Now playing: Pagbilang ng Tatlo - Bandang Lapis
Nicole POV
Two weeks nang nakalipas magmula noong huling beses kaming nagkita at nakausap ni Violet.
Two weeks na rin nung huling beses na nayakap ko siya.
Miss na miss ko na siya...
Walang araw, oras at minuto na hindi ko siya naiisip. Walang sandali na hindi ko siya gustong makitang muli, marinig ang boses niya, makita ang maganda niyang mukha, maging ang mga ngiti n'ya.
Ang hirap.
Ang hirap kalimutan ng isang tao na naging bahagi na ng araw-araw mo. Ang hirap na iwaglit at itapon na lang lahat ng mga alaala namin. Bawat segundo at minuto ay para bang labis na pinahihirapan ako. Para akong tino-torture ng paulit-ulit, pinarurusahan.
Sa tuwing naiisip ko siya, sa tuwing nalulungkot ako sa nangyari sa aming dalawa, wala akong ibang magawa kundi ang kumapit sa mga masasayang sandali naming magkasama.
Nakakatawa lang isipin kung minsan, 'yung taong labis na nagbigay sa'yo ng kasiyahan ay siya ring labis na magdudulot sa'yo ng kalungkutan na hindi mo maintindihan kung paano wawakasan.
Namimiss ko na ang mga yakap niya. Ang malambing na mga ngiti at tingin niya. Miss na miss ko na lahat sa kanya.
Simula rin nung araw na huling beses kaming nagkita, naging tahimik na ang buhay ko. Tahimik ngunit nakakadurog ng puso. Kasi wala na siyang paramdam pa, hindi na ako updated sa araw-araw na ginagawa niya.
Wala akong ibang magawa kundi ang mag-isip, kung kumusta na kaya siya? Anong ginagawa niya? Masaya na ba siyang muli? Naiisip niya rin ba ako katulad kung paano ko siya naiisip?
Nakakabaliw.
Nakakabaliw mag-isip pero alam ko naman na hanggang dito na lang ako. Parang nakabalik na kami sa kanya-kanya naming mundo at tuluyan nang nilisan ang mundo na ginawa naming magkasama.
Para maiwasan at hindi ko na siya masyadong isipin pa, muling isinubsob ko na naman ang aking sarili sa trabaho at pag-aaral. Sa gabi ay palagi na akong present sa night out ng mga kaibigan ko. Never ko nang na-miss ang mga party na pinupuntahan nila.
Alam mo 'yung feeling na pinipilit mong magsaya pero nagmumukha ka lang tanga, kasi pinaplastik mo lang ang sarili mo? Napatawa ako ng pagak sa aking isipan.
Pinipilit ko kasing kalimutan 'yung taong ayaw ko namang bitawan, ayaw pang kalimutan ng puso ko.
Hay! Ang hirap. Wala akong ibang masabi palagi kundi ang hirap. Ang hirap niyang kalimutan. Well, hindi ko na nga yata pa siya makakalimutan. Dahil habambuhay ko nang maaalala na si Violet ay minsan ding naging dahilan bakit ako naging masaya.
Napahinga ako ng malalim bago napatingin sa buong paligid ko.
Ang boring. Sabi ko sa loob-loob ko.
Wala naman kaming Prof. Kaya tumayo na muna ako mula sa silya ko at hindi na nag-abala pang magpaalam sa mga kaibigan ko na abala sa kani-kanilang mga ginagawa. Wala rin kasi silang klase kaya naki-join na lamang ang mga ito dito sa aming classroom.
You know, ahead ako ng 2 years sa kanila. Except kay Autumn na pinakabata talaga sa aming lahat.
Agad na nagtungo ako sa likod ng building ng aming College at doon naupo ako sa isang bakante at pahabang upuan na gawa sa kahoy, bago nagsindi ng yosi mula sa bulsa ng jeans ko.
Nakaka-suffocate din kasi sa loob ng classroom. Napakaingay!
Noon lamang din ako nakahinga ng maluwag sa unang hits na ginawa ko. Sana sa bawat pagbuga ko ng usok ay kasabay din nailalabas nito ang bigat na nararamdaman ko. Pero shuta, andoon pa rin eh. Kumikirot-kirot.
"Back to old habits?" Rinig kong tanong tanong ni Skyler na hindi ko alam ay sinundan pala ako. Naupo ito sa tabi ko sabay tingin sa hawak kong yosi. Napakibit balikat lamang ako bago muling napabuga ng usok sa ere.
Natawa siya nang mahina habang napapailing na tinitignan ako.
Problema nito? Tanong ko sa isipan ko.
"Masyado kang maganda para bumuga-buga ng usok riyan. Hindi bagay sa'yo." Komento nito bago napatingin sa ilang estudyante na dumaan sa harap namin.
Agad naman na napayuko ang mga ito noong tinignan sila nang masabi ni Skyler.
"Pwede ba? Mind your own business." Saad ko bago itinapon ang upos ng yosi sa may paanan ko at inapakan ito.
Sandali kaming natahimik pareho, hindi nagtagal ay narinig ko na lang na napahinga ito ng malalim.
"Miss mo na?" Biglang tanong niya. Nagtataka naman ang mga mata na nagbaling ako ng tingin muli sa kanya.
"Violet." Pagbanggit nito sa pangalan ng babaeng pilit ko nang ibinabaon sa limot pero hindi ko magawa-gawa.
