Chereads / I Love You at 3 am / Chapter 2 - 00:02

Chapter 2 - 00:02

Third Person's Pov

"Tss, thank you." Sarkastikong wika ni Emory.

"Pero aminin mo," Inilapit nito ang mukha sa kaibigan at pinanliitan ito ng mata. "Alam kong kuripot ka, sa tsangge mo talaga 'to binili no?" Iwinagayway nito ang kanang kamay kung nasaan ang relo.

Kahit na sobrang yaman ni Ren, 'di na nageexpect si Emory. Ngunit umaasa pa rin ito ng super duper slight na kahit papaano'y may kaunting bait pa rin na natitira sa kaibigan. First time siya nitong niregaluhan ng matino-tino. Dati kasi, kung hindi crumpled paper ay bato ang regalo nito.

Humigop ang binata sa kaniyang inumin at diretsong tiningnan ang kaibigan. Inayos muli nito ang eyeglasses na halos matakpan na ng kaniyang bagsak na buhok. "Hindi ah. Syempre, 18th birthday mo bukas kaya pinaghandaan ko talaga 'yan. Tsaka gusto 'ko ako ang unang magbigay ng regalo sa'yo kaya ngayon ko na binigay kahit hindi mo pa birthday." Litanya nito.

Ngingiti na sana si Emory ngunit natigil ang dalaga.

"Actually, binili ko 'yan sa kabilang kanto. May lolo na nagalok sa'kin. Thirty pesos lang, syempre binili ko na."

Agad nanlaki ang butas ng ilong ng dalaga. Namula ang pisngi nito sa galit at nandilim ang paningin nito.

"RENATO BATUMBAKAL JR!" Asik ni Emory at agad binatukan ang kasama.

iii

"Alam ko naman na hindi ako mabuting kaibigan, pero kahit na! Sapatos, salamin, cellphone, binigay ko na lahat! Pero ba't wala akong natanggap?! Ba't wala, wala, wala?!" Nagmomonologue ang isang dalaga sa gitna ng kalasada. Umiiyak ito habang hawak hawak ang isang relo.

Pinagtitinginan si Emory ngunit wala itong pakialam. Sa takot ng mga tao ay nilalayuan nila ito sa pagaakalang wala ito sa katinuan.

Tumunog ang chime at sa isang iglap, natagpuan ni Emory ang sarili sa Goodbye, ang pinakamalapit na convenience store sa kanilang tahanan. Dirediretso ang mga paa nito patungo sa siopao na asado.

Wala man sa wisyo, saulado na ng kaniyang kamay ang pagbukas at pagkuha ng siopao sa kabila ng malabong paningin. Umiiyak pa rin kasi ang dalaga.

"Ay, ang panget."

Umangat ang tingin ni Emory nang marinig ang tao sa counter. Mabilis siyang napasinghot at dali daling pinunasan ang mga mata gamit ang nakakuyom na kamao.

"May shokoy nga pala dito." Bulong ni Emory sa sarili.

Ang nasa harap niya ay walang iba kundi si Blaise. Nakaputi itong tshirt at itim na vest. Nakasulat ang katagang "Goodbye" sa kaniyang vest na may broken heart na emoji.

Napakunot ng noo si Emory nang makita ang nameplate ng binata. Imbis na 'Blaise' ay 'Blake' ang nakasulat dito.

"Alam mo, ang panget mo." Wika ni Blaise, ang mga mata nito'y kasing blangko ng test paper ni Emory.

Mabilis nitong tinapunan ng tingin ang dalaga, pagdaka'y tumitig sa machine habang may kung ano itong itinitipa. Otomatikong nagbukas ang kahera at 'di maiwasang mapatingin ni Emory. It's her childhood dream to be a cashier. Hanggang ngayon ay may pagnanasa pa rin siyang paglaruan ang kahera at paulit ult na patunugin ang beep sound ng scanner.

"Pero mas panget ka kapag umiiyak ka."

Walang magawa si Emory kundi umirap. Humablot ito ng tissue sa counter at sininga ang sipon. "Wala ako sa mood makipagtalo. Pakibilisan na lang."

Ngunit tinitigan lamang siya ng binata.

"What?" Tanong ni Emory nang lumipas ang ilang minuto.

"May bayad din 'yung tissue."

