Chapter 26 - TBAB: 24

Now playing - Kundiman - Silent Sanctuary

Violet POV

Bago ako tuluyang lumabas ng Baylight ay ilang minuto ko pang pinanood si Nicole mula sa pinagkukublian ko para hindi niya makita.

Habang isa-isang binibigay at inaabot sa kanya ang violet roses na pakana ko, sa tulong na rin ni Skyler.

Kitang kita ko kung paano naglalaglagan ang kanyang mga luha.

Habang pinagmamasdan ko siya, hindi ko mapigilan ang hindi makaramdam ng sobrang lungkot. Gustong-gusto ko siyang lapitan, yakapin at batiin sa kaarawan niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya.

Pero alam kong hindi na iyon pwede. Hindi na namin pwede gawin ang dating nakasanayan. Kailangan naming ipanatili ang distansya sa aming dalawa.

So, I decided na pagkatapos ng ilan pang sandali ay tuluyan na akong tumalikod at agad na dumiretso sa parking area. Hindi na muna kasi ako nag-duty ngayong gabi. Mabuti na lang at pumayag naman agad si Skyler. Isa kasi siya sa nag-ma-manage na ngayon ng Baylight.

Mabigat ang aking mga hakbang na naglalakad hanggang sa makarating ako sa tapat ng kotse ko. Hindi ko maiwasan ang hindi madismay dahil sa mga nangyayari. Napapamura na lamang din ako sa sarili ko.

Hindi ko man lamang kasi siya magawang lapitan.

Fuck, Violet. Birthday niya pa naman. Sabi ko sa aking sarili habang napapailing na sumakay na ng tuluyan sa loob ng aking sasakyan.

Ngunit hindi ko na muna binuhay ang makina nito. Ewan ko ba, nakikiramdam kasi ako. May kung anong bumubulong sa akin na huwag na muna akong umalis.

"Damn it!" Pagmura kong muli bago napahampas sa manobela.

Ilang sandali pa ang nakalipas nang makita ko si Nicole at Skyler na kalalabas lamang din ng bar. Habang naglalakad ang mga ito papalapit sa kanilang sasakyan.

Parang sinisindihan yung pwet ko. Hindi talaga ako mapakali at sobrang ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang may gustong ipagawa sa akin na hindi ko alam kung ano, pero yung puso ko, alam kong alam niya kung ano ang mas susundin nito.

Kaya naman, napalunok ako ng mariin bago nagdesisyon na muling lumabas mula sa loob ng aking sasakyan.

Bahala na. Sabi ko sa aking sarili.

Mabilis ang mga hakbang na lumapit ako sa kanilang dalawa bago pa man sila tuluyang makasakay sa kanilang sasakyan at makaalis.

"Nicole, wait!" Pagtawag ko sa kanyang pangalan at para na rin pigilan sila..

Kapwa sila mabilis na napalingon ni Skyler sa direksyon ko. Habang si Nicole naman ay agad na nagbawi ng kanyang paningin at mabilis na binuksan agad ang pintuan ng kotse, mabuti na lang at pinigilan siya ni Skyler.

Noong mas malapit na ako sa kanila ay si Skyler ang sumalubong sa akin bago tinanguan ako.

"Sky, please. Can I borrow her?" Nakikiusap ang mga mata na tanong ko sa kanya.

Napaasim ang itsura nito habang napapakamot sa kanyang noo.

"Actually...bad timing eh." Sagot nito sa akin. "Tinakas ko lang siya sa bahay nila. Her parents, Chase and our friends are all waiting for her." Paliwanag nito sa akin bago ako tinitigan ng diretso sa aking mga mata.

Lalo naman akong nalungkot sa sinabi nito kaya napatango na lamang ako.

"I-I undertand, Sky." Malungkot ang ngiti na iginawad ko sa kanya.

"BUT..." Biglang sabi nito kaya agad din akong nabuhayan ng loob. "Alam ko naman talaga na di mo siya matitiis, kaya alam ko rin na mangyayari 'to. Don't worry sagot kita, my friend." Sabay kindat na dagdag pa niya. "Pero kay Nicole pa rin ang desisyon. Hindi sa akin."

