinging ang dinig sa loob ng puting kwarto.

"Ren," Marahang inabot ng dalaga ang kamay ng kaibigan. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Emory, ang mga gilid ng mata nito'y nagiinit. Ilang kurap ang kaniyang ginawa huwag lang bumagsak ang mga nagbabadyang luha habang nakaupo ito sa isang silya.

Until now, Ren is still unconscious.

"you need to live. If you're not here, who else I'm going to be with? There's only the two of us, you know that right?"

Seeing Ren in this state makes her want to cry. She wants to bawl her eyes out, vent how hurt she is not knowing he had an illness. But instead of doing those things, Emory swallowed the lump forming in her throat and tried to force a smile.

Magiging matatag ako para kay Ren.

Sabi ng doktor, mas mainam sa kalagayan ng binata kung magkukwento siya rito. Kaya naman napagisipan ni Emory na kausaping patuloy ang kaibigan sa kabila ng mga nagbabadyang luha.

"Ren, alam mo bang nabudol ako ng isang lolo kanina?" Napangiti ang dalaga, ang mga mata nito'y dumako sa kaniyang pulso. "Sabi niya, may hiwaga daw 'tong relo. Na kailangan ko daw sundin 'yung mga kakaibang hakbang na isinulat niya sa isang papel,"

Emory let out a weak laugh. "The funny thing is some part of me kept believing that all of this is real."

Hindi nito binitawan ang kamay ng kaibigan. Papalubog na rin ang araw, ang puting silid ay napupuno ng kahel na kulay mula sa sinag ng araw, ang mga kurtina'y marahang sumasayaw kasabay ng tahimik na pagihip ng hangin.

"Nung una, naiinis ako. Naiinis ako sa'yo. Like, of all people why do you have to give me this freaking mysterious watch? I know you love experiments but I didn't thought I would be one of your guinea pigs," She let out a bitter laugh. "But if this is real, I can't deny the fact that I'm excited. I'm thrilled to do whatever this mission is. Kaso kilala kita, Ren," Wika ng dalaga. Ito ang unang pagkakataong nakita niya na mukhang mabait ang isang Renato Junior.

"You're a man of science. You won't possibly believe in magic which means this mission-time thingy or whatever it is, isn't real. You will never buy a watch from some mysterious old man. It's something I made up in my head just so I could escape this dull reality."

Nagbukas ang sliding door dahilan upang maputol ang pagkukwento ng dalaga.

"Hi!" Nakangiting wika ng nurse. Mistulang sumigla ang ekspresyon nito nang makita si Emory.

Nagsimula na nitong obserbahan ang kalagayan ni Ren, hawak hawak ang isang clipboard sa kanyang kaliwang kamay. May sinusulat siya rito at sumilip si Emory ngunit wala siyang maintindihan ni isa.

"First time na may bumisita kay Ren."

Natigil sa pagsilip si Emory na parang giraffe. "Talaga po?"

Tumango ang nurse. "I've been in charge with him since the first time he got diagnosed with Takotsubo Cardiomyopathy. He hides his feelings well but I know it hurts him to have no one by his side. Ren doesn't like telling how he feels. Maybe it makes him feel like he's weak."

Napatango si Emory, ang mga mata nito'y nakapako sa kaibigan. Hanggang ngayon 'di parin siya masanay na wala itong suot na salamin. "Yeah, he's so secretive and stubborn. Magkaibigan kami pero minsan parang wala akong alam tungkol sa kaniya. Ang sarap niya talaga kutusan."

Napatingin ang nurse kay Emory kaya naman nagpeace sign ang dalaga. "Joke lang po."

"I'm nurse Lia, by the way. If something happens you can call me, alright?"

"Sige po. Thank you nurse Lia."

Lumabas na ito sa silid at naiwan muli ang dalaga. Isang buntong hininga ang pinakawalan nito. "Ren, when you wake up you have to tell me everything. Until then, I'm going to stick beside you no matter what."

iii

Alas tres ng umaga.

Mahimbing na natutulog si Emory, nakahilatay ito sa sofa na nasa loob ng hospital room ni Ren. Ngunit nakaramdam ito ng kakaiba at nagbukas ang mga mata nito, bumilis ang pagtibok ng kaniyang dibdib na para bang nasa isang karera.

"Hindi ako magpapadala," Bulong nito sa sarili. Napaupo ito, mahigpit ang hawak sa kinauupuan. "Emory, you don't like him. It's not real. It's not true."

"Kuya Giov!"

Hindi lumagpas ng isang segundo at kaagad tumawag si Emory.

