Chereads / I Love You at 3 am / Chapter 3 - 00:03

Chapter 3 - 00:03

Third Person's Pov

"Co-" Napalunok ang dalaga at napapikit ito ng marahas, ang mga kamay nito'y nagsimulang manginig.

"Co-?" Tanong ni Blaise. Sinilip nito ang itsura ng dalaga.

"COMFORT ROOM! RIGHT NOW!"

iii

"You're lucky we have a comfort room."

"Tsk! Wag mo nang ulit ulitin ha!" Isang irap ang pinakawalan ni Emory.

Napangisi na lang ang binata, nakapamulsa habang naglalakad sa gitna ng dilim. "Are we almost there?"

"Yeah. That one right there," Tumuro si Emory sa isang puting tahanan. "That's my home."

Hindi alam ni Emory kung paano pasalamatan si Blaise. Bukod sa pakikinig sa kadramahan niya ay hinatid pa siya nito pauwi. Kinailangan pa nitong isara ang convenience store kahit na ito'y 24/7.

It's already 2:56 am and there was no one on the street except the two of them. If not for the streetlights, there were no any source of light but the moon.

"Blaise, thank-" Naputol si Emory nang mag-ring ang kaniyang telepono.

"Hello?!" Pabalang nitong wika dahil si Ren ang tumawag.

"Where in the world are you, Emory?!" Dumagundong ang boses ng kaibigan. "It's so f**kig late at night, don't you know that?!"

Sandaling natigilan si Emory. Ngunit ang pagkagulat nito'y mabilis napaltan ng pagkainis.

"Teka, eh bat parang galit na galit ka?!" Nagsimula na ring tumaas ang boses ni Emory.

Ni isang beses ay hindi siya sinigawan ni Ren. He's not the type to yell nor curse at her. Emory knows maybe something might've happened to cause his outburst, she knows she could've been the bigger person and try to understand her friend, she knows and yet,

she felt mad.

"F**k, three minutes to go." 

"What in the world is your deal, Ren?!" Tanong ni Emory. From the other line, she could hear Ren was running.

"What's happening?" Tanong ni Blaise. Nagkibit balikat lamang ang dalaga bilang tugon.

"I'm trying to find you! Just tell me where you are!" Ren yelled, his voice filled with desperation.

"Why would I tell you when you suddenly called and kept cursing at me?! Where's your manners, Ren?!" Napangiwi ang dalaga nang mapagtantong katunog niya ang kaniyang mga magulang.

"Sh*t, one minute remaining." Dinig ni Emory sa kabilang linya.

"Eh, ano ba kasing meron? Why are you  suddenly doing a countdown?! Don't tell me you planted a bomb on me?!"

"Emory, are you high or what?!" Dinig ang malalalim na paghinga ni Ren sa kabilang linya. "F**k, 10 seconds to go."

"What are you counting for? If it's for my birthday it's already done a while ago, dummy! And I'm on my way home so just wait there!"

Iba't ibang mura ang pinakawalan ni Ren. "Just don't look at anyone else, okay? Just-tsk! Just wait for me, do you understand?"

"Anong trip nito?" Napabulong si Emory sa sarili.

Ngunit agad itong napako sa kinatatayuan ng biglang lumapit si Blaise. He was too close she can smell his scent. He smelled like vanilla.

He leaned and suddenly held her left arm. "It's almost 3 am. I think we need to hurry or my boss might fire me." He stated, looking straight at her vintage watch.

"Five," Ren was mumbling on the other line but Emory was too occupied with thoughts.

"Ha? Ah, right. You weren't supposed to close the shop." Iniwas ni Emory ang kaniyang mga mata at umatras ng kaunti. Sa loob loob ng dalaga ay laking pasasalamat nito na hindi nagtigil tigil ang kaniyang relo. If that happened it would've been embarassing.

"Four,"

Pagiwas ni Emory ng kaniyang mga paningin ay may namataan itong isang binata sa gitna ng daan, humahangos at may hawak hawak na telepono. May salamin ito at halos matakpan ang mga mata ng binata. Marahas nitong ibinababa ang kaniyang itim na hoodie at pinunasan ang tumatagaktak na pawis.

"Oh? Ren!" Tawag ni Emory sa kaibigan. Iwinagayway niya ang kaniyang braso.

"Three. Emory just look at me!" His eyes were looking straight at her, walking towards her direction with a fast pace.

"Two,"

"Hey," Nabaling ang paningin ng dalaga kay Blaise nang marinig ang tawag nito.

And again, she was taken aback when she saw him leaning towards her, crouching down to level with her height.

"Close your eyes," He whispered, staring intently at her. "There's a fallen eyelash here," He pointed at the bottom of her right eye.

She did as he said and felt his hand on her skin. It was gentle and warm.

"It's gone."

"One."

Unti unting binuksan ng dalaga ang kaniyang mga mata, at sa puntong iyon, wala itong makitang iba kundi si Blaise.

It was the most enchanting one second of her whole life.

She didn't know why, but she was completely drawn on his deep set eyes. Emory knows he is attractive, but she only noticed how mesmerizing his gaze are, how high and perfect his nose is, and how red his lips are. He's the perfect guy she ever saw.

*BA-DUMP*

*BA-DUMP*

*BA-DUMP*

When the clock striked three, her heart started beating for her one and only enemy.

"F**k." Ren muttered, regretting all over that he was one second late again.

iii

Sa tingin ni Emory may sumapi sa kaniya.

"Pst," Kinulbit nito ang kaklase na nakaupo sa kaniyang harapan. "May kilala ka bang albularyo?"

"Wala. Makinig ka nga." Sita ng kaibigang si Maia habang pasimpleng sumisilip kay Emory. Pero maya maya'y naging marites na ito.