Parang may kung anong gumuguhit na kirot sa dibdib ko sa tuwing naririnig ko ang pangalan nito. Napahinga ako nang malalim bago muling napayuko.
"Miss ko na siya." Tumatango-tango na sabi ko at pag-amin sa aking kaibigan. "Pero may magagawa pa ba 'yung miss na yun para maibalik namin 'yung dati?" Dagdag na tanong ko pa at mapaklang napangiti.
Hindi naman na nagsalita pa si Skyler. Muli na naman kaming binalot ng katahimikan pagkatapos ng ilang sandali.
"May tanong ako sa'yo." Pagbasag nitong muli sa katahimikan na bumabalot sa amin. Ngunit alam ko rin na dinadaldal lamang niya ako para hindi masyadong mag-isip at malungkot.
"Anong...anong feeling nang na-i-inlove?"
"Pffttt!" Hindi ko napigilan ang matawa nang mahina. "Oo nga pala, playgirl ka kaya wala kang ideya. Tsk. Tsk." Naiiling na wika ko bago muling napatawa.
Agad naman na tinignan ako nito nang masama.
"Hindi naman dahil dun. Hindi naman ako magiging 'playgirl' kung alam kong mas mahal nila ako kaysa sa pera ko." Pagtatanggol niya sa kanyang sarili habang napapanguso na parang bata.
Well, sa totoo lang may point si Skyler doon. Alam na alam kasi ng lahat kung gaano siya kayaman. Sikat na sikat ang pamilya at mga kompanya nila hindi lang dito sa Pilipinas, kundi sa buong Asia at Europa.
Kaya madalas, yung mga babaeng nakakalandian niya eh hindi lang naman talaga siya ang gusto, mas gusto ng mga ito ang yaman niya.
May katagalan bago ako muling nagsalita. Nakatitig lamang ako sa mukha ni Skyler habang malayo naman ang tingin nito.
"I love her, Sky." Buong puso na pag-amin ko sa kanya bago napangiti nang matamis ngunit nagdurugo ang puso.
Pinipigilan ko ang sarili na maiyak na naman dahil nangako na ako sa sarili kong iyon na ang huling beses na iiyakan ko siya, iyong araw na nagpaalam kami sa isa't isa.
"Pero wala naman nang magagawa 'yung pagmamahal na yun eh. Siguro ang magagawa ko na lang ngayon ay mahalin siya nang ganito, patago, sa malayo." Dagdag ko pa bago napayuko.
"Nasabi mo ba sa kanya na mahal mo siya?" Malungkot na mapapatitig akong muli kay Sky habang napapailing.
"Hindi na rin naman n'ya kailangang malaman pa. I mean, para saan pa, 'di ba? Kapag sinabi ko, pahihirapan lang namin muli ang mga sarili namin at palalalain lang na naman ang sitwasyon." Sagot ko sa kanya.
Napatango ito bilang pagsang-ayon sa sinabi ko.
"Well...for me at least nasabi mo pa rin. Mas okay pa rin na na ipaalam mo sa kanya, kaysa naman hindi mo nasabi at tinago mo lang sa sarili mo. Mas mabigat yun at nandoon ang regrets." Paliwanag nito sa akin.
Dahil doon napaisip na naman ako. Tama rin naman talaga si Skyler eh.
Pero ano pang magagawa ng pagmamahal na yun kung hindi rin naman magiging amin ang isa't isa?
"You know, I've never been in love, Nic. But for me, it doesn't matter if someone doesn't love us back, or you weren't given a chance to have a happy ending, the important thing is that we let them know our true feelings. We only live once, you know?" Sabay kindat na sabi nito sa akin.
Mariin na napalunok ako sa sinabi nito. Habang tumatagal, na-re-realize ko na may sense din pala talagang kausap itong si Skyler. Nakakagulat eh.
Binigyan ko lamang ito ng isang tipid na ngiti bago inilapat ang aking palad sa kanyang noo.
"Wala ka namang lagnat," Panunukso ko. "Pero anong nakain mo at bakit ang dami mo yatang---"
"Hay naku!" Putol nito sa akin kaya napatawa ako. "Bahala ka nga riyan." Pikon na sabi nito sabay tayo. "Mang-chi-chics nalang ako. Baka may mapala pa ako." Sabay kindat muli na sabi niya.
Napapailing na lamang din ako habang sinusundan siya ng tingin papalayo mula sa akin.
Hmp! Kita mo'to, matapos akong daldalin eh iiwanan naman ako.
Kaya nung matapos ang ilang minuto at noong mag-isa na lamang akong muli ay naisipan kong buksan ang phone ko at agad na dumiretso sa instagram account ko.
Pero agad din na pinagsisihan ko iyon noong bumungad sa akin ang mukha ni Violet habang nakahalik naman sa kanyang pisngi si Katie.
Mukha silang masaya, walang problema at kung hindi ko sila kilala, iisipin ko na nakapa-sweet talaga nila.
Napahinga ako nang malalim bago mabilis pinatay ang screen ng phone ko.
So ganon lang yun, Nicole. Sabi ko sa aking sarili. Habang ikaw nagmumukmok, si Violet inaayos na niyang muli ang relasyon niya sa iba.
Napatawa ako bago napailing sa aking sarili.
Wala eh. Sa pag-ibig palaging talo 'yung mga taong unang nahuhulog. Tapos ayun, kapag nahulog na, hindi na alam kung paano ulit babangon. Kaya mas gugustuhin na lang ang mahulog nang mahulog hanggang sa mapagod na lang.