Chapter 22 - TBAB: 20

Now playing: Little Do You Know - Alex & Sierra

Violet POV

"V, hanggang kailan mo tatanggihan ang offer sa'yo ng Mama Pearl mo na posisyon?" Tanong ni Katie sa akin.

Pauwi na kami ngayon mula sa kanya-kanya naming trabaho. Pinili niyang dumiretso sa Baylight pagkatapos sa kanyang mga meeting at hinintay na matapos ang shift ko, nagtiis siya ng ilang oras para lang sabayan ako sa pag-uwi.

Napalingon ako sa kanya habang napapakunot ang noo.

Heto na naman po kami. Sabi ko sa aking sarili.

Because the last time she asked me about this matter ay hindi naging maganda ang pag-uusap namin.

Napahinga ako ng malalim bago ibinalik ang aking mga mata sa kalsada. "Katie, alam mo na ang sagot ko riyan." Mariin na sabi ko sa kanya.

"Ang tanong ko nga V, until when? Two years na tayo, pero hanggang ngayon hindi pa rin natin napapakilala ang isa't isa sa mga parents natin. Alam mo 'yung feeling na para tayong may pinagtataguan? Gano'n 'yung nararamdaman ko sa relasyon na'to." Dire-diretsong bulyaw nito sa akin kaya muli akong napahinga ng malalim at pinili na lamang na hindi magsalita.

"At ilang beses ko bang sasabihin sa'yo? Iwan mo na ang pagbabartender at barista mo kasi wala tayong mararating na magandang future sa mga pinapasok mong trabaho---"

"Ano bang mali sa trabaho ko?" Putol ko sa kanya. "Nagtatrabaho ako ng marangal, wala naman akong sinasagasahang tao o inaapakan. Masaya ako sa ginagawa ko." Dagdag ko pa.

"V, ang point ko lang naman. Wala ka ba talagang plano at pangarap para sa atin? You know na hindi kita pwedeng ipakilala sa parents ko nang walang maayos na trabaho---"

"Ayon! Narinig ko rin galing sa'yo." Muling putol ko sa kanya. "So, ikinakahiya mo'ko kaya hanggang ngayon hindi mo ako mapakilala sa parents mo kahit na gustong-gusto ko naman talaga silang makilala." Napatawa ako ng sarkastiko.

"V, hindi naman sa gano'n."

"And that's why you want me to accept my parents' offer so that you can introduce me as the daughter of Pearl Torres and heir to the company, right?" Napapailing na lamang ako.

"You know what? Let's drop this topic kasi wala na namang magandang patutunguhan 'to." Dagdag ko pa.

"Ba't ba ang init ng ulo mo? I'm just saying lang naman." Muling wika niya. "Gustong-guto ko nang ipakilala ka sa parents ko, V." Dagdag niya bago napahinga ng malalim. "Pero kilala ko siya, hindi nila tatanggapin ang relasyon natin oras na malaman nilang sa bar ka lang nagtatrabaho, sa coffee shop." Pagpipilitan pa rin na sabi nito.

"Stability is more important to them. My future with the person I want to marry and that's you, V. I hope you understand what I mean because if not, hindi ko na rin alam." Ramdam ko ang paggalw ng mga panga ko bago mabilis na itinabi ang sasakyan.

Hindi ko talaga gusto 'yung ganitong usapan. Isa sa bagay na palagi naming pinagtatalunan ni Katie noon pa man. Iyon bang parang lahat sa sarili ko gusto niyang baguhin. Pati ba naman trabaho ko?

"Why can't you be proud of me?" Tanong ko sa kanya at tinignan siya ng diretso sa kanyang mga mata. "Why don't you just support me in what I want? Because I am your girlfriend, Katie, you should be the one who supports me and believes that I can be successful in what I want in life." Pagpapatuloy ko.

Habang si Katie naman ay tahimik at kalmado lamang na nakatitig din pabalik sa akin.

"Alam mo kung ano ang pinaniniwalaan ko, even my parents support me because they believe in me. Ni hindi nga nila ako magawang pwersahin na pasukin ang kompanya ,dahil hindi iyon ang gusto kong gawin, unless ako na mismo ang makiusap sa kanila para tanggapin ang gusto nilang mangyari." Dagdag ko pa.

Napahinga akong muli ng malalim bago napapikit. Marahil isa na rin ito sa pagkakataon na ibinibigay sa akin para sabihin sa kanya ang totoo. Para maisakatuparan ang mga bagay na gusto naming mangyari ni Nicole.

I dont know. Or marahil nasa peak lamang ako ng emotion ko ngayon. Pero bahala na.

