Chapter 27 - TBAB: 25

Katie POV

Love...

Ilan na nga ba ang sumubok na gawin at sumugal para rito, pero palaging nauuwi sa pagkabigo? Palaging luhaan at madalas, talo.

Ilan na nga ba ang nakaranas ng saya na dulot nito ngunit pagdating sa dulo sobrang sakit at pighati ang kapalit na ibibigay sa'yo. Palagi lang naman kasi sa umpisa ang lahat. Sa umpisa lang ang may kilig, may saya at may excitement.

Bakit nga ba hindi kayang maging cosistent ng isang tao? Bakit kailangan may pagbabago? Bakit kailangan mawala 'yung mga bagay na nakasanayan mo nang gawin n'ya para sa'yo? Bakit kailangan 'yung saya at ngiti na makikita sa mga mata mo--- ay unti-unting maglaho?

Well, gano'n naman talaga. I mean, that's life! Kailangan nating tanggapin na kasama sa ating buhay ang pagbabago, sa relasyon pa kaya? Lahat naman talaga nagbabago, right? Walang permanente sa mundo. Pero sana 'yung pagbabago na iyon ay for the better, minsan kasi nagbabago tayo sa isang tao, dahil napapagod na tayo, nagsasawa or dahil gusto lang natin at nagiging habit na ang mga bagay na nakasanayan na lang, kaya nawawalan na ng spark, wala nang SPICE ang relasyon.

Minsan din naman, nagbabago tayo dahil pagod na tayo. Hindi sa taong mahal natin, kundi pagod na tayo sa araw-araw na hamon ng buhay. Napapagod na tayo sa maraming bagay. Kaya mas ginugusto na lang natin ang magpahinga para mag-iwan ng bagong lakas kinabukasan.

Pero sana kahit na anong pagod natin, wag nating kalilimutang magpahinga. Kasama 'yung isang tao na pagod na rin, pero pinipili niyang lumaban para sa inyong dalawa.

Kahit anong pagod natin, wag sana nating kalilimutan na may isang tao tayo na pwedeng takbuhan at pwede nating pahingahan. Isang tao na naghihintay palagi para yakapin ka, samahan ka at iparamdam sa'yo na kahit gaano pa kalupit ang mundo, hinding-hindi ka niya susukuan.

Kaya nga may tinatawag na 'quality time' sa isang relasyon eh. Kasi doon ninyo dapat pag-usapan 'yung mga bagay na dapat ninyong i-solve na dalawa, na magkasama. Kapag hindi mo na kaya, kapag feeling mo down na down ka na at hirap na hirap ka na, sasamahan ka niya. Sabihin mo lahat ng nararamdaman mo sa kanya, lahat ng sama ng loob, lahat ng pagod kasi makikinig at pakikinggan ka niya.

Kakampi mo siya eh. Dama niya lahat ng nararamdaman mo kahit na hindi mo sabihin. Kasi other half mo siya, PARTNER mo siya. Hindi MARAPAT at hindi KAILANGANG hanapin sa iba 'yung mga bagay na kaya niya namang ibigay, pero mas pinili mong hanapin sa iba.

At sa relasyon namin ni Violet, iyon ang nakikita ko.

Nakikita kong malaki ang pagkukulang ko. Masyado kasi akong naging abala sa paghahawak ng negosyo ng mga magulang ko. Kaya mas pinili niyang hanapin at damhin mula sa iba 'yung mga bagay na hindi ko na magawa para sa kanya.

Sa aming dalawa, inaamin ko na ako talaga ang unang nagbago. Hindi sa pagmamahal ko sa kanya, kundi nagbago ako dahil mas kailangan ko nang hatiin ang mga oras ko at hindi lahat ng iyon ay maibibigay ko na sa kanya.

I mean, kailangan kong paghandaan ang future namin. Kasi sa totoo lang, 'yung work niya, I know na legal yun, marapat at hindi ko iyon minamaliit, pero hindi naman talaga makakabigay yun ng maayos na future para sa aming dalawa. Real talk lang.

Kaya minsan kinakailangan ko siyang kausapin, tanungin, what's her plan for us? Pero nauuwi lang ang lahat sa pagtatalo.