Napatango ako ng marmaing beses at dahil sa tuwa ko ay bigla ko na lamang siyang nayakap nang disoras.

At noong kumalas na ako mula sa pag yakap ay siya namang biglang sumeryoso ang mukha nito.

"Ito seryosong usapan. Ngayon lang 'to V, ah. Dahil birthday niya. Hindi na' to mauulit hangga't taken ka at pati na rin siya." Napalunok ako dahil sa boses niya palang ay parang may pagbabanta na.

Magsasalita na sana ako nung bigla niya akong paluin sa aking braso.

"Uy! Joke lang. Masyado ka namang kinabahan. Pero seryoso ako ah! Isuli mo siya ng buo at hindi luhaan mamaya. Ako ang susundo sa kanya para sabay kaming uuwi." Muli akong napangiti sa sinabi nito habang napapatango.

"Promise!" Pagbibigay ko ng pangako at assurance sa kanya. Pagkatapos ay napamusyon ito na pwede ko nang lapitan si Nicole.

Habang ako naman ay nanginginig ang mga tuhod na tuluyang lumapit na nga sa kanya.

Si Skyler naman ay agad na dumiretso sa driver seat ng kanyang sasakyan.

Sasakay na rin sana si Nicole noong mabilis ko siyang pinigilan sa kanyang braso.

"Nicole, wait." Kaya agad na natigilan ito. Napasulyap ako sa loob ng sasakyan na halos punong-puno ng mga bulaklak na ibinigay sa kanya kanina ng mga nanood. Hindi ko naman napigilan ang napangiti habang tinitignan ang nga ito.

"V-Violet, uuwi na kami at---"

"I just wanna be with you." Mabilis na putol ko sa kanya at tinignan siya ng diretso sa kanyang mga mata.

Ilang segundo kaming nagkatitigan at magsasalita na sana itong muli nang biglang sumigaw si Skyler.

"She's all yours, V! And enjoy the moment, Nic. I'll pick you up later, okay?" Habang kumakaway sa aming dalawa

"WHAT?!" Gulat na tanong ni Nicole. "Iiiwan mo talaga ako rito---" Ngunit natigilan siya dahil mabilis nang pinasibad si Skyler ang kanyang sasakyan papalayo.

Habang si Nicole naman ay parang natataranta na hinabol agad ito, pero huli na dahil nakakalayo na ang kanyang kaibigan.

Mabilis naman ang mga hakbang na lumapit ako sa kanya. Gusto kong umakto na parang normal lang, iyong katulad nang nakasanayan namin, para hindi masyadong awkward.

"Well, I guess it's just and me." Nakangising sabi ko sa kanya habang siya ay para nang maiiyak sa nerbyos. At pabalang na muling hinarap ako habang dinuduro ako sa aking mukha.

"You!"

"Yes, me?" Sabay turo ko sa aking sarili pagkatapos ay napangiti ng pagkalawak-lawak.

Ba't ba? Masaya ako ngayon. Iyong lungkot ko na dalawang buwan sa isang iglap ay biglang naglaho dahil nandito na siyang muli sa aking harapan.

"Wag kang ngumiti-ngiti riyan!" Nag-uunahan sa pagtaas baba ang kanyang dibdib, nagbabadya na malapit na siyang umiyak. "Napag-usapan na natin ito, 'di ba? Hindi na tayo pwedeng magkita, lumapit sa isa't isa, pero ano itong ginagawa mo?! Gusto mo ba talagang mapahamak ta---"

"I miss you!" Putol ko sa kanya habang humahakbang para mas makalapit pa. "I miss you so much, Nicole. Please, gusto ko lang makasama ka ulit, k-kahit ngayon lang na birthday mo." Dagdag ko pa at tuluyang huminto sa tapat niya.

"Alam kong mamaya, pag-uwi mo, back to normal na ulit. Kasama mo ang boyfriend mo, ang family mo, ang mga kaibigan mo, habang ako parang mababaliw kakaisip, anong pwede kong magawa para sa'yo sa kaarawan mo---"

"Sinabi ko na sa'yo, hindi mo na ako kailangang problemahin pa, Violet. I am not your responsibility---"

"Then tell me, ayaw mo ba talaga 'to?" Muling putol ko sa kanya. "H-Hindi ka ba talaga masaya na nandito ako sa harap mo?"