"V, I'm sorry. Alright?" Paghingi nito ng tawad bago hinawakan ang kamay ko. Napayuko ako at tahimik na tinitigan ang kamay nitong nakahawak sa akin. "Hindi naman sa ikinakahiya kita. Hindi rin dahil sa ayaw kitang suportahan, siguro iniisip mo na ang controling kong tao, pero V, para naman kasi yun sa'yo. Para sa atin. I just want the best for us para---"

"I think we should...we break up." Biglang putol ko sa kanya. "Kailangan na muna natin ng pahinga." Kusa na lamang din iyong lumabas sa bibig ko, gustuhin ko pa mang bawiin pero hindi na pwede.

Awtomatikong napabitiw ito sa pagkakahawak sa kamay ko bago napaiwas ng tingin sa akin. Halata rin na nabigla ko siya sa aking sinabi.

"Pahinga." Pag-ulit niya sa sinabi ko habang napapatango-tango. "M-Magpapahinga ka dahil?" Tanong nito sa akin.

Hindi ako makasagot. Hindi ko mahanap ang tamang salita na dapat sabihin sa kanya dahil alam kong malapit na siyang umiyak, sa panginginig pa lang ng kanyang boses.

"Dahil pagod ka na? Nasasakal ka sakin? O dahil ayaw mo na?" Muling tanong nito bago ako muling tinignan ng diretso sa aking mga mata.

"Because I...." Napalunok ako ng mariin. "I-I cheated on you, Katie." Lakas loob na pag-amin ko sa kanya ng buong katotohanan.

Kitang-kita ko kung paano gumuhit ang kirot at sakit sa mga mata niya, bago ito napakit at bigla na lamang umiyak. Napayuko siya habang napapakagat sa kanyang labi. Pinipigilan ang kanyang sarili na humikbi.

Napapahinga ito ng maraming beses at noong sandaling hahawakan ko na sana siya ay agad niya akong pinigilan.

"V, please. Iuwi mo na ako." Mahinahon pa rin ang boses na sabi nito sa akin ngunit mahahalatang nasasaktan siya ng sobra, dahil sa patuloy na pagbuhos ng kanyang mga luha.

Napatango ako bago muling ibinalik ang aking atensyon sa manobela at sinimulang baybayin ang daan pauwi sa kanilang bahay.

Walang nagsasalita sa aming dalawa, walang gustong magbasag ng katahimikan. Tanging mga hikbi lamang nito ang maririnig sa buong sasakyan. Maging ako ay hindi na rin napigilan pa ang mapaluha.

Ito kasi ang kauna-unahang umiyak siya ng ganito sa harap ko, nang dahil sa akin. Ayaw ko man siyang saktan pero mas okay nang ganito kaysa naman nagtatago pa rin ako sa kanya at niloloko siya.

Hindi nagtagal ay nasa harap na nga kami ng kanilang gate. Magsasalita na sana ako ng maunahan niya.

"Kaya ba...kaya ba kapag sa tuwing gusto kong may mangyari sa ating dalawa, p-palagi kang walang gana?" Nanginginig ang boses na tanong nito bago napasinghot. "Kaya ba sa tuwing yayakapin kita, nagpupumiglas ka kaagad? Kapag hahalikan kita, hindi mo magawang mag-kiss back? Kaya ba...kaya ba hindi ka na sweet kagaya ng dati at sobrang nanlalamig ka na? K-Kasi meron nang iba?" Napitok pa dulo na tanong nito sa akin.

Napahinga ako ng malalim habang lumuluha bago napatango. Lalo naman itong napaiyak na halos humagulhol na sa loob ng sasakyan.

"Kaya pala..." Napapatango na sabi niyang habang nagpupunas ng sariling luha. "Kaya pala ang dali na lang sa'yong sabihin na ayaw mo na. Kasi hindi na ako, iba na."

"Ang sakit...ang sakit, V." Napapahikbi na dagdag pa niya habang tinitignan ako ng tuwid sa aking mga mata. "Sana sinabi mo na lang kung anong mali sakin, anong ayaw mo sa akin, para naman nabago ko para sa'yo. Willing naman akong gawin yun eh, kaysa 'yung lokohin mo'ko!"

Napailing ako at inayos ang sarili paharap sa kanya.

"You are perfect just the way you are, Katie. Kaya nga kita minahal eh. 'Di ba?" Sabi ko sa kanya habang umiiyak na rin. "You are...the best thing that ever happened to me." Dagdag ko pa.

"The best?" Biglang tanong nito. Napatango ako. "And yet, still not enough?" Pagpapatuloy niya. Hindi ko naiwasang mapayuko habang nagpupunas din ng aking sariling luha.