Agad napakagat ng labi si Emory dahil sa kahihiyan. Itinungo nito ang ulo dahil paniguradong aasarin pa siya ng binata dahil sa mugto nitong mga mata. "Ibawas mo na lang sa sukli, please."

"K."

Minsan, hindi maiwasan ni Emory malungkot. Nasa kaniya nga ang lahat ng bagay, ngunit sa mismong kaarawan niya, wala ang mga tao na itinuturing niyang pinakamahalaga. Ang kasama niya ay isang emotionless na binatang walang matinong masabi kundi "K".

At dahil sa kayamanan niya, expected ng karamihan na wala na siyang kailangan pa.

No one ever gifted her on her birthday. Not even her own parents. They just keep adding digits on her bank account, but never gave a gift for her.

Kaya ang motto ni Emory,

Money can never make you happy.

Tumalikod si Blaise at nagsimulang ayusin ang mga pakete ng candy sa shelf.

Aalis na sana si Emory ngunit natigil ito ng magsalita ang binata.

"Ba't ang lungkot mo? May regla ka?" Kaswal niyang tanong. Nakatalikod pa rin ito kay Emory kaya naman mas naging komportable ang dalaga. At least, hindi nito tinitingnan ang mga mugto niyang mata.

Nagsimulang maglakad pabalik si Emory patungo sa counter at dumantay dito. Nakasabit ang plastic na may lamang siopao sa kaniyang braso. "Wala lang. It's just, a special day is coming when the clock strikes twelve. "

Natigil ang binata ng ilang saglit ngunit bumalik din ito sa pagaayos ng mga produkto. "You said it's a special day, what's the long face then?" Tanong nito, nakatalikod pa rin mula sa dalaga.

Ginamit ni Emory ang pagkakataon upang isuot ang itim na hoodie sa kaniyang ulo at takpan ang kaniyang mukha. "Because not every special day brings happiness. Just like my birthday."

For Emory, it's always the saddest day of the year. It reminds her how lonely she is.

Hindi niya alam kung matatawa o maaawa ba siya sa sarili. She's so lonely to the point that she had no one to talk to except her one and only enemy.

Pinagmasdan niya ang likod ng binata ngunit agad din nitong iniwas ang tingin nang bigla itong humarap.

"Oh," Tatlong lollipop ang inilapag ni Blaise sa counter.

Napatitig si Emory sa mga candy. "Chupa chups." Basa nito. "Magkano?"

"Take that as a gift. Nagtitipid ako kaya 'yan lang maibibigay ko." Pinagkrus ni Blaise ang kaniyang mga braso, nakasandal ito sa shelf na kanina ay inaayos niya.

Hindi maiwasang mapatitig ni Emory sa binata. They're not that close but he gave her a gift so easily. Something that her loved ones failed to do every single year.

'It's not difficult, so why can't they give me something I can treasure for a special day?' She thought.

As the saying goes, it's the little things that matter the most.

"Buti ka pa, nagreregalo." Kinuha nito ang tatlong lollipop at isinilid sa bulsa. "Thank you."

"Not a big deal." Sagot ni Blaise at nagsimula na naman itong kumilos. This time, he went out of the counter and carried a basket, taking all the expired items in the shelves. "Thirteen pesos lang 'yan."

"Thirteen pesos each?" Tanong ni Emory at sumandal sa counter habang pinagmamasdan si Blaise.

"Yeah."

"That means you spent thirty nine pesos for me." Agad ngumuso si Emory. "Tss, my enemy even spent bigger than my own bestfriend. How ironic." Sambitla nito sa sarili. Hanggang ngayon ay nagtatampo pa rin siya kay Ren dahil sa thirty pesos na wristwatch.

Ngunit kahit inis ito sa kaibigan, suot suot parin nito ang relo na muntik na niyang itapon kani-kanina lang.

Biglang napatalon ang dalaga nang may tumunog na parang bomba. Agad itong luminga sa kasama at agad kumabog ng malakas ang kaniyang dibdib. "M-may bomba?!"

Hindi niya akalaing mamamatay siya sa ikalabing walong kaarawan.

Walang gana siyang nilingon ng binata. Tinitigan siya ni Blaise na parang nanghuhusga. "It's that thing." Tumuro ito sa wall clock. "12 am."