Hindi ko lang mapigilan ang hindi masaktan habang inaalala 'yung dating kami. Napangiti ako ng mapakla sa aking sarili.

I really miss her.

Miss na miss ko na 'yung dating kami. Hindi katulad ngayon na alam kong may kahati na ako sa puso niya at madalas, hindi na ako ang laman ng isipan niya. Pero pinili kong ilaban pa rin. At muli akong magsusugal para sa aming dalawa dahil sobrang mahal ko siya.

Alam mo 'yung feeling na nakakamiss 'yung tipo na kapag nakita mo siya, para bang humihinto ang mundo mo. Parang may kung anong nagliliparan sa sikmura mo, para kang inilulutang sa ere kapag nagtama ang mga mata ninyo, lalo na kapag nakita mo na ang mga ngiti niya, minsan parang nakakalimutan mo nang huminga dahil sa magkahalong saya at kaba.

Ang sarap magmahal at makaramdam ng pagmamahal mula sa taong minamahal mo. Bawat sandali gusto mo siyang makasama, ibigay ang lahat para sa kanya. Gusto mo siyang alagaan, ingatan na parang iyong tunay na kayamanan at hindi mo hahayaan na may ibang makalapit o makahawak sa kanya.

Sa love, pwede kang maging selfish. Kasi sino ba naman ang may gusto na merong kahati sa taong minamahal niya? Syempre wala. Lahat tayo naghahangad ng pag-ibig na buo at hindi kalahati. Naghahangad tayo ng pag-ibig na sa atin lamang ipapadama at ipagdadamot n'ya sa iba.

Kaso wala eh. Dumarating talaga sa maraming pagsubok ang isang relasyon.

Ang nakakatawa pa, sabi ko noon, hindi ako maghahabol sa taong lolokohin lang ako. Hindi ako magpapakamartir pa lamang sa sinsabing pag-ibig. Pero ang nangyari? Kinain ko lahat ng sinabi ko.

Natigil ang malalim kong pag-iisip nang biglang pumasok sa opisina ko ang sekretarya ko.

"Ma'am, are you expecting visitors today? because there's someone looking for you." Pagbigay alam nito sa akin na agad na ikinakunot ng noo ko.

"I am not expecting anyone today." Nagtataka na saad ko bago napatayo. "Anong pangalan?"

"Chase." Agad akong natigilan noong marinig ang pangalan na iyon. Kusa na lamang din na bumilis ang pagtibok ng aking puso. "He said, he's a friend. And he really wants to talk to you privately."

Sandali akong napaisip bago napatango.

"Alright, tell him, I'll meet him in the conference room."

"Copy that, ma'am." Pagkatapos ay lumabas na rin ito kaagad.

Habang ako naman ay naiwan sa loob ng aking opisina na hindi mapakali. At ano naman kayang kailangan sa akin ng boyfriend ni Nicole?

Pagkatapos kong kalmahin ang aking sarili ay agad na dumiretso na rin ako sa conference kung saan naghihintay sa akin si Chase.

Pagdating ko roon ay hindi na ito nagpaligoy-ligoy pa at agad na sinabi nito sa akin kung ano ang pakay n'ya.

Napatawa ako ng mapakla bago siya tinignan nang diretso sa kanyang mga mata habang napapailing.

"Gusto mo akong pigilan si Violet sa pakikipagkita kay Nicole." Napatango ito. "Gusto mong ilabas ko ng bansa si Violet, umalis kami, iwan 'yung buhay na meron kami rito para sa plano mo. Gano'n ba?"

"Look, Katie. It's a win win situation. Makakasama mo si Violet nang wala ng involve na Nicole at gano'n din ako. Para everybody happy. Right?" Muling naging maasim ang itsura ko.

"How childish!" Hindi ko napigilang sabihin. Agad naman na nag-iba ang awra nito.

"What did you just say?"

"Ang sabi ko, ang childish mo." Pag-ulit ko sa aking sinabi. "Talagang naisipan mo na ang pag-alis namin ni Violet ng bansa ang magiging solusyon? FYI, kahit saang bansa pa kami mapadpad kung gusto nila ang isa't isa, wala na tayong magagawa." Giit ko sa kanya.

