Chapter 31 - TBAB: 29

Now playing: Only You - Joseph Vincent

Nicole POV

Tatlong araw...

Tatlong araw na kaming nandito ni Violet sa hacienda nina Skyler. Inaamin kong naiinip na rin ako at namimi-miss ko nang bisitahin ang Coffee Shop. Ilang absences na rin ang meron ako sa eskwelahan.

Pero alam kong sa mga sandaling ito ay mainit pa rin ako kay Chase. Kung dati hindi ko pa siya kilala kapag nagagalit, ngayon, parang kayang-kaya niyang pumatay ng tao dahil lamang sa pagseselos.

Bagay na ayoko na rin kasi sanang malaman pa ng mga magulang ko kung maaari. Iba kasi ang mga iyong kung kumilos. Kayang-kaya ko namang i-handle, ba't ko pa hahayaang makarating sa kanila, right? I'll explain na lang sa kanila pagkatapos ng lahat.

Well, hindi ko rin naman kasi talaga masisisi si Chase eh. Wala namang tao ang may gusto na lokohin ng taong minamahal niya, right?

At marahil tama s'ya, ang mga nangyayari ngayon ay consequence lamang ng mga nagawa ko sa kanya dahil pinagtaksilan ko siya.

Napahinga ako nang malalim bago pupungas-pungas na tuluyang bumangon na mula sa higaan. Agad na nagtungo ako sa banyo para maligo at gawin ang ibang routine ko. Hindi ko kasi namalayan ang oras at magtatanghaling tapat na pala.

Wala na rin kasi si Violet sa tabi ko noong magising ako. Hmp! At saan naman kaya nagtungo 'yung babaeng 'yun? Sana hinintay man lamang niya ako. Nagtatampo na wika ko sa aking sarili.

Hindi na rin naman ako nagtagal pa. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay agad na lumabas na rin ako ng kwarto para hanapin si Violet. Nauna akong nagtungo sa sala pero walang kahit isang sign niya ang naroon. Palabas na sana ako ng bahay noong awtomatikong natigilan ako sa aking mga hakbang dahil sa naamoy na masarap na putaheng niluluto.

Para iyong iniihaw na marinated na liempo, na may iniihaw ding isda or kung ano mang seafoods. Awtomatikong napahawak din ako sa t'yan ko dahil bigla na lamang din akong nagutom.

Kusang gumuhit agad ang matamis na ngiti sa mga labi ko at mabilis ang mga hakbang na nagtungo sa kusina.

Ngunit laking gulat ko pagdating roon ay wala kahit isang tao. At nasaan naman kaya 'yung naamoy kung iyon?

Imposible naman kasi na galing sa kapitbahay dahil wala namang ibang bahay ang nandito, kundi kulungan na ng mga kabayo at malawak na maisan at manggahan.

Napahinga ako ng malalim at nagdesisyon na tuluyang lumabas na nga ng bahay. Hanggang sa may marinig ako na malakas na tugtugan na nagmumula sa may taniman ng mga palay.

May nakita ako na dalawang trabahante na nagmamadali sa kanilang paglalakad patungo roon. Agad na tinawag ko ang mga ito at tinanong kung anong meron at kung bakit parang nagmamadali yata sila.

Napakamot sa batok iyong medyo binatilyo habang parang nahihiyang tumingin sa akin.

"Eh kasi ma'am Nicole, 'yung asawa n'yo nagpahanda para sa mga trabahante. Nagpa-lechon po siya at iba pang mga masasarap na putahe kaya po nagkakasiyahan ngayon." Awtomatiko naman na napakagat ako sa aking labi para pigilan ang aking pag ngiti dahil sa sinabi n'ya.

Asawa? Nangingiti na tanong ko sa aking sarili dahil sa kilig.

Asawa ko raw si Violet.

Sa sobrang tuwa ko ay bigla ko na lamang na napalo nang medyo may kalakasan sa kanyang braso. Kapwa rin kami nagulat pagkatapos dahil sa nagawa ko atsaka nagtawanan. Alam kong namumula ang mukha ko ngayon sa harap niya. Eh kasi naman, nakakakilig.