"Yes, ma'am?" Isang lalaki ang sumulpot sa pintuan, nasa 50s na ito at ang mga mata nito'y mistulang inaantok. Mukha lang siyang hindi natutulog ngunit ganun na talaga ang porma ng kaniyang mga mata. Nakasuot ito ng pormal na suit gaya ng mga bodyguards sa mga palabas. Bakas man ang katandaan, 'di maikakaila na maitsura pa rin ito.

Kahit saan magpunta ang dalaga, binabantayan siya ng dalawang bodyguard na nagttrabaho para sa kaniyang ama.

Ayaw ni Emory na nakikita ng iba na kailangan pa niya ng bantay kaya naman palihim kumilos ang dalawa. Sumusulpot lang sila pagka tumatawag ang dalaga o kaya naman pagka oras ng sakuna.

"Hi, ma'am."

Halos mapatalon si Emory sa kinauupuan ng may magsalita sa kaniyang kaliwa.

Madilim ang paligid kaya naman tanging ang pigura lamang ng binata ang nakikita ni Emory. Nakaupo ito sa bintana at kitang kita sa likod nito ang dilaw na buwan.

"Astig na sana kaso ikaw pala 'yan, Giel. Tara na." Wika ni Emory at mabilis na sinuot ang isang pulang hoodie. Bago umalis, muli nitong nilingon ang walang malay na kaibigan. "I'll be back, Ren."

"San tayo punta? To the moon? O may ipapapatay ka?"

Sinamaan ng tingin ni Emory si Giel na nakabuntot sa kaniyang likod.  Ito ang isa pa n'yang bodyguard at anak siya ni Kuya Giov. Halos kaedaran lang ito ni Emory.

Mabilis itong hinila ng kaniyang ama at sinabihan na magtino. Tuloy tuloy naman ang lakad ni Emory sa madilim na pasilyo hanggang sa marating nito ang parking lot.

Lumingon si Emory. "Kuya Giov, diretso po tayo dun sa convenience store."

Pinatunog ni Giov ang sasakayan gamit ang car keys at dire-diretso si Emory sa itim na sasakyan na para bang nagmamadali. Naupo ito sa backseat at laking gulat nito nang nagbukas muli ang pintuan sa likod at akmang sasakay si Giel.

"Ma'am san niyo po siya gustong sumakay?" Wika ni Kuya Giov na nasa driver's seat. Matalim ang titig nito sa anak dahil sa unahan dapat ito naupo.

"Sa compartment po."

"Pa, 'wag naman!"

Akmang lalabas na ang ama nito sa sasakyan at isisilid talaga ang sarili niyang anak sa compartment.

"Joke lang kuya, sa tabi niyo na lang po siya para magbehave." Wika ni Emory at bumelat sa binata.

"Ayaw mo ba 'kong katabi? Kapalit palit ba'ko?" Maktol ni Giel habang kinakaladkad ng kaniyang ama papunta sa front seat.

Makulit si Giel at dahil minsan lang sila magkausap ni Emory, masyado itong nasasabik  kaya naman nagiging hyper ito. Mukha man siyang madaling mauto, hindi maikakaila na siya ang pinakamahusay sa lahat ng na-hire ng ama ni Emory.

Nagsimulang umandar ang makina at pabalik-balik ang tingin ni Kuya Giov sa kalsada at sa rearview mirror. "Ma'am sa pinakamalapit po bang convenience store?"

"Hindi po. Sa ano po," Napakamot ang dalaga, nahihiyang sabihin ang susunod na salita. "Sa Goodbye."

Napapreno si Kuya Giov sa gulat ngunit mabilis rin itong nakarecover at pinaandar muli ang sasakyan na para bang walang nangyari. Napaubo ito ng mahina.

The Goodbye store is an hour away.

"Bakit dun ma'am? May kakitaan ka ba?" Baliktad ang pagupo ni Giel upang harapin si Emory. "As far as I know, wala kang jowa."

"Bakit ikaw, may jowa ka ba? Wala rin naman, ah!"

"Kaya nga, wala akong jowa. I'm single and free, ayaw mo sa'kin ma'am?"

Mabilis hinablot ni Kuya Giov ang kaniyang anak upang maupo ito ng maayos. Magsasalita pa sana ito ngunit nilagyan ni Kuya Giov ng packing tape ang bibig nito.

"Mmmhm! Mmhm!" Protesta nito habang nilalagyan ni Emory ng tali ang mga kamay nito na nasa likod ng upuan.

"Isang oras lang naman Giel, pagnakababa na'ko malaya ka na." Bumungisngis si Emory at nakipaghigh five pa kay Kuya Giov.

"Gumagaling ka na sa pagknot, iha. Keep up the good work."

"Syempre kuya! Ilang beses ko na pinagpracticean si Giel."