"Bakit may kumulam sayo? Nang-agaw ka ng jowa?"

"Hindi ko alam, feeling ko nababaliw na'ko. O baka naman dahil sa expired yung nakain ko kagabi?" Wika ni Emory at sinabunutan ang sarili habang nakayuko sa desk.

Magsimula nang gabi na nakasama si Blaise, hindi na ito mawala sa isip ng dalaga. Hindi niya alam kung ba't kinikilig siya sa ideya na makikita niya ito mamayang break. Hindi niya alam kung ba't ang lawak ng ngiti niya ngayon habang inaalala ang poging si Blaise.

"May sapi nga ako. Oo, sapi 'to." Natatawang wika ni Emory, pero maya maya'y napabuntong hininga na lang ang dalaga.

"I shouldn't be in love with the enemy! He's my enemy so he's equal to a criminal! But why?" Napatitig na lang ito sa bintana, pilit na pinipigil ang pag-angat ng mga sulok ng kaniyang labi. Napapangiti pa rin ito habang inaalala ang bago niyang crush.

"Mama, I'm inlove with the criminal~" Kanta ni Maia para sa kaibigan.

*RIIIIIIINGGGGGGGG*

Nagsimulang maglabasan ang mga estudyante, naguunahan patungong canteen.

"Maia, pigilan mo'kong lumabas," Humawak ng maiigi si Emory sa magkabilang dulo ng kaniyang mesa. Buo na ang pasiya nitong hindi kumain ng snack. Kahit may siopao pa, ang desisyon niya ay manatili sa silid at huwag lumabas kahit anong mangyari.

"Maia, pigilan mo'ko!"

Nalilito man, pinigilan ito ng kaibigan ngunit huli na. Dirediretsong lumabas si Emory sa silid at nagtatakbo sa hallway.

"Makikita ko na ulit siya," Pakantang wika ni Emory. Hindi nito maiwasang mapatawa sa kilig. Iniisip palang nito kung gaano kagwapo si Blaise ay umiinit na ang mukha nito.

Hindi niya rin talaga alam kung anong nangyayari sa sarili niya.

Emory doesn't have any idea why she's falling for the enemy.

Sumalubong ang nagkukumpulang estudyante pagpasok ni Emory sa canteen. Nasa dulong bahagi ang dalaga ngunit dahil sa katangkaran, hindi na niya kailangang tumingkayad pa para lang makita si Blaise. Nanatili ito sa isang sulok, nakatitig sa binata.

Nagsimulang bumilis ang pagtibok ng puso ni Emory. Habang pinapanood kung paano kumilos si Blaise ay bumabaligtad ang sikmura nito.

That feeling as if butterflies are fluttering at the pit of your stomach, it's exactly what she's feeling right now. Looking at him, she can't help but gape how handsome he is when he brush his hair back, and how he unconsciouly stare intently at people talking to him. Emory even saw a girl who almost looks like passing out with his stares.

Ngunit agad natigilan si Emory nang magtama ang mga mata nila ni Blaise.

DID HE JUST LOOK AT ME?!

Mabilis na tumalikod si Emory at humawak sa pader, ang mukha nito'y nagsimulang mangamatis. Walang hiya siyang tao, pero ngayon gusto na niyang lamunin siya ng lupa. Ang bilis ng tibok ng puso ng dalaga dahil sa halong kaba, kilig, at hiya.

NAHULI NIYA AKONG NAKATINGIN ANAK NG TOKWA!

"Pano niya ako nakita? Andaming estudyante ah?" Wala sa sariling napangisi ang dalaga.

Siguro kasi hinahanap niya rin ako.

"Anlakas pala ng tama. Pati ako nalimutan mo na." Sumandal si Ren sa pader at umusog, hanggang sa nasa harapan na siya ng matalik na kaibigan.

Naputol ang pagiisip ni Emory nang mapansing nasa harap na nito si Ren. Dahil nakahawak sa pader si Emory, para tuloy itong playboy na hinaharang ang main character sa isang wattpad story.

"Kanina ka pa nandito?"

"Kakarating ko lang. Ba't mo'ko iniwan?" Nakakrus ang braso ni Ren. Kahit na halos matakpan ang mga mata nito ng kaniyang bagsak na buhok, alam ni Emory na matalim ang titig nito sa kaniya.

"Sorry na, gutom na gutom na kasi ako." Palusot ni Emory. Sumandal ito sa pader gaya ng kaibigan, pasimpleng sumusulyap kay Blaise.

"Gutom? Eh ba't di ka pa nabili?"

"Eto na, bibili na." Wika nito at naglakad ngunit biglang napaatras ng maalalang nasa harap nga pala si Blaise.

Anak ng tokwa, di ko siya kayang harapin!

"Gusto mo si Blaise?"

"Oo- HUH? HINDI AH! NAGDRUGS KA BA?!"

"Yeah, I take drugs. And sorry Emory. Kasalanan ko ang lahat. Hindi mo gusto si Blaise. It's because of that watch." He pointed at her vintage wristwatch. "I'm so sorry, Emory."

"Ren, nakadrugs ka ba talaga? Teka, ba't ang putla mo?"

Hahawakan pa lang sana ng dalaga ang noo ni Ren nang bigla itong bumagsak sa sahig. Agad naghiyawan ang mga nakakita at ang ila'y nagsimulang magtawag ng mga guro. Napuno ng kaguluhan at ingay ang canteen.

Nagsimulang umikot ang paningin ni Ren, ang dibdib nito'y nagsimulang manikip. Mistulang humina ang kaniyang pandinig ngunit ramdam niya ang pagtapik ni Emory sa kaniyang pisngi. Puno ng takot ang mukha ng dalaga habang hawak hawak siya nito sa kaniyang mga bisig.

"S-sorry."

And then everything went black.