"Sometimes...sometimes someone might not be treating us poorly, but the love they give us is not the love we're craving for." Makahulugang sabi ko sa kanya kaya naman mas lalo siyang napahagulhol.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nag-iiyakan sa loob ng sasakyan. Ang tanging alam ko lang, nababalot ang loob ng sasakyan ng sakit at kirot na nararamdaman naming dalawa. Lalo na ni Katie, na nasasaktan ko ng sobra.

Noong tumigil na ito sa kanyang pag-iyak, ay namumugto ang mga mata na muling nagbaling siya ng tingin sa akin.

"Lahat tayo nagkakamali. Walang perfect." Sabi nito habang napapakagat sa kanyang labi. "Yes, may nagawa kang pagkakamali. Pero baka kasi...baka dahil may mga pagkukulang din ako? O baka sumobra ako kaya mo nagawa yun. Pero kung gusto mong patawarin kita, Violet pinatatawad na kita." Dagdag pa niya kasabay ang muling pagtulo na naman ng mga luha sa mga mata niya.

Ako naman ngayon ang bigla na lang napahagulhol dahil sa narinig mula sa kanya. How can someone forgive so quickly even if they are still in pain?

"At kung inaamin mo sakin yan ngayon para hiwalayan kita, magalit ako sayo o kamuhian kita, I'm sorry V, pero hindi mangyayari yun. At hindi ko rin tatanggapin 'yung breakup na gusto mong mangyari." Pagpapatuloy niya.

"Nangako akong aalagaan kita eh." Sabay hawak nito pisngi ko habang lumuluha pa rin. "Alam kong ang controling ko minsan pero that's only for us naman, V. At wala kang pagkakamali na hindi ko patatawarin, how I wish you knew how much I love you." Napipiyok na saad nito.

God! Mas lalo akong napapaiyak dahil sa mga naririnig ko sa kanya.

Paano ko nagawang lokohin at saktan 'yung taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako at ingatan? Parang pinupunit ang puso ko ngayon, sobrang nakokonsensya ako dahil nagawa ko siyang lokohin.

"Si Nicole ba?" Biglang tanong nito sa akin.

Napatango ako habang nakayuko pa rin. Gusto ko man siyang tanungin kung bakit at paano niya nalaman pero mukhang nababasa niya ang nasa aking isipan.

"I know. I know na madalas kayong magkita ng patago..." Kaya naman mabilis na nag-angat ako ng aking mga mata para tignan siya.

"Girls instinct." Sagot nito. "I just knew it. At mas naramdaman ko noong ipinakilala mo siya sa akin noong araw na nagkasabay tayo sa elevator. Kasi V, you're not a good liar. Tingin at sulyap mo pa lang, nababasa ko na. Alam ko na. And...and t-the way you look at her...parang dinudurog mo na agad ang puso noong araw pa lang na yun. Pero pinalampas ko, baka kasi nag-o-overthink lang ako. Pero tang*na lang! Totoo pala talaga!" Napatawa siya ng pagak ngunit lumuluha pa rin.

"Kaya sorry ha? Hindi kita bibitawan. Ilalaban kita at itong relasyon natin. Hindi ko ugaling mang-away ng mga kabit," ramdam ko ang bigat at pait sa mga sinasabi niyang salita pero nananatili siyang kalmado.

"kilala mo ako, ayaw ko ng away, pero patutunayan ko sa'yo na mas karapat-dapat at deserving ako. Hindi kita bibitawan, kasi mahal na mahal kita eh. Kaya ako na ang makikiusap sa'yo, please, itigil mo na kung ano man ang namamagitan sa inyo. At paki sabi na rin sa kanya, ayaw ko ng may ka-share." Dagdag na sabi pa niya. "At hindi na kita i-shi-share pa ulit sa kanya. Kung gaano ka niya kamahal, palaging doble 'yung pagmamahal ko sa'yo kaysa sa pagmamahal niya."

Kaya wala na akong nagawa pa kundi ang yakapin si Katie ng mahigpit na mahigpit. Habang nag-iiyakan kaming dalawa, habang paulit-ulit akong humihingi ng tawad sa kanya. Habang paulit-ulit niya rin sinasabing napatawad na niya ako at handa siyang kalimutan ang nagawa ko.

Mas lalo lamang akong nadudurog ngayon para sa kanya. Napaka-pure ng kanyang puso, pero nagawa ko pa rin itong sugatan. Dahil lamang sa panandaliang kaligayahan at tawag ng aking laman, nagawa ko siyang pagtaksilan.

Alam kong hindi niya deserve ang lahat ng ito, kaya sa abot ng makakaya ko, gagawin ko ang lahat para makabawi sa mga pagkakamaling nagawa ko.