Pagkatapos ng halos isang oras na byahe ay nakarating na sila sa convenience store. Madilim ang paligid at halos dinig ang mga kuliglig. Nagsimulang lumakas ang kabog ng dibdib ni Emory habang nakatanaw sa bintana. Mistulang lighthouse ang Goodbye dahil ito ang pinakanagliliwanag sa gitna ng dilim.

Hindi pa nakikita ni Emory si Blaise mula sa loob ngunit umiinit na ang mga pisngi nito.

Tumikhim si Emory at nagpaalam. "Una na'ko, kuya."

Tanging pagtango ang sagot ni Giov habang nakatulog na ang nakatali na si Giel.

Bumaba na si Emory sa sasakyan at bawat hakbang niya papalapit ay may kung anong hindi magkamayaw sa kaniyang dibdib. Parang pinipilipit ang kaniyang tiyan at may nararamdaman siyang lumilipad rito. Hindi mapagsidlan ang halong kilig at tuwa ni Emory.

Ngunit napatigil ito nang may nahagip ang kaniyang paningin sa kanan.

"Lolo Ben?" Halos manliit ang mga mata ni Emory nang matanaw ang isang matanda sa dilim. May suot suot itong pulang sumbrero at isang kulay kape na bag ang nakasakbit sa balikat nito.

"Lolo Ben!" Iwinagayway ni Emory ang kaniyang kamay at nagsimula itong maglakad papalapit sa matanda.

Ngunit sa bawat paglapit ng dalaga ay napansin niya ang mga streetlights na nagpapatay sindi. Sa bawat hakbang nito ay nakaramdam siya ng kaba. Ng takot.

Madilim ang paligid at medyo may kalayuan ang sasakyan kung nasaan si Giov at Giel. Papalapit ng papalapit ang matanda at ng bumukas ang isang streetlight at tumama ang liwanag sa mukha nito,

hindi ito si Lolo Ben.

Sumilay ang ngisi sa labi ng matanda dahilan upang kumabog ng malakas ang dibdib ni Emory.

Nagsimula itong tumakbo papalapit sa kaniya at bakas ang takot sa itsura ng dalaga. Naalarma ito at napaatras, ngunit pati ang tuhod niya ay mistulang nanghina, napaupo ang dalaga sa sahig.

"K-Kuya Gi-!"

"Ano pong kailangan niyo?"

Halos mapaiyak si Emory nang makita ang pamilyar na likod ng binata. Mabilis siyang nilingon nito at halos wala mang ekspresyon, alam ni Emory na nagalala ito.

"Blaise." Halos pabulong ang tawag ng dalaga. Mistulang naubos ang lakas nito dahil sa takot.

"Yung aso ko," Simula ng lolo. Tumuro ito sa likuran ni Emory kaya naman napalingon ang dalaga. May tuta nga sa likod niya.

"Kanina ko pa kasi siya hinahanap. Nagulat ba kita, iha?" Lumingon ito kay Emory at napakamot sa ulo. "Pasensya na, iha. Naexcite ako masyado."

"O-okay lang po."

"Tara na." Nilapitan ni Blaise si Emory at tinulungan itong makatayo. Nagsimula na silang maglakad papunta sa convenience store, ang mga mata ni Blaise ay nagbabantay pa'rin sa direksyon ng matanda.

"Okay ka lang? Kaya mo bang maglakad magisa?" Tanong ni Blaise, nakaalalay pa'rin sa dalaga.

"No and no." Sagot ni Emory. Halong takot at kilig ang nararamdaman nito habang nakahawak si Blaise sa kaniyang mga balikat.

Nang makapasok na sila sa convenience store ay halos sumalampak si Emory sa isa sa mga stool. Isang buntong hininga at pinakawalan nito at pilit niyang pinakalma ang sarili.

"I'll get some water." Wika ni Blaise at umalis sandali.

Dumako ang tingin ni Emory sa labas ng glass wall. At halos tumindig ang kaniyang mga balahibo nang makita ang matanda na nakatingin sa kaniyang direksyon.

Isang ngisi ang sumilay sa labi nito at 'di man narinig ni Emory, nabasa niya ang galaw ng bibig ng matanda.

"Time is ticking."

Sa 'di malamang dahilan, naalala ni Emory ang sinabi ni Lolo Ben.

"Magiingat ka. Hindi birong makipaglaro sa oras."

"Emory?"

Naputol ang kaniyang pagiisip nang may tumapik sa kaniyang balikat. "Emory, are you fine?"

"Huh? Ah, oo." Paglingon ni Emory sa labas ay wala na ang matanda.

Inilapag ni Blaise ang isang bote ng tubig sa harap ng dalaga. "Drink this. After you calm down, you need to tell me why you're out here when it's just three in the morning."

"Blaise."

"Oh?"

Inilabas ni Emory ang isang papel sa kaniyang hoodie. Buo na ang pasya nito.

"Let's do a mission. The two of us."