Napalunok ito nang mariin, kasabay noon ang pagpatak ng kanyang mga luha habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata.

"Kung alam mo lang, V. How much I want to hold you right now." Napapakagat sa labi na sabi niya.

I can feel her sadness and pain. Kaya naman pinutol ko na ang namamagitan space na isang hakbang sa aming dalawa.

"Then hold me, Nicole." Wika ko habang hindi inaalis ang aking mga mata sa kanyang mukha. Bago dahan-dahan na kinuha ang kanang kamay niya at marahan na inilapat iyon sa pisngi ko.

Patuloy lang sa pag-agos ang kanyang mga luha. Hindi niya rin magawang alisin ang kanyang mga mata sa akin. Parang kinakabisado nito ang mukha ko. Iyong feeling parang inaalala niya kung ganoon pa rin ba yung mukha ko, katulad nang huli kaming magkita.

"I-I miss you..." Sinasabi niya iyon habang humihikbi. "M-Miss na miss kita... " Pagkatapos ay mabilis at walang sabi na niyakap n'ya na ako ng tuluyan.

Naging pagkakataon ko rin iyon para yakapin na rin siya ng tuluyan. Iyong yakap na sobrang hinangad ko na muling magawa para sa kanya. Iyong yakap na parang ayaw ko na siyang bitawan at ibalik sa kung saan siya nararapat.

Sandali pa kaming nagtagal sa ganoong posisyon hanggang sa napagpasyahan namin na simulan nang sulitin ang naiiwang oras para sa aming dalawa.

Hindi kami gumamit ng sasakyan. Mula sa Baylight ay magkahawak kamay kaming naglakad. Tatakbo sa gitna ng kalsada kapag walang sasakyan, magtatawanan, maghahabulan na parang mga bata at sisilip sa ilang mga bar na aming madadaanan para bumili ng beer at tatambay sandali tapos aalis na naman.

Iyong mga simpleng sandaling kasama siya ay nagiging sobrang special dahil sa kanya. Iyong simpleng marinig ko lang ang boses at mga tawa niya, sobrang okay na ako.

Makita ko lang ang maganda niyang mukha at matatamis na mga ngiti niya, sobrang kinakalma na ang kalooban ko. Panatag na ako.

Mga bagay na tanging kay Nicole ko lamang nararamdaman. Mga bagay na kahit ang bigat ng realidad na aming pinagdadanaan, pero kapag nasa tabi ko siya, lahat nagiging magaan.

"V, thank you ha." Biglang pasasalamat nito sa akin. Magkahawak pa rin ang aming mga kamay habang naglalakad ngayon, naghahanap ng convenience store na pwede naming makainan.

Bigla kasi akong nagutom, ganoon din siya.

"Thank you kasi hindi ka nagdalawang isip na gustuhin akong makasama. Thank you sa pagkanta kanina. Uy! ikaw ah!" Sabay ibinangga nito ang kanyang katawan sa akin. Napahinto kami sandali sa aming paglalakad.

"Hindi mo sinabi, may talent ka pala. Ang ganda ng boses mo, alam mo yun?" Nakangiting komento niya. Napalunok ako at agad na binigyan din siya ng matamis at nahihiya na pag ngiti, bago hinawi ang buhok nitong humaharang sa kanyang noo at inipit sa likod ng kanyang tenga.

"Basta para sa'yo, I would do everything." Buong puso na sabi ko sa kanya. Bago napadako ang mga mata ko sa nakaawang na labi niya.

Ngunit agad din naman akong napatikhim at nagbawi ng aking paningin, bago muling ipinagpatuloy ang paglalakad.

Hanggang sa tuluyang nakahanap na nga kami ng aming pwedeng makainan. Bumili lang kami ng cup noodless at syempre, nilagyan ng tubig na mainit at doon na rin kumain.

Sa labas ng store ay may naka-arrange na pwedeng kainan at upuan kaya doon kami pumwesto, sakto rin dahil mag-aalas kwatro na ng umaga. Masarap tumambay kapag gantong paliwanag na ang paligid.