"You know what, Chase? Hindi ko na problema kung nagkakagulo pa rin kayo ni Nicole ngayon. Girlfriend mo siya, responsibilidad mo siya. Huwag mo na akong idamay pa sa mga plano mo dahil kami ni Violet, OKAY na kami." Pero sa halip sumang-ayon ito ay natawa lamang siya ng sarcastic.

"Wag ka ngang martir! Niloko nila tayo. Tapos ipagtatanggol mo pa talaga si Violet dahil---"

"Dahil mahal ko siya. Of course ipagtatanggol ko siya sa iba." Putol ko sa kanya. "Ipaglalaban ko siya sa paraang alam ko at hindi ko kailangang ipagpilitan ang bagay na hindi ko dapat gawin." Pagpapatuloy ko.

"Pwede ba? Problema ng relasyon ninyo ni Nicole yan. Labas na kami ni Violet d'yan. At 'wag na 'wag kang magkakamaling idamay pa si Violet dahil ako ang makakalaban mo!" Matigas na dagdag ko pa ngunit nginisian lamang n'ya ako.

"Oh, really? Are you threatening me?"

"No. I'm telling you what I am capable of, Chase." Titig na titig at matapang na sabi ko sa kanya.

"Alright then," pagsuko nito sa aming usapan. "Kung hindi kita makukumbinsi, baka may iba pa namang paraan." Dagdag pa niya. "Tandaan mo, bilog ang mundo. Tsk. Lalapit ka rin sa'kin at hihingi ng tulong." Pagkatapos ay tuluyan na ako nitong tinalikuran ngunit bago pa man siya makalabas ng conference room ay muli akong nagsalita.

"No wonder, kung bakit ka pinagpalit ni Nicole sa girlfriend ko." Nakangisi at iiling-iling na wika ko bago siya tinalikuran.

Aba! Hindi pwede na siya ang mag-wo-walk out, ano? Dapat ako. Siya itong may kailangan sakin eh. Tss!

---

Chase POV

"So, what happened? I'm expecting a piece of good news from you, Chase."

Napahinga ako nang malalim bago napa-face palm.

"I knew it! Tsk. Tsk. Tsk. Sabi ko naman kasi sa'yo, ako lang ang pag-asa mo. Hindi si Katie, hindi kahit na sino. Ayaw mo maniwala eh." Wika nito bago lumapit sa akin at binigyan ako ng alak.

"Why not iligpit na lang natin si Katie para ako nang bahala kay Violet. At ikaw kay Nicole. See? Mas madali, magkakaroon pa kami ni Violet ng masayang ending."

Mabilis naman na napatingin ako sa kanya at kwenelyuhan siya.

"Ililigpit mo si Katie? At pagkatapos sinong isusunod mo? Si Nicole? Dahil isa pa rin siya sa magiging hadlang sa inyong dalawa ni Violet? I won't let that happen, Aisha! Over my dead body!" Pagkatapos ay malakas na itinulak siya palayo sa akin.

Ngunit parang baliw na pinagtawanan lamang ako nito. At hindi man lamang natinag sa ginawa ko.

She's a real psycho.

"You're so smart, Chase." Maarte ang boses na sabi niya. "But I have my own ways, don't worry. You'll get your happy ending with Nicole. Yun ay kung hindi s'ya magiging hadlang sa mga plano ko." Dagdag pa niya.

"Well, its your job naman eh. Magtutulungan lang tayo. Tutulungan mo ako 'di ba, Chase?" Nag-uunahan sa pagtaas baba ang aking dibdib habang nakatingin ng diretso sa kanya bago napatango.

"What? You'll see, Chase. You have to trust me with this. And that Katie, pag-iisipan ko kung ano ang dapat na gawin sa kanya." Pagkatapos ay napakindat ito at tuluyan na nga akong iniwan pabalik sa kanyang inuupuan.

Agad naman na may kung anong kinalikot ito sa kanyang laptop. At kung ano man iyon, wala ako sa lugar para malaman.