"Ano ka ba, hindi ko asawa si Violet." Nahihiya na sabi ko sa kanya ngunit sa loob-loob ko ay gustong-gusto ko naman.

"Naku ma'am! Dun na rin po 'yun papunta." Sagot naman ng kanyang ina na nakikitawa lamang din sa amin ng anak niya.

Isang malawak na ngiti ang iginawad ko sa kanilang muli. "Tayo na nga!" Biglang pag-aya ko sa kanilang dalawa. Aba syempre, ayaw kong mawala 'yung kilig na meron sa dibdib ko ngayon, ano?

Pagdating namin roon ay agad na binati ako ng ibang trabahante. Makikita mula sa kanilang mga mukha ang excitement at saya na nararamdaman sa mga sandaling ito.

Nakahanda na ang ibang putahe sa ibabaw ng pahabang lamesa na gawa sa kahoy at kawayan. Nasa gitna na rin nito ang malaking letchong baboy na halatang kakahango lamang mula sa apoy.

Nakahain ang lahat ng putahe sa pinagdikit-dkikit na dahon ng saging. Mayroong litsong manok rin, tama ako dahil may mga inihaw na isda at iba't ibang uri pa ng seafoods, mayroong prutas at gulay.

Buko juice na fresh na fresh mula sa niyogan at fresh mango juice mula sa mga tanim din dito sa hacienda. Grabeeee! Parang Fiesta!

"Ang saya naman nito!" Hindi ko mapigilang komento habang iginagala ang paningin sa paligid.

"Okay lang ho ba kayong lahat?" Tanong ko sa kanila.

Mabilis naman silang napatango habang mayroong malawak na ngiti sa kanilang mga labi.

"Ayos na ayos ma'am Nicole." Sagot nila.

"Sana nga ho sa susunod kasama niyo na rin ang mga kaibigan ninyo para mas masaya." Dagdag pa ng isang may katandaan nang babae na ang alam kong paborito sa amin ay si Skyler.

Syempre, amo niya iyon eh.

Napatawa ako sa sinabi nito. "Hayaan niyo po sa susunod kakaladkarin ko na sila pabalik dito." Sagot ko kaya naman agad silang nagtawanang lahat.

Gosh! Napaka-presko ng paligid. Ang sariwa ng hangin at ang ganda ng view kaya alam kung masarap talagang kumain kapag ganitong may pagsasalu-saluhan.

Hanggang sa nahanap ng mga mata ko ang mukha ng babae na kanina ko pa gustong makita. Pinapanood lamang pala nito ang mga kilos ko. Lumapit ako sa kanya nang mayroong malawak na ngiti sa aking labi.

Nakasuot lamang ito ng lumang damit ni Aunt Bily. Wala naman kasing mga gamit dito si Skyler dahil bihira lang siyang pumunta rito. Mabuti na lang ay maraming unused underwear kaya may nagagamit kami. Hehehe.

Hindi ko mapigilan ang hindi mapalunok at lalong mamangha sa akin nitong kagandahan, bagay na bagay sa kanya ang suot nitong white t-shirt na pinatungan ng long sleeve polo na kulay light blue at tinupi hanggang siko. Isang kupas na fitted maong jeans at farm boots naman sa pang ibaba. Plus, mayroon pa siyang suot na cowboy hat.

Hindi ba ang hot lang niyang tignan? Gosh! Mabuti na lang at akin na itong dyosa na ito.

"Stop staring at me. Sa'yo na ako." Bulong nito.

"And stop biting your lips, I'm yours too." Ganting bulong ko naman sa kanya bago siya pinalo sa pwet at patakbong lumayo sa kanya para tumulong sa paghain dahil may mga naiiwang putahe pa ang hindi nailalagay sa lamesa.