'Para kang asukal, sing tamis mong magmahal

Para kang pintura, buhay ko, ikaw ang nagpunta'

Habang kumakain kami bigla na lang tumugtog ang kantang Kundiman ng Silent Sanctuary. Alam kong naririnig din iyon ni Nicole dahil nasa loob lamang ng store nang gagaling ang tugtog. At isa pa, napahinto siya sandali sa pagsubo ng kanyang pagkain ngunit agad din itong nagpatuloy pagkaraan ng ilang segundo.

'Para kang unan, pinapainit mo ang tiyan

Para kang kumit, na yumayakap sa tuwing ako' y nalulungkot'

"Kaya't 'wag magtataka, kung bakit ayaw kitang mawala. Kundiman tayo hanggang dulo," Bigla ko na lamang sinabayan ang chorus nito habang nakatingin ng diretso sa magandang babae na nasa tabi ko.

Agad din naman siyang napahinto at may alanganing ngiti na tinignan ako. "Wag mong kalimutan nandito lang ako laging umaalalay, hindi ako lalayo, dahil ang tanging panalangin ko," kinuha ko ang kamay nito at hinalikan.

"Ay ikaw..." Pagkatapos ay bigla na lang na muling tumulo ang mga luha niya at niyakap ako. Habang ako ay napapapunas din sa aking sariling luha bago kumalas sa kanya.

"Happy birthday again, my moon." Buong puso na muling pagbati ko sa kanya.

Nagtatanong naman ang mga mata na muling napangiti siya habang napapapunas ng kanyang sariling luha.

"Moon?"

Napatango ako. "Yup! Wag mo na itanong kung bakit dahil---"

"Why? Bakit moon? Come on, tell me." Pangungulit pa niya.

Yes, she's my moon. All I can do is admire and love her from afar, but I cannot own her. Pero syempre, hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya yun.

Hinawakan ko siya sa kanyang magkabilaang balikat at tinignan ng diretso sa kanyang mga mata.

"Basta." Tipid na sagot ko. Bago napasulyap sa wrist watch na suot ko.

"It's time, Nic. Skyler will be here soon."

Natahimik ito bigla at napapatango na muling nagbaling ng tingin sa akin.

"So, this our second...goodbye?" Napiyok pa sa dulo na tanong niya at hirap na napalunok muli.

Binigyan ko lamang siya ng assurance smile para hindi na masyadong mag-alala pa. Yung ngiti na nagsasabing magiging okay din ang lahat.

"Come here!" Bago ko siya muling niyakap ng mahigpit. "This isn't goodbye, but see you around, Nic." Bulong ko sa kanya.

At noong sandaling kumalas kaming muli sa isa't isa ay marahan na hinalikan ko siya sa kanyang noo.

Napapikit pa ito noong maglapat ang labi ko sa balat niya. Nagulat na lang kami noong may biglang bumusina.

Si Skyler na kararating lang.

Tumayo na kami at inayos ang aming pinagkainan bago itinapon sa tamang basurahan.

Tahimik na kaming muli habang naglalakad palapit sa kotse ni Skyler. Hindi na rin naman iyon nagtagal pa nang pagbuksan ko siya ng pintuan sa passenger seat.

Ngunit bago pa man siya tuluyang makasakay at makapasok sa loob ay muling tinawag ni Nicole ang pangalan ko.

Sumakto naman na paglingon ko ay siyang paglapat ng labi niya sa gilid ng labi ko. Inaamin kong nagulat ako sa kanyang ginawa. Napapikit ako at napasinghap na rin.

"Please, take care. And I---" Napahinto ito sandali bago napalunok ng mariin. Habang ako naman ang naghihintay lamang sa susunod niyang dapat sabihin. "I-I gotta go." Binigyan niya ako ng huling ngiti bago tuluyang pumasok na sa loob.

Nagpasalamat din ako sandali kay Skyler bago sila tuluyang makaalis. Sinusundan ko ng tingin ang kanilang sinasakyan papalayo, hanggang sa mawala na ito sa aking paningin, bago ako pumara ng taxi para makuha ang aking kotse sa Baylight.

Alam kong naghihintay na si Katie. Alam kong hindi naman siya magtataka kung bakit inumaga na ako ng uwi, dahil ang alam niya ay naka-duty ako buong gabi.