Mabilis namang bumagsak ang mga balikat ni Emory at napabuntong hininga na lang ito. Akala niya ay katapusan na talaga ng buhay niya. Sa bingit ng kamatayan, naisip pa nito na ayos lang mafall kay Blaise, 'wag lang siyang mamatay ng maaga.

Pero ngayon, binabawi na niya. 'Wag na lang pala.

"Happy Birthday," saad ng binata, ang blangko nitong mga mata ay nakatitig sa dalaga.

"Emory."

She can't help but stare. Somehow, it feels weird to hear her name out of his mouth. It was the first time he called her by her name. Hindi panget, hindi anak ng mayor. Just Emory.

"Ah, right." Tumikhim ang dalaga at iniwas ang tingin. "Thank you ulit."

"Hindi ka ba uuwi sainyo? How about your debut?" Tanong ni Blaise at nagsimulang tumungo sa mga halera ng upuan. Dala dala nito ang mga expired items. Naupo ito at nagsimulang buksan ang isa sa mga produkto.

Mabilis namang sumunod si Emory. "Hindi. Walang debut. And I never celebrated my birthday." She sat one seat apart with Blaise.

"Ganun? Okay." Sagot ni Blaise na nagpangiwi sa dalaga.

As expected, napakawalang kwenta niya kausap. Ang mga mata ng binata'y nakatitig sa glass wall, diretso ang tingin sa kabila ng mga sasakyang dumadaan. "Pero umuwi ka na, gabi na."

"Nagaalala ka sakin?"

"Hindi, ang ingay mo kasi. Alis na."

"Tss, kunwari ka pa. If I know crush mo'ko."

Mabilis siyang tinapunan ng mapanghusgang tingin ni Blaise. Kahit na halos walang emosyon ang mukha nito, somehow, alam ni Emory na hinuhusgahan siya nito in the inside.

Humablot si Emory sa isa sa mga expired items. Dahil nakatingin sa kaniya si Blaise ay mas hinigit nito ang hoodie sa ulo. "Tss, joke lang! 'To naman masyadong seryoso." Inirapan niya ang kasama at nagsimulang kumain.

"Sinong nagsabing pwede mo 'yan kainin?"

Napasinghal na lamang si Emory at sinamaan ito ng tingin. "Damot!"

"It's already expired. Don't blame me if your stomach hurts later."

Natigil sa pagkain ang dalaga. Ang tingin nito'y dumako sa binata at pinanliitan niya ito ng mata. "Yieh, worried. Sabi na eh, crush mo talaga ako."

"Ewan ko sa'yo. Umuwi ka na."

Ngunit mukhang walang balak itong umuwi. Imbis na umalis ay pinaulanan nito ng tanong ang kasama. Ni isa ay walang sinagot si Blaise, or more like, wala siyang nasagot dahil sa bilis ng pagtatanong ni Emory. Parang armalite ang bibig nito.

"I heard from the rumors na nagdropout ka. Bakit? Gangster ka ba?"

"Sabi ng iba pogi ka daw kaso wala kang pakiramdam? Zombie ka ba? Or hambie? Half hambog half pabibi-este half human half zombie."

At kung anu-ano pang tanong ang pinakawalan ni Emory. Hinihiling na lang ni Blaise na sana ay may dumating na ibang customer.

"1:33 na. Delikado na sa labas." Ang mga mata ni Blaise ay nakapako sa wall clock. Tumayo ito sa pagkakaupo, ang kaniyang mga kamay ay nakasilid sa bulsa. "Tara, hatid na kita."

Sandaling natahimik si Emory. Ayaw niyang magpahatid ngunit masyado ng madilim. Gusto nitong sapukin ang sarili dahil 'di niya man lang namalayan ang oras.

"Sige. Sabi mo 'yan ah, ikaw nagvolunteer." Nahihiya man, 'di na ito naginarte pa. Lalabas na sana ang dalawa ngunit biglang huminto si Emory.

Namutla ito at nagsitindigan ang lahat ng balahibo sa kaniyang mga braso. Mistulang umikot ang paningin nito at isang malamig na hangin ang dumapo sa kaniyang mga balat.

"You okay?" Tanong ni Blaise, sinisilip ang ekspresyon ng kasama.

"B-blaise," Unti unting nagtama ang kanilang paningin, ang mga mata ng dalaga'y puno ng takot at pagkagimbal.

"Co-"