Pagkatapos ng ilang sandali ay sinimulan na nga ang salu-salo. Mayroong nag-lead ng prayer, may mga nagbigay ng minsahe para sa girlfriend ko dahil sobrang na-appreciate nila ang pagiging generous nito.

"Pag dumating si Skyler, hingi ka ng reimbursement ha?" Pabiro at pabulong na sabi ko sa kanya habang sinusubuan siya.

Natawa naman ito bago tuluyang nginuya ang pagkain na nasa kanyang bibig.

"Bakit naman?" Clueless na tanong niya.

"Eh hindi mo naman dapat ito ginagawa." Pabiro na wika kong muli. "Mga trabahante nila ito kaya dapat siya nag-te-treat sa mga tao nila---"

"Ano ka ba, kusang loob kong ginawa 'to. Ang babait nilang lahat sa atin kaya deserve nilang i-treat kahit simpleng salu-salo lang." Putol nito sa akin at paliwanag na rin. "Wag mo nga paandarin 'yang magiging negosyante mo." Tumatawa na dagdag pa niya atsaka ako naman ang muling sinubuan.

Bigla naman kaming natigilan noong napa-yiiieeee ang lahat ng mga kasama namin dahil kanina pa kami nagpapalitan ng subo sa isa't isa.

"Ang sweet naman niyaaarrrn!"

"Yay! Baka tayo langgamin mga ma'am ah!"

"Kasalan na ba ang kasunod nito?" Tanong naman nung binatilyo kanina na tinanungan ko at pagkatapos ay sabay-sabay kaming nagtawanan.

"Kapag ba kinasal kayo mga ma'am, invited din po ba kami?" Tanong ng isang babae na nasa tingin ko ay ka-age ni Autumn.

"Aba, oo naman!" Mabilis na sagot ni Violet. "Kung gusto niyo iba rin po ang handaan pagkatapos ng kasal at magpapahanda rin po tayo rito, 'yung ganito, para sa inyo lang. Para iyong mga hindi makakapunta eh, makakakain din, gusto niyo po ba 'yun?"

Agad naman na naging mas maingay ang lahat dahil sa tuwang-tuwa kay Violet.

Habang ako naman ay simpleng pinapanood at pinagmamasdan lamang siya na masayang nakikipag-usap sa kanilang lahat. Gosh! Hindi ko mapigilan ang hindi lalong ma-in love sa kanya. Nakapataba ng kanyang puso para sa lahat.

Hindi niya naman kaanu-ano ang mga ito pero sa tatlong araw na pamamalagi namin dito ay sobrang napalapit na siya sa kanilang lahat.

Dahil doon ay hindi ko napigilan ang muling ilapit ang aking bibig sa kanya para bulungan siya.

"I am so blessed to have you." Bulong ko. Nagtataka naman ang mga mata na tinignan niya ako. "Ganito ka ba kahit sa mga trabahante sa farm ninyo?" Tanong ko sa kanya.

Hindi ito sumagot at sa halip ay isang malawak na ngiti lamang ang ibinigay niya sa akin. Iyong ngiti na para bang biglang mayroong ideya siyang naisip.

"Thank you! Because of you, I think I have now found what my purpose really is." Nagnining-ning ang mga mata na sagot niya.

"Hmmm. Caring is sharing." Malambing na sabi ko sa kanya.

Napatango siya. "Of course, I will tell you."

Pagkatapos noon ay muling ipinagpatuloy na namin ang aming pagkain at sinulit ang moment na makipag-kwentuhan sa ibang trabahante. Habang iyong iba naman ay bumalik na sa kanya-kanyang trabaho nila.

Ang sarap talaga sa feeling kapag kasama mo sa buhay ay iyong mga simpleng tao lamang. Less stress at para bang ang gaan lang ng buhay? Walang malaking problema na iisipin.

Hayyyy. Lalo na kapag may kasama pang isang Violet Torres sa buhay, mas nagiging magaan ang lahat, mas nagiging masaya at simple ang lahat.

Hinding-hindi ko na talaga siya pakakawalan pa. No matter what it takes, I